Cs Fil Fili11 Trinidad A k2 2022 1

You might also like

You are on page 1of 10

IMPORMASYON NG KURSO

NUMERO NG KURSO FILI 11 BILANG 3


NG YUNIT

PAMAGAT NG KURSO MALAYUNING KOMUNIKASYON: PAGSULAT AT PAGBIGKAS


SA FILIPINO TUNGO SA IBA’T IBANG LAYON

PREREKISITO N/A

KAGAWARAN/ FILIPINO PAARALAN HUMANIDADES


PROGRAMA

TAONG 2022-2023 SEMESTRE 1


PAMPAARALAN

GURO PROP. ANDREA ANNE I. TRINIDAD


atrinidad@ateneo.edu

LUGAR & ONSITE: ISKEDYUL


PLATAPORMA
Seksiyon K2: CTC 202 Martes & Biyernes
9:30 NU - 11:00 NU

Seksiyon M2: B-308 Martes & Biyernes


12:30- 2:00 NH

CANVAS:
https://ateneo.instructure.
com/

A. PAGLALARAWAN NG KURSO
Tinatalakay sa kurso ang mga salik at proseso ng komunikasyon nang may diin sa layuning maipahayag ng
mag-aaral ang kanyang pag-iisip, pag-unawa, pagdanas at pagdama, na bunga ng kaniyang mga
karanasan bilang indibidwal at bahagi ng komunidad. Binibigyang-diin sa kurso ang papel ng mag-aaral
bilang palaisip at propesyunal na pinag-iisa ang kaalaman, kultura, at pamumuhay ng mga lokalidad na
kanyang kinalalagyan at ng higit na malawak na daigdig na kanyang kinabibilangan.

SAAN NAKAPALOOB ANG KURSO SA MGA YUGTO NG PORMASYON


SA BALANGKAS NG MGA KURIKULUM NG MGA PAARALANG LOYOLA

✔ HALIGI: Pagtuklas at Paghahanda ng Sarili

PAG-UUGAT: Pagsisiyasat at Pagkilala sa Daigdig

PAGPAPALALIM: Pagpapakahulugan ng Sarili sa Daigdig

PAMUMUNO: Pakikisalamuha at Pagpapanibago sa Daigdig


1
B. MGA BUNGA NG PAGKATUTO NG PROGRAMA
Pagkaalinsunod ng Programa sa mga Bunga ng Pagkatuto ng Kurikulum na Panlahat

Ang Ideal na Nagtapos sa Ateneo:


Taong May Konsiyensiya, Karunungan, Kahabagan, Katapatan

BPKP 1 BPKP 2-8

Makapagpamalas ng mabisang kasanayan sa Bisitahin ang link para sa kabuoang paglilista


pakikipagtalastasan (pakikinig at pagsasalita, ng “Mga Bunga ng Pagkatuto ng Kurikulum
pagbabasa at pagsusulat) sa Ingles at na Panlahat (BPKP)”
Filipino.

Mga Bunga ng Pagkatuto ng Kurso (BPK)


Sa katapusan ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

BPK1: Nakagagamit ng mga kasangkapan at aspektong pangkomunikasyon sa anyong


pasulat at pabigkas sa pagpapahayag ng isa o magkakaugnay na kaisipan.

BPK2: Nakasusulat at nakabibigkas ng mga pagmumuni-muni sa wikang Filipino ukol sa


sariling mga karanasan patungo sa higit na masasaklaw na realidad.

BPK3: Nakapagbibigay-halaga sa papel ng wikang Filipino sa pagsusulong ng mapaglimi at


kritikal na pagtugon sa mga pangyayari at hamon ng panahon.

BPK4: Nakasusulat ng papel-pananaliksik tungkol sa isang suliranin, kaisipan o paksaing


intrinsiko sa sariling pamayanan at naitatanghal ang resulta ng pag-aaral nito sa isang
presentasyon.

BPK5: Nailulugar ang sariling mga karanasan sa kritikal na pagsusuri ng mga kalakarang
lokal at ugnayang pandaigdig kaugnay ng usapin ng wika, kultura at identidad.

