You are on page 1of 2

HOLY TRINITY SCHOOL OF PADRE GARCIA

MATAASNAKAHOY BRANCH INC.

SHS STEM STRAND

PANUKALANG PROYEKTO

1. PAMAGAT: ANG PAGBUO NG “HTSMK FACULTY OF ARTS”

2. PROPONENT NG PROYEKTO: Science, Technology, Engineering, and


Mathematics Students. Mga mag-aaral mula sa STEM ng Holy Trinity School of
Padre Garcia Batangas, Mataasnakahoy Branch INC.

2.1 PETSA: Ang panukalang papel na ito ay ipapadala sa kinauukulan sa


ika-20 ng Marso 2023 at inaasahang ito ay magpapatuloy sa bawat taong
panunuruan.

3. DESKRIPSYON NG PROYEKTO: Ang proyektong ito ay gagawin sa bawat


taong panunuran. Sa paraang ito ay mailalabas ng mga estudyante ang kanilang
talento at husay sa larangan ng sining, magsisilbi din na tulong upang mas
mahasa ang kanilang mga kasanayan.

4. RASYONAL: Layunin ng proyektong ito na mas mahasa pa ang abilidad ng mga


estudyante sa iba’t ibang uri ng sining tulad ng pagpinta, guhit, sayaw, musika at
teatro. Ito ring “Faculty of Arts” ay isasagawa upang mas mabuo ang kanilang
mga talento sa larangan ng sining.

5. PANGKALAHATANG LAYUNIN: Ang kabuuang layunin ng proyektong ito ay


makapang hikayat pa ng mga estudyante na may kaalaman sa sining at
mapaunlad ito sa Holy Trinity School of Padre Garcia, Mataasnkahoy Branch
INC.

5.1 TIYAK NA LAYUNIN:


 Upang makabuo ng iba’t ibang miyembro ng sining sa paaralan.
 Upang mas maparami ang tumangkilik sa larangan ng sining
 Para sa mga estudyante na gusting mapalawak ang kanilang
kakayahan sa sining.
 Adisyunal na kaalaman sa sining na maaaring magamit ng mga
estudyante sa hinaharap.
 Upang mas mapaunlad ang talento ng bawat isa.

6. ISTRATEHIYA: Maisasagawa ang “HTSMK Faculty of Arts” upang mas mahasa


ang abilidad ng mga estudyante sa iba’t ibang uri ng sining sa pamamagitan ng
mga sumusunod na estratehiya.

Una, Mag sasalaysay ng mga karanasan ang mga propesyunal o mamumuno na


panauhin kung paano nahasa at naging matagumpay ang kanilang kakayahan sa
larangan ng sining, upang mag bigay inspirasyon sa mga estudyante.

Ikalawa, Isa-isang alamin ang mga pangunahing kaalaman at ipaliwanag sa paraang


mapupukaw at magiging interesado ang mga estudyante.

Ikatlo, Magsimulang magbigay ng mga halimbawa sa paggawa o pagsimula nito upang


mas maunawaan ito ng mga estudyante.

Ikaapat, Simulan ang pagbuo at gabayan ang mga estudyante, kinakailangan din na
sagutin ang lahat ng mga possible nilang katanungan.

Ikalima, Gawin ito ng paulit ulit hanggang sa mahasa at masanay ang mga estudyante.

You might also like