You are on page 1of 36

Basic Education Department

SY 2022 - 2023

STUDY GUIDE – ARALING PANLIPUNAN 5

Paksa ng Modyul:
Lokasyon ng Pilipinas at Ang
Ugnayan Nito sa Kasaysayan, Ang Code: Q1M1 Guro: G. John Paul R. Gonzales
Mga Teorya ng Pinagmulan ng
Pilipinas at ng Lahing Pilipino
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa
Pamantayan sa kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang
Pagganap: mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at
ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas.
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga
Pamantayan sa sinaunang Pilipino gamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at
Pagkatuto: mahahalagang konteksto ng kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang
mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
• *Naipaliliwanag ang kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng kasaysayan. (I)
• *Naipaliliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa
a. Teorya (Plate Tectonic Theory) b. Mito c. Relihiyon. (B)
• *Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas
a. Teorya (Austronesyano) b. Mito (Luzon, Visayas, Mindanao) c. Relihiyon. (B)
• Nasusuri ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahong pre-kolonyal. (B)
• Nasusuri ang pang-ekonomikong pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong pre-kolonyal
a. panloob at panlabas na kalakalan
b. uri ng kabuhayan (pagsasaka, pangingisda, panghihiram/ pangungutang, pangangaso, slash and burn,
pangangayaw, pagpapanday, paghahabi, atbp). (B)
• Nasusuri ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga Pilipino
a. sosyo-kultural (e.g., pagsamba (animismo, anituismo, at iba pang ritwal, pagbabatok/pagbabatik,
paglilibing (mummification primary/ secondary burial practices), paggawa ng bangka e. pagpapalamuti
(kasuotan, alahas, tattoo, pusad/ halop) f. pagdaraos ng pagdiriwang
b. politikal (e.g., namumuno, pagbabatas at paglilitis). (B)
• Natatalakay ang paglaganap at katuruan ng Islam sa Pilipinas. (B)
• Napahahalagahan ang kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Asyano sa pagkabuo ng lipunang at
pagkakakilanlang Pilipino. (B)
Performance Task: Criteria:
GOAL: Makagawa ng isang short video ng pagbigkas ng Phase 1:
tula na nagpapahayag ng pagmamalaki sa sinaunang Individual rubric
lipunang Pilipino. • Nilalaman
• Maayos at malinaw na paglalahad
ROLE: Isang makata na nakapaglimbag na ng sariling ng mga ideya
aklat • Petsa ng pagpapasa

AUDIENCE: Mga kapwa mag-aaral at kabataan Phase 2:


• Nilalaman ng video
SITUATION: Ang paaralan sa inyong barangay ay • Pagkamalikhain
nagdiriwang ng kanilang Buwan ng Wika at naimbitahan • Maayos at malinaw na pagbigkas
ka ng isa sa mga guro sa Filipino na magsagawa ng ng tula
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

pampublikong pagbabasa ng iyong tulang may kaugnayan • Petsa ng pagpapasa


sa tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nakapokus
ang pagdiriwang nito sa pagtukoy ng iba't ibang lalawigan
at rehiyon ng ating bansa.

Bilang isang makatang nakapaglimbag na ng sariling


aklat, ikaw ay naatasang sumulat ng isang tula tungkol sa
pinagmulan ng lahing Pilipino at ito ay babasahin sa
pamamagitan ng pag-record ng video. Dahil dito, ikaw ay
inaasahang makapagbubuo ng isang maikling video ng
pagbasa ng isinulat niyong tula tungkol sa pagtukoy ng
iba’t ibang lalawigan at rehiyon sa Pilipinas.

PRODUCT: Maikling video ng pagbigkas ng tula tungkol sa


pinagmulan ng lahing Pilipino

STANDARD:
Phase 1 (Individual rubric): Nilalaman, maayos at malinaw
na paglalahad ng mga ideya, petsa ng pagpapasa
Phase 2 (Overall rubric): Nilalaman ng video, Kalidad ng
boses, Pagkamalikhain, Maayos at malinaw na pagbigkas
ng tula, Petsa ng pagpapasa
DIARY MAP
ACTIVE Components Rating Remarks
Across Discipline

Communication and
Collaboration
Technology-Enabled

Individualized Learning

Values-Driven

Experiential Learning

4 3 2 1 0
The component is The component is The inclusion of the The inclusion of the The component is
well-planned and present in the components seems component is not present in
practiced in module module and reflected forced in module and practiced in the class module and in class.
and in class. during class. in class. but not reflected in
the module.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Iskedyul ng mga Gawain sa Modyul 1

Activity F2F/ODL
Week 1
Histo-trivia (MS Teams)
F2F
Balitaan (Canvas)
Maikling Gawain F2F
Pangkatang Gawain F2F
Introduksyon ng Performance Task ng AP at F2F
Filipino
Week 2
Histo-trivia (MS Teams)
ODL
Balitaan (Canvas)
Pangunahing Gawain ODL
Talakayan at Paglinang ng Kaalaman 1 ODL
Maikling Gawain ODL
Pagtataya 1 ODL
Talakayan at Paglinang ng Kaalaman 2 ODL
Pagtataya 2 ODL
Panghuling Gawain ODL
Histo-trivia (MS Teams)
F2F
Balitaan (Canvas)
Konsultasyon F2F
Paglalagom at Paglalapat F2F
Maikling Pagsusulit 1 F2F
Week 3
Histo-trivia (MS Teams)
F2F
Balitaan (Canvas)
Konsultasyon F2F
Paglalagom at Paglalapat F2F
Maikling Pagsusulit 2 F2F
Pagsasagawa ng PT phase 1 sa AP F2F
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

MODYUL 1 – LOKASYON NG PILIPINAS AT ANG UGNAYAN NITO SA


KASAYSAYAN, ANG MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG PILIPINAS AT NG
LAHING PILIPINO
08/08/2022
Asignatura at Baitang: Araling Panlipunan 5 Inihanda ni: ____G. John Paul R. Gonzales____
Iskedyul: ____Unang Markahan (W1-W3) ____ Inaprubahan ni: Ms. Maria Belinda Cabonegro 28Aug2022

INTRODUKSYON
Madalas na sinasabing ang Pilipinas ay may istratehikong lugar sa Asya sapagkat bukod sa
malapit ito sa mga mayayamang bansa tulad ng Tsina, Singapore, at Japan, mayaman ito sa likas na
yaman at kultura. Nitong nakaraang taon lamang ay naging matunog ang ating bansa nang
madiskubre ng mga siyentipiko ang bagong uri ng sinaunang tao na siyang nag-iwan ng maraming
katanungan kung paano sila nakarating sa ating bansa.
Sa modyul na ito, muli mong babalikan ang mga pamamaraan ng pagtukoy ng lokasyon at
klima ng Pilipinas at ang mga teorya kung paano nagsimula ang kapuluan ng bansa at ang pagdating
ng mga sinaunang tao.

Mga Layunin
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral sa ikalimang baitang ay inaasahang:

Lokasyon at Klima ng Pilipinas


• Natutukoy ang tiyak at relatibong lokasyon ng Pilipinas sa mapa. (B)
• *Naipaliliwanag ang kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng kasaysayan. (I).

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas at ng Lahing Pilipino


• *Naipaliliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa
a. Teorya (Plate Tectonic Theory) b. Mito c. Relihiyon. (B)
• *Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas
a. Teorya (Austronesyano) b. Mito (Luzon, Visayas, Mindanao) c. Relihiyon. (B)
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Pangunahing Katanungan:
Bakit mahalagang matukoy ang tiyak at relatibong lokasyon ng Pilipinas? Ano-ano ang mga
teoryang nagpapaliwanag sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas? Pinagmulan ng lahing Pilipino?

LINGGO 1 | F2F

GAWAIN Histo-Trivia/Balitaan
I

Histo-Trivia 1 (MS Teams)


Ang guro ay magtatalaga ng dalawang mag-aaral na magbibigay ng trivia tungkol sa mga
bagay na makikita sa bahay, sa paaralan, o sa mga paligid. Maaari din namang piliin ang mga
kaganapan sa kasaysayan na hindi masyadong alam ng karamihan. Ang makakalap na impormasyon
ay ipo-post lamang sa mismong thread sa MS Teams na ipinost ng guro. Kagyat na inaasahan ang
partisipasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-react o pagkomento sa mismong thread.
Huwag kalilimutang banggitin ang pinagkunan (source).

Balitaan 1 (Canvas)
Basahin ang artikulo sa ibaba at sagutin ang mga gabay na tanong tungkol dito:
Bongbong Marcos stands firm on protecting PH waters
By: Daniza Fernandez

MANILA, Philippines — President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. stood firm on Monday, [July 25] in
his promise to protect Philippine waters.
During Marcos’ first State of the Nation Address (Sona), he assured the public that the country
would not lose any part of its territory to another nation.
“On the area of foreign policy, I will not preside over any process that will abandon even one-
square inch of [the] territory of the Republic of the Philippines to any foreign power,” he said.
“But we will not waver. We will stand firm in our independent foreign policy, with the national
interest as our primordial guide,” he asserted.
He added that the Philippines would continue to be a friend to all and enemy to none.
“The Philippines has always been open and welcoming to all our foreign friends and visitors.
That is our world view, and that is our culture,” the president said.
According to Marcos, the Philippines will be a “good neighbor” willing to find ways to
collaborate and cooperate with other nations.
He vowed that the Philippines will pursue promoting “stronger and multi-faceted relationships
with all partners around the world.”

