You are on page 1of 6

Unibersidad ng Liceo de Cagayan

Kolehiyo ng mga Sining at Agham


Departamento ng mga Wika at Komunikasyon

Balangkas ng Kurso
Unang Semestre A.T. 2022-2023

PAMAGAT NG KURSO : G-ART APP / Pagpapahalaga sa Sining


BÍLANG NG YUNIT : 3 Yunit
KODA NG SABYEK : G-ART APP
BILANG NG ORAS : 3 Oras bawat linggo sa loob ng 18 linggo o 54 oras
bawat semester
GURO : Gng. Rebecca M. Hilot
: Gng. Nena T. Sual
RASYUNALE : Nilalayon ng kursong ito na mahubog ang malalim
na pagpapahalaga sa para sa mga sining Filipino sa pamamagitan ng paglalatag ng mga
pagkakataong tuklasin ang sari-saring yaman at ang pinag-uugatan ng mga ito sa
kulturang Filipino.

DESKRIPSIYON NG KURSO :
Ang Pagpapahalaga sa Sining ( Kalikasan, tungkulin at pagpapahalaga sa sining sa
kasalukuyang lipunan) ay isang kursong may 3 yunit na nagpapahusay sa kakayahan ng
mag-aaral na magpahalaga, at magsuri sa mga gawang sining. Sa pamamagitan ng mga
lapit na interdisiplinari at multimodal, binibigyan ng kurso ang mga mag-aaral ng
malawak na kaalaman sa praktikal, historiko, pilosopiko, at panlipunang halaga ng mga
sining sa layong mahasa ang kakayahan ng mag-aaral na maipaliwanag ang kanilang
pagkaunawa sa mga sining. Pinauunlad din ng kurso ang kasanayan ng mag-aaral sa
pananaliksik at pagsinop (curating) sa sining, pati na rin ang pagdalumat, pagtatanghal,
at pagtasa sa mga produksiyon ng sining.

KALALABASAN NG KURSO :
Sa pagtatapos ng kurso, magagawa ng mga mag-aaral na:

A. Kaalaman
1. Makapagpakita ng pagkaunawa at pagpapahalaga sa sining sa pangkalahatan, kasama
na ang gamit, saysay, at pangkasaysayang kabuluhan nito.
2. Makapagpaliwanag at makapagpamalas ng mga elemento at prinsipyo ng disenyo.
3. Makapaglinaw at makapagtasa ng iba’t ibang teorya ng sining.
4. Makapagpook sa mga sining Filipino sa kontekstong global.
5. Makapaglalahad ng halaga at ugnayan ng edukasyong pangkapayapaan sa larangan ng
sining.

B. Kasanayan
1. Makapagsuri at makapagtasa ng mga gawang sining batay sa kanilang halagang
estetiko, konteskstong historiko, at kabuluhang panlipunan.
2. Makapagtanghal ng isang eksibit ng sining (pagpapaunlad ng konsepto, produksiyon
at matapos ng produksiyon, marketing, dokumentasyon, pagtatasa).
3. Makalikha ng sariling gawang sining at makapagsinop ng sariling produksiyon o
eksibit.
4. Magamit ang sining para sa pagpapahayag ng sarili at pagsusulong ng mga mithiing
panlipunan.
5. Makapagpipinta ng isang obra gamit ang mga elemento ng sining na pumapaksa ukol
sa kapayapaan.

C. Halagahan
1. Mapalalim ang kanilang kaugnayan sa sarili, komunidad, at lipunan.
2. Matuklasan at mapalalim ang kaakuhan sa pamamagitan ng sining, batay sa kanilang
nasyonalidad, kultura, at relihiyon.
3. Makalinang ng pagpapahalaga sa mga lokal na sining.
4. Mapalawak at mapatatag ang kamalayan sa edukasyong pangkapayapaan sa
pamamagitan ng sining.

NILALAMAN NG KURSO AT SAKLAW NA ORAS

ARALIN PAKSA LINGGO

Oryentasyon ng klase 1
Panimula
● Halaga ng Kurso
● Polisiya sa Klase
● Sistema ng Paggrado
● Kahingian ng Kurso
1 PRELIMINARING TERMINO 2
Ang Sining

● Kasaysayan at Kahalagahan ng Sining


● Batayang Konsepto
● Mga Anyo
● Mga Elemento

2 Pagpapahalaga sa Sining 3-4

● Konteskto at Perspektibo
● Mga Uri ng Konteksto at Perspektibo
MIDTERM NA TERMINO
3 Pagpapahalaga sa Sining: Akdang Literari o Panitikan 5-6

● Mga anyo ng mga akdang literari


● Pagsusuri ng mga akdang literari
4 Pagpapahalaga sa Sining: Biswal 7-8

● Mga elemento ng sining biswal


● Mga lokal na manlilikha sa sining biswal
● Pagsusuri ng sining biswal sa lokalidad
5 Pagpapahalaga sa Sining: Arkitektura at Iskultura 9-10

● Ang arkitektura
● Paano ginawa arkitektura
● Ang iskultura
● Komposisyon ng iskultura

SEMIFAYNAL NA TERMINO
6 Pagpapahalaga sa Sining: Disenyo 10-11

● Uri ng disenyo
● Prinsipyo ng Disenyo (Kaisahan at katugmaan)
● Balanse at proporsiyon atbp.
● Tattoo

7 12
Pagpapahalaga sa Sining: Textile/Tela

● Uri ng Textile/tela
● T’nalak
● Hinabol/Sinamay at iba pa .

