You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN

SY 2023-2024
Unang Markahan, Ikatlong Linggo
NUNS–OPR–AO–F-007

Asignatura: Kasaysayan ng Daigdig Baitang: 8

Nakalaang oras: Paksa: Heograpiya ng Daigdig

Flipped class: Isang oras

Klase: Dalawa at kalahating oras

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig bilang tahanan ng tao;


2. Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan sa
daigdig.
3. Napahahalagahan ang kaugnayan ng heograpiya at kasaysayan.
Kritikal na katanungan para sa yunit na ito (Mahalagang Katanungan):

● Paano makatutulong ang limang tema ng heograpiya sa pag-unawa ng isang


makasaysayang pangyayari?

Mga pinaghanguan/ Kagamitan:

● Saligang teksbuk: Cruz, Mark Alvin M. et al. 2014, Kasaysayan ng Daigdig, 1253 Gregorio
Araneta Avenue, Quezon City, Vibal Group Inc.
● Laptop

● TV

MGA YUGTO NG PAGTUTURO

Panimula ng Aralin (Flipped Activity/Individual Space, Opening Mental Files, Orientation to the lesson)

Estratehiyang Pangnilalaman na nakatuon sa Mag-aaral (Activating prior knowledge, Strategies for


Representation, Experiencing Content, Reinforcing knowledge & skills)

UNANG ARAW

Mga kinagawian sa klase (5 minuto):

1. Panalangin
2. Pangangasiwa ng klase (paglilinis ng silid-aralan at pagpapanatili ng katahimikan)
3. Pagtatala ng mga dumalo at lumiban

Pagganyak (5 minuto): Magpapakita ang guro ng mga banyagang salita mula sa iba’t ibang bansa,
kasama ang halimbawa nito sa pangungusap at huhulaan ng mga mag-aaral ang ibig sabihin nito.

Pamprosesong tanong:

1. Pamilyar ka ba sa mga banyagang salita na ibinahagi sa inyo ng inyong guro?


2. Ano ang iyong masasabi sa mga banyagang salitang ito?
3. Batay sa gawain, masasabi mo ba na ang wika ay sumasalamin sa kultura ng isang lahi?
BANGHAY ARALIN
SY 2023-2024
Unang Markahan, Ikatlong Linggo
NUNS–OPR–AO–F-007

Maikling talakayan (20 minuto): Iuugnay ng guro ang pag-uusap tungkol naging gawain kanina.
Magkakaroon ng maikling talakayan ukol sa Heograpiyang Pantao.

IKALAWANG ARAW

Mga kinagawian sa klase (5 minuto):

1. Panalangin

2. Pangangasiwa ng klase (paglilinis ng silid-aralan at pagpapanatili ng katahimikan)

3. Pagtatala ng mga dumalo at lumiban

Talakayan (35 minutes): Magbibigay ng ilang karagdagang paliwanag ang guro sa kanilang aralin.
Pagkatapos nito, hihingi ng mga katanungan ang guro mula sa mag-aaral na nangangailangan pa
ng paglilinaw sa ilang aspeto ng aralin.

Estratehiyang Paggawa na nakatuon sa Mag-aaral (Strategies for Action & Expression, Group Space
Activities, Application, Demonstrating the Learning, Formative Assessment, Feedback, Forming values &
attitudes)

UNANG ARAW

Gawain (20 minuto): Gagawa ang mga mag-aaral ng isang World Tour Map tungkol sa natatanging
kultura ng mga tao sa daigdig. Susulat ng maikling panimula tungkol sa layunin sa paggawa ng
world tour map. Lalagyan ng ruta ang mapa upang maipakita ang pagkasunod-sunod ng mga lugar
na nais mong puntahan dahil sa natatangi nilang mga kultura. Pupunan ang blankong mapa ng
daigdig ng mga simbolo o larawan ng mga kultura na nais mong maranasan.

IKALAWANG ARAW

Maikling Pagsusulit (30 minuto): Ang guro ay naghanda ng maikiling pagsusulit tungkol sa
Heograpiyang Pisikal at Heograpiyang Pantao ng daigdig.

Pangwakas/ Lagumang Pagtatasa /Pagninilay

UNANG ARAW

Pangwakas (10 minuto): Magtatanong ang guro ukol sa ibig sabihin ng mga sumusunod na
konsepto ukol sa heograpiyang pantao:

● Wika

● Relihiyon
BANGHAY ARALIN
SY 2023-2024
Unang Markahan, Ikatlong Linggo
NUNS–OPR–AO–F-007
● Lahi

● Pangkat Etniko

IKALAWANG ARAW
Takdang Aralin (15 minuto): Magsaliksik ng mga impormasyon ukol sa mga yugto ng pagunlad ng
kultura:

● Panahong Paleolitiko

● Panahong Neolitiko

Inihanda ni:

Mr. Jun Michael R. Esguerra, LPT


Guro, Araling Panlipunan 8

Binigyang pansin ni:

Mark Kenneth S. Dacles


Tagapamuno, Araling Panlipunan at Agham Panlipunan

Inaprubahan ni:

Cristine Joan D. Nabor, LPT


Punong-guro, Grade School at Junior High School

You might also like