Sanggunian: https://newsinfo.inquirer.net/1634424/bongbong-marcos-stands-firm-on-protecting-
ph-waters
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Batay sa artikulong iyong binasa, sang-ayon ka ba sa pahayag na ito ni Pangulong Marcos Jr.
tungkol sa mga teritoryong pinag-aagawan ng iba’t ibang bansa sa West Philippine Sea? Ipaliwanag
ang iyong sagot.

Paalala:
Sa mga mag-aaral na hindi nagkaroon ng oportunidad na ibahagi ang kanilang ideya, opinyon,
ao saloobin hinggil sa balita, inyong ilalagay ito sa discussion board. Inaasahang mag-iiwan kayo ng
like o magkokomento sa naging sagot ng inyong kaklase kung kayo ay umaayon sa kanyang mga
naging sagot.

GAWAIN Maikling Gawain | Google Earth


II

Gamit ang Google Earth (www.earth.google.com), tutukuyin niyo ang kinaroroonan ng


Pilipinas batay sa mga karatig-bansa at katubigang nakapalibot dito. Ilista sa isang papel ang mga
karatig-bansa at mga katubigang pumapalibot sa ating bansa.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Saan matatagpuan ang Pilipinas batay sa mga karatig-bansa at mga katubigan gamit ang Google
Maps?
2. Paano mo mailalarawan ang lokasyon ng Pilipinas batay sa mga kalupaan at katubigang
nakapalibot dito?

Ang inyong mga sagot sa mga tanong sa Maikling Gawain ay inyong ilalagay sa discussion
board. Inaasahang mag-iiwan kayo ng like o magkokomento sa naging sagot ng inyong kaklase kung
kayo ay umaayon sa kanyang mga naging sagot.

GAWAIN Pangkatang Gawain | Jamboard


III

Narito ang mga panuntunan sa pagtupad ng pangkatang gawain sa araling ito:


1. Ang mga pangkat na nabuo sa unang pangkatang gawain ay siya ring magiging magkapangkat
para sa gawaing ito.
2. Sasagutin ng bawat pangkat ang tanong na, “Naniniwala ka bang ang ating mundo lamang ang
planetang may buhay?” Gagamitin ang Jamboard para maisagawa ang gawain.
3. Mag-iisip ang bawat pangkat ng hindi bababa sa dalawang dahilan tungkol sa inyong sagot.
4. Maaaring lagyan ng mga disenyo at mga larawang may kinalaman sa isinagot ng mga miyembro
ang kani-kanilang jamboard. May kalayaan ang bawat pangkat kung ilang panel ang gagamitin ng
bawat pangkat sa kanilang jamboard.
5. Ang bawat miyembro ay inaasahang makikiisa sa pangkatang gawain na ito. Narito ang ilan sa
mga posisyon na maaaring punan:
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

a. Pinuno
b. Tagatala ng mga impormasyon (2 ang pipiliin para dito)
c. Tagapagpaliwanag ng ginawa ng pangkat (maaaring 2 ang piliin para dito)
d. Tagapangasiwa ng mga malikhaing dekorasyon (maaaring 2 ang piliin para dito)
6. Mayroong hanggang 3 minuto ang bawat panig upang ilahad ang kanilang mga punto at diskurso
hinggil sa paksa.
7. Inaasahan na ang bawat miyembro ng bawat pangkat ay makikipagtulungan upang
maisakatuparan ang gawaing ito. Inaasahan din na mananatiling kalmado ang bawat isa lalo na
sa paglalahad ng kanilang mga diskurso upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

GAWAIN Introduksyon ng PT sa AP at Filipino


IV

Ang pangkalahatang panuto ng inyong magiging performance task sa AP at Filipino ay


ilalahad ng inyong guro upang magkaroon kayo ng kaalaman sa kung ano ang inaasahang final output
ng AP at Filipino sa unang markahan.
GOAL Makagawa ng isang short video ng pagbigkas ng tula na nagpapahayag ng
pagmamalaki sa sinaunang lipunang Pilipino.
ROLE Isang miyembro ng Disaster Risk Reduction Council ng isang bayan
AUDIENCE Mga kapwa mag-aaral at kabataan
SITUATION Ang paaralan sa inyong barangay ay nagdiriwang ng kanilang Buwan ng
Wika at naimbitahan ka ng isa sa mga guro sa Filipino na magsagawa ng
pampublikong pagbabasa ng iyong tulang may kaugnayan sa tema ng
pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nakapokus ang pagdiriwang nito sa
pagtukoy ng iba't ibang lalawigan at rehiyon ng ating bansa.

Bilang isang makatang nakapaglimbag na ng sariling aklat, ikaw ay


naatasang sumulat ng isang tula tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino
at ito ay babasahin sa pamamagitan ng pag-record ng video. Dahil dito,
ikaw ay inaasahang makapagbubuo ng isang maikling video ng pagbasa ng
isinulat niyong tula tungkol sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at
rehiyon sa Pilipinas.
PRODUCT Maikling video ng pagbigkas ng tula tungkol sa pinagmulan ng lahing
Pilipino
STANDARD Phase 1 (Individual rubric):
Nilalaman, maayos at malinaw na paglalahad ng mga ideya, petsa ng
pagpapasa
Phase 2 (Overall rubric):
Nilalaman ng video, Kalidad ng boses, Pagkamalikhain, Maayos at malinaw
na pagbigkas ng tula, Petsa ng pagpapasa
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Mga pamantayang gagamitin ng AP at Filipino:


Mga 4 na puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos Nakuhang
Pamantayan Puntos
Nilalaman ng Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay
video video ay video ay tama at kaugnay sa kaugnay sa
nagpapahayag ng may kaugnayan tinalakay; Ang tinalakay ngunit
wastong sa paksa; Inilahad ibang ideya ay malayo sa konteksto
pagkakaugnay ng ang paksa nang bahagyang ng paksa;
paksa; Inilahad mauunawaan ng malayo sa paksa; Nangangailangang
ang paksa sa marami. Ang ilang bahagi ilahad ang paksa sa
paraang ng paksa ay paraang
madaling bahagyang mauunawaan ng
mauunawaan ng mauunawaan. marami.
nakararami.
Kalidad ng boses Gumamit ng Bahagyang Mayroon pang Nangangailangan ng
epektibong epektibo ang kakulangan sa paggamit ng
pamamaraan ng pamamaraan ng paggamit ng epektibong paraan
pagbigkas ng tula pagbigkas ng tula epektibong ng pagbigkas ng mga
sa pamamagitan dahil may mga pamamaraan ng salita sa tula.
ng intonasyon, salitang hindi pagbigkas ng mga
tamang diin, nabigyan ng salita sa tula.
pagbasa nang tamang
may damdamin intonasyon at
sa tulang isinulat. diin sa pagbasa.
Pagkamalikhain Gumamit ng Bahagyang Mayroon pang Nangangailangang
epektibong epektibo ang kakulangan sa gumamit ng
pamamaraan ng pamamaraan ng paggamit ng epektibong
paglalahad ng paglalahad ng epektibong pamamaraan ng
mensaheng nais mensaheng nais pamamaraan ng paglalahad ng
ipabatid sa mga ipabatid sa mga paglalahad ng mensaheng nais
manonood; manonood; tula; Naipakita ipabatid sa mga
Naipakita nang Naipakita nang ang manonood;
mahusay ang may kahusayan pagkamalikhain Kinakailangan pang
pagkamalikhain ang sa pagbuo ng ipakita ang
sa pagbuo ng pagkamalikhain short video ng pagkamalikhain sa
short video ng sa pagbuo ng tula. pagbuo ng short
tula. short video ng video ng tula.
tula.
Maayos at Ang paglalahad Ang paglalahad Ang paglalahad Nangangailangan ng
malinaw na ng mga salita sa ng mga salita sa ng mga salita sa malinis at malinaw
pagbigkas ng tula tula ay lubhang tula ay malinis at tula ay na paglalahad ng
malinis at malinaw. bahagyang mga salita sa tula.
malinaw kung malinis at
kaya't malinaw.
nauunawaan
nang mabuti ang
nilalaman ng tula.
Petsa ng Naipasa ang PT Naipasa ang PT Naipasa ang PT Naipasa ang PT nang
pagpapasa bago o sa isa hanggang tatlo hanggang higit sa limang araw
mismong dalawang araw limang araw matapos ang
nakatakdang matapos ang matapos ang nakatakdang araw
araw ng pasahan. nakatakdang nakatakdang ng pasahan.
araw ng pasahan. araw ng pasahan.
KABUUANG PUNTOS (20 PUNTOS ANG PINAKAMATAAS)
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

LINGGO 2 | ODL

GAWAIN Histo-Trivia/Balitaan
I

Histo-Trivia 2 (MS Teams)


Ang guro ay magtatalaga ng dalawang mag-aaral na magbibigay ng trivia tungkol sa mga
bagay na makikita sa bahay, sa paaralan, o sa mga paligid. Maaari din namang piliin ang mga
kaganapan sa kasaysayan na hindi masyadong alam ng karamihan. Ang makakalap na impormasyon
ay ipo-post lamang sa mismong thread sa MS Teams na ipinost ng guro. Kagyat na inaasahan ang
partisipasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-react o pagkomento sa mismong thread.
Huwag kalilimutang banggitin ang pinagkunan (source).