C. BALANGKAS AT DALOY NG KURSO

Modyul 1: Bisa at Potensiyal ng Wikang Filipino

Iskedyul, Paksa, at BPK Mga Gawaing Pampagkatuto Kabuoang


Oras ng
Pagkatuto

Linggo 1-2 Pisikal na Pagkikita: 3.5


(Agosto 15-19; ● Agosto 16 (Martes): Oryentasyon at Unang Pisikal na
Agosto 22- 26) Pagkikita*

SAKLAW, SAKOP, AT SILABUS Asingkronikong Takda:


NG KURSO: PATIKIM SA FILI 11 ● Treasure Hunt: Paghahanap ng mga Pananaliksik sa
Filipino na Nagtatampok ng Kulturang Popular
BPK 1-3 & 5 ● DEDLAYN: Agosto 26 (Biyernes, 5:00 NH, Canvas
Discussion Board)

* Maliban sa ilang piling pisikal na pagkikita, laging


isasagawa ang mga klaseng onsite tuwing Biyernes
pwera na lang kung kinakailangang maghabol dulot ng
kawalan ng pasok (i.e. holiday, kanselasyon ng klase).

2
Linggo 2-3 Pisikal na Pagkikita: 5
(Agosto 26; ● Agosto 26 (Biyernes): Talakayang Pangklase
Agosto 29- Setyembre 2)
Asingkronikong Takda:
ARALIN 1: PAGTUGON SA ● [Opsiyonal na Panonood] Ang Mga Wikang Filipino
KALITUHAN (USAPIN NG WIKA sa Pelikula
AT DIALEKTO) ● Pagbabasa ng Teksbuk:
“Ano ang Rehistro ng Wika?” (pp. 1-14)
BPK 1-2 “Mga Kasangkapang Panretorika” (pp. 24-27)

Linggo 4 Pisikal na Pagkikita: 5


(Setyembre 5-9) ● Setyembre 6 (Martes): Talakayang Pangklase
Setyembre 9 (Biyernes): Talakayang Pangklase
ARALIN 2: PAGKILALA SA MGA
PAMAYANAN NG Asingkronikong Takda:
TAGAPAGSALITA (MGA ● Anong Ganap?: Komunikasyon at Pag-aangkop batay
REHISTRONG PANGWIKA) sa Pangyayari
● DEDLAYN: Setyembre 9 (Biyernes, 5:00 NH, Canvas
ARALIN 3: FILIPINO SA Discussion Board)
PAMANTASAN (KARANIWANG
PAGKAKAMALI SA BALARILA
AT MGA KASANGKAPANG
PANRETORIKA)

BPK 1-2 & 5

Modyul 2: Kulturang Popular bilang ‘Bida’ ng Pananaliksik

Iskedyul, Paksa, at BPK Mga Gawaing Pampagkatuto Kabuoang


Oras ng
Pagkatuto

Linggo 5 Asingkronikong Takda: 3.5


(Setyembre 12-16) ● Paunang Pagbabad: Pagsilip sa Isang Sanaysay sa
Teksbuk
ARALIN 4: PAMBUNGAD SA ● DEDLAYN: Setyembre 16 (Biyernes, 5:00 NH,
KULTURANG POPULAR Canvas Assignment Tab)
(PAMILYAR AT PAULIT-ULIT NA
PRODUKTO) Pisikal na Pagkikita:
● Setyembre 16 (Biyernes): Talakayang Pangklase
ARALIN 5: KAPANGYARIHAN
NG KULTURANG POPULAR I
(PAGTATAKDA NG
PAMANTAYAN AT PAGLIKHA
NG MGA PAG-UUGNAYAN)

BPK 1-3 & 5

Linggo 6 Asingkronikong Takda: 3.5


(Setyembre 19-23) ● Pagbabasa ng Artikulong “Sociological Perspectives
in the Study of Philippine Popular Culture” ni Ricardo
ARALIN 6: KAPANGYARIHAN Abad
NG KULTURANG POPULAR II ● Pakikibahagi sa Talakayan (Discussion Board)
(PUGAD NG PAGTUTOL AT
PAGPUNA)
Pisikal na Pagkikita:
BPK 1-3 & 5 ● Setyembre 23 (Biyernes): Talakayang Pangklase
3
Linggo 7 Asingkronikong Takda: 4
(Setyembre 26-30) ● Pangkatang Huntahan: Brainstorming ng mga
Napipisil na Paksa para sa Pinal na Papel
ARALIN 7: PAGPILI NG PAKSA ● DEDLAYN: Setyembre 30 (Biyernes, 5:00 NH,
Canvas Assignment Tab)
ARALIN 8: PAGKALAP NG MGA
KAUGNAY NA MATERYAL NG Pisikal na Pagkikita:
PAKSA ● Walang pisikal na pagkikita para sa linggong ito
upang maisagawa ng mga mag-aaral ang kahingian.
BPK 1-3 & 5

