You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Carigara National High School


Brgy. Ponong Carigara, Leyte

Lesson Plan sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Dec 6,2023

I. Layunin

Nakikilala na
natatangi sa tao ang
Likas na Batas Moral
dahil ang pagtungo sa

II. Nilalaman
Paksa : Ang Likas nan Batas-Moral
Sanggunian : Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul 2
Kagamitan : laptop, tv,slideshare ng mga larawan ng mga moral na
sitwasyon

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Motibasyon
Panuto: Itala sa loob ng kahon ang iyong mga nagawa para sa iyong sarili,
pamilya, at sa komunidad habang nararanasan ang CoViD-19 pandemya.

SARILI PAMILYA KOMUNIDAD

2. Pagsusuri (Analysis)

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Alin sa tatlo ang may pinakamaraming naitala mo? Bakit?
2. Sa mga naitala mo, alin ang nagpapaligaya sa iyo?
3. Mula sa iyong naitala sa gawain, isulat ang tatlong pinakamahalagang nagawa
mo.

3. Paghahalaw (Abstraction)
1) Ano ang isang karanasan mo na may kaugnayan sa wastong pagpapasya
at kilos na taliwas sa batas moral? Ipaliwanag ang mga moral na implikasyon
nito.
2) Paano mo malulutas ang moral na problema na iyong nabanggit?
Magbigay ng mga posibleng solusyon.
3) Bakit mahalaga ang wastong pagpapasya at kilos na taliwas sa batas
moral?
 Pagbibigay ng mga moral na sitwasyon at pagtalakay sa wastong
pagpapasya at kilos ayon sa batas moral sa sitwasyong ibinigay.

4. Paglalapat (Application)
Panuto:
1) Magbahagi ng mga karanasan na may kaugnayan sa wastong pagpapasya
at kilos na taliwas sa batas moral.
2) Pag-usapan ang mga moral na implikasyon ng mga karanasan na ito.
3) Magbigay ng mga posibleng solusyon sa mga moral na problema.
Rubrik -
- Malinaw na pagpapahayag ng mga karanasan - 5 pts.
- Pagtukoy sa moral na implikasyon - 5 pts.
- Pagbibigay ng mga posibleng solusyon - 5 pts.

IV. Paglalahat (Generalization)


Bakit mahalagang alam natin ang tamang pagpapasya at kilos na naaayon sa
likas ng batas moral? Paano ito makakaapekto sa ating katauhan?

V. Pagtataya (Assessment)
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Alamin kung ano ang nararapat
mong gawin. Isulat ang titik ng wastong sagot sa dyornal notbuk.
1. Nakita mong sira-sira ang sapatos ng iyong kamag-aral, samantalang marami ang
sapatos mo sa bahay. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko siya bibigyan dahil bigay rin iyon ng iyong tita sa abroad.
b. Bibigyan ko siya ng sapatos.
c. Gagawin ko siyang katawa-tawasa kanyang kalagayan.
d. Hindi ko siya papansinin.
2. Ito ay nagpapahayag sa kahulugan ng Likas na Batas-Moral, maliban sa
a. Ito ay nagbibigay gabay sa tamang direksiyon ng tao
b. Ito ay epektibo sa kahit na sinong tao, anoman ang relihiyon o paniniwala
c. Ito ay epektibo anuman ang lahi, bansa at kultura
d. Ito ay nagbibigay gabay sa lahat na nilalang na may buhay
3. Niyaya ka ng iyong kaibigan na maligo sa tabing ilog sa oras ng klase. Ano ang
gagawin mo bilang isang tunay na kaibigan?
a. Sasama ako sa kanya na maligo sa tabing-ilog.
b. Magpapaalam muna sa magulang bago gawin ang ninanais.
c. Pagtatawanan ko siya at pagsasabihan na siya nalang ang maligo.
d. Sasama ako sa kanya at magyaya ng ibang kakaklase.
4. Mayroong dumating na bisita ang iyong magulang. Habang nag-uusap sila nang
masinsinan, biglang lumabas sa silid ang bunso mong kapatid papunta sa iyong
ina. Bilang isang nakatatandang kapatid, ano ang gagawin mo?
a. Pabayaan ang iyong bunsong kapatid na pumunta sa iyong ina habang may
kausap.
b. Pipigilan mo ang iyong bunsong kapatid para hindi madisturbo ang usapan ng
iyong ina at kanyang bisita
c. Hahayaan o sasamahan mo siya na pumunta sa inyong ina.
d. Sasamahan mo siya at sasali kayo sa kanilang usapan.
5. Kasama mo ang iyong mga kaibigan sa isang lugar kung saan halos lahatay
naninigarilyo. Niyaya ka nila na makisama sa kanila bilang tanda na kasali ka sa
grupo. Ano ang gagawin mo?
a. Sasali ako sa paggamit ng sigarilyo kahit labag sa aking kalooban.
b. Sasali ako para manatili at mapabilang sa aming samahan
c. Sasabihin ko sa kanila na hindi pa ako handa sa paggamit ng sigarilyo
d.Ipaliwanag ko sa kanila na hindi ako maninigarilyo dahil nakakasama ito sa ating
Kalusugan.

VI. Kasanduan
Panuto: Magbigay ng halimbawa sa iyong sariling karanasan kung saan ka
nakagawa ka o nakapagdesisyon ng taliwas sa likas batas moral at paano mo ito
naitama?Isulat sa malinis na papel.

Inihanda ni:

Catherine L. Casaus
Guro

Iwinasto ni:

Salvador G. Caones
Head Teacher

You might also like