Balitaan 2 (Canvas)
Basahin ang artikulo sa ibaba at sagutin ang mga gabay na tanong tungkol dito:
Malaysian assets at risk globally as late Sultan's heirs claim $15 billion award
By Rozanna Latiff

KUALA LUMPUR, July 16 (Reuters) - The heirs of a 19th century sultanate are seeking to seize
Malaysian government assets around the world in a bid to enforce a $14.9 billion arbitration award
they won against the Southeast Asian nation, despite a stay on the case handed by a French court, their
lawyers told Reuters.
A French arbitration court in February ordered Malaysia to pay the sum to the descendents of
the last Sultan of Sulu to settle a dispute over a colonial-era land deal.
Malaysia said on Wednesday the Paris Court of Appeal had stayed the ruling, after finding that
enforcement of the award could infringe the country's sovereignty.
Law minister Wan Junaidi Tuanku Jaafar said the stay would prevent the award from being
enforced as Malaysia works to set aside the ruling. Malaysia had not previously participated in the
arbitration.
Lawyers for the claimants, however, say the February ruling remains legally enforceable outside
France through the New York Convention, a U.N. treaty on international arbitration recognized in 170
countries.
"The 'stay' that seems to comfort the Malaysian government temporarily delays local
enforcement in one country, France itself," said Paul Cohen, the heirs' lead co-counsel, of London-based
law firm 4-5 Gray's Inn Square.
"It does not apply to the other 169."
With some exceptions, such as diplomatic premises, any Malaysian government-owned asset
within nations party to the U.N. convention is eligible for the purposes of enforcing the award, said
Elisabeth Mason, another lawyer for the heirs.
Wan Junaidi, the Malaysian law minister, declined to comment when contacted.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

PETRONAS ASSETS HELD


The heirs claim to be successors-in-interest to the last Sultan of Sulu, who entered a deal in 1878
with a British trading company for the exploitation of resources in territory under his control - including
what is now the oil-rich Malaysian state of Sabah, on the northern tip of Borneo.
Malaysia took over the arrangement after independence from Britain, annually paying a token
sum to the heirs, who are Philippine nationals.
But the payments were stopped in 2013, with Malaysia arguing that no one else had a right over
Sabah, which was part of its territory.
The claimants last week moved to seize two Luxembourg-based units of Malaysian state oil firm
Petronas (PETR.UL) as part of efforts to enforce the award.
Petronas, which has described the seizure as "baseless", has said it will defend its legal position,
adding that the units have divested their assets. read more
Lawyers for the heirs said the units were now under the control of bailiffs in Luxembourg,
pending any appeal by Petronas against the seizure.
"We note Petronas’ description of certain transactions, and we note their statement that those
transactions are complete," Mason said.
"We will discover the full picture of all assets in due course."

Sanggunian: https://www.reuters.com/world/asia-pacific/malaysian-assets-risk-globally-late-
sultans-heirs-claim-15-bln-award-2022-07-17/
Karagdagang sanggunian para sa balitang ito: https://www.youtube.com/watch?v=kUbawL5r1zU

Mga gabay na tanong:


1. Ayon sa artikulong iyong nabasa, bakit balak na kunin ng mga kamag-anak ng dating sultan ng
Sultanato ng Sulu ang ari-arian ng Malaysian oil company na Petronas sa buong mundo?
2. Paano napanatili ng pamahalaan ng Malaysia na hindi muna makuha ng mga kamag-anak ng
dating sultan ng Sultanato ng Sulu ang mga ari-arian ng Petronas?
3. Sa iyong pananaw, dapat nga bang maging bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Sabah?
Ipaliwanag.

Paalala:
Sa mga mag-aaral na hindi nagkaroon ng oportunidad na ibahagi ang kanilang ideya, opinyon, ao
saloobin hinggil sa balita, inyong ilalagay ito sa discussion board. Inaasahang mag-iiwan kayo ng like
o magkokomento sa naging sagot ng inyong kaklase kung kayo ay umaayon sa kanyang mga naging
sagot.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

GAWAIN Talakayan at Paglinang ng Kaalaman 1


II
*ibibigay sa mga mag-aaral ang kopya ng talakayan bago magsimula ang synchronous class

Mundo: Tahanan ng Sangkatauhan


Ang Pilipinas ay isang mallit na bahagi ng Mundo (Earth). Upang higit mo itong maunawaan
ay kailangang malaman mom una ang mahahalagang bagay tungkol sa Mundo.

Ang Mundo ay bahagi ng solar system. Ito ang pangatlong planet amula sa Araw (Sun). Ayon
sa mga siyentipiko, sa ngayon ito ang nag-iisang planetang may buhay. Ito ang tahanan ng
sangkatauhan. Noong unang panahon, pinaniniwalaang patag ang Mundo. Ang isang sasakyang
pandagat dawn a pumalaot sa dagat ay hindi na makababalik dahil mahuhulog ito sa kabilang dulo
ng Mundo. Ngunit dahil sa isang ekspedisyon ay napatunayang bilog ang Mundo. Ayon kay Sir Isaac
Newton, ang eksaktong gitna at may pagkapatag sa magkabilang dulo. Maihahalintulad ito sa isang
dalandan. Ayon sa geodesy o siyensiya ng pag-aaral at pagkuha sa eksaktong sukat at mga dimensiyon
ng Mundo, ang diyametro o sukat nito sa ekwador ay 12,713.6 kilometro at 12,576 kilometro ang
diyametro nito sa magkabilang polo.

Ang katubigan at kalupaang bahagi ng Mundo


Ang tatlong-kapat (3/4) na bahagi ng Mundo ay binubuo ng katubigan. May malalaki at
maliliit na anyong tubig sa Mundo. Ang karagatan ang pinakamalaking anyong tubig. Ang mga
karagatan sa Mundo ay ang Pasipiko, Atlantiko, Indian, Arctic, at Southern. Ang Karagatang Pasipiko
ang pinakamalawak at pinakamalalim. Ito ay tinatayang may karaniwang lalim na 4,000 metro. Ang
apat na karagatan ay magkakarugtong at itinuturing na bahagi ng isang malaking karagatan ng
Mundo.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Ang isang-kapat (1/4) na bahagi ng Mundo ay binubuo naman ng kalupaan. Ang malaking
masa ng lupa ay tinatawag na kontinente. Ang Asya, Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika,
Antarctica, Europa, at Australia at Oceania ay ang mga kontinente sa Mundo.

Ang pinakamalaking kontinente ay ang Asya. Ang pinakamaling bilang ng populasyon ay


matatagpuan dito. Sa katunayan, ito ang tahanan ng may 60% populasyon sa mundo. Isa ang Pilipinas
sa mga bansang matatagpuan dito na nasa rehiyon ng Timog-Silangang Asya.

Absolute Location ng Pilipinas at Ang Mga Guhit sa Mapa o Globo

Sa pamamagitan ng mapa o globo, matutukoy ang absolute location o ang eksaktong


kinalalagyan ng isang lugar at bansa. Makikita sa mga ito ang mga guhit pangkaisipan na kung
titingnan talaga sa Mundo ay wala naman. Nilikha lamang ang mga ito upang madaling matukoy ang
absolute location, hugis, laki, at sukat ng mga lugar.

Parallel at Meridian, Latitud at Longhitud

Makikita sa larawan ng globo sa ibaba ang mga linyang pahiga o mga linyang tumatawid sa
pasilangan-kanlurang direksiyon paikot sa Mundo. Ito ay tinatawag na parallel. Samantala, ang mga
linayang patayo o mga linyhang tumatawid mula sa isang polo patungo sa isa pang polo ay tinatawag
na mga meridian.

Tandaang ang mga terminong parallel at latitud, at meridian at longhitud ay kalimitang


ginagamit nang palita. Gayunpaman, mahalagang tandan na kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa
mga linya, ang tinutukoy ay ang mga parallel at meridian. Kapag ang pinag-uusapan naman ay tungkol
sa mga distansiya, ang tinutukoy ay ang latitud at longhitud.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Espesyal na Guhit Longhitud

Ang prime meridian ay kumakatawan sa simula ng mga guhit longhitud. Ito ay nasa zero
digri longhitud at may kabuuang sukat na 180 digri. Hinahati nito ang Mundo sa Kanlurang
Hemispero at Silangang Hemispero kaya’t sa tulong nito, masasabi kung pasilangan o pakanluran ang
kinalalagyan ng isang lugar. Mula sa prime meridian pasilangan, labindalawang longhitud at
labindalawa rin mula sa prime meridian pakanluran na naglalagos sa Greenwich, London.