Modyul 3: Tungo sa Pagsulat ng Papel-Pananaliksik

Iskedyul, Paksa, at BPK Mga Gawaing Pampagkatuto Kabuoang


Oras ng
Pagkatuto

Linggo 8 Asingkronikong Takda: 5


(Oktubre 3-7) ● Pagbabasa ng Teksbuk:
“Mare, Ano ang Tsismis” (pp. 38-54)
ARALIN 9: PAGBABASA AT “Ang Face to Face ng Politika at Showbiz” (pp.
PAGSUSURI NG MGA 78-85)
HALIMBAWANG SANAYSAY
(PAGLALARAWAN) Pisikal na Pagkikita:
● Gayong nakatakdang idaos ang Midterm Academic
BPK 1-3 & 5 Break for Faculty and Students mula Oktubre 6-8,
ilalaan ang susunod na pagkikita (Oktubre 11, Martes)
bilang Talakayang Pangklase.

Linggo 9 Asingkronikong Takda: 5


(Oktubre 10-14) ● Pagbabasa ng Teksbuk:
“Boses o Benta sa Boys’ Love” (pp. 131-144)
ARALIN 10: PAGBABASA AT “Kulto ng Kalusugan” (pp. 145-161)
PAGSUSURI NG MGA
HALIMBAWANG SANAYSAY Pisikal na Pagkikita:
(PAGSASALAYSAY) ● Oktubre 14 (Biyernes): Talakayang Pangklase

BPK 1-3 & 5

Linggo 10 Asingkronikong Takda: 5


(Oktubre 17-21) ● Pag-iiskedyul ng pangkatang konsultasyon (Oktubre
18-20)
ARALIN 11: PINALISASYON NG
PAKSA AT PAGBUO NG
ABSTRAK Pisikal na Pagkikita:
● Oktubre 21 (Biyernes): Talakayang Pangklase
BPK 1-3 & 5 ● DEDLAYN NG ABSTRAK: Oktubre 25 (Martes, 5:00
NH, Canvas Assignment Tab)

Linggo 11 Asingkronikong Takda: 5


(Oktubre 24-28) ● Pagbabasa ng Teksbuk:
“Hustle Culture: Abalá o Abála?” (pp. 218-233)
ARALIN 12: PAGBABASA AT “Pabebe Doon, Pabebe Ngayon, Pabebe Here
PAGSUSURI NG MGA and Forever” (pp. 263-274)
HALIMBAWANG SANAYSAY
(PAG-UULAT) Pisikal na Pagkikita:
● Oktubre 28 (Biyernes): Talakayang Pangklase

4
BPK 1-3 & 5

Linggo 12 Asingkronikong Takda: 13.5


(Oktubre 21- Nobyembre 4) ● Pagbuo ng Batis ng Sanggunian

ARALIN 13: CHICAGO MANUAL Pisikal na Pagkikita:


OF STYLE AT PAGBUO NG ● Nobyembre 4: Talakayang Pangklase
SARBEY NG SANGGUNIAN ● DEDLAYN NG SARBEY NG SANGGUNIAN:
BPK 1-3 & 5 Nobyembre 11 (Biyernes, 5:00 NH, Canvas
Assignment Tab)

Linggo 13 Asingkronikong Takda: 5


(Nobyembre 7-11) ● Pagbabasa ng Teksbuk:
“Kain Tayo! Pagsaluhan Natin ang mga Bidyong
ARALIN 14: PAGBABASA AT Mukbang!” (pp. 281-303)
PAGSUSURI NG MGA “Ang Bagong Mukha ng Kolonyalismo sa
HALIMBAWANG SANAYSAY Makabagong Pinoy Baiting” (pp. 318- 337)
(PANGANGATWIRAN)
Pisikal na Pagkikita:
BPK 1-3 & 5 ● Nobyembre 11 (Biyernes): Talakayang Pangklase

