You are on page 1of 42

MGA KASANAYAN:

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inasahang:

a. Nakikilala ang mga bahagi ng banghay aralin;


b. Nakabubuo ng sariling pag-unawa hinggil sa kahalagahan ng
banghay aralin sa pagtuturo; at
c. Nakagagawa ng sariling banghay sa pagtuturo ng paksang
ibinigay.

PANIMULA
Ang hanguan ng mga layunin ng pagtuturo ay ang mga layunin edukasyon
sa iba’t ibang antas: elementarya, sekundarya at tersarya. Kaya’t kung anumang
asignaturag ituturo ng guro, kinakilangan niyang isaisip ang paglinang sa buong
katauhan ng bata na siyang panlahat na layunin ng edukasyon. Ang layunin ang
nagsisilbing direksiyon ng pagtuturo ng isang guro upang makamit ang
kasanayang kinakailangang matutunan ng mga mag-aaral.

NILALAMAN
Ano ba ang pinagkaiba ng Mithiin, Tunguhin, at Layunin?
Ang mithiin ay malawak na pagpahayag ng direksyon para sa isang
programa. Subalit ang malawakang pagpapahayag na ito ay hindi nagbibigay ng
mga tiyak na patnubay sa mga guro para mailapat sa isang pagtuturong pangklase.
Ang tunguhin naman ay mas tiyak na direksyon at pokus kaysa Mithiin. Itoy
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

nagbibigay ng mga direksyon para sa tiyak na aralin.Ngunit hindi ito makikitaan


ng mga impormasyon hingil sa mga istratehiyang maaaring gamitin sa pagtuturo.

Sa layunin naman, dito naipapahayag ang tiyak na pananalita ng mga


pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral.Makikita rin dito
ang mga estratehiya na nararapat gamitin at ilapat ng mga guro sa pagtuturo.
Ano ba ang mga layunin sa pagtuturo? Ang mga ito ay mga tiyak na
pagpapahayag ng mga inaasahang pagbabago sa panig ng mga mag-aaral. Ang
mga pagbabagong inaasahang magaganap sa katauhan ng bata ay maaaring
mapangkat sa tatlong lawak: pangkaisipan o pangkabatiran (cognitive),
pandamdamin (affective), at pampisikal o saykomotor (psychomotor).
Sa pagbuo ng mga layuning pangkatauhan o pangkagawian (behavioral
objectives), tandan ang mga sumusunod na paalala:
1. Banggitin ang gawi o gawain ng mag-aaral ayon sa pananaw ng mag-aaral
at hind isa pananaw ng guro.
 Ang mga layunin sa pananaw ng guro na nagsisimula sa
matutuhan, maunawaan, maikintal, mapahalagahan, at iba pa, ay
dapat na iwasan sapagkat ang mga ito ay walang sapat na
kalinawan sa kung ano ang dapat gampanan o dapat ipamalas ng
mga mag-aaral. Ang mga salitang tulad ng mapag-uri-uri,
makapagmungkahi, makabuo, mailarawan, atbp, ang higit na
mabuti sapagkat ang mga ito ay tahasang nagsasabi ng tiyak na
gagawin ng mga mag-aaral.
2. Bumuo ng mga layunin sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga tiyak na
gawi o gampanin na maaaring makita, marinig, maisip, maramdaman, o
maaaring bunga ng pagkaganap, gaya halimbawa ng “magunita ang ga
karanasang may kinalaman sa lindol;” “mabigkas ang mga salitang pares
minimal nang malinaw at tumpak;” o kaya’y “maaawit ang Lupang
Hinirang nang wasto at may damdamin.”
3. Ang pagdaragdag ng mga salitang nagsasaad ng antas ng kasidhian ng
pagganap tulad ng “mailalarawang ganap,” “ipaliwanang nanag lubos,”
“mabigkas nang may katamtamang bilis,” ay nakapagdaragdag ng
kalinawan sa layunin.
4. Banggitin ang kaluwagan o kahigpitang ibibigay sa mag-aaral sa pagganap
ng gawain.

2|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

 Halimbawa: makaguhit ng iba’t ibang anyo ng tatsulok gamit ang


ruler
5. Banggitin ang pinakamababa o pinakamataas na antas ng pagkaganap na
maaring tanggapin o pahalagahan.
 Halimbawa: Pagkatapos ng aralin, 100% ng pananagumpay ng
matalinong mag-aaral, 80% ng karaniwang mag-aaral at 60% ng
mahihinang mag-aaral ang inaasahang:
a. Makapagpahayag ng maliwanag ng
__________________
b. Makapagbibigay ng mga katunayan ng
__________________
c. Atbp.

Ang anumang bagay na ginagamit ng bilang pantulong sa pagtuturo at


pagkatuto ay maituturing na kagamitang panturo. Dahil sa dami ng sinasaklaw
nito, ang bibigyang-pansin natin ay karaniwang inihahanda, ginagamit, at
kinakailangan ng isang guro.

Ang banghay ng pagtuturo, o kilala din bilang banghay aralin, ay ang


balangkas ng gawain ng guro sa araw-araw bilang patnubay niya sa
pagsasakatuparan ng mga layunin ng pagtuturo para sa ikapagtatamo ng mga
inaasahang bunga. Mahalaga ang Banghay Aralin dahil dito itinatalaga ang mga
impormasyon na kinakailanganipabatid o ibahagi sa mga mag-aral, at ng saganon
ay mas maging maganda at presentable ang pagpapahayag o pagtuturo.

3|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

Kalimitan, ang balangkas ng banghay ng pagtuturo ay may apat o limang


mahahalagang bahagi (DECSMEMO Blg. 104, S. 1984). Ang mga ito ay ang: (a)
Layunin, (b) Paksang Aralin, (c) Pamamaraan, (d) Ebalwasyon, at (e)
Takdang Aralin.

I. Ang mga Layunin o Inaasahang Bunga


Dito naipapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na
inaasahang maipakita ng mga mag-aaral. Makikita rin dito ang mga estrateheya na
nararapat gamitin at ilapat ng mga guro sa pagtuturo. Ang mga layunin ay dapat
na nakatuon sa tatlong aspeto: ang kognitibong layunin na sumusukat sa pag-iisip
ng mag-aaral, ang apektibo para sa damdamin at saykomotor para sa pagsasagawa
ng mga natutunan.
 Layuning Pangkaisipan (Cognitive Domain) – kabilang dito ang
pangkabatiran, pag-unawa at pagsusuri. Mga layunin na lumilinang sa mg
kakayahan at kasanayang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Tumutukoy rin
ito sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko at intektwal. Maaaring
gawing batayan ang herarkiya ng pag-iisip ni Benjamin Bloom (1959),
mula sa pinakapayak hanggang sa pinakakomplikado: kaalaman,
komprehensiyon, aplikasyon, analisis, sentisis, at ebalwasyon.

