You are on page 1of 1

NDEA Reviewer 2018 Araling Panlipunan 4 PART 1

1. Masasabing BANSA ang isang lugar kung ito ay may ______________.


- Tao, lupain o teritoryo,pamahalaan, at maunlad na bansa
2. Masasabing Estado ang isang lugar kung ito ay may ____________.
- Tao , lupain o teritoryo, pamahalaan at Soberanya o kalayaan
3. Ang Pilipinas ay isang bansa na matatagpuan sa kontinente ng Asya.
4. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa timog –silangang bahagi ng Asya.
5. Ito ay nasa pagitan ng mga latitude 4 23’ at 21 25’ hilaga at sa pagitan ng longhitud 116 00’ at 127 00’ Silangan
( ABSOLUTE na Lokasyon)
6. Relatibong lokasyon ng isang lugar sa ibabaw ng mundo ay maaring itakda sa pamamagitan ng mga nakapaligid
na lupain ( BISINAL) o katubigan ( MARITIMA o INSULAR) dito
7. MARITIMA o INSULAR – hilaga ng bansa ay Bashi Channel, sa kanluran ay West Philippine Sea, sa silangan ay
Pacific ocean at Philippine Sea, at sa timog ay Celebes at Sulu Sea
8. Bisinal – hilaga ng bansa ay Taiwan, sa kanluran ay Vietnam, Laos, Cambodia, at Thailand, sa timog ay Indonesia
9. Mapang Politikal – ipinapakita ang hangganan ng teritoryong nasasakupan ng isang bansakasama ang katubigang
nakapaligid ditto. Ipinapakita rin ditto ang mga bayan, lungsod, at mga pangunahing lansangan.
10. Mapang Pisikal – partikular na anyong lupa at tubig ang ipinapakita ng mapang ito.
11. Mapang Pangklima - Ipinapakita ang ibat ibang uri ng klimang umiiral sa isang lugar.
12. Mapang Ekonomiko- Ipinapakita nito ang uri, dami, at pagbabahagi ng likas na yaman, ng isang lugar o bansa.
13. Ginagamit ang eskala sa mapa upang ipakita ang aktuwal na sukat at distansiya ng isang lugar
14. Ang mga guhit mula sa Prime Meridian o longhitud ay tumutukoy kung nasa bahaging silangan o kanluran ang
isang lugar. Ang mga lugar na nasa gawing kaliwa ng Prime Meridian hanggang 180º ay sinasabing nasa kanluran
o west. Ang mga lugar na nasa gawing kanan ng Prime Meridian hanggang 180º ay nasa silangan o east naman.
15. Ang digri ng longhitud ay bilang panukat ng layo ng lugar pasilangan o pakanluran mula sa Prime Meridian. Ang
Prime Meridian ay nasa 0º longhitud.
16. Ang International Date Line. Nasa 180º ito buhat sa Prime Meridian. Dumaraan ito sa Bering Strait, tumatagos sa
Karagatang Pasipiko at nagtatapos sa kontinente ng Antarktika. Ginagamit ang guhit na ito na bilang batayan sa
pagbabago ng araw.
17. Ang Pilipinas ay kabilang sa TROPIKAL dahil sa likasyon nito sa mundo
18. Ang bansang Pilipinas ay nakakaranas ng humigit-kumulang 20 na bagyo taon –taon
19. Ang salik na nakakaapekto sa klima ng bansa ; lokasyon, halumigmig, pag-ihip ng hangin, at dami ng ulan
20. Nakararanas ang bansa ng dalawang panahon sa buong taon , ang tag-araw at tag-ulan.
21. Inaangkop ng mga Pilipino ang sa klima ng lugar ang kanilang pananim o produkto
22. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa na nasa Pacific Ring of Fire
23. Ang Pilipinas ay may yamang lupa, tubig, gubat, at mineral
24. Ang hanapbuhay ng tao ay naangkup sa uri ng klima at topograpiya ng lugar sa Pilipinas
25. Magsasaka – malalaking kapatagan
26. Pangingisda – ilog, sapa, lawa, at dagat
27. Pagtrotroso- kagubatan
28. Pagmimina- mabundok na lugar
29. Pamamasukan- pamayanang urban

You might also like