You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

MARINDUQUE STATE COLLEGE


INSTITUTE OF EDUCATION
Tanza, Boac, Marinduque

EDUC 215- Foundation of Special and Inclusive Education

Name: Levi L. Mandac Year & Section: BSEd II Social Studies Date: 11-10-22

Differentiated Instruction Activity Plan

Subject Area Araling Panlipunan


Grade Level Baitang 7
Topic Sinaunang Pamumuhay
➢ Mga mahahalagang pangyayari mula sa sinaunang
kabihasnan hanggang sa ika-16 na siglo sa:
❖ Pamahalaan
❖ Kabuhayan
❖ Teknolohiya
❖ Lipunan
❖ Edukasyon
❖ Paniniwala
❖ Pagpapahalaga
❖ Sining at Kultura
ACTIVITIES:
Indicate the kind of learners in each group and the process of the activity. Include also the product or
output that they will be doing.
Group 1
Uri ng Mag-aaral: Body Smart Learners
Gawain: Dula-Dulaan/Role Playing
Layunin ng Gawain: Masuri ang kaalaman sa mahahalagang pangyayari mula sa
sinaunang kabihasnan hanggang sa ika-16 na siglo sa mga elemento nito.
Pamamaraan at Panuto sa Gawain:
1. Pumili ng dalawa sa walong elemento ng kabihasnan
2. Matapos pumili,umisip ng ng tagpo para sa gagawing role play na may kaugnayan
sa napiling elemento ng kabihasnan.
3. Maaaring gumamit ng mga props at costume upang mas ma-ipakita ang kalagayan
ng mga tao at pangyayari sa sinaunang kabihasnang asyano.
4. Tiyaking ma-ipakita ang mga pangyayari sa loob ng limang minuto na pagsasadula.
5. Gumawa ng mga pagsasanay upang maging organisado ang nasabing gawain.
Inaasahang Resulta: Madagdagan ang kaalaman sa Sinaunang Kabihasnan at
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
INSTITUTE OF EDUCATION
Tanza, Boac, Marinduque

EDUC 215- Foundation of Special and Inclusive Education

magkaroon ng repleksyon sa kasalukuyang panahon.

Group 2
Uri ng Mag-aaral: Music Smart Learners
Gawain: Pagsulat ng Kanta/Jingle
Layunin ng Gawain: Upang masanay ang kakayahan sa pagsulat ng kanta at maunawaan
ang mga kabihasnan noong sinaunang panahon sa mga bansa sa Asya.
Pamamaraan at Panuto sa Gawain:
1. Pumili ng dalawa sa walong elemento ng sinaunang kabihasnan
2. Gumawa ng Jingle o kanta na may kaugnayan sa napiling elemento ng kabihasnan.
3. Tiyaking ma-iparinig sa klase ang mga mahahalagang kaganapan sa elemento na
napili sa sinaunang kabihasnan sa Asya.
4. Gumawa ng mga pagsasanay upang maging organisado ang nasabing gawain.
Inaasahang Resulta: Mapalago ang kakayahan sa sining at musika kalakip ang
pagkatutong malalim sa mga iba’t-ibang elemento ng sinaunang kabihasnan sa Asya.

Group 3
Uri ng Mag-aaral: Creative/Artistic Learners
Gawain: Poster making/pagguhit ng larawan
Layunin ng Gawain: Ma-ipakita ang mga kaganapan at pag-usbong ng sinaunang
kabihasnan at mga kalakip na elemento nito, upang lubusang maintindihan ang mga noong
unang panahon hanggang ika-16 na siglo.
Pamamaraan at Panuto sa Gawain:
1. Pumili ng Tema ng poster making sa mga elemento ng kabihasnan.
2. Dalawang elemento ng kabihasnan ang dapat na piliin.
3. Matapos pumili ay gumawa ng malikhaing pagguhit ng larawan upang mailarawan
ang mga pangyayari sa sinaunang kabihasnang Asyano.
4. Gumawa ng maikling paliwanag o eksplanasyon tungkol sa iginuhit na poster at
ibahagi ito sa buong klase.
5. Tiyaking mauunawaan ito ng buong klase.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
INSTITUTE OF EDUCATION
Tanza, Boac, Marinduque

EDUC 215- Foundation of Special and Inclusive Education

Inaasahang Resulta: Magamit ang talento ng pagkamalikhain sa pag-unawa ng mga


kaganapan sa sinaunang kabihasnang Asyano at malalim na kaalaman.

Group 4
Uri ng Mag-aaral: Word Smart Learners
Gawain: Slogan
Layunin ng Gawain: Masukat ang kaalaman sa mga elemento ng sinaunang kabihasnang
Asyano sa pamamagitan ng repleksibong pananaw at pag-uugnay sa kasalukuyang siglo.
Pamamaraan at Panuto sa Gawain:
1. Pumili ng dalawa sa walong elemento ng kabihasnan at gumawa ng tema para sa
gagawing slogan.
2. Gumawa ng slogan na angkop sa napiling elemento ng kabihasnan.
3. Maaaring iparating ang repleksibong pananaw ng kaugnayan ng elemento ng
kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
4. Magbigay ng maikling paliwanag sa klase matapos ipresenta ang ginawang slogan.
5. Tiyaking mauunawaan ito ng buong klase.
Inaasahang Resulta: Magkaroon ng kritikal na paghahalintulad at pagkakaroon ng
obserbasyon sa Sinaunang Kabihasnan at kasalukuyang pamumuhay ng mga tao
makabagong panahon.

You might also like