Linggo 14-15 Asingkronikong Takda: 15


(Nobyembre 14-18; ● Pangkatang Pagbuo ng Balangkas
21-25) ● Pangkatang Konsultasyon (Nobyembre 14-17)
● DEDLAYN NG BALANGKAS: Nobyembre 18
ARALIN 15: PAGSULAT NG (Biyernes, 5:00 NH, Canvas Assignment Tab)
BALANGKAS

BPK 1-5 Pisikal na Pagkikita:


● Nobyembre 22 at 25 (Martes & Biyernes): Pag-uulat
ng Bawat Pangkat

Linggo 16-17 Asingkronikong Takda: 12


(Nobyembre 28-Disyembre 2; ● Pangkatang Pagsulat ng Papel-Pananaliksik
Disyembre 9) ● DEDLAYN NG PAPEL-PANANALIKSIK: Disyembre 9
(Biyernes, 5:00 NH, Canvas Assignment Tab)
ARALIN 16: PAGSULAT NG
PAPEL-PANANALIKSIK

BPK 1-5

Tala: Maaaring magbago ang kabuoang iskedyul sakaling magkaroon ng bagyo, holiday,
pagkakasakit ng guro, at iba pang bagay na hindi inaasahan. Maglalagay ang guro ng
announcement sa Canvas kung may karagdagang panuto kaugnay ng iskedyul.

D. MGA KAHINGIAN SA KURSO AT RUBRIK


Mga Gawain Kopya ng Rubrik Bigat ng BKP
Gawain

Pakikibahagi sa Talakayan: Nasa anyong discussion board Rubrik 1 15% 1-2


sa mga asingkronikong sesyon habang nasa anyong
boluntaryong recitation naman sa mga klaseng onsite.

Maiikling Sulatin at Mga Menor na Gawain Iba-iba ang anyo ng 25% 1-2 &
output na hinihingi 5
1. Treasure Hunt: Paghahanap ng mga Pananaliksik sa para sa bawat isang
5
Filipino na Nagtatampok ng Kulturang Popular gawain kung kaya’t
2. Anong Ganap?: Komunikasyon at Pag-aangkop higit na magiging
batay sa Pangyayari detalyado sa
3. Paunang Pagbabad: Pagsilip sa Isang Sanaysay sa pagpapaliwanag ng
Teksbuk rubrik sa puntong
4. Pangkatang Huntahan: Brainstorming ng mga isasagawa na ang mga
Napipisil na Paksa para sa Pinal na Papel ito.
5. Maiikling Pagsusulit Tungkol sa mga Babasahin

Ipapaliwanag ang alituntunin para sa bawat isang


kahingiang nakatala sa takdang panahon.

Abstrak: Layuning ibuod and mga pangunahing punto, Rubrik 2 10% 1-3 &
argumento, at ideang lilikhain sa planong 5
papel-pananaliksik sa loob ng 150-200 na salita.

Sarbey ng Sanggunian: Layuning mapagsama sa isang Rubrik 3 15% 1-3 &


dokumento ang mga akademikong pag-aaral at 5
pananaliksik na kaugnay ng napiling paksa nang
isinasaalang-alang ang pamantayan ng Chicago Manual of
Style sa pagbuo ng Talababa at Talasanggunian.

Balangkas: Layuning mailatag ang pagkakasunod-sunod ng Rubrik 4 15% 1-5


mga idea at argumento– orihinal man o sinipi– upang
bigyan ng komprehensibong hulma ang papel.

Papel- Pananaliksik: Layuning makapagsulat ng isang Rubrik 5 20% 1-5


sanaysay na umiinog sa isang anyo ng kulturang popular na
interesante para sa mga mag-aaral. Marapat makita sa pinal
na gawaing ito ang paghahalo-halo ng lahat ng kasanayang
natutuhan sa klase tulad ng tamang paggamit ng balarila,
angkop na paggamit ng retorika, akmang paraan ng pagsipi,
at malinis na paglalatag ng talababa at talasanggunian.