 Layuning Pandamdamin (Affective Domain) – kabilang dito ang mga


saloobin, kawilihan at pagpapahalaga. Nauukol ang mga layuning
pandamdamin sa paglinang ng mga saloobin, emosyon, kawilihan at
pagpapahayaga ng mga mag- aaral. Ito ay may limang kategorya,
Pagtanggap (Receiving), Pagtugon (Responding), Pagpapahayagag
(Valuing), Pag-oorganisa (Organization), at Karakteresasyon
(Characterization).

 Layuning Pisikal o Saykomotor (Psychomotor Domain) – kabilang dito


ang mga kasanayang ginagamitan ng kaalaman sa pagbuo ng mga bagay,
at paghawak sa mga kagamitan. Kasama rin dito ang pagsulat, pagbasa, at
pag-aaral ng kursong panghahanap-buhay at pantekniko.

4|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

TANDAAN: Sa pagsusulat ng mga layunin tiyaking ang mga ito ay ipinapahayag


sa pangkagawiang kilos (behavioral terms) at kailangang ang mga ito ay (a) tiyak,
(b) naoobserbahan o namamasdan, (c) natatamo o nakakamtan (d)
nasusukat.

II. Paksang Aralin

A. Paksa
B. Sanggunian: awtor, pamagat, pahina
C. Mga kagamitang tanaw-dinig (audio-visual) – ang ilan sa mga ito
ay mga larawan, tunay na bagay, papet, mobil, tsart, dayorama,
timeline, paket tsart, plaskard, sini-sinihan, mapa, globo, bulitin
bord, komik istrip, teyp rekorder, film showing, atbp.

III.Pamamaraan o Istratehiya o Mga Gawain sa Pagkatuto

- Ang pamamaraan ay naglalaman ng mga gagawin ng guro at ng


kanyang mga estudyante mula sa panimulang gawain, motiveysyon,
paglalahad ng aralin, malayang talakayan, paglalahat, paglalapat
hanggang sa pagsasagawa at pangwakas na gawain.

Mga bahagi ng pamamaraan:

A. Panimula o Paghahanda
o Sakop nito ang mga:
1. Pagganyak
2. Balik-aral
3. Pag-aalis ng sagabal
4. Pagbibigay ng pagganyak na tanong
(Ang bilang 3 at 4 ay ipinapasok kung ang aralin ay
pagbasa.)

B. Paglalahad

5|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

o Upang maging kawili-wili at epektibo ang paglalahad ng


bagong aralin, ang guro ay kailangang maging malikhain sa
paggamit ng iba’t ibang lunsaran sa paglalahad. Ipinakikilala
dito ang paksang tatalakayin.

C. Pagtatalakay – ibinibigay ng guro ang impormasyon ng nasabing


paksa, sa pamamaraan o estratehiyang kaniyang napili.

D. Pagpapahalaga – ang bahagi na kung saan ang guro ay nagnanais


na ikintal sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng aralin.
Paglalapat o Pagkakapit o Paggamit (Application)
o Mapapansin na mayroong tatlong sinonimo sa Filipino ang
salitang application – paglalapat, upang mailapat sa tunay na
buhay ang liksyong pinag-aaralan; pagkakapit, upang
maikapit o maging bahagi ng katauhan ng bata ang liksyong
pinag-aaralan; at paggamit, upang magamit sa pang-araw-araw
na gawain ang liksyong pinag-aaralan. Kaya’t ang mga
gawaing ibinibigay dito ay may ganoong tunguhin.

IV. Ebalwasyon – Dito sinusukat ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa


paksang tinalakay. Maaaring sa bahaging ito magkakaroon ng isang
gawain ang guro, sa paraang pagsusulit o paggawa ng isang output.

V. Takdang Aralin – Ang itinakda ay maaaring tungkol sa pinag-aaralan o


tungkol sa bagong aralin.

1. MASUSING BANGHAY PAGTUTURO


Ito ang karaniwang inihahanda ng mga mag-aaral na magiging guro, mga
bagong guro at mga gurong naatasang magpakitang-turo sapagkat ang lahat ng
6|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

mga dapat gawin at dapat itanong ng guro, pati na ang dapat gawin at isagot
ng mag-aaral ay detalyadong nakasulat dito sa ilalim ng bahaging
pamamaraan na nahahati sa dalawang kolum: Gawaing-Guro at Gawaing-
Mag-aaral. Sa gayon, ang ganitong uri ng banghay ay nagsisilbing iskript ng
guro sa kanyang paghahanda sa pagtuturo o pakitang-turo.

2. MALA-MASUSING BANGHAY NG PAGTUTURO


Sa ganitong uri ng banghay ang mga gawain na lamang ng guro ang
isinusulat. Hindi na kasama ang gawaing-bata. Hindi na nakikita ang pamagat
na “gawaing-guro” at “gawaing-bata” sapagkat naiintindihan nang ang mga
nakasulat dito ay mga sunud-sunod na gawaing ipatutupad ng guro sa klase.
Kaya’t mas maigi ito kaysa sa masusing banghay.

3. MAIGSING BANGHAY NG PAGTUTURO


Dapat tandan na ang maigsi, mala-masusi at masusing banghay ay
magkakatulad sa Bahagi I at Bahagi II. Nagkakaiba lamang sila sa Bahagi III,
ang Pamamaraan/ Istratehiya. Sa maikling banghay, sapat nang banggitin sa
ilalim ng pamaraan ang ang sunod-sunod na hakbang at gawaing
isasakatuparan sa bawat hakbang.

Bukod sa pang-araw-araw na banghay ng pagtuturo, mayroon tayong


tinatawag na long range plan o pangmahabang panahong banghay ng pagtuturo.
Nangangailangan ito ng maraming sunud-sunod na pagkaka na pagkaklase sa
halip na isang pagkaklase sa halip na isang pagkaklase lamang.
Para sa mga gurong mag-aaral, iminumungkahing huwag kaililigtaan ang mga
sumusunod sa paggawa ng pamagat ng kanilang banghay ng pagtuturo:
 uri ng banghay
 asignatura
 baitang/taon/antas ng mga mag-aaral
 petsa at oras ng pagtuturo

ANG KAHALAGAHAN NG BANGHAY NG PAGTUTURO


1. Nakakatipid sa lakas at panahon.

7|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

2. Nagiging maayos at sistematiko ang pagtuturo sa halip na padamput-


dampot.
3. Naihahanda nang maaga ang mga kagamitan, at nababalak na mabuti ang
mga itatanong at mga ipapagawa sa klase.
4. Nagkakaroon ng hangganan ang pagtuturo.
5. Napag-iisipang mabuti ang angkop na pamamaraang dapat gawin.

