You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN

SY 2023-2024
Unang Markahan, Unang linggo
NUNS–OPR–AO–F-007

Asignatura: Kasaysayan ng Daigdig Baitang: 8

Nakalaang oras: Paksa: Heograpiya ng Daigdig

Flipped class:

Klase: Dalawa at kalahating oras

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig bilang tahanan ng tao;


2. Natatalakay ang disiplina ng heograpiya bilang isang mahalagang sangay ng kaalaman;
3. Nabibigyang-linaw ang epekto ng heograpiya sa mga pangyayari sa kasaysayan; at
4. Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan sa
daigdig.
Kritikal na katanungan para sa yunit na ito (Mahalagang Katanungan):

Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya ng daigdig sa pag-aaral ng ating kasaysayan?

Mga pinaghanguan/ Kagamitan:

● Saligang teksbuk: Soriano, Celia et al. 2015, Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig,


Sampaloc, Manila, Rex Bookstore Inc.
● Laptop

● TV

MGA YUGTO NG PAGTUTURO

Panimula ng Aralin (Flipped Activity/Individual Space, Opening Mental Files, Orientation to the lesson)

UNANG ARAW

Estratehiyang Pangnilalaman na nakatuon sa Mag-aaral (Activating prior knowledge, Strategies for


Representation, Experiencing Content, Reinforcing knowledge & skills)

UNANG ARAW

Mga kinagawian sa klase (5 minuto):

1. Panalangin
2. Pangangasiwa ng klase (paglilinis ng silid-aralan at pagpapanatili ng katahimikan)
3. Pagtatala ng mga dumalo at lumiban

Pagganyak (5 minuto): Magpapakita ang guro ng mga ilang larawan ng mga tao sa iba’t ibang
BANGHAY ARALIN
SY 2023-2024
Unang Markahan, Unang linggo
NUNS–OPR–AO–F-007
anyong lupa at anyong tubig at bibigyan ng pagkakataon ang ilang napiling mag-aaral na sagutan
ang mga pamprosesong tanong.

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang ginagawa ng tao sa mga larawan na inyong nakikita?


2. Ano ang kahalagahan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa araw-araw na pamumuhay
ng tao?
3. Paano ipinakikita ng mga larawan ang ugnayan ng tao at ng kanyang kapaligiran?

Maikling talakayan (20 minuto): Iuugnay ng guro ang pag-uusap tungkol naging gawain kanina.
Magkakaroon ng maikling talakayan ukol sa Heograpiya ng Daigdig at ng ilang pangunahing tema
na nakapaloob dito.

IKALAWANG ARAW

Mga Kinagawian sa Klase (5 minuto):

1. Panalangin
2. Pangangasiwa ng klase (paglilinis ng silid-aralan at pagpapanatili ng katahimikan)
3. Pagtatala ng mga dumalo at lumiban

Balik aral (10 minuto): Muling babalikan ng mag-aaral ang kanilang napag-aralan sa pamamagitan
ng pagtatapat ng mga konsepto mula sa Hanay A patungo sa kani-kanilang kahulugan sa hanay B.

Mga Konsepto (Hanay A) Kahulugan (Hanay B)

1. Rehiyon A. Ang epekto ng pagkilos ng tao sa kalikasan


at kapaligiran

2. Lokasyon B. Bahagi ng mundo na may pagkakahawig na


katangian

3. Lugar C. Paglilipat at paggalaw ng tao, ng kanilang


produkto, at kaisipan mula sa isang lugar
patungo sa panibago

4. Interaksiyon ng Tao at Kalikasan D. Pagbibigay ng partikular na lugar o posisyon

5. Paggalaw E. Ang pisikal o pantaong aspekto ng lokasyon

Maikling talakayan (10 minutes): Magbibigay ng ilang karagdagang paliwanag ang guro sa kanilang
aralin. Pagkatapos nito, hihingi ng mga katanungan ang guro mula sa mag-aaral na
nangangailangan pa ng paglilinaw sa ilang aspeto ng aralin.

Estratehiyang Paggawa na nakatuon sa Mag-aaral (Strategies for Action & Expression, Group Space
Activities, Application, Demonstrating the Learning, Formative Assessment, Feedback, Forming values &
attitudes)
BANGHAY ARALIN
SY 2023-2024
Unang Markahan, Unang linggo
NUNS–OPR–AO–F-007
UNANG ARAW

Gawain (20 minuto): Bubuo ang guro ng pitong grupo mula sa kanyang mga mag-aaral at itatalaga
niya sa bawat grupo ang mga kontinente na kanilang isasaliksik gamit ang limang tema ng
heograpiya. Ipepresenta o iuulat ng mga mag-aaral ang kanilang isinaliksik sa pamamagitan ng
malikhain na graphic organizer kinabukasan o sa susunod na araw ng pagkikita.

Note: Ibubuod lamang ang nilalaman ng bawat saliksik o nilalaman ng graphic organizer.

IKALAWANG ARAW

Gawain (50 minuto): Ipepresenta o iuulat ng bawat pangkat ang kanilang napaghandaan kahapon.
May isa o dalawang kasapi sa pangkat ang magpapaliwanag kung paano naipakita ang mga limang
tema ng heograpiya sa kontinenteng itinalaga sa kanila at isinaliksik nila.

Matapos ang paguulat ng lahat ng pangkat, tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ng mga
sumusunod na tanong:

1. Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t ibang estrukturang bumubuo sa daigidig?


2. Paano naging salik ang heograpiya sa pagsisimula ng mga unang kabihasnan sa daigdig?
3. Paano patuloy na hinuhubog ng heograpiya ang kultura ng tao sa kasalukuyang panahon?
Pangwakas/ Lagumang Pagtatasa /Pagninilay

UNANG ARAW

Pangwakas (10 minuto): Magtatanong ang guro ukol sa ibig sabihin ng mga sumusunod na tema
ng heograpiya:

● Lokasyon

● Lugar

● Interaksiyon ng Tao at Kalikasan

● Pagkilos

● Rehiyon
Aasahan ng guro na maipapakita ang mga naturang konsepto sa presentasyon ng bawat pangkat
kinabukasan.

IKALAWANG ARAW

Pagsusulit (15 minuto): Magbibigay ng objective-type na maikling pagsusulit ang guro ukol sa
Limang tema ng Heograpiya.

Inihanda ni:
BANGHAY ARALIN
SY 2023-2024
Unang Markahan, Unang linggo
NUNS–OPR–AO–F-007
Mr. Jun Michael R. Esguerra, LPT
Guro, Araling Panlipunan 8

Binigyang pansin ni:

Mark Kenneth S. Dacles


Tagapamuno, Araling Panlipunan at Agham Panlipunan

Inaprubahan ni:

Cristine Joan D. Nabor, LPT


Punong-guro, Grade School at Junior High School

You might also like