E. PAMAMARAAN NG PAGTUTURO AT PAGKATUTO


Pamamaraan ng Pagtuturo & Pagkatuto & Gawain BPK

Asingkronikong pagbabasa ng mga piling teksto at halimbawang sanaysay sa gagamiting 2-5


teksbuk
Gayong layunin ng kurso na makapagsulat ang mga mag-aaral ng papel-pananaliksik bilang pangwakas
na gawain, mainam ang paunti-unti at paisa-isang pagbabad sa mga piling halimbawa upang
mapangasiwaan ang pamilyarisasyon sa parehong nilalaman at anyong inaasahan mula sa naturang
anyo ng sulatin sa konteksto ng pamantasan bilang pamayanan ng mga tagapagsalita.

Talakayang pangklase at mga pagkikitang onsite 2-5


Asahang mapag-uusapan ang mga itinakdang teksto sa loob ng silid-aralan upang labis na maipaunawa
sa mga mag-aaral ang mga elementong kailangan isaalang-alang sa pagsulat. Kaugnay ng mga
talakayang ito, inaasahan ang aktibong pakikisangkot ng mga mag-aaral sa pagbabahagi ng idea,
kuro-kuro, at obserbasyon.

Asinkronikong pagsulat at pagtanggap ng mga mungkahi at feedback mula sa guro 1-5


Bilang kursong nakatuon sa pagdebelop ng kakayahan sa pagsulat, asahan ang hakbang-hakbang na
gawaing makabubuo sa ipapasang pinal na pape-pananaliksik. Ilan sa mga ito ang pagpili ng paksa,
pagsulat ng Abstrak, pagbuo ng Sarbey ng Sanggunian at ang paghahanda ng Balangkas na iuulat.

Kumustahan, konsultasyon at pag-uulat na maaaring nasa modang singkroniko (gamit ang 1-4
platapormang Zoom) o onsite
Upang matiyak ang pagkatuto at sapat na pagkakaunawa ng bawat isa mula sa mga konsepto ng

6
kulturang popular hanggang sa mga kasanayan at estilo sa pagsulat ng sanaysay, maglalaan ng ilang
pagkikita– onlayn man onsite upang makapagkumustahan at mabigyan ng pagkakataon ang mga
mag-aaral na kumonsulta sa guro. Magkakaroon din ng isang pag-uulat sa harap ng klase kung saan
inaasahang maitanghal ng mga mag-aaral ang tinatrabahong papel.

F. KAHINGIANG BABASAHIN: TEKSBUK PARA SA KURSO


Yapan, Alvin B. Patnugot. Borador: Isang Pagkilala sa Layunin ng Komunikasyon sa Kolehiyo (Ikalawang
Edisyon). Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 2020.

Sa textbook na ito makikita ang mga pangunahing babasahin para sa klase. Maaaring bilhin ang
pisikal na kopya sa Loyola Schools Bookstore sa pamamagitan ng pagpapatala sa beadle ng klase (na
aasikasuhin sa unang araw ng pisikal na pagkikita) o kaya naman sa Ateneo de Manila University
Press (Bellarmine Hall). May Ebook version din ito na maaaring mabili sa paraang nakatala sa
dokumentong ito: https://tinyurl.com/PagbiliNgBorador. Maaari ding maakses ang serbisyo ng
Ateneo de Manila University Press sa parehong Lazada at Shopee App. Iaanunsiyo ang presyo ng
teksbuk sa unang araw ng pisikal na pagkikita para sa klase.