1. Bumuo ng isang Masusing Banghay ng Pagtuturo.


2. Isulat ito sa paraang pakurba (cursive).
3. Sundin ang pormat na ibinigay bilang halimbawa.
4. Huwag kalimutan ang margin sa bawat gilid nito. 1.0” sa kaliwa,
0.5” sa kanan.
5. Ipasa ang draft nito sa Nov. 3, 2021.

MGA KASANAYAN:

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inasahang:

a. Nalalaman ang kahulugan at kahalagahan ng kagamitang


panturo;
b. Natutukoy ang mga paraan ng paghahanda ng mga kagamitang
panturo;

8|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

c. Naiisa-isa ang mga uri ng aytem sa pagsusulit at mga simulaing


dapat isaalang-alang sa pagbuo ng pagsusulit; at
d. Nakabubuo ng sariling kagamitang panturo at pagsusulit.

NILALAMAN:

Ano ang isang kagamitang panturo?


- Ayon kay Abad (1996), ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o
bagay na ginagamit bilang pantulong sa paghatid ng mga katotohanan,
kasaysayan, saloobin, palagay, kaalaman, pang-unawa at pagpapahalaga
sa mga mag-aaral upang lalong maging kongkreto, tunay, dinamiko at
ganap ang pagkatuto.
- Ang sabi naman ni Alwright (1990), ang mga kagamitang panturo ay
komokontrol sa pagtuturo at pagkatuto.
- Samaktuwid, ang kagamitang panturo ay anumang bagay na makikita sa
loob at labas ng silid-aralan na maktutulong sa lalong ikauunawa at
ikalalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral.
- Ang guro ay sangkap sa pagkatuto ng mga mag-aaral dahil ito ang
nagsisilbing pinakamahalagang kagamitan sa silid-aralan na nagbabahagi
ng mga impormasyong kailangan ng mga mag-aaral sa pagkatuto.
- Sa mga nakaraang dekada, nagsimulang magkaroon ng ibayong pansin sa
pangangailangan ng mga kagamitang panturo bilang pagsasaalang-alang
sa kapakanan ng mga mag-aaral at upang magkaroon ng makahulugan at
mabisang pagtuturo at pagkatuto.

Bukod sa banghay ng pagtuturo, ang mga kagamitan sa pagtuturong


karaniwang ginagamit ng isang guro sa araw-araw ay ang mga sumusunod:
9|
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

1. Batayang Aklat (Textbook)


Ito ay babasahin para sa isang tiyak na asignatura at tiyak na
baitang/taon/antas at naglalaman ng mga kaisipan, kasanayan o kaalaman
na inilalahad sa iba’t ibang paraan upang maging batayan ng pagtuturo at
pag-aaral.

2. Manwal ng Guro (Teacher’s Manual)


Ito ay balangkas ng mga araling ituturo base sa batayang aklat.
Naglalaman din ito ng mga mungkahing layunin, kagamitan at
pamamaraan o istratehiya para sa isang tiyak na aralin.

3. Patnubay o Balangkas ng Pagtuturo (Teachers Guide)


Ito ay balangkas ng mga paksa na hinati-hati sa mga yunit at
inagkupan ng mga pangkalahatan at tiyak na layunin at mungkahing mga
gawain. Inihanda ito para sa isang tanging asignatura na walang batayang
aklat na magagamit.

4. Hanguang Yunit (Resource Unit)


Ito ay isang maayos na talaan ng mga layunin, mga paksa, mga
gawain, mga pamamaraan, mga panukala para sa pagbibigay-halaga at
mga kagamitan na labis-labis sa pangangailangan ng isang klase kung
kaya’t nagbibigay ito ng iba’t ibang posibilidad para sa paglinang ng ilang
yunit ng pagtuturo. Karaniwang inihahanda ito ng isang pangkat ng mga
guro upang magsilbing paminggalang mapagpipilian ng mga layunin,
gawain at kagamitan para sa isang partikular na klase.

5. Yunit ng Pagtuturo (Unit Plan)


Ito ay balak na inihanda buhat sa hanguang yunit ukol sa pag-aaral
ng isang pangunahing suliranin, ideya o paksa para sa isang tiyak na klase.
Naglalaman ito ng mga layuning tiyak, balangkas na paksa o talaan ng
mga tanong, talaan ng mga tiyak na gawainat mga proyekto, mga
kagamitan at sangguniang aklat, at mga panukala para sa pagbibigay-
halaga.

10 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

Sa kasalukuyan, ang pagkakabit ng e- sa iba’t ibang salita ay lumalawak


na paraan ng pagbuo ng salita sa larangan ng kompyuter at internet. Noong una,
ito ay nagsisilbing daglat lamang ng salitang electronic tulad ng e-mail na mula sa
electronic mail. Hindi nagtagal, lumaganap ang gamit nito sa iba’t ibang
ekspresyon ayon kay Quinton hanggang sa hindi na matiyak kung ito ay daglat
pa rin ng electronic o isang panlapi na. Tinawag itong e- prefix o panlapi ni
David Crystal sa kanyang Language and the Internet kung saan nagsasabi na
anumang salitang ikabit dito ay nagkakaroon ng kahulugang may kaugnayan sa
konsepto ng kompyuter at internet. Daglat man o panlapi, ang e- ay ikinakabit
kung ang pinag-uusapan ay mga dokumento, transaksyon o mga gawaing
pangkompyuter o pang-internet.
Ang e-kagamitang pampagtuturo samakatuwid ay tumutukoy sa mga
kagamitang inihahanda ng guro na may kinalaman sa paggamit ng kompyuter at/o
internet. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga e-kagamitan:

1. kompyuter
2. internet
3. USB Flash Drive, blank CD/DVD, diskette
4. scanner
5. CD/DVD (naglalaman ng mga tunog/musika o video)
6. LCD Projector

Bukod sa mga nabanggit, maaari ring mabilang dito ang ilan pang gamit
tulad ng web cam, speaker, at headset.

Mga Batayang Kaalaman sa Paghahanda ng e-Kagamitang Pampagtuturo

Ang mga e-kagamitang pampagtuturo ay maaaring ihanda sa tatlong sitwasyon ng


paggagamitan –

11 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

1. guro ang maghahanda at gagamit bilang bahagi ng paglalahad ng aralin


at magmamasid lamang ang mga mag-aaral;
2. guro at mag-aaral ang gagamit bilang bahagi ng mga gawain sa
pagkatuto; at
3. mag-aaral ang maghahanda at gagamit sa ilalim ng pagsubaybay ng
guro, halimbawa nito ay sa pagbuo nila ng synthesis at ebalwasyon ng
mga natutunan nila.

