Ang mga bata ay may ibat-ibang gawain o talento na tinataglay.
Mapapansin natin na may dalwang bata ang nag lalaro at nag papapagayo ng sarangola. Sila ay masaya. Batid natin ang saya at ngiti na hindi mabubura sa kanilang mga labi. Ang pag awit ay isang talento na kailangan natin ipagmalaki. Bose sang kaniyang puhunan upang ipakita ang kaniyang taglay na talento. May mga bata naman na mahilig mag aral. Siya ay nagbabasa ng mga libro,komiks, tula o mga talambuhay. Tahimik na lugar ang gusto niya. Dahil mas mauunawaan ang binabasa kung ikaw ay nasa tahimik na pook. May mga taong gusto ay mapag isa sila, kasi hindi lahat ay may kakayahang ipakita ang talento sa ibang tao. May mga tao naman sadya na ang hilig ay pagsasayaw. Dito nila ipinapakita ang pagpapahalaga sa isang musika. Kung saan ay nilalapatan ng bahagyang pag galaw ang bawat salita sa musika. Ipinapakita ng nag sasayaw ang tunay na nararamdaman niya sa musika. May mga taong gusto ibahagi angkaalagahan sa pag sasayaw. Sa kabilang banda, may isang bata ang natutupi ng kaniyang mga damit. Mas gusto niyang tumulong sa kaniyang magulang sa pamamagitan ng pag gawa sa mga gawaing bahay. Sabi nga nila, mahalaga ang oras.