Ang International Date Line (IDL) ay ang guhit na nasa 180 digri longhitud. Ito ay katapat
na guhit ng prime meridian. Ang guhit na ito ay mahalaga sa pag-alam ng mga oras at araw sa iba’t
ibang panig ng Mundo. Makikita ito sag lobo mula sa Polong Hilaga at naglalagos sa Dagat Bering,
Karagatang Pasipiko, at hanggang Polong Timog. Kung bibigyang-pansin ito sag lobo ay makikitang
ito ay hindi isang tuwid na linya. Sinadya ito upang hindi magkaiba ang oras ng isang bansa o lugar
na nasasaklawan nito.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Espesyal na Guhit Latitud

Bukod sa mga nabanggit na espesyal na guhit longhitud ay may mga espesyal na guhit latitud
ding makikita sa globo at mapa kasama ang ekwador, at mga polo.

Ang ekwador ay isang malaking parallel na guhit pangkaisipan na may sukat na 360 digri. Ito
ay matatagpuan sa zero digri latitud. Hinahati nito ang mundo sa Hilagang Hemispero at Timog
Hemispero. Ito ay ang bahagi ng Mundong direktang nasisikatan ng araw.

Ang Mundo ay nahahati sa dalawang polo—ang Polong Hilaga at Polong Timog. Ang Polong
Hilaga (North Pole) ay matatagpuan sa pinakamataas na bahagi ng mundo samantalang ang Polong
Timog (South Pole) ay matatagpuan sa pinakamababang bahagi ng mundo. Magkatapat ang
dalawang polong ito.
Isa sa mga espesyal na guhit na latitud ay ang Tropiko ng Kanser. Ito ang parallel na nasa
23.5 digri hilaga ng ekwador. Ito ang pinakahilagang hangganan na naaabot ng bertikal na sinag ng
araw.
Ang Tropiko ng Kaprikorniyo ang tawag sa parallel na nasa 23.5 digri timog ng ekwador.
Ito ang pinakatimog na lugar na naaabot ng bertikal o direktang sinag ng araw.

Ang Kabilugang Artiko ang parallel na nasa 66.5 digri hilaga ng ekwador. Ito ang
pinakahilagang hangganang naaabot ng palihis o ‘di direktang sinag ng araw.

Ang Kabilugang Antartiko ang parallel na nasa 66.5 digri timog ng ekwador. Ito ang
pinakatimog na hangganang naaabot ng palihis o ‘di direktang sinag ng araw.
Ang mga guhit latitud na ito ay tinawag na ‘espesyal’ dahil nakatutulong ito sa pag-aaral ng
klima ng mga bansa na bibigyang-diin sa susunod na aralin.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Grid
Ang pinagsamang guhit latitud at longhitud ang bumubuo sa isang grid. Ito ay nabuo sa
pamamagitan ng interaksiyon ng parallel at ng meridian. Ito ay mahalaga sa pagbibigay ng tiyak na
lokasyon o absolute location ng isang lugar sa ibabaw ng Mundo. Ang tiyak na lokasyon ng isang
bansa ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtiyak sa eksaktong lokasyon ng kabisera. Ang tiyak na
lokasyon ng Pilipinas ayon sa kabisera nitong Lungsod ng Maynila ay nasa 14”35’ Hilagang Latitud at
120”59’ Silangang Longhitud.

Relatibong Lokasyon ng Pilipinas

Bukod sa pagtukoy sa kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo gamit ang mapa batay sa absolute
location nito, mahalaga ring iyong matutuhan ang pagtukoy sa lokasyon ng bansa batay sa mga
kalupaan at katubigang nakapaligid dito gamit ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon.

Maaari itakda sa pamamagitan ng mga nakapaligid na hangganang lupain o mga katubigang


nakapaligid dito ang relatibong lokasyon (relative location). Tinatawag na relatibong lokasyong
kontinental ang kinalalagyan ng mga lugar na lubusang napaliligiran ng mga lupain. Ang relatibong
lokasyong kontinental ay maaari ding ibigay sa pamamagitan ng pagtukoy sa pinakamalapit na mga
bansa. Samantala, para naman sa mga pulo o kapuluang bansa ay tinatawag naman itong relatibong
lokasyong maritime na matutukoy naman sa pamamagitan ng nakapaligid na katawan ng tubig. May
mga lugar na parehong may hangganang lupain at dagat, kaya naman ang lokasyong relatibo nito ay
ibinibigay sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga lupain at katawan ng tubig na pumapalibot sa mga
ito. Kaya sa paglalarawan ng relatibong lokasyon ng Pilipinas, maaari nating gamitin ang talahanayan
sa ibaba.

Direksiyon Matatagpuang Kalupaan o Katubigan


Hilaga Kipot Bashi (Bashi Channel) at Taiwan
Kanluran Dagat Kanlurang Pilipinas (West Philippine Sea) at mga bansang Laos,
Cambodia, at Vietnam
Timog Dagat Celebes at pulo ng Sulawesi
Silangan Malawak na Karagatang Pasipiko
Mahalagang matukoy ang tiyak at relatibong lokasyon ng Pilipinas upang higit na maunawaan
ang mga katangian ng batayang heograpiya at kinalalagyan nito sa Mundo. Ang uri ng pamumuhay,
likas na yaman, hanapbuhay, at klima na mayroon ang bansa ay masasabing dulot o sanhi ng
lokasyong kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo. Kung mauunawaan ito ng mga Pilipino, madali na para
sa bawat isang makaangkop sa katangiang pisikal na mayroon ang ating bansa.

Ang Pilipinas bilang Isang Bansang Tropikal

Bawat bansa sa mundo ay may kani-kaniyang uri ng panahon at klima. Ito ay nakasalalay sa
lokasyon ng mga ito. Ang panahon ay pansamantalang kalagayan ng atmospera ng isang lugar na
maaaring magbago anumang oras. Samantalang ang klima ay pangmatagalang kalagayan ng
panahon sa isang lugar. Ito ay maaaring maranasan nang hindi bababa sa tatlo hanggang anim na
buwan.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Gayundin, ang klima at ang panahong nararanasan sa bansa ay may malaking kaugnayan sa
lokasyon nito sa mundo. Sa nagdaang aralin ay iyong natutuhan na ang Pilipinas ay matatagpuan sa
pagitan ng mga latitud 4”23’ at 21”25’ Hilaga at sa pagitan ng mga longhitud 116”00’ at 127”00’
Silangan. Sa kinalalagyan nito sa mundo, malinaw na ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang nasa
mababang latitud. Ito ang dahilan kung bakit ang Pilipinas ay nagtataglay ng klimang tropical.
Nakararanas lamang ang bansa ng dalawang pangkalahatang klima sa buong taon—ang tag-init at
ang tag-ulan. Karaniwang nararanasan ang tag-init sa bansa sa mga buwan ng Disyembre hanggang
Mayo samantalang ang tag-ulan naman ay sa mga buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre.
Gayunpaman, dahil na rin sa epekto ng climate change ay nagbabago-bago na rin ang mga buwan
kung kalian nangyayari ang mga nasbaing klima. May pagkakataong sa buwan ng Disyembre, sa halip
na maranasan ang init ng araw ay nakararanas ang bansa ng malalakas na pag-ulan at bagyo na may
kasamang pagbaha.

Pinagpala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng klimang tropical sapagkat napakainam ng klimang


ito sa pag-aalaga ng mga hayop o halaman. Angkop na angkop ang klimang tropical para mabuhay
ang maraming uri ng halaman at puno. Angkop na angkop din ang bansa upang tirahan ng iba’t ibang
uri ng mga hayop na nabubuhay sa lupa, dagat, at maging sa kagubatan. Ito ang dahilan kung bakit
sagana sa likas na yaman ang Pilipinas.

Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Pilipinas


Hindi pare-parehas ang klimang nararanasan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. May iba’t ibang
salik na nakaaapekto sa klima. Ang mga ito ay ang lokasyon, katangiang pisikal, temperature,
halumigmig, ihip ng hangin, at dami ng ulan.
1. Lokasyon, Katangiang Pisikal, at Temperatura – mga salik kung bakit nagkakaiba-iba ang klima
sa iba’t ibang panig ng bansa. Nakararanas ng matataas na temperatura ang mababang lugar
na tulad ng kapatagan. Ang mabundok at maburol na lugar naman ay may mababang
temperatura dahil matataas ang mga lugar na ito. Ang mga lungsod ng Baguio at Tagaytay ay
ilan lamang sa matataas na lugar na nagtataglay ng mababang temperatura. Kapag mas
mababa ang lugar, mas mataas ang temperatura at kapag mas mataas ang lugar ay mas
mababa naman ang temperatura.
2. Halumigmig (humidity) – tumutukoy sa dami ng water vapor sa atmospera ay isa rin sa
mahahalagang salik sa pagkakaiba-iba ng klima sa mga lugar sa bansa. Itinuturing na mataas
ang antas ng halumigmig na nararanasan sa bansa bunga ng pagkakaroon nito ng mainit na
klima, masaganang anyong tubig na nakapaligid dito, at sa masaganang ulang nararanasan sa
buong taon. Ang kabuuang humidity ng bansa bawat taon ay humigit-kumulang 80%. Dahil sa
pagkakaroon ng mainit na klima at mataas na porsiyento ng humidity ay nararanasan natin
ang maalinsangang panahon sa halos buong kapuluan.