Nasa unang sitwasyon ang pokus ng papel na ito sapagkat ito ang
karaniwang maaaring ihanda sa maraming paaralan. Ang pangalawa ay
nangangailangan ng mas mahal na budget para sa paaralan dahil magiging
epektibo lamang ang paggamit sa ganitong sitwasyon kung may sariling gamit
ang guro at bawat mag-aaral. Samantala, ang pangatlong sitwasyon ay
nangangailangan ng mas malalim na kaalaman ang guro sa larangan ng
komunikasyong elektroniko upang matiyak ang kawastuhan ng paggabay niya sa
mga mag-aaral. Gayunpaman ito ay nagaganap na sa ilang paaralan sa mga antas
sekundarya at tersyarya kung saan ang mga mag-aaral mismo ay may malawak
nang kaalaman sa kompyuter at internet.

May mga katangiang dapat taglayin ang guro sa epektibong pagtuturo na


nabanggit na sa unahang bahagi ng papel na ito. Maging ang mga bagay na dapat
isaalang-alang sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo ay nasabi na rin.
Subalit, bukod sa mga naunang tinalakay, ang paghahanda ng mga e-kagamitang
pampagtuturo ay nangangailangan ng karagdagang kaalaman at katangian. Ilan sa
mga
ito ay ang sumusunod:

1. Sapat na kaalaman sa paggamit ng kompyuter at iba pang gamit


Hindi kailangang maging eksperto sa paggamit ng kompyuter ang isang
guro. Ang kaalaman sa pinakasimpleng pag-eenkowd ng teksto halimbawa ay
maaari nang puhunan upang makapaghanda ng e-kagamitang pampagtuturo.
Kailangan ding matutunan ang simpleng pagsasaayos at pag-iimbak (saving) ng
mga dokumento sa kompyuter at sa iba pang storage device tulad ng USB flash
drive o diskette.
Kabilang na rin dito ang pangunahing kaalaman sa paggamit ng mga e-
kagamitan tulad ng pagbubukas at pagsara, pag-aadjust, pagpindot ng mga boton,
at iba pang simpleng manipulasyon.
12 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

2. Pagkilala sa ilang karaniwang files o dokumento


Ang pagkilala sa mga karaniwang files o dokumento sa kompyuter ay
mahalagang malaman din ng mga guro. May iba’t ibang format ang iba’t ibang uri
ng files tulad ng tunog, larawan, animated graphics, at video/movie clips at ang
pagbubukas nito gamit ang angkop na programang pangkompyuter ay hindi
mahirap gawin kung makikilala ang uri ng files na bubuksan.

3. Kasanayan sa ilang programang pangkompyuter


May mga karaniwang programang pangkompyuter na karaniwang
ginagamit at matatagpuan sa halos lahat ng kompyuter tulad ng Microsoft Word,
media player, movie maker, at Microsoft Powerpoint. Makatutulong sa madaling
paghahanda ng e-kagamitan ang kasanayan sa mga programang ito. Ang
kasanayan ay maaaring makuha sa palagiang
paggamit at pagsasanay sa pagbuo ng ilang mga dokumento gamit ang mga
programang ito.

4. Kaalaman sa pag-akses sa internet


Hindi na mahirap sa ngayon ang magkaroon ng akses sa internet. Mula
nang maging pangkomersyal na ito ay nailapit ang internet maging sa mga bahay-
bahay. Dahil dito, hindi imposibleng magkaroon ng akses sa internet kung
nanaisin lang. Ang kaalaman sa pag-akses sa internet ay nakatutulong nang
malaki sa mga gawain ng guro tulad ng pananaliksik at maging sa paghahanda ng
mga kagamitan sa pagtuturo. Napakalawak ng impormasyong maaaring mabasa at
makuha mula sa internet. Maaaring makapag-download mula sa internet ng mga
kakailanganing files sa paghahanda ng mga e-kagamitang pampagtuturo tulad ng
tunog, larawan, animated graphics, o mga video at movie clips.
Ang pagiging lantad (expose) at kasanayan sa paggamit ng mga
kagamitang ito ang pangunahing kailangan upang makapaghanda ng mga e-
kagamitang pampagtuturo na magagamit sa klase. Huwag isiping mahirap, sa mga
hindi pa nakararanas, naririyan ang mga gamit, kailangan lamang ang interes at
determinasyon sa pag-aaral na magamit ito.

Iba’t Ibang Elemento sa Paghahanda ng e-Kagamitang Pampagtuturo


Sa paghahanda ng e-kagamitang pampagtuturo, kinakailangang
maunawaan na may iba’t ibang elemento ang maaaring gamitin upang makabuo
ng isang mabuting pantulong sa pagtuturo.
13 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

1. Tunog/Musika/Boses (Sound/Music/Voice)
Ang mga tinatawag na sound files ay mga tunog na maririnig mula sa
ispiker ng kompyuter. Maaaring ito ay tunog na nalilikha ng tao (pag-iyak,
pagtawa, paghilik), hayop (huni, kahol, unga), o mga ingay ng iba’t ibang bagay
(pagkulo ng tubig, ingit ng pinto, busina ng jip). Ang mga ito ay tinatawag na
sound effect.
Music files naman ang mga awiting maaari ring marinig mula sa
kompyuter. Ang mga awiting karaniwang naririnig sa radyo o mga CD/DVD
player ay maaari ring patugtugin gamit ang kompyuter, mula sa mga awiting-
bayan hanggang sa mga popular na awitin sa panahon ngayon. Kabilang din dito
ang mga boses o tunog na inerekord sa pamamagitan ng mga gamit panrekord.
Ang mga ganitong dokumento ay karaniwang may extension name na .mp3, .wav,
.midi, o .wma.

Maraming paksang-aralin ang maaaring paggamitan ng mga tunog na ito


mula sa kompyuter partikular ang mga araling lumilinang sa kasanayan sa
pakikinig. Sa pamamagitan ng ispiker, ay maiparirinig sa buong klase ang tunog
na nais iparinig.

2. Imahe/Larawan (Image/Picture)

Tinatawag namang image files ang mga imahe o larawang nakikita sa


monitor ng kompyuter. Mga larawan ng iba’t ibang bagay, may kulay o wala.
Tulad din ng mga larawang makikita sa mga litrato, babasahin, poster, at iba pang
pisikal na bagay, nakikita rin ito sa elektronikong paraan.

Ang ganitong uri ng files ay maaaring makuha mula sa internet.


Napakalawak ng mga mapagpipiliang imahe o larawan ng iba’t ibang bagay ang
makikita at maaaring i-download sa kompyuter. Sa pamamagitan naman ng
scanner, naisasalin din sa isang elektronikong imahe ang mga litrato, larawang
iginuhit, larawan mula sa iba’t ibang babasahin, at iba pa. Karaniwang may
extension name na .jpg, .jpeg, .bmp, o .png ang mga ganitong dokumento.

