You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

SANTA RITA COLLEGE OF PAMPANGA

Carlos Mariano Street, San Jose


Sta. Rita Pampanga

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Baitang 1


Unang Markahan

I. Layunin
1. Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sariling
kakayahan,,pangangalaga sa sariling kalusugan at pagiging mabuting kasapi ng pamilya (EsP1PKP
- Ia-b – 1)

2. Naipakikita ang kakayahan nang may tiwala sa sarili (EsP1PKP - Ia-b – 1)

3. Nakikilala ang sariling: gusto, interes, potensyal, kahinaan, damdamin/emosyon (EsP1PKP - Ia-b
– 1)

II. Paksang Aralin


Tema: Tungkulin ko sa Aking Sarili at Pamilya

Paksa: Pagkilala sa Sarili

Sanggunihan:

Curriculum guide pahina 9, Teaching Guide ESP Unang baiting,

Aralin 1

Kagamitan: Larawan, Pisara, Projector, Laptop

III. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Pamamaraan

Pagbati

Panalangin

Pagtukoy sa mga lumiban

Tatanungin ang mga mag-aaral.

Ano ang paborito ninyong ginagawa araw-araw? Mahilig ba kayong mag laro, sumayaw o ano
mang mga libangan o bagay na nagpapasaya sa inyo? Mayroon ba?

Ipakilala ang sarili, sabihin ang palayaw, edad, kaarawan, taga saan, kung ano ang libangan at
magkwnto tungkol sa sarili.

B. Pagganyak

Ipakilala ang sarili, sabihin ang palayaw, edad, kaarawan, taga saan, kung ano ang libangan at
magkwnto tungkol sa sarili.

C. Paglalahad
Magpapakita ng mga larawan ng mga emosyon o damdamin patungkol sa pagkilala sa sarili..

D. Pagtalakay
Tatanungin ang mga mag-aaral:

1. Tukuyin kung anong mga emosyon ang mga nasa larawan?


2. Nararamdaman din ninyo ba ang mga ito?
3. Ipasulat kung ano ang mga libangan, mga kinakatakutan, mga nagpapasaya at mga
ikinalulungkot nila.
4. Ipapaliwanag sa mga mag- aaral kung ano ang mga emosyon na ito upang makilala pa ang
mga kanilang sarili.

E. Pagsasagawa
Magpapakita ng mga talento ang mga mag-aaral, maaring kumanta, magdrama, sumayaw o ano
mang talento na mayroon ang mga mag-aaral. Bibigyan ng isang minuto upang i presenta ito.

F. Pagbubuod
Magpapakita ng larawan ng isang masayang pamilya

Ang pagkilala sa sarili ay isang daan upang malaman ang mga kahinaan at kalakasan ng iyong
sarili. Malalaman mo kung ano ang nagpapasaya sayo at kung ano ang mga kahinaan mo. Bilang
isang mag-aaral at bilang isang anak na kasapi sa inyong pamilya,matututo kung paano mo
kontrolin ang iyong sarili at pipiliin nalan maging masaya upang masaya din ang pamilya.
Mabuting makilala natin ang ating sarili upang malaman natin kung ano ang makabubuti sa ating
kalusugan at para na din sa kabutihan ng ating pamilya.

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang letrang ‘t’ kung ito ay tama at ‘m’ naman kung ito ay mali.

_____1. Makilahok sa mga kasiyahan.

____2. Gawin ang mga bagay na nakabubuti sa iyo.

____3. Piliin ang maging malungkot palagi.

____4. Maging masiyahin upang dumami ang kaibigan.

____5. Tumulong sa gawaing bahay kina Tatay at Nanay

V. Takdang Aralin

Sa isang malinis na papel, iguhit ang sarili na naglalarawan ng masiyahing bata at iguhit kung
ano ang pangarap mo paglaki mo.

You might also like