3. Pag-ihip ng Hangin (windflow) – ang mga pag-ihip ng hangin na nakaaapekto sa klima ay ang
Habagat, Amihan, at Trade Winds. Ang Habagat (Timog-Kanlurang Monsoon) ay nararanasan
sa mga buwan ng Mayo hanggang Setyembre mula sa isang timog-kanlurang direksiyon ng
hanging nagdudulot ng malalakas na ulan. Ang Amihan (Hilagang-Silangang Monsoon) ay
hanging mula sa Siberia at umiihip patungong Karagatang Pasipiko mula sa hilagang-
silangang direksiyon na nararanasan mula Oktubre hanggang Pebrero. Tuyo ang panahong
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

ito ngunit malamig ang simoy ng hangin. Ang Trade Winds (Hanging Silangan) naman ay
nagmumula sa Karagatang Pasipiko na nararanasan ng bansa sa mga buwan ng Pebrero
hanggang Mayo na karaniwang nakatutulong sa mga manlalayag sa kanilang paglalakbay.

4. Dami ng Ulan – isa sa pinakamahalagang elemento ng klima sa bansa. Hindi magkakatulad ang
dami ng ulang nararanasan ng mga lalawigan, lungsod, at pulo ng bansa. May mga lugar na
nakararanas ng sandali at mahinang pag-ulan samantalang ang ibang lugar ay nakararanas
ng matagalan at malalakas na pag-ulan. Ang mga hadlang na bundok (mountain barriers) at
maging ang mga dumaraang bagyo sa bansa ay nakaaapekto rin sa dami ng ulang natatanggap
ng isang lugar batay sa posisyon o lokasyon nito.

Klima ng Pilipinas

Dahil malapit sa ekwador, ang Pilipinas ay mayroong klimang tropikal. Ang bansang may
klimang tropikal ay nakararanas lamang ng dalawang klima sa Pilipinas: ang tag-init at ang tag-ulan.
Nagsisimula ang panahon ng tag-init sa mga buwan ng Marso hanggang Mayo at ang panahon ng tag-
ulan sa mga buwan ng Hunyo hanggang Setyembre.

Kung pagmamasdan ang larawan sa itaas, ang mga bansang nasa sonang kulay pula ay
mayroong klimang tropikal. Ang sonang ito ay nasa pagitan ng Tropiko ng Kanser sa hilaga at
Tropiko ng Kaprikorn sa timog. Ang mga bansang nasa sonang mula sa Tropiko ng Kanser
hanggang sa Kabilugang Arctic sa hilaga at Tropiko ng Kaprikorn sa timog hanggang sa
Kabilugang Antartiko ay mayroong klimang temperate. Ang klimang temperate ay nakararanas
ng apat na klima: taglagas (autumn), tag-init (summer), tagsibol (spring), at taglamig (winter).

Samakatuwid, nakaaapekto sa uri ng klima mayroon ang isang bansa o lugar batay sa kanyang
lokasyon. Nakaaapekto rin ang klima sa kung ano ang kultura na mayroon sa isang lugar o bansa.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano-ano ang mga bansa at karagatang nakapaligid sa Pilipinas?
2. May ugnayan ba ang lokasyon ng Pilipinas sa mundo sa klimang mayroon ito? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
3. Ano-ano ang uri ng klima sa Pilipinas? May epekto kaya ito sa kabuhayan ng mga tao sa isang
lugar?
4. Kung susuriin, madali bang bantayan mula sa mga dayuhan ang karagatang sakop ng Pilipinas?
Bakit? Bakit hindi?

GAWAIN Maikling Gawain | Picture Analysis


III

Tingnan sa mapa sa ibaba ang kinaroroonan ng International Date Line. Hanapin ang Tonga at
Samoa gayundin ang Kiribati. Anong napansin mo sa mga linyang ito? Bakit kaya hindi pantay ang
linya na ito?

Ang inyong mga sagot ay ilalagay sa Canvas discussion board. Inaasahan na makapag-iiwan ng like
o hindi kaya ay mag-iiwan kayo ng komento sa sagot ng inyong kamag-aral.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

GAWAIN Pagtataya 1
IV

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod na pahayag ay wasto, isulat ang MALI kung
hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa inilaang patlang.
______________1. Mayroong dalawang paaraan ng pagtukoy ng lokasyon: ang tiyak at relatibong
lokasyon.
______________2. Gumagamit ng mga imahinaryong linya sa globo ang relatibong lokasyon.
______________3. Ang ekwador ay isang linya ng latitud na matatagpuan sa 0 digri.
______________4. Itinatakda ng international date line ang time zones sa buong mundo.
______________5. Hinahati ng prime meridian ang globo sa hilaga at silangang hemispero.
______________6. Nakararanas ng klimang tropikal ang mga bansang nasa sona ng mula sa Tropiko ng
Kanser hanggang sa Kabilugang Arctic sa hilaga at Tropiko ng Kaprikorn sa timog
hanggang sa Kabilugang Antartiko.
______________7. Dahil malapit sa ekwador, ang Pilipinas ay nakararanas lamang ng dalawang klima—
ang tag-init at tag-ulan.
______________8. Ang klima ay ang maiksi o pansamantalang kalagayan ng atmospera na namamasid sa
isang maikling panahon.

GAWAIN Talakayan at Paglinang ng Kaalaman 2


V

Ayon sa mga pananaliksik na isinagawa ng mga siyentipiko, mayroong tatlong teorya na


maaaring makapagpaliwanag ng pinagmulan ng Pilipinas at ng mga sinaunang tao.

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas

Ang tatlong teorya na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas ay ang mga


Teoryang Continental Drift, Teoryang Plate Tectonic, at Teoryang Land Bridge.
Ayon sa teoryang Continental Drift ni Alfred Wegener, isang Aleman na metereologist, ang
ang mga kontinente ay minsang magkakasama bilang isang malaking masa ng lupa o supercontinent
na tinatawag niyang Pangaea. Paglipas ng marami pang tan, nahiwalay ito sa dalawang bahagi: ang
kontinente ng Laurasia na napunta sa hilagang bahagi at Gondwanaland na napunta sa timog na
bahagi. Paglipas pa ng maraming taon, naghiwa-hiwalay at nahati sa pitong kontinente ang dalawang
malaking masa ng lupa na ito dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa. Marami siyang patunay o
ebidensyang ipinakita upang patotohanan ang teoryang ito. Ang ilan sa mga ito ay ang sinasabing
pagiging “fit” ng mga kontinente sa bawat isa na maaaring ihalintulad sa isang jigsaw puzzle. Dagdag
pa rito ang mga fossil o mga labi ng isang uri ng sinaunang hayop na natagpuan sa magkaibang
kontinente.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Ngunit gayunpaman, may mga ilang kakulangan sa teoryang ito ni Wegener na sinasagot ng
teoryang tektonikong plato o plate tectonics tulad ng paano gumagalaw ang lupa. Ayon sa teoryang
Plate Tectonics, ang ibabaw ng mundo ay binubuo ng mga malalaking tipak na malalapad na bato
na tinatawag na platong tektoniko at magkakadikit tulad ng jigsaw puzzle. Ito ay gumagalaw sanhi ng
init na mula sa pinakaubod ng mundo, nagbungguan, naggigitgitan at mayroon nagkakalayo. Sa
pagkakabaluktot ng plato, nagkakaroon ng guwang sa pagitan nito na siyang lumikha ng mga malalim
na bahagi ng karagatan (trenches) at pag-angat ng ilang bahagi ng plato. Ang Pilipinas ay bahagi ng
tinatawag na Philippine plate.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Isa pa sa teoryang nagpapaliwanag ng pinagmulan ng Pilipinas ay ang teoryang land bridge.


Ayon sa teoryang ito, sinasabing dating bahagi ng lupain ng Asya ang Pilipinas na tinatawag na Sunda
Land. Noong Panahon ng Yelo, ang sapin-saping lupa sa ilalim ng dagat, ang sunda at sahul shelf ay
dating nakalitaw sa ibabaw ng tubig na parang mga tulay na lupa. 5 tulay ang tinatayang
nagdurugtong sa Pilipinas sa lupain ng Asya. Ang mga ito ay nasa pagitan ng Taiwan at Hilagang
Luzon, Borneo at Palawan, Borneo at Sulu, Celebes at Mindanao at New Guinea at Australia.