Matagal nang gumagamit ng mga larawan ang maraming guro bilang


kagamitang pampagtuturo. Nakatutulong ito sa pagkakaroon ng viswal na imahe
ang mga mag-aaral sa mga bagay na pinag-aaralan o tinatalakay ng guro. Ang
paggamit ng mga imahe o larawan mula sa kompyuter ay higit na maginhawang
14 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

(convenient) gamitin lalo na kung napakaraming larawan ang dapat ipakita tulad
ng paggamit ng slideshow.
3. Animated Graphics/Pictures

Ang mga animated graphics o pictures ay tulad din ng mga image files,
iyon nga lamang, gumagalaw ito o may animation. Maaaring buong larawan o
bahagi lamang nito ang gumagalaw. Karaniwang ang galaw nito ay limitado o
paulit-ulit kaya hindi ito itinuturing na video clips. Ang ganitong uri ng files ay
karaniwang may extension name na .gif.
Higit itong nakaaaliw kaysa mga imahe o larawan sapagkat may animation
ito o parang buhay na gumagalaw. Bagama’t nangangailangan ng natatanging
pag-aaral sa paggawa ng ganitong uri ng dokumento, hindi ito hadlang upang
gamitin ng guro ang elementong ito sa pagtuturo. Hindi kailangang gumawa o
lumikha ng animated graphics o pictures sapagkat malawak ang mapagpipilian ng
mga ganitong uri ng files sa internet. Nasa masipag na paghahanap lamang ng
guro sa internet at malikhaing paggamit nito nakasalalay upang magamit niya
bilang pantulong sa pagtuturo.

4. Video/Movie

Tinatawag na video o movie ang mga dokumentong napapanood.


Karaniwang nakasangkap din dito ang elemento ng tunog, larawan, o animation.
Ang isang video o movie files ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga
programang pangkompyuter. Isa sa pinakakomon na programang ito ay ang
Windows Movie Maker na matatagpuan sa halos lahat ng kompyuter na Windows
ang ginagamit na operating system. Mula sa koleksyon ng mga larawan at mga
tunog o musika, maaari nang makagawa ng isang video file. Karaniwang
nagsisimulang matuto ang mga gumagamit nito sa paglilibang lamang. Sinusubok
na gawin hanggang sa makabuo na nga isang video.
Samantala, maaari din namang manggaling sa isang video camera o
cellphone ang mga video files. Ang mga kuha o nirekord na video ay posibleng
isalin sa kompyuter upang mapanood. Gayundin naman, marami ring video files
na makukuha mula sa internet. Isa sa popular na video sharing site sa internet ay
ang Youtube na mapagkukunan ng iba’t ibang video.

5. PowerPoint Presentation

15 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

Isa sa palasak na gamit ng e-kagamitan sa kasalukuyan di lamang sa


pagtuturo sa paaralan kundi maging sa mga seminar, pagpupulong, o
demonstrasyon, ay ang powerpoint presentation. Sa programang ito ng
kompyuter, maaaring ipasok lahat ng mga nabanggit na elemento sa itaas at
mailahad nang may kadalian ang paksang-aralin sapagkat hindi na
nangangailangang magbukas pa ng iba’t ibang files. Naiaayos ang pagpapakita o
pagpaparinig nito sa isang paraang naaayon sa daloy ng tinatalakay na paksa.
Bagamat marami nang gumagamit ng e-kagamitang ito, may ilang hindi
nagiging epektibo ang paggamit dahil sa ilang detalyeng hindi nabibigyan ng
pansin. Narito ang ilang mungkahing gabay sa paghahanda ng powerpoint
presentation:
a. Gumamit ng mga simpleng background upang hindi masapawan ang
mga ilalakip na larawan maging ang istilo ng letra.
b. Timplahin ang kulay ng background at kulay ng letra.
c. Iangkop ang mga larawan (kung gagamit) sa isinasaad ng teksto o
paksa.
d. Iayos ang mga slides ayon sa daloy ng pagtalakay.
e. Tiyaking nababasa ang mga letra, gumamit ng wastong laki at
nababasang font.
f. Subukan muna kung gumagana ang mga inilakip na tunog at video bago
aktuwal na gamitin.
g. Maging malikhain, gawing kaaya-aya sa mata ang presentasyon.

I. Mga Kagamitang Limbag at Inihahanda ng Guro


A. Teksbuk- isang masistemang pagsasaayos ng paksang-aralin para sa
isang tiyak na asignatura at antas.
B. Manwal ng guro- kalipunan ng mga araling nakaayos ayon sa layunin
at mga mungkahing paraan o istratehiya kung paano itong ituturo sa mga
mag-aaral.

16 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

C. Silabus- isang balangkas ng mga layunin, paksang aralin na nauukol sa


isang partikular na kurso o asignatura na nakaayos nang sunod-sunod ayon
sa kinabibilangang yunit at inilaan para sa isang markahan o semester.
D. Workbuk- kinapapalooban ng mga gawaing pagsasanay ng mga mag-
aaral kaugnay na tinatalakay mula sa teksbuk. Maaaring kapalooban ito ng
maikling teksto at maraming gawain at pagsasanay.
E. Kopya ng balangkas (duplicated outlines)- ito ay dagdag na sipi ng
mga binalangkas na aralin. Ito ang ginagamit na gabay sa pagpaplano at
pagbubuo ng araling tatalakayin.
F. Hand-awts- sinaliksik at pinayamang paksa. Madalas inihahanda ng
isang tagapagsalita para sa kanyang tagapakinig. Nababalikang basahin ng
guro para sa ikalilinaw ng paksa.
G. Pamplets/Suplemntal at pinayamang paksa- mga set ng
impormasyong mula sa ibang materyales na idinadagdag sa tinalakay na
aralin.H. Artikulo mula sa magasin/babasahin- naglalaman ng iba’t ibang
paksa na napapanahon na magagamit na pantulong sa isang aralin.
I. Pahayagan- naglalaman ng mga pangyayari sa loob at labas ng ating
bansa. Ginagamit na batayan at pantulong bilang suportang impormasyon
na kaugnay sa aralin.
J. Dyornal- isang balangkas na sipi ng kinalabasan na isang pananaliksik.
Maaaring dyornal sa medisina, dyornal sa arkitektura atbp.
K. Indexes- isang materyal na pinagmumulan at pinagkukuhanan ng mga
sanggunian.
L. Worksheet at workards- kagamitang pinagsusulatan ng mga
impormasyon at kaalaman upang madaling maisaayos.
M. Modyul- isang kit sa pansariling pagkatuto. Ito ay binubuo ng iba’t
ibang gawaing pagkatuto na kadalasan ay nasa anyong
pamphlet/babasahin. May iba’t ibang uri ng modyul: Modyul ng
pansariling pagkatuto, modyul sa pagsunod ng panuto at modyul sa
balangkas na gawain.

