You are on page 1of 2

Our Lady of Lourdes School of Bauan Inc.

“Excellent Education and Holistic Development”


School ID: 423554

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


Guro: Jennifer D. Marquez
Baitang: 4-Compassion
Asignatura: Araling Panlipunan
Petsa: Agosto. 30-31, Setyembre. 1 at 7, 2022

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa


pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang heograpikal gamit ang mapa.

PAMANTAYANG PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa
sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon ng bansa.

MAHALAGANG PANG-UNAWA: Ang Pilipinas ay may mga katangian ng isang malayang bansa kaya
maituturi rin itong isang malayang bansa.

MAHALAGANG TANONG: Paano nagkakaroon ng ganap na pagkakakilanlan ang isang bansa?

INAASAHANG PAGGANAP: Makabuo ng isang imagined-nation o imahinasyong bansa gamit ang kaalaman
tungkol sa konsepto ng bansa.

Paksang Aralin
Paksa: Ang Bansa
Sanggunian: Pamayanan at Kasaysayan ng Lahing Pilipino
Kagamitan: laptop, powerpoint presentation, bidyo

Layunin:
1. Nakapagbibigay ng halimbawa ng bansa.
2. Naiisa-isa ang mga katangian ng isang malayang bansa.
3. Naipapakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bansa at estado.
4. Nakabubuo ng isang imahinasyong bansa.
Panimulang Gawain:
a.) Pagdarasal b.) Pangungumusta sa mga bata c.) Pagtatala ng liban d. Balitaan

Pagtuklas (Explore)

Gawain 1
Ika-21 siglong kasanayan: Mapanuring Pag-iisip
Ang mga mag-aaral ay manunuod ng bidyo “It’s More Fun in the Philippines” at sasagutan ang mga
sumusunod na katanungan.
Tanong:
1. Tungkol saan ang bidyo na iyong napanuod?
2. Ano ang nakita mo sa bidyo natanging ang Pilipinas lang ang mayroon?
3. Bakit kaya ang Pilipinas ay itinuturing isang bansa?
4. Ano ang masasabi mo sa kultura, likas na yaman at pamahalaan mayroon ang Pilipinas?
Paglinang (Firm Up)

Gawain 2
Ika-21 siglong kasanayan: Mapanuring Pag-iisip, Pagkamalikhain
Gumawa ng malahigad na talahanayan o caterpillar organizer sa isang short bond paper. Isulat sa loob
nito ang mga katangian ng isang malayang bansa at kahulugan ng mga ito.

Pagpapalalim (Deepen)

Gawain 3
Ika-21 siglong kasanayan: Mapanuring Pag-iisip, Pagkamalikhain
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng Venn diagram para maipakita ang pagkakaiba ng bansa at estado.
BANSA ESTADO

Paglilipat (Transfer)
Gawain 4
Ika-21 siglong kasanayan: Mapanuring Pag-iisip
Pipili ang mga mag-aaral ng isa sa mga sombrerong ipapakita ng guro at sasagutin ang kalakip na
katanungang nakapaloob dito.
Unang sombrero: Ano ang impormasyong ukol sa Pilipinas?
Ikalawang sombrero: Ano ang kabutihang dulot nito sa bansa?
Ikatlong sombrerong: Ano ang naramdaman mo matapos malaman ang mga konsepto sa aralin?
Ikaapat na sombrero: Ano ang pinamahalagang natutunan mo tungkol sa bansa?

Gawain 5
Ika-21 siglong kasanayan: Mapanuring Pag-iisip, Pagkamalikhain
Ang mga mag-aral ay bubuo ng isang “imagined-nation” o imahinasyong bansa gamit ang kaalamang
nakalap tungkol sa mga katangian ng bansang malaya. Gawaing batayan ang rubriks na ibibigay ng guro
sa paggawa.

You might also like