G. MUNGKAHING BABASAHIN
Almario, Virgilio S. Patnugot. KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2014.
_______________. Tradisyon at Wikang Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 1997.
Lumbera, Bienvenido L. Abot-Tanaw: Sulyap at Suri sa Nagbabagong Kultura at Lipunan. Quezon City:
Linangan ng Kamalayang Makabansa, 1987.
_____________________. Revaluation: Essays on Philippine Literature, Cinema and Popular Culture. Maynila:
University of Santo Tomas Publishing House, 1997.
Miller, Toby. Patnugot. The Routledge Companion to Global Popular Culture. London: Routledge, 2016.
Reyes, Soledad S. Aliw: Selected Essays on Popular Culture. Maynila: De La Salle University Press, 2000.
_______________. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular: Piling Sanaysay, 1976-1996. Quezon City:
Ateneo de Manila Press, 1997.
_______________. Patnugot. Reading Popular Culture. Lungsod ng Quezon: Office of Research and Publications,
Ateneo de Manila University, 1991.
Santos, Benilda S., Patnugot. Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa: Unang Sourcebook
ng SANGFIL 1994-2001. Quezon City: UP-SWF, 2003.
_______________. Likha. Quezon City: Office of Research and Publications ng Ateneo de Manila University,
2002.
Tolentino, Rolando B. Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberation: Politikal na Kritisismo
ng Kulturang Popular. Maynila:; UST Publishing House, 2010.
_________________. Sa Loob at Labas ng Mall kong Sawi, Kaliluhay siyang Nangyayaring Hari Ang Pagkatuto
at Pagtatanghal ng Kulturang Popular. The University of the Philippines Press, 2001.
________________ at Gary C. Devilles. Mga Patnugot. Kritikal na Espasyo ng Kulturang Popular. Lungsod ng
Quezon: Ateneo de Manila University Press, 2015.
Villanueva, Rene. [Im]personal: Gabay sa Panulat at Pagmamanunulat. Pasig City: Anvil Publishing Inc.,2006.
______________. Personal: Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita. Pasig City: Anvil Publishing Inc., 1999.
Yapan, Alvin B. Patnugot. Bagay: Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipino. Lungsod Quezon: Bluebooks tatak ng
Ateneo de Manila University Press, 2017.
___________ at Glenda C. Oris. Patnugot. Burador. Lungsod Quezon: Bluebooks tatak ng Ateneo de Manila
University Press, 2010.
Zafra, Galileo S. et al. Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (tuon sa pagbaybay). Quezon City: UP-SWF, 2004.

H. SISTEMA NG PAGMAMARKA
A = 4.00 [92-100] C+ = 2.50 [79-82] F = 0 [0-69]
B+ = 3.50 [87-91] C = 2.00 [75-78]
B = 3.00 [83-86] D = 1.00 [70-74]

Sa konteksto ng kurso, gagamiting batayan sa pagmamarka ang pagbibigay ng 0-4 na puntos sa bawat
isusumiteng kahingian kung saan 4 (equivalent sa markang A) ang kinikilalang perpektong iskor.
7
I. MGA PATAKARAN NG KLASE
1. Mga Espasyo ng Pagkatuto:

May elementong onlayn (Canvas) at onsite ang asignatura. Nakatala sa “C. Balangkas at Daloy ng Kurso” (pp. 2-6)
ang mga tiyak na petsa kung kailan magkikita-kita sa pisikal na paraan sa loob ng silid-aralan ang buong klase
para sa mga talakayan. Karaniwan itong pumapatak tuwing Biyernes. Awtomatikong asahan ang pagsasagawa ng
mga asingkronikong aktibidad sa Canvas sa mga petsang hindi nailista sa itaas na higit na karaniwang pumapatak
tuwing Martes.

May dalawa hanggang tatlong beses din sa kabuoan ng semestre na isasagawa ang mga pangkatang
konsultasyon sa platapormang Zoom. Iaanunsiyo ng guro kung papaano pangangasiwaan ang aktibidad na ito sa
takdang panahon.

2. Pagdalo sa Klase

Hinggil sa pagliban (absences): May labing-apat (14) na pagkikitang onsite ang kurso na nakatala sa “C. Balangkas
at Daloy ng Kurso” (pp. 2-6). Mula sa patakarang 20% nito ang pinapayagang pagliban (allowable cuts), lalabas na
may hanggang 2.8 na pagliban lamang ang pahihintulutan. Awtomatikong makakatanggap ng markang W
(withdraw) ang estudyanteng lalampas sa bilang na ito.

Hinggil sa mahuhuling pagpasok (late): Hindi itatala ang mga mahuhuling pagpasok. Anupaman, tandaan na hindi
magbibigay ng alternatibong aktibidad (make-up activity) ang guro sa mga mag-aaral na hindi aabutan at
makapagsusumite ng mga gawaing pangklase.