17 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

N. Banghay-aralin- ito’y balangkas ng mga layunin, paksang aralin,


kagamitan at mga hakbang na sunod-sunod na isasagawa upang
maisakatuparan ang mga layunin o inaasahang bunga ng isang aralin.
O. Patnubay sa Gawaing Pangmag-aaral- set ng mga panuto at tanong
na makatutulong sa pagtalakay ng mga bagong aralin.

P. Pagsusulit- isang kagamitang sumusukat kung gaano ang natutuhan ng


isang mag-aaral. Ito ay ginagamit ding pagganyak upang ang mag-aaral ay
maging atentibo sa pagtalakay ng aralin. Natutuklasan din ng isang mag-
aaral ang kanyang kakayahan at kagalingan.
Q. Talahanayan ng Ispesipikasyon- sa paghahanda ng guro ng
pagsusulit dito makikita ang lawak ng nilalaman, bilang ng aytem, at uri
ng pagsusulit na gagawin.

II. Mga Kagamitang Namamasid


A. Chalkboard Display- mga larawan at talang nakaguhit o nakasulat sa
isang dark colored na bagay.
B. Whiteboard o Markerboard display- mga larawan at talagang
nakaguhit o nakasulat sa isang light- colored na bagay.

C. Mga Larawan- karaniwang ipinapakita ng guro sa pagtalakay ng


aralin upang magkaroon ng gabay ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang
nilalaman ng paksa. Maaaring gamitin ang mga larawan mula sa
kalendaryo, dyaryo at magasin.
D. Ilustrasyon- ginuguhit na manwal/kamay ang paraan sa pagbubuo ng
isang bagay, tao, lugar at pangyayari.
E. Tsart/Graphic Organizer- ginagamit upang pag-ugnayin at ikategorya
ang mga konsepto at pangyayari sa binasa. Tinatawag ding itong biswal na
larawan.
F. Awtentikong Kagamitan- tumutukoy sa pagiging awtentiko ng input
data na gagamiting lunsaran sa paggagawa ng kagamitang panturo. Ang
mga data ay hango sa pahayagan, patalastas, magasin, brochure at
billboards.
18 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

G. Graps- flat picture; binubuo ng tuldok, guhit o larawan gaya ng circle


graphs, bar graphs, line graphs, pie graphs, area graphs at picto graphs.
H. Maps- guhit na flat; nagpapakita ng kinaroroonan ng lugar/pook, bansa
at agwat/layo ng oras.
I. Globes- dito maaaring makita ang eksaktong kinaroroonan ng
pook/lugar, bansa at pati ang layo/agwat ng oras.
J. Posters- eye catching graphics at sa pamamagitan nito madaling
makuha ang mensahe mula sa nakasaad na larawan o ilustrasyon.
K. Exhibits- mga iba’t ibang kagamitan na may kaugnayan sa isang
gawain bilang karagdagang kaalaman biswal. Maaaring exhibit ng mga
aklat, exhibit ng isang produkto atbp.
L. Hook and Loop display- mga larawan o ilustrasyon at ibang biswal
aids na isinasabit upang makita ang paksang tinatalakay.
M. Magnetic board display- mga larawan at tala ng impormasyon na
idinidikit sa pamamagitan ng maliliit na magnetic holders.
N. Bulletin board display- inilalagay ang mga mahahalagang
anawnsment, programa, tala at mga arawan. Ginagamit din ito upang
maipakita ang mga natatanging mag-aaral, impormasyon at natatanging
isyu hinggil sa mahalagang paksa.
O. Museum- dito maaaring matagpuan ang mga impormasyong hindi
karaniwan o hindi naranasan. Maaari ring mga bagay na sinauna at lumang
coins, gamit, damit, larawan, batop atbp. Ito ay itinatabi at pinipreserba
upang makita ng mga mag-aaral.
P. Flannel Board at Felt Board- kagamitang yari sa cardboard o kahoy
na binabalutan ng felt na papel.
Q. Mga Bagay
1. Ispesimen
2. Realia
3. Modelo
4. Mock-up replica
5. Mock trial
19 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

6. Papet
7. Dayorama
8. Pabitin o Mobil
9. Plaskard
10. Cue cards
11. Komik Strip
12. Notekard
13. Mga Seleksyong Pampanitikan
14. Kasuotan (Costumes)

III. Mga Kagamitang Naririnig


A. Radyo- mga dula, awitin, debate, balita at komentaryo
B. Cassette- mga awitin
C. Teyp Recorder- lektyur, talumpati, tula, awitin at iba pang anyo ng
panitikan.

IV. Mga Kagamitang Naririnig at Namamasid


A. Sine- mga pangyayari hinggil sa pag-ibig, pakikipagsapalaran,
kabayanihan at ilang maaaring makita sa lipunan.
B. Telebisyon- balita, debate, telesine at iba pang paksa.
C. Materyales computer-mediated
D. Videoteyps

V. Resources mula sa komunidad


A. Field Trips- ang mga mag-aaral ay lumalabas sa klasrum
B. Tagapanayam o Tagapagsalita- mga taong higit ang kaalaman at
hindi batid ng iba.
C. Demonstrasyon- isang pamaraan sa pagtuturo
D. Laboratori- may iba’t ibang ekwipment gaya ng mga magnetic teyp
recorders, headsets, microphones. Sa agham, kagamitan tulad ng
microphones, slides, kompyuter atbp.

20 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

VI. Kagamitang Projected at Namamasid


A. Slides- mga larawan ng isa o maraming aralin
B. Filmstrip- mga larawan ng bagay, tao, lugar o pangyayari
C. Opaque projectors- pinalaking imahen ng larawan at ilustrasyon ng
tao, bagay, hayop at pangyayari
D. Overhead projectors- ang mga larawan, teksto ng materials ay
inilalapat sa isang transparencies para makita s screen.