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Sinaunang Tao


Mayroong tatlong teorya na nagpapaliwanag kung paano nakarating sa Pilipinas ang mga
sinaunang tao. Ito ay ang teoryang Wave Migration, teoryang Core Population, at teoryang Out-
of-Taiwan.
Ayon sa teoryang Wave Migration ni Henry Otley Beyer, isang propesor sa University of the
Philippines at tagapagtatag ng antropolohiya sa Pilipinas, may iba’t ibang grupo o uri ng tao na nag-
migrate sa Pilipinas, at sila ang mga kauna-unahang nanirahan sa bansa. Sunod-sunod na dumating
sa Pilipinas ang mga grupo ng tao, na maihahalintulad sa mga alon o waves na sabay-sabay ang
pagbugso; ito ang dahilan kung bakit tinawag ang teorya na Wave of Migration. Nakarating sila sa
bansa gamit ang paglalakad sa tulay na lupa na nag-uugnay sa iba’t ibang mga bansa noon at
paglalayag sa karagatan. Dagdag pa rito, isinaad din na ang mga grupong ito ang unang nanirahan sa
bansa – wala pang tao bago ang kanilang pagdating. Sa kanila rin nanggaling ang mga kultura at
paraan ng pamumuhay na tinatamasa natin hanggang sa kasalukuyan.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Mayroong apat na uri ng sinaunang tao ang nakarating sa Pilipinas batay sa teoryang ito: ang
mga cave man, mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang pangkat ng mga Malay ang sinasabing
inabutan ng mga Kastila pagkarating nila rito sa Pilipinas.

(Mula sa kaliwa sa itaas) Cave man, Negrito, (mula sa kaliwa sa baba) Indones, Malay
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Batay naman sa teoryang Core Population ni Felipe Lanca Jocano, isa ring propesor sa
University of the Philippines, ang pinagmulan ng mga tao sa kapuluan ng Timog-Silangang Asya ay
iisa lamang (halimbawa ay ang Java Man ng Indonesia at Tabon Man ng Pilipinas) at ito ay bahagi ng
proseso ng ebolusyon.

Samantala, ang Austronesya ay tumutukoy sa mga rehiyong gumagamit o nagsasalita ng mga


Autronesyanong lenggwahe. Nangangahulugan ito sa isang pamilya ng ‘di hihigit sa 600 wikang
makikita sa mga rehiyon mula Timog Silangang Asya at nakaabot at kumalat sa Madagascar sa
kanluran, hanggang Rapanui o Easter Island sa Chile. Mula sa salitang ito nabuo ang konseptong
Migrasyong Austronesyano kung saan ang mga Austronesian-speaking people o mga taong nagsasalita
ng Austronesyanong lenggwahe ay lumipat at kumalat sa iba’t ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya,
kasama na ang Pilipinas. Ang mga Austronesyano ang naging sinaunang tao sa bansa.
Mayroong iba’t ibang teorya hinggil sa paglaganap ng Autronesyano sa Timog Silangang Asya.
Isa na rito ay ang teoryang Out-of-Taiwan ni Peter Bellwood. Dito isinasaad na ang mga
Austronesyano ay nagmula sa Timog Tsina na lumipat sa Taiwan. Pinaniniwalaang galing Yunnan
Plateau, China ang mga sinaunang taong lumipat papuntang Taiwan at matagumpay na nakarating
dito dahil na rin sa kanilang pag-unlad sa teknolohiya ng pag-aagrikultura. Galing Taiwan, sila’y
nakarating sa Hilagang bahagi ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat. Sila ay
nakarating ng Luzon at mula doon ay napadpad na sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Dito nagsilbi
bilang isang “springboard” ang bansa sa pagkalat pa ng mga Austronesyano papunta sa iba’t ibang
bahagi ng Timog-Silangang Asya. Nakarating sila sa mga isla ng Celebes Sea, Borneo at Indonesia,
hanggang sa Madagascar. Sa teoryang ito, kumalat ang mga Austronesyano sa panahong 7000 B.K.
Kasabay sa migrasyon ang paglaganap din ng kultura ng pagtatanim ng palay.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Iba Pang mga Teorya ng Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Pilipinas

Kasama sa mga nahukay na labi ng Taong Tabon ay ang ilang kagamitang bato tulad ng chertz,
isang uri ng quartz, gayundin ang mga buto ng ibon at panicking nagpapatunay na nabuhay ang mga
taong ito sa pagkuha ng pagkain at kapaligiran. May nakuha ring mga bakas ng uling na katibayan ng
kaalaman sa pagluluto ng pagkain.

Sa mga impormasyong nakalap noong 1962, lumalabas na unang nagkaroon ng tao sa


Pilipinas kaysa sa Malaysia at Indonesia. Pinatunayan din ni Felipe Landa Jocano sa kanyang pag-
aaral ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for Advanced Studies noong 1975 at ng mga
mananaliksik ng National Museum na ang bahagi ng bungang natagpuan ay kumakatawan sa unang
lahing Pilipino sa Pilipinas.

Ngunit makalipas ang ilang taon ay natagpuan naman ni Armand Mijares ang isang buto ng
pa ana sinasabing mas matanda pa sa Taong Tabon sa Kuweba ng Callao, Cagayan. Tinatawag itong
Taong Callao na sinasabing nabuhay 67,000 taon na ang nakalilipas. Ang Taong Callao ay
pinaniniwalaang nagmula sa isang species na nauna pa sa Homo sapiens. Ito ay tinawag na Homo
luzonensis. Isa pang patunay nito ay ang nahukay na buto ng rhinoceros na may hiwang gawa ng tao
at iba pang mga kagamitang bato. Nahukay ito sa Kalinga noong 2018 at tinatayang may 708,000 taon
na ang tanda ng mga ito. Patuloy pa ang mga pag-aaral at paghuhukay upang masuportahan ang mga
ebidensyang ito at madagdagan pa ang ating kaalaman tungkol sa mga sinaunang Pilipino.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Ang mga nahukay na mga labi ng Homo luzonensis (kaliwa) at ng isang species ng rhinoceros sa
Kalinga (kanan)
Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga teoryang nagpapaliwanag sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas? Ipaliwanag


ang bawat isa.
2. Ano-ano ang mga teoryang nagpapaliwanag sa pinagmulan ng lahing Pilipino? Ipaliwanag ang
bawat isa.
3. Bakit kailangang mapag-aralan mo ang tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Mga Pantulong na Sanggunian para sa Araling Ito:


https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/690914/pinoy-archaeologists-discover-new-
human-species-homo-luzonensis/story/
https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/690962/homo-luzonensis-what-we-know-
about-the-newly-discovered-human-species/story/
Plate Tectonics Explained: https://www.youtube.com/watch?v=kwfNGatxUJI
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

GAWAIN Pagtataya 2
VI

Panuto: Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A at ang kaugnay na mga grupo ng salita sa
Hanay B. Isulat ang titik ng wastong sagot.
A.1. Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas

Hanay A Hanay B
_______1. Dambuhalang kontinente ayon sa A. Alfred Wegener
Continental Drift Theory B. Pangaea
_______2. binubuo ng mga malalaking tipak na C. Laurasia
malalapad na bato na tinatawag na D. Gondwanaland
platong tektoniko at magkakadikit E. Land Bridge Theory
tulad ng jigsaw puzzle F. Plate Tectonic Theory
_______3. Bahagi ng Pangaea na napunta sa
hilagang hemispero
_______4. Bahagi ng Pangaea na napunta sa timog hemispero
_______5. Continental Drift Theory

A.2. Teorya ng Pinagmulan ng Lahing Pilipino

Hanay A Hanay B
_______6. mga sinaunang tao na sinasabing
pinagmulan ng lahing Pilipino A. Land Bridge Theory
_______7. Felipe Landa Jocano B. Wave Migration Theory
_______8. H. Otley Beyer C. Core Population Theory
D. Out-of-Taiwan Theory
E. Austronesyano

GAWAIN Panghuling Gawain | Padlet


VII

Gamit ang Padlet (www.padlet.com), sasagutan ninyo ang katanungan na, “Kung iyong
titingnan sa mapa, ang Pilipinas ba ay may istratehikong lokasyon sa mundo? Ipaliwanag ang iyong
sagot.”
Bibigyan kayo ng 10 minuto upang sagutan ang tanong. Pagkatapos, tatawag ang guro ng
ilang mga mag-aaral upang ipaliwanag ang kanilang mga naging sagot doon sa tanong.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

LINGGO 2 | F2F

GAWAIN Histo-Trivia/Balitaan
I

Histo-Trivia 3 (MS Teams)


Ang guro ay magtatalaga ng dalawang mag-aaral na magbibigay ng trivia tungkol sa mga
bagay na makikita sa bahay, sa paaralan, o sa mga paligid. Maaari din namang piliin ang mga
kaganapan sa kasaysayan na hindi masyadong alam ng karamihan. Ang makakalap na impormasyon
ay ipo-post lamang sa mismong thread sa MS Teams na ipinost ng guro. Kagyat na inaasahan ang
partisipasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-react o pagkomento sa mismong thread.
Huwag kalilimutang banggitin ang pinagkunan (source).