3. Para sa mga Sesyong Asingkroniko na Isasagawa sa Canvas

Canvas ang opisyal na learning management system (LMS) ng mga Paaralang Loyola. Tanging ang mga opisyal na
mag-aaral lamang na nakakumpleto sa proseso ng rehistrasyon at enrolment ang mapapabilang sa kurso.
Inaasahan ang regular na pagsubaybay sa mga paskil dito, at ang maagap na pagbabasa at pagtupad sa
kahingiang nakalagay sa mga modyul. Para sa matiwasay na paggamit ng LMS, inaasahan sa mga mag-aaral ang
sumusunod:

● Siguraduhing nasa tamang timezone ang inyong mga account at nakalagay ito sa Philippine Standard
Time (+8 GMT) upang maiwasan ang mga pagkakamali sa mga oras lalo na sa mga araw ng dedlayn.
● Maglagay ng angkop na display picture upang makatulong sa madaling pagkilala ng guro at mga
kamag-aral
● Itakda ang notification preferences sa inyong Canvas Notifications tab upang iayon ito sa pamamaraang
makatutulong sa inyong personal na pag-iiskedyul at pakakatuto.
● Bisitahin ang inihandang Canvas Walkthrough ng Ateneo SALT sa link na ito
https://tinyurl.com/CanvasWalkthrough kung may paunang tanong hinggil sa pag-navigate ng Canvas
bilang opisyal na LMS ng Ateneo.

4. Hinggil sa mga Ipapasang Kahingian

Mahigpit na ipatutupad sa kurso ang dedlayn ng mga gawaing nakasaad sa “C. Balangkas at Daloy ng Kurso” (pp.
2-6) maliban na lang kung may pagbabago sa iskedyul na mapagsasang-ayunan ng parehong guro o (mga)
mag-aaral (hal. valid excuse dulot ng personal na sitwasyon).

Bagaman tatanggapin pa rin ng guro ang mga huling submisyon na walang valid excuse, papatawan pa rin ng
consequence ang mga ito. Gamiting gabay sumusunod:
● Huli ng isa hanggang apat na araw sa pagpapasa = B+ ang pinakamataas na markang posibleng
matanggap
● Huli ng limang araw hanggang isang linggo = B ang pinakamataas na markang posibleng matanggap
● Nakapagpasa lampas sa isang linggo = C+ ang pinakamataas na markang posibleng matanggap

Inaasahan na ibibigay ng mga mag-aaral ang pagkilala kung kanino man nararapat. Hindi pahihitulutan ang
pagpaplahiyo (plagiarism) at pandaraya (cheating), sa medyor man o menor na kahingian. Malaking kasalanan
ang mga ito kaya F ang markang makukuha sa kurso ng sinumang magpapasa ng akdang kinopya at dinaya.
Asahan na makararating sa OADSF ang mga kasong ito na tutugunan batay sa opisyal na polisiya ng mga
Paaralang Loyola hinggil sa akademikong pandaraya. Basahin dito ang Gabay ng mga Mag-aaral sa Kodigo ng
Akademikong Katapatan.

8
Hinggil sa PINAL NA MARKA, tandaang ano mang grado na awtomatikong iko-kompyut ng LMS ay HINDI ang
tunay na grado na matatanggap ng mag-aaral para sa kurso. Ipapaskil sa AISIS ang opisyal na grado sa katapusan
ng klase. Sa kabila nito, makatitiyak kayong magiging bukas (transparent) ang guro sa mga markang makukuha sa
pamamagitan ng pagpapaskil nito sa bawat submisyong gagawin sa Canvas.

5. Konsultasyon at Pagpapadala ng Personal na Mensahe sa Guro

Kung may anumang paglilinaw o tanong hinggil sa kurso, mangyaring ipabatid ito sa guro sa pamamagitan ng
pagpapadala ng mensahe sa aking Canvas Inbox o kaya naman sa aking email (atrinidad@ateneo.edu) gamit ang
inyong personal na OBF Account.

Mangyaring ipadala ang mensahe sa makatarungang oras ng pagtatrabaho sa pagitan ng 8:00 n.u. – 5:00 n.h.
Para sa mga mensaheng ipapadala lampas sa oras na nabanggit, asahang masasagot ito sa loob ng 24 na oras
mula sa oras ng pagpapadala.

Kung may mga concern na hindi kayang ipahiwatig sa email, at nangangailangan sa inyong palagay ng harapang
konsultasyon, mangyaring mag-iskedyul ng appointment sa pamamagitan muli ng pagpapadala ng email sa guro.
Iwasan ang pagpunta sa Kagawaran ng Filipino nang walang abiso sa guro. Magpadala muna ng mensahe sa
Canvas isang araw (o higit pa) bago ang konsultasyon. Kung maaari, isaalang-alang din ang consultation hours na
nakatala huling pahina ng ating silabus.