VII. Mga Napapanahong Teknolohiya


A. Digital Images- tinatawag ding itong raster images. Ito ay
representasyon ng dalawang dimensyunal na imahen gamit
B. Powerpoint Presentation- ito ay display ng iba’t ibang piniling
imahen na binuo ng masining at pampagtuturong layunin. Ito ay
pinapagalaw ng isang presentor na gamit ang isang apparatus.
C. Movie maker presentation- isang modernong presentasyon na
ginawa/ginaya sa mga napapanuod na pelikula. May gumaganap at may
script na binuo. Inaangkupan din ito ng mga tunog at tugtog. Inaayon sa
layon ng gumagawa at gumagamit din ng video software.
D. Video- isang uri ng teknolohiya na electronically, capturing, recoring,
processing, storing, transmitting at reconstructing sekwens ng mga still
images na narerepresenta ng mga kilos at pagganap.
E. Kompyuter (Website Services)- ang paggamit nito ay napakalaking
tulong na kagamitan sa pagkatuto ng tao.
F. Photocopies- isang copier na ginagamitan ng photographic na paraan
upang makabuong maraming sipi.
G. DVD/CD Player- maraming mapapanood na dokumentasyon at
palabas gaya ng pelikula, kasal at ibang uri ng video.
H. LCD Projector- isang uri ng video projector na gamit para ipalabas
ang imahen o kaya computer data sa screen o sa iba pang flat na bagay.
21 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

I. Videocam- isang camcomander na “portable consumer electronic


device” para makarekord ng video at awdyo gamit ang isang built-in
recorder.J. Laptop- isang uri ng kompyuter. Nakagagawa ng pag-aaral
nang mabilis sa tulong ng Laptop. Ito ay maaaring madala sa labas ng
bahay at kahit anong oras na nais mong aralin ay maaaring gawin.
K. Laserpen- isang laser pointer na madalas ginagamit sa pagmamarka
(highlightings) sa paksang nais mong bigyang-diin at pinipresent sa harap
ng maraming tao. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtutok ng ilaw mula
sa laser pointer habang nagpepresent.
L. i-PAD- isang kagamitan na pinaglalagakan ng datos, tunog at awit at
maaari ring magrekord ng panayam.
M. Cellphone- isang long-range, electronic device na ginagamit para sa
mobile voice at data communication sa pamamagitan ng network mula sa
isang specialized base stations ng kilalang cell sites.
N. Digital Camera- tinatawag din itong DigiCam; isang uri ng camera na
ginagamiT sa pagkuha ng video or still photographs, at digitally
nagrerekord ito ng mga imahen sa pamamagitan ng electronic image
sensor.
O. Internet- ito ay isang global na pinakokonek ang iba’t ibang
kompyuter at nagagawa ito ang mga gumagamit na magkaroon ng
pagbabahagi ng impormasyon gamit ang multiple channels. Sa
pamamagitan ng internet ang isang tao ay maaaring makapaghatid ng
impormasyon, makipagbalitaan gamit ang chicka at messenger. Madaling
makipagkomunikasyon dahil sa mga naturang program.
P. Scanner- napaparami ang isang larawan at impormasyong nais mabasa
at magamit muli.

Sa punto ng mga tradisyunal na pag-iisip, ang kagamitang panturo ay


binubuo ayon sa paniniwala na sa pagtuturo dapat magsimula sa malinaw
na layunin at pagtataya upang mataya kung balido ang layunin, nilalaman, at
pagkatuto ng mga mag-aaral. Samakatuwid, ang pagtuturo noon ay nakatuon
lamang sa ANO ang ituturo at PAANO ituturo. Nakatuon pa rin ang pagtuturo sa
mga tuntuning pangwika. Ito ay umaayon sa teorya ng mga “Behaviorist
22 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

Psychology of Learning,” na ang paniniwala sa pagtuturo at pagkatuto ng wika ay


“habit formation” na binubuo ng stimulus at response.
Sa bagong pananaw sa pagtuturo ng wika, nakatuong higit ang pansin sa
pagkalinang ng kakayahang komunikatibo kaysa sa kabatiran tungkol sa wika.
Ang kakayahang komunikatibo ay nauukol sa kakayahan sa aktwal na paggamit
ng wika sa mga tiyak na pagkakataon.

Sa puntong ito, hindi natin makalilimutan ang ipinaliwanag ni


Chomsky na pagkakaiba ng COMPETENCE at PERFORMANCE. Ayon sa
kanya, ang COMPETENCE ay nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao,
samantalang ang PERFORMANCE ay ang kakayahang gamitin ang wika sa
angkop na paggagamitan.

Samantala, pinaunlad naman nina Canale at Swain (1980)


ang kakayahang komunikatibo ni Chomsky. Para raw masabi na ang isang tao
ay may kakayahang komunikatibo sa isang wika kailangang tinataglay niya ang
apat na elemento; linguistic o grammatical competence, socio-linguistic
competence, discourse competence, at strategic competence. Ang linguistic
competence ay kakayahang umunawa at makabuo ng mga istruktura sa wika na
sang-ayon sa tuntunin ng gramatika. Sa batayang ito, ipinakikita ng isang tao ang
kanyang kahusayan sa paglalapat ng tuntunin ng wika. Ikalawa,
ang sociolinguistic competence ay isang batayang interdisciplinary. Isinasaalang-
alang ng isang tao ang ugnayan ng mga nag-uusap, ang impormasyong pinag-
uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan. Isinasaalang-alang dito
ang kontekstong sosyal ng isang wika. Ang ikatlo, ang discourse competence ay
kakayahang bigyan ng interpretasyon ang isang serye ng mga napakinggang
pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang kahulugan. Ang
tagumpay ng pag-unawa sa isang diskurso ay sang-ayon sa kaalamang taglay
kapwa ng nag-uusap, “world knowledge” ng mga nag-uusap at maging ng
kaalamang lingwistika, istruktura at diskurso, at kaalaman sa social setting. Ang
panghuling elemento na strategic competence ay tumutukoy sa mga estratehiya
na ginagawa ng isang tao upang matakpan ang mga imperpektong kaalaman natin
sa wika.

Ipinakita rin ni Dell Hymes (Sining ng Komunikasyong Filipino: Ikatlong


Edisyon,2010) sa binuo niyang akronim na SPEAKING ang kakayahang

23 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

komunikatibo at ang mahalagang salik na sosyokultural at iba’t ibang sangkap na


dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng epektibong pagpapahayag.

S – ettings (Saan-Lunan kung saan nag-uusap)


P – articipants (Sinu-sino ang mga kausap o nag-uusap)
E – nds (Ano ang layunin sa pag-uusap)
A – ct Sequence (Paano ang takbo ng usapin)
K – eys (Pormal o di-pormal ang takbo ng usapan)
I – nstrumentalities (Pasalita ba o di-pasalita)
N – ouns (Ano ang paksa ng pinag-uusapan)
G – enre (Nagsasalaysay, nakikipagtalo o nagmamatuwid)

Ano ngayon ang kaugnayan ng mga pananaw na nabanggit sa


paghahanda ng kagamitang pampagtuturo sa wika?

Sa pagtuturo ng wika, dapat nating isaalang-alang ang mga apat na


mahahalagang elemento o komponent: (1) mag-aaral, (2) guro, (3) metodo sa
pagtuturo, (4) at pagtataya o ebalwasyon. Samakatuwid, ganun din dapat sa
paghahanda ng kagamitang pampagtuturo. Ano ba ang papel ng kagamitang
pampagtuturo sa ating pagtuturo at pagkatuto ng wika?