Balitaan 3 (Canvas)
Basahin ang opisyal na anunsyo ng Department of Foreign Affairs sa gitna ng tensyon sa pagitan
ng Tsina at Taiwan sa ibaba at sagutan ang tanong tungkol dito:

Sanggunian: https://twitter.com/dfaphl
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Batay sa opisyal na anunsyo na ito ng DFA, sang-ayon ka ba sa pahayag ng ating pamahalaan


na kinikilala nila ang One-China policy na ang Taiwan ay itinuturing lamang na probinsya ng Tsina?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Paalala:
Sa mga mag-aaral na hindi nagkaroon ng oportunidad na ibahagi ang kanilang ideya, opinyon, ao
saloobin hinggil sa balita, inyong ilalagay ito sa discussion board. Inaasahang mag-iiwan kayo ng like
o magkokomento sa naging sagot ng inyong kaklase kung kayo ay umaayon sa kanyang mga naging
sagot.

GAWAIN Konsultasyon
II

Gamit ang Slido (www.slido.com), ang guro ay mangangalap ng mga tanong sa mga mag-aaral
na may mga katanungan pa o kaya’y may gustong linawin sa mga tinalakay. Sa pagbibigay ng kanilang
mga tanong, kinakailangang ilagay ng mag-aaral ang kanyang pangalan upang siya ay makilala. Ang
pagsasagawa ng gawaing ito ay upang matugunan ang mga maaaring tanong din ng iba pa nilang
kamag-aral. Ang pagtugon ng guro sa mga katanungan ng mga mag-aaral ay real-time.
Kung sakaling walang magtanong, ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng pagbubuod ng
kanilang mga natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng paggamit ng mind map graphic organizer.

Halimbawa ng mind map


Basic Education Department
SY 2022 - 2023

GAWAIN Paglalagom at Paglalapat | Padlet


III

Gamit ang Padlet (www.padlet.com), sasagutan ninyo ang katanungan na, “Paano makikilala
ang isang bansang tropikal? Anong mga katangian mayroon ang Pilipinas upang matawag na bansang
tropikal?”
Bibigyan kayo ng 10 minuto upang sagutan ang tanong. Pagkatapos, tatawag ang guro ng
ilang mga mag-aaral upang ipaliwanag ang kanilang mga naging sagot doon sa tanong.

GAWAIN Maikling Pagsusulit 1


IV

A. Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian.

_______1. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa pangmatagalang kalagayan ng panahon sa isang
lugar?
A. klima C. temperatura
B. panahon D. halumigmig

_______2. Ang northeast monsoon o hanging Amihan ay umiiral sa anong mga buwan?
A. Enero hanggang Marso C. Mayo hanggang Setyembre
B. Marso hanggang Mayo D. Nobyembre hanggang Pebrero

_______3. Alin sa mga sumusunod ang maiksi o pansamantalang kalagayan ng atmospera na


namamasid sa isang maikling panahon?
A. klima C. temperatura
B. panahon D. halumigmig

_______4. Bakit dalawang klima lamang ang nararanasan ng mga bansang malapit sa ekwador?
A. dahil direktang nasisikatan ng araw ang ekwador kaya’t mainit at maalinsangan ang
klima rito
B. dahil hindi nakatatanggap ng sapat na sikat ng araw ang mga bansang matatagpuan dito
C. dahil nasa bandang gitna ng mundo ang mga bansang matatagpuan dito
D. dahil malimit lamang ang pag-ulan sa mga bansang malapit dito

_______5. Bakit temperate ang klimang nararanasan ng mga bansang nasa gawing itaas ng Tropiko
ng Kanser sa hilaga at gawing ibaba ng Tropiko ng Kaprikorn sa timog?
A. dahil direktang nasisikatan ng araw ang ekwador kaya’t mainit at maalinsangan ang
klima rito
B. dahil hindi nakatatanggap ng sapat na sikat ng araw ang mga bansang matatagpuan dito
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

C. dahil nasa bandang gitna ng mundo ang mga bansang matatagpuan dito
D. dahil malimit lamang ang pag-ulan sa mga bansang malapit dito

_______6. Bakit mahalaga ang mga linya ng longhitud sa mga mapa at globo?
A. dahil pandagdag ito sa disenyo ng mga mapa at globo
B. dahil madaling matukoy ang klima ng isang lugar gamit nito
C. dahil tinitiyak nito ang kinaroroonan ng isang lugar sa mga mapa at globo
D. dahil itinatakda ng mga meridian ang time zones sa iba’t ibang lugar sa buong mundo

_______7. Bakit may mga imahinaryong guhit ang mga mapa at globo?
A. upang pandagdag sa disenyo ng mga mapa at globo
B. upang madaling makita kung nasaan ang isang lugar sa mapa at globo
C. upang matiyak ang kinaroroonan ng isang lugar sa mga mapa at globo
D. upang maging gabay ng mga manlalakbay sa iba’t ibang lugar gamit ang mapa at globo

_______8. Bakit hindi tuwid ang linya ng International Date Line?


A. dahil gusto ito ng mga eksperto
B. dahil mas kaaya-aya itong tingnan sa mga mapa at globo
C. dahil maaaring magdulot ito ng malalim na pag-unawa sa paraan ng pagtukoy ng
lokasyon
D. dahil iniiwasan na magkaroon ng dalawang time zone sa mga isla na nasa Karagatang
Pasipiko

B. Panuto: Sagutan ang mga tanong na nasa ibaba. Ang bawat sagot ay naglalaman dapat ng
tatlo hanggang limang pangungusap. Ang bawat sagot ay bibigyang-marka batay
sa mga pamantayang ito:

Pamantayan 4 na puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos


Nilalaman Bukod sa Nagpapamalas Bahagyang Nangangailangan
pagpapamalas ng ng sapat na nagpamalas ng ng sapat na
sapat na kaalaman kaalaman tungkol kaalaman tungkol
kaalaman tungkol tungkol sa sa tanong. sa itinatanong.
sa tanong, tanong.
nakapagdagdag
pa ng mga
karagdagang
impormasyon
upang lalo pang
maunawaan ang
mga inilahad.
9-12. Paano nakatutulong sa kaunlaran ng bansa ang pagkakaroon nito ng klimang tropikal?
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

LINGGO 3 | F2F

GAWAIN Histo-Trivia/Balitaan
I

Histo-trivia 4 (MS Teams)


Ang guro ay magtatalaga ng dalawang mag-aaral na magbibigay ng trivia tungkol sa mga
bagay na makikita sa bahay, sa paaralan, o sa mga paligid. Maaari din namang piliin ang mga
kaganapan sa kasaysayan na hindi masyadong alam ng karamihan. Ang makakalap na impormasyon
ay ipo-post lamang sa mismong thread sa MS Teams na ipinost ng guro. Kagyat na inaasahan ang
partisipasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-react o pagkomento sa mismong thread.
Huwag kalilimutang banggitin ang pinagkunan (source).

Balitaan 4 (Canvas)
Basahin ang artikulo sa ibaba at sagutan ang pamproseong tanong:
SC: 729-ha Bonifacio Global City, several Makati Barangays are Taguig’s
By Joel R. San Juan

BAGUIO CITY—The Supreme Court has ruled that the 729-hectare Bonifacio Global City complex and
several other barangays in Makati actually belong to Taguig City.
In a 53-page decision penned by Associate Justice Ricardo Rosario, the SC’s Third Division
reinstated the July 8, 2011 decision issued by the Regional Trial Court of Pasig City which affirmed the
Court of Appeals (CA) ruling in 2017.
The Court also made permanent the writ of preliminary injunction issued on August 2, 1994 by
the Pasig RTC enjoining the Makati City government “from exercising jurisdiction over, making
improvements on, or otherwise treating as part of its territory” Parcels 3 and 4, Psu 2031, comprising
Fort Bonifacio, including the so-called Inner Fort comprising of Barangays Pembo, Comembo, Cembo,
South Cembo, West Rembo, East Rembo and Pitogo.
The Philippine Army headquarters, Navy installation, Marines’ headquarters, Consular area,
Jusmag area, Heritage Park, Libingan ng mga Bayani, AFP Officers Village and the so-called six villages
are situated in the said areas.
“Considering the historical evidence adduced, cadastral surveys submitted, and the
contemporaneous acts of lawful authorities, we find that Taguig presented evidence that is more
convincing and worthier of belief than proffered by Makati. Consequently, we rule that Taguig has a
superior claim to the disputed areas,” the SC said in denying the petition filed by the Makati City
government seeking reversal of the Court of Appeals decision which denied its appeal to reverse the
Pasig RTC ruling on the ground of forum shopping.
In its petition for certiorari before the SC, the Makati City government argued that the CA, in
dismissing its appeal on the ground of forum shopping, deviated from well-settled jurisprudence giving
primacy to substantial justice over rules of procedure, especially in important cases.
Makati asserted that Presidential Proclamation Nos. 2475 and 518 are constitutional.
It said these proclamations did not alter boundaries but merely confirmed that the disputed
areas are under Makati’s jurisdiction.
The Pasig RTC declared unconstitutional Presidential Proclamations No. 2475, Series of 1986
and No. 518, Series of 1990, for altering the boundaries of Taguig without the benefit of a plebiscite.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

However, the High Court amended the Pasig RTC ruling, as it decided not to rule on the
constitutionality of the said proclamations
“Taguig claims that Presidential Proclamation Nos. 2475, 2. 1986, and 518 series 1990 violate
this constitutional guarantee when they altered Taguig’s boundaries without complying with the
plebiscite requirement,” the SC said.
“We note, however, that both the assailed proclamations did not expressly alter Taguig’s
boundaries. Rather, they merely opened disposition on certain portions of the military reservation
covered by Proclamation No. 423, series of 1975, and amendments thereto. The assailed proclamations’
only error lies in the declarations that the disputed areas are within the jurisdiction of Makati,” it added.
“We thus reiterate our policy of constitutional avoidance, that is, if the controversy on the
constitutionality of a statute can be settled on other grounds, this Court stays its hand from ruling on
the constitutional issue,” the SC said.
It stressed that its decision resolved the boundary dispute without resorting to constitutional
adjudication of the assailed proclamations.
Likewise, the SC said it cannot rule on the constitutionality of the proclamations, considering
that the Office of the Solicitor General (OSG) did not enter its appearance on behalf of the Republic of
the Philippines in the petition.