8 Pagpapahalaga sa Sining: Musika 13-14

● Komposisyon ng musika
● Elemento ng musika
● Tunog ng musika/musical sound
● Musical form
● Musical Instrument/Instrumentong Pangmusika

PINAL NA TERMINO
9 Pagpapahalaga sa Sining: Teatro 15-16

● Mga elemento ng Teatro


● Ang perpormans ng mga aktor sa teatro
● Ang ispasyo sa teatro
● Ang mga awdyens sa Teatro
● Pagsusuri ng teatro
10 Ang Katutubong Sining 17-18

● Katutubong Bukidnon
● Katutubong Higaonon (Hinabol)
● Katutubong Talaandig
● Katutubong Maranao – Okir/ Ukil

Kahingian sa faynal
Pagsusuri ng Likhang Sining
Paggawa ng Vlog
Paglililok

b Iba pang Kahingian ng Kurso:


● Indibiduwal o pangkatang pag-uulat o presentasyon ng
pag-uulat sa kasaysayan ng Sining, at mga Sining ng
Pilipinas (power point presentation, at multi-media na
hanguan tulad ng youtube at i-tunes)
● Pakikilahok sa mga gawaing sining at pagsumite ng mga
likhang-sining at eksibit
● Panonood ng mga pagtatanghal

Sistema ng Paggrado:
Atendans, Takdang aralin at Pakikilahok sa klase 20%
Mga Pagsusulit 40%
Panterminong Eksaminasyon at Proyekto 40%
KABUUAN 100%

Ang sinusunod na Sistema ng paggrado ay “AVERAGING”. Ang gradong


makukuha sa Prelim,Midterm, Semifinal at Final ay pagsasamahin at ang kabuuan
ay hahatiin sa apat . Ang resulta ang siyang magiging pinal na grado ng
asignatura sa katapusan ng semestre. Ang cut off grade ng asignatura ay 75
PERCENT.

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


● Pag-iimbentaryo ng mga likhang sining
● Pangkatan at indibidwal na pag-uulat
● Panonood ng mga pagtatanghal
● Interaktibong talakayan
● Paggawa ng repleksyong papel
● Pag-aanalisa sa mga kumbinasyong sining
● Pagkuha ng mga potograps na gawa sa pagpinta
● Pag-aanalisa ng mga awit at sayaw
● Pagpipinta gamit ang kape na pumapaksa sa buhay, paniniwala at pamahiin ng
mga tribo sa Mindanao.
● Pagsulat ng sanaysay tungkol sa Edukasyong Pangkapayapaan

Palahat na Panuntunan:

Sa isang estudyanteng nakikipag-ugnayan gamit ang online, malaki ang kaibahan nito sa
paraang harapan. Sa online , kadalasan ang mensahe ay naihahatid nang pasulat kaya
mahalagang malaman ang mga mabuting asal nang sa ganoon , ang mensahe ay maihatid at
maintindihan nang tama ng tumatanggap.

Narito ang ilang patnubay na dapat sundin:

1. Maging magalang. Magalang sa pananalita . Huwag gumamit ng bulgar at mapanirang


salita.
Mag-ingat din sa paggamit ng malaking titik (all caps), tandang padamdam (exclamation
point), mga di-kanais-nais na icons/emoticons na nagpapahiwatig ng bugso ng damdamin

Tandaan: Basahing mabuti at unwaing maigi bago i-send ang mensahe.

2. Umasal nang tama.Tuwing oras ng klase, bawal ang magsuot ng damit na walang
manggas (sleeveless) o yaong mga kasuotang hindi kaaya-ayang tingnan.

3. Bawal ding mag-post o mag-share ng mga negatibong komento, mensahe , di-


kanais-nais na larawan at anumang bagay na nakasisira sa emahe ng tao sa social media.

4. Makipag-ugnayan sa inyong guro kung may mga bagay na kailangang linawin tulad ng
asaynments, pagsusulit, pagtatanghal, paggawa ng proyekto atbp.

Mga Panuntunan sa virtual na Klase:

1. Magkakaroon tayo ng synchronous na klase gamit ang google meet kada Lunes, kung
MTH ang iskedyul, Martes naman kung TF ang iskedyul ng klase. Ang sumunod na araw
ay ilalaan para sa
asynchronous na klase. Samantalang, ang iskedyul na Miyerkules ay ilalaan ang unang
isang oras para sa
synchronous at ang natirang dalawang oras naman ay sa asynchronous.

2. Inaasahan ang inyong kooperasyon at pag-unawa lalong-lalo na sa unang araw ng


pagpasok sa google meet. Maging mabait at pasensyoso sa lahat ng panahon.

3. Sa oras ng klase, i-turn off ang inyong micropono upang hindi makaabala ang anumang
ingay na nanggagaling sa labas. Saka lamang itong i-turn on kung ika’y pinapayagan ng
guro namagsalita.
INIHANDA NINA : INAPRUBAHAN NI:

___________________ _____________________________
REBECCA M. HILOT SALVADOR C. DE LA PEǸA III, Ph.D
Guro, CAS Tserman, DLC

NENA T. SUAL
Guro, CAS

*******************************************************************************************

PAGPAPATUNAY

Ako si, BARBIE P. EBONIA, BS IN MANAGEMENT ACCOUNTING 2,


kumukuha ng asignaturang G-ART APP/ PAGPAPAHALAGA SA SINING,
nangangakong tutuparin ang lahat ng pangangailangan ng kurso at tatalima sa mga
batas at polisiya sa abot ng aking kakayahan.

BARBIE P. EBONIA AUGUST 19, 2023


Pangalan at Lagda ng Estudyante Petsa

You might also like