You are on page 1of 2

Date: August 24 – 28, 2020

ARALING PANLIPUNAN 4 (Quarter 1)

Lesson 1

PANGUNAHING PAKSA: Pilipinas.. Ang Aking Bansa

Tiyak na Paksa: Ang Pilipinas ay Isang Bansa

Batayan: Book: Julian, A. at Lontoc, N (2017).Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino,pp. 2-21.


Quezon City: Phoenix Publishing House,INC.

I. Kakayahan: Natatalakay ang konsepto ng bansa

Mga Layunin: Pagkatapos ng sesyon, ang mga bata ay inaasahang:


1. nakikilala ang konsepto ng bansa;
2. nakapagbibigay ng halimbawa ng bansa; at
3. naiisa-isa ang mga katangian ng bansa

II. Panimula:
Isang masayang bungad na pagbati sa iyong pagtuntong sa ikaapat na baitang!
Sa Ikatlong Baitang ay natutunan mo ang pagiging bahagi ng iyong rehiyong
kinabibilangan. Sa kabatang ito, sa ikaapat na baitang ay lubos mong makikilala ang ating
bansang minimahal – ang bansang Pilipinas

Pagganyak:
- Kumuha ng mapa ng daigdig at hanapin kung saan matatagpuan ang Pilipinas

III. Pagpapaunlad ng Aralin:


- Tandaan kung anong mga bansa ang nakapalibot sa Pilipinas.
- Bago magsimula gawing gabay sa pagkatuto ang mahalagang tanong na ito:
1. Paano makatulong sa iyong pagka-Pilipino ang kaalaman tungkol sa Pilipinas bilang
bansa?
- Buksan ang aklat sa pahina 4-5 at basahin ang konsepto ng bansa
- Bigyang diin ang bawat elemento/katangian ng pagiging isang bansa sa pamamagitan ng pag-
unawa sa binabasa
- Balikan ang mapa ng daigdig at isulat sa iyong kwaderno ang mga halimbawa ng mga bansa
nanakapalibot sa Pilipinas – na isang bansa. Ipresenta ito sa online session
- Subukang sagutin ang mahalagang tanong bilang paghahanda sa online session

IV. Paglalahat
- Paano makatulong sa iyong pagka-Pilipino ang kaalaman tungkol sa Pilipinas bilang bansa?

V. Paglalapat:
- Sagutin ang mga katanugan sa pahina 15 (A at B)

VI. Pagtataya:
1. Buoin ang tsart na tumutukoy sa konsepto ng bansa

BANSA
Date: August 24 – 28, 2020

ARALING PANLIPUNAN 4 (Quarter 1)

Tukuyin ang tumutukoy sa konsepto ng pagiging bansa ng isang bansa. Lagyan ng B kung
ito ay tumutukoy sa konsepto ng pagiging bansa ng isang bansa at H naman kung hindi.
1. magagandang paaralan 12. Kayamanan
2. Wikang pambansa 14. kriminalidad
3. lahi 10. Magagaling na mang-aawit
4. mga hayop 13. Mataas na gusali
5. Mamamayan 8. Pamahalaan ng bansa
6. kultura 9. Teritoryo
7. magagandang tanawin 11. Tradisyon
15. Binubuo ng isang lahi

Magtala ng mga pangalan ng bansa na nakapalibot sa bansang Pilipinas


16._______________________
17._______________________
18._______________________
19._______________________
20._______________________

VII. Takdang Aralin


Sagutin ang mga katanungan sa aklat pahina 16-17 C.

Core Value: Integrity of Creation


Natutunan mo na mapahalagahan ang bansa sa pamamagitan ng pagbibigay halaga
sa lokasyon nito

Remarks

Batch A Batch B

Prepared by: Lowel D. Pasinag Date Submitted: 6/26/2020


Subject Teacher

Checked by: Ma. Cinderella Asong Date: ___________________________


Subject Coordinator

You might also like