You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN

SY 2023-2024
Unang Markahan, Ikalawang Linggo
NUNS–OPR–AO–F-007

Asignatura: Kasaysayan ng Daigdig Baitang: 8

Nakalaang oras: Paksa: Heograpiya ng Daigdig

Flipped class: Isang oras

Klase: Dalawa at kalahating oras

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig bilang tahanan ng tao;


2. Natatalakay ang disiplina ng heograpiya bilang isang mahalagang sangay ng kaalaman;
3. Nabibigyang-linaw ang epekto ng heograpiya sa mga pangyayari sa kasaysayan; at
4. Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan sa
daigdig.
Kritikal na katanungan para sa yunit na ito (Mahalagang Katanungan):

● Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya ng daigdig sa pag-aaral ng ating


kasaysayan?

● Paano makatutulong ang limang tema ng heograpiya sa pag-unawa ng isang


makasaysayang pangyayari?

Mga pinaghanguan/ Kagamitan:

● Saligang teksbuk: Cruz, Mark Alvin M. et al. 2014, Kasaysayan ng Daigdig, 1253 Gregorio
Araneta Avenue, Quezon City, Vibal Group Inc.
● Laptop

● TV

MGA YUGTO NG PAGTUTURO

Panimula ng Aralin (Flipped Activity/Individual Space, Opening Mental Files, Orientation to the lesson)

FLIPPED ACTIVITY

Para sa flipped classroom, ito ang mga layunin sa pagkatuto:

● Nasusuri ang heograpiyang pisikal at pantao ng bawat kontinente sa daigdig.


● Naipaliliwanag ang mga katangiang pisikal at pantao ng bawat kontinente sa daigdig.
● Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon at ng mga tao sa daigdig

Papanoorin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na videos mula sa NatGeo Kids - Destination World
bilang paghahanda sa gagawin nilang presentasyon sa susunod na pagkikita nila ng kanilang guro.

● Note: Binigay ko na sa inyo ang mga instructions para sa gawain na ito noong tayo ay
nagkaroon ng face-to-face class/online class.
● Videos: NATGEO KIDS - DESTINATION WORLD (CONTINENTS)

Ito ang mga sumusunod na gabay na tanong para matulungan kayo sa inyong pagkatuto:
BANGHAY ARALIN
SY 2023-2024
Unang Markahan, Ikalawang Linggo
NUNS–OPR–AO–F-007

● Bakit magkakaiba ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa iba't-ibang panig ng daigdig?
● Ano ang kaugnayan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa pagkakaiba-iba ng pamumuhay ng
mga tao sa iba't ibang kontinente?
● Paano nakakaapekto ang heograpiyang pisikal at heograpiyang pantao ng isang lugar sa
kultura ng mga mamamayang naninirahan dito?

Estratehiyang Pangnilalaman na nakatuon sa Mag-aaral (Activating prior knowledge, Strategies for


Representation, Experiencing Content, Reinforcing knowledge & skills)

UNANG ARAW

Mga kinagawian sa klase (5 minuto):

1. Panalangin
2. Pangangasiwa ng klase (paglilinis ng silid-aralan at pagpapanatili ng katahimikan)
3. Pagtatala ng mga dumalo at lumiban

Balik-Aral/Pagganyak (5 minuto): Magpapakita ang guro ng mga ilang larawan ng iba’t ibang
lugar.. Aayusin ng mga mag-aaral ang pagkakasunod-sunod ng mga titik sa loob ng kahon upang
matukoy ang nasa larawan.

Pamprosesong tanong:

1. Pamilyar ka ba sa mga lugar na ipinakita sa mga larawan?


2. Ano ang iyong masasabi sa mga ipinakitang larawan?
3. Batay sa gawain, masasabi mo bang malawak ang iyong kaalaman sa heograpiya ng
daigdig?

Maikling talakayan (20 minuto): Iuugnay ng guro ang pag-uusap tungkol naging gawain kanina.
Magkakaroon ng maikling talakayan ukol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig.

IKALAWANG ARAW

Mga kinagawian sa klase (5 minuto):

1. Panalangin

2. Pangangasiwa ng klase (paglilinis ng silid-aralan at pagpapanatili ng katahimikan)

3. Pagtatala ng mga dumalo at lumiban

Maikling talakayan (10 minutes): Magbibigay ng ilang karagdagang paliwanag ang guro sa kanilang
aralin. Pagkatapos nito, hihingi ng mga katanungan ang guro mula sa mag-aaral na
nangangailangan pa ng paglilinaw sa ilang aspeto ng aralin.

Estratehiyang Paggawa na nakatuon sa Mag-aaral (Strategies for Action & Expression, Group Space
Activities, Application, Demonstrating the Learning, Formative Assessment, Feedback, Forming values &
BANGHAY ARALIN
SY 2023-2024
Unang Markahan, Ikalawang Linggo
NUNS–OPR–AO–F-007
attitudes)

UNANG ARAW

Gawain (20 minuto): Ipepresenta o iuulat ng bawat pangkat ang kanilang napaghandaang
presentasyon noong nakaraang linggo. May isa o dalawang kasapi sa pangkat ang
magpapaliwanag kung paano naipakita ang mga limang tema ng heograpiya sa kontinenteng
itinalaga sa kanila at isinaliksik nila.

IKALAWANG ARAW

Gawain (50 minuto): Ipagpapatuloy ng bawat pangkat ang kanilang napaghandaang pag-uulat
kahapon. May isa o dalawang kasapi sa pangkat ang magpapaliwanag kung paano naipakita ang
mga limang tema ng heograpiya sa kontinenteng itinalaga sa kanila at isinaliksik nila.

Matapos ang paguulat ng lahat ng pangkat, tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ng mga
sumusunod na tanong:

1. Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t ibang estrukturang bumubuo sa daigidig?


2. Paano naging salik ang heograpiya sa pagsisimula ng mga unang kabihasnan sa daigdig?
3. Paano patuloy na hinuhubog ng heograpiya ang kultura ng tao sa kasalukuyang panahon?
Pangwakas/ Lagumang Pagtatasa /Pagninilay

UNANG ARAW

Pangwakas (10 minuto): Magtatanong ang guro ukol sa ibig sabihin ng mga sumusunod na tema
ng heograpiya:

● Lokasyon

● Lugar

● Interaksiyon ng Tao at Kalikasan

● Pagkilos

● Rehiyon
Aasahan ng guro na maipapakita ang mga naturang konsepto sa presentasyon ng bawat pangkat
kinabukasan.

IKALAWANG ARAW

Graded Recitation (15 minuto): Magbibigay ng mga katanungan ang guro ukol sa paksa ng Limang
Tema ng Heograpiya at ukol sa mga inulat ng kanilang mga kaklase tungkol sa mga katangiang
pisikal ng mga kontinente ng Daigdig.

Inihanda ni:
BANGHAY ARALIN
SY 2023-2024
Unang Markahan, Ikalawang Linggo
NUNS–OPR–AO–F-007

Mr. Jun Michael R. Esguerra, LPT


Guro, Araling Panlipunan 8

Binigyang pansin ni:

Mark Kenneth S. Dacles


Tagapamuno, Araling Panlipunan at Agham Panlipunan

Inaprubahan ni:

Cristine Joan D. Nabor, LPT


Punong-guro, Grade School at Junior High School

You might also like