6. Alagang Pang-Mag-aaral

Itinataguyod sa silid-aralan at sa onlayn na espasyong kaugnay nito ang makatarungan at ligtas na


pakikipag-ugnayan ng isa’t isa. Bilang isang ligtas na espasyo, ipinaiiral dito ang pagkilala sa karapatan at dangal
ng bawat kalahok, ang guro man ito ngunit lalong-lalo na ang mga mag-aaral. Kinikilala ng klaseng ito ang lahat ng
oryentasyong seksuwal, pangkasariang identidad at pagpapahayag, estadong panlipunan, ekonomikong uri, lahi,
etnisidad, at antas ng kakayahang pisikal at mental. Sa bawat pagkakataon, lubos na mainam na alalahaning
isaalang-alang ng lahat ang pagkilalang ito na katarungan at kaligtasan ang layon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magpadala ng mensahe sa genderhub.ls@ateneo.edu. Hindi man


kasama dito ang iba pang aspekto ng panlipunang pagkatao, tinitiyak ng klase, lalong-lalo na ng guro, na hindi
pahihintulutan ang anumang uri ng diskriminasyon o karahasang kaugnay sa mga ito.

Nagbibigay din ang Loyola Schools Office of Guidance and Counseling (LSOGC) ng mga programa't serbisyo para
sa mga mag-aaral upang makapagbigay ng ginhawang sikolohiko at iba pang mga pangangailangan. Maaaring
malapitan ang LSOBC sa guidance.ls@ateneo.edu. Para sa agarang pangangailangan, maaaring magamit ang
sumusunod na mga numero:
Office for Student Services (OSS) Helpline - 0920-914-2372
Campus Security / Ambulance - 426-6001 local 4911, 0999-992-5715 (SMART)/ 0917-562-8641 (GLOBE)

7. Privacy at Confidentiality, Karapatang-Ari at Karapatang Intelektuwal

Lumilikha ng mga suliranin sa privacy at confidentiality ang isang kaligirang online. Mahalaga na siguraduhin ng
lahat na protektahan natin ang sarili nating mga gawa at ang gawa ng ating mga kasama. Sa ganito kailangang
isaloob at sundin ang panutong kung ano man ang mangyayari sa mga espasyo o platapormang ginagamit ng
klase ay mananatili sa loob ng mga espasyo't platapormang ito. Ibig sabihin, hindi maaaring i-share o ipaskil ang
mga nilalaman na nasa LMS (kasama dito ang mga babasahin at dokumentong nakalagak sa Google Drive ng
klase) sa iba pang mga plataporma nang walang nakasulat na pahintulot ng guro at ng iba pang mga taong
nag-ambag sa paggawa ng nilalaman na iyon.

Hindi maaaring i-copy-paste o di kaya'y i-screenshot o screen record ang nilalaman ng kurso. Kapag sinabing
"nilalaman," tinutukoy nito ang teksto ng mga pahina ng LMS, mga paskil ng guro at ng mga kaklase sa discussion
board, at ang mga ipinasang mga pagtatasa't takdang-aralin ng mga kaklase.

8. Tulong sa Mag-aaral: Mahahalagang Kawing/ Link


A. Student handbook ng Pamantasang Ateneo de Manila. Matatagpuan dito ang detalyadong pagtatalakay
sa mga patakaran at sistema ng pamantasan, pati na sa mga karapatan at responsabilidad ng mag-aaral.

9
B. Memo na inilabas ng Associate Dean for Academic Affairs, kaugnay ng pag-aangkop ng mga umiiral na
patakaran sa onsite, flex, at fully online na pag-aaral sa pamantasan.
C. Suporta sa Paggamit ng Canvas at Iba pang Serbisyong Pang-Mag-aaral.
D. Panimula sa Ateneo Blue Cloud
E. Sanggunian ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila
F. Akses sa Aklatang-Rizal

J. ORAS NG KONSULTASYON
Instruktor at Email Araw Oras

Prop. Andrea Anne I. Trinidad Martes Oras ng Klase:


atrinidad@ateneo.edu
Seksiyon K2: 9:30-11:00 NU
Seksiyon M2: 12:30-2:00 NH

Martes at 2:00-5:00 NH
Biyernes

10

You might also like