Sanggunian: https://businessmirror.com.ph/2022/04/28/sc-729-ha-bonifacio-global-city-several-
makati-barangays-are-taguigs/

Batay sa artikulong iyong nabasa, sang-ayon ka ba sa naging desisyon ng Korte Suprema na


ang ilang mga barangay ng Cembo sa Makati at ang Bonifacio Global City (BGC) ay bahagi ng Lungsod
ng Taguig? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Paalala:
Sa mga mag-aaral na hindi nagkaroon ng oportunidad na ibahagi ang kanilang ideya, opinyon,
ao saloobin hinggil sa balita, inyong ilalagay ito sa discussion board. Inaasahang mag-iiwan kayo ng
like o magkokomento sa naging sagot ng inyong kaklase kung kayo ay umaayon sa kanyang mga
naging sagot.

GAWAIN Konsultasyon
II

Gamit ang Slido, ang guro ay mangangalap ng mga tanong sa mga mag-aaral na may mga
katanungan pa o kaya’y may gustong linawin sa mga tinalakay. Sa pagbibigay ng kanilang mga tanong,
kinakailangang ilagay ng mag-aaral ang kanyang pangalan upang siya ay makilala. Ang pagsasagawa
ng gawaing ito ay upang matugunan ang mga maaaring tanong din ng iba pa nilang kamag-aral. Ang
pagtugon ng guro sa mga katanungan ng mga mag-aaral ay real-time.
Kung sakaling walang magtanong, ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng pagbubuod ng
kanilang mga natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng paggamit ng mind map graphic organizer.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Halimbawa ng mind map

GAWAIN Paglalagom at Paglalapat | Mentimeter


III

Gamit ang Mentimeter (www.menti.com), sasagutan ninyo ang katanungan na, “Bakit
mahalagang maunawaan ng kabataang katulad mo ang mga teoryang pinagmulan ng ating lahi?”
Bibigyan kayo ng 10 minuto upang sagutan ang tanong. Pagkatapos, tatawag ang guro ng
ilang mga mag-aaral upang ipaliwanag ang kanilang mga naging sagot doon sa tanong.

GAWAIN Maikling Pagsusulit 2


IV

A. Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang PA kung ang kaisipan ay nagpapahiwatig na ang
lahing Pilipino ay nagmula batay sa teoryang Pandarayuhan ng mga
Austronesyano, TL kung batay sa teoryang Tulay na Lupa, TP kung batay sa
teoryang Pandarayuhan, o IT kung batay sa iba pang mga teorya.
________________________1. Naniniwala ang lahing kabilang sa grupong ito sa mga anito na naglalakbay sa
kabilang buhay gayundin ang paglilibing ng mga patay sa banga.
________________________2. Kilala rin ang teoryang ito sa taguring migration theory na pinasikat ni Henry
Otley Beyer.
________________________3. Nasira ang teoryang ito nang matagpuan ng mga arkeologo ng Pambansang
Museo sa pangunguna ni Robert B. Fox ang bahagi ng isang bungo at isang
buto ng panga sa Yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962.
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

________________________4. Sa pamamagitan ng teoryang ito, kinilala ang mga Pilipino bilang unang
nakaimbento ng bangkang may katig.
________________________5. Ang teoryang ito ang nagsasabi kung paano nakarating ang malalaking hayop
at mga unang tao sa Pilipinas.
B. Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian.

_______6. Paano nabuo ni Alfred Wegener ang ideyang nanggaling sa iisang supercontinent ang mga
kontinente sa kasalukuyan?
A. Napansin niya na tila mga jigsaw puzzle ang mga hugis ng mga kontinente kapag
pinagdikit-dikit
B. Napansin niya na may mga lugar sa magkakaibang kontinente ang mayroong parehong
mga species ng halaman at hayop
C. Napansin niya na may mga lugar sa magkakaibang kontinente ang parehong may
pattern sa mga klima nito
D. Napansin niya ang pagkakatulad ng mga pisikal na katangian ng mga tao at hayop na
naninirahan sa magkakaibang kontinente

________7. Sa anong paraan nabuo ang mga kontinente ngayon at mga kapuluang bansa tulad ng
Pilipinas?
A. Sa pamamagitan ng mga paglindol
B. Sa pamamagitan ng paggalaw ng mga tektonikong plato
C. Sa pamamagitan ng pagsabog ng mga bulkan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
D. Sa pamamagitan ng paglubog ng mga ilang bahagi ng kalupaan bunsod ng pagtaas ng
lebel ng karagatan

________8. Batay sa teoryang Wave Migration ni Beyer, paano nakarating ang mga sinaunang tao rito
sa Pilipinas?
A. Sila ay lumangoy upang makarating sa Pilipinas
B. Sila ay gumamit ng mga bangka upang makarating sa Pilipinas
C. Sila ay gumamit ng tulay na lupa upang makarating sa Pilipinas
D. Sila ay nagpaanod sa mga karagatan upang makarating sa Pilipinas
C. Panuto: Sagutan ang mga tanong na nasa ibaba. Ang bawat sagot ay naglalaman dapat ng
tatlo hanggang limang pangungusap. Ang bawat sagot ay bibigyang-marka batay
sa mga pamantayang ito:

Pamantayan 4 na puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos


Nilalaman Bukod sa Nagpapamalas Bahagyang Nangangailangan
pagpapamalas ng ng sapat na nagpamalas ng ng sapat na
sapat na kaalaman kaalaman tungkol kaalaman tungkol
kaalaman tungkol tungkol sa sa tanong. sa itinatanong.
sa tanong, tanong.
nakapagdagdag
pa ng mga
karagdagang
impormasyon
upang lalo pang
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

maunawaan ang
mga inilahad.
9-12. Para sa iyo, ano ang higit na kapani-paniwalang teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino batay
sa mga ebidensya?

GAWAIN Pagsasagawa ng PT Phase 1 sa AP


V

Ipagpapatuloy ng bawat pangkat ang kanilang nasimulan sa pagsasakatuparan ng unang


phase ng Performance Task sa AP. Inaasahan na isasagawa ninyo ang gawaing ito upang matapos ang
unang phase ng PT sa AP.

Mga Sanggunian:
AKLAT
Agno, Lydia N., et. al., 2016. Kultura, Kasaysayan, at Kabuhayan: Ikalimang Baitang. Vibal Group Inc.
Baisa-Julian, A. G., Lontoc, N. S., 2022. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 5. Phoenix Publishing House,
Inc.

ONLAYN

Mga larawan:
https://gisgeography.com/high-resolution-world-map/
https://dashamlav.com/continents-world-map-area-countries-population/
https://www.worldatlas.com/geography/international-date-line.html
https://twitter.com/dfaphl
https://pyxis.nymag.com/v1/imgs/d89/13b/97c9c2e0005f6beedd8e4528801577a5a1-10-homo-
luzonensis-bones.rhorizontal.w700.jpg
https://pyxis.nymag.com/v1/imgs/d89/13b/97c9c2e0005f6beedd8e4528801577a5a1-10-homo-
luzonensis-bones.rhorizontal.w700.jpg

Mga video:

https://www.youtube.com/watch?v=kUbawL5r1zU
https://www.youtube.com/watch?v=kwfNGatxUJI
Basic Education Department
SY 2022 - 2023

Mga artikulo:
https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/690914/pinoy-archaeologists-discover-new-
human-species-homo-luzonensis/story/
https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/690962/homo-luzonensis-what-we-know-
about-the-newly-discovered-human-species/story/
https://newsinfo.inquirer.net/1634424/bongbong-marcos-stands-firm-on-protecting-ph-waters
https://www.reuters.com/world/asia-pacific/malaysian-assets-risk-globally-late-sultans-heirs-claim-
15-bln-award-2022-07-17/
https://businessmirror.com.ph/2022/04/28/sc-729-ha-bonifacio-global-city-several-makati-
barangays-are-taguigs/

You might also like