Ayon kay Alwright (1990), ang mga kagamitan ay komokontrol


sa pagtuturo at pagkatuto. Ang mga ito’y dapat na katulong sa pagkatuto ng mga
mag-aaral, ito ay magsisilbing pagmumulan ng mga ideya at mga gawain para
sa pagtuturo at pagkatuto (resource of ideas and activities for instruction and
learning), at magsisilbing batayan o gabay ng guro sa mga gawain.Ayon naman
kay Kitao, K. (1995) sa kanyang papel na binuo tungkol sa paghahanda ng mga
kagamitang pampagtuturo, iginuhit niya ang ilustrasyon na ganito:

24 |
kurikulum
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

kagamitang mag-aaral metodo, teknik,


pampagtuturo pagdulog

ebalwasyon

MGA BATAYAN SA KAGAMITANG PANTURO

 Prinsipyo at Teorya
o Sa paghahanda ng kagamitang panturo, kinakailangan na isaalang-
alang at maunawaan nang Mabuti ang mga prinsipyo at teorya sa
paggamit at pagdisenyo ng kagamitang panturo.

 Batayang Konsepto o Disenyo


o Ang kagamitang panturo ay kinakailangan angkop sa panahon at
nakaugnay at nakaayon sa kurikulum upang makatulong na
maisakatuparan ang layunin sa pagkatuto. Ang kagamitan ay
awtentiko at konkreto sa teksto at gawain.

 Pamantayan sa Kagamitang Panturo


o Kinakailangang maanalisa muna ang paggamit ng kagamitang
panturo upang nakabatay ito sa target ng paggagamitan.
o Ang pagpili ng tema ay isang mahirap na gawain sapagkat
kinakailangang mag-isip ng mabuti kung anong kagamitang
panturo ang gagawin.

 Ilustrasyon
o Ito ay tumutukoy sa mga mag-aaral na makabuo ng larawan o
konsepto upang higit na maunawaan ang talakayan.

25 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

 Pamagat
o Ito ay kinakailangang kaakit-akit upang mahikayat ang mag mag-
aaral na malaman ang gagawin.

MGA BATAYANG SIMULAIN SA PAGHAHANDA NG


KAGAMITANG PANTURO

1. Gawing malinaw at tiyak ang layunin ng pagtuturo.


- Bawat proseso ng pagtuturo ay nagsisimula sa pagtukoy ng guro sa
mga layunin ng pagtuturo.

2. I-angkop sa paksang aralin ang kagamitan.


- Kritikal sa pagpaplano ng pagtuturo ang pamimili ng kagamitang
gagamitan.

3. Kilalanin ang katangian at karanasan ng mga mag-aaral.


- Nararapat ding isaalang-alang ang katangian ng mga mag-aaral sa
paggagamitan nito.

4. Tiyakin ang tagal ng panahon ng paggamit ng kagamitan.


- Mahalagang i-ayon sa haba o ikli ng pagtuturo ang inihandang
kagamitan.

5. Alamin ang tamang paraan ng paggamit.


- May mga kagamitang sadya nang nakahanda upang gamitin sa
pagtuturo tulad halimbawa ng mga bagay na nabibili (tsart,
modelo, interactive educational materials), elektronikong
kagamitan (kompyuter, LCD projector, telebisyon) at iba pang
kagamitan na hindi mismo ang guro ang gumawa o naghanda.

6. Tiyaking may mapagkukunan at abot ng badyet ang mga kagamitan.


- Kung magpaplanog gumamit ng mga kagamitan, kinakailangang
tiyakin na may magagamit upang hindi masira ang nakaplanong
pagtuturo.

26 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

KAHALAGAHAN NG KAGAMITANG PANTURO


- Nagiging makatotohanan sa mga mag-aaral ang talakayan. Sapagkat
nakikita nila at nararanasan ang talakayan.
- Walang nasasayang na panahon ang guro at mag-aaral dahil may
direksiyon ang pagtuturo at pagkatuto.
- Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pagsasalita o
pagtatalakay ng aralin sapagkat may kagamitang panturo na gagabay sa
guro sa talakayan at magbibigay rin dito ng pahinga sa pagsasalita.
- Tumutulong sa pagsasakatuparan ng mga layunin sa pagtuturo.
- Gumigising sa kawilihan ng mga mag-aaral at humikayat ng interaksiyon.

Ilan sa mga pangunahing kasanayan na dapat taglayin ng mga guro sa


paghahanda ng instruksyunal na kagamitan:
1. mahusay na kaalaman sa paksang-aralin
2. malalim na pagkilala sa mga mag-aaral
3. makapag-isip ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo
4. masining sa paglikha
5. masipag sa paggawa
6. maparaan sa pangangailangan

Kapag tinatalakay ang mga kagamitang audio-visual, hindi maiiwasang


mabanggit ang cone of experience. Ito ay binubuo ng labing-isang baiting na
mahalaga sa isa’t isa. Nagsisimula ito sa tuwirang karansan at nagtatapos naman
sa simbolong berbal.

27 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

Ang labing-isang baiting ng hagdan ng karanasan ay maaaring pangkatin


sa tatlo ayon sa antas ng pagiging tuwiran hanggang maging abstrak. Ang tatlong
pangkat ay (1) ginagawa (ang tuwirang karanasan, mga balangkas na karanasan,
at madulang pakikilahok), (2) minamasid (pakitang-turo, ekskursyon, esksibit,
telebisiyon, pelikulang gumagalaw, tey recording, radio, at di-gumagalaw), at (3)
sinasagisag (simbolong biswal at simbolong berbal.

 TUWIRANG KARANASAN – aktwal na pakikilahok ng mga mag-aaral


sa makabuluhang gawain na magdudulot ng tuwirang karanasan.

1. Eksperimento – ang pag-eeksperimento sa laboratory ay isang halimbawa


ng tuwirang karanasan.

2. Mga Laro – ang laro ay mabisang paraan para mabigyang buhay ang pag-
aaral ng mga bata. Ganoon man kahirap ang leksyon ay magaganyak pa
rin sila sapagkat Ganado sila sa paglalaro.

 BINALANGKAS NA KARANASAN – paghahaya ng mga bagay o


gawain upang magkaroon ng karanasan ang mga mag-aaral. Ang mga

28 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

sumusunod ay mga halimbawa ng mga kagamitang audio-visual para sa


binalangkas na karanasan.

1. Modelo – panggagaya sa orihinal na kaanyuan at kabuuan ng isang tunay


na bagay. Maaaring ito ay gawa sa kahoy, plastic o bakal. Bagamat may
kaliitan ay katulad na katulad ang anyo sa ginayang tunay na bagay.

2. Mock-up – ang kaibahan nito sa modelo ay isa o ilang bahagi lamang ang
gagayahin at hindi kabuuan.
3. Ispesimen – mabuting panghalili sa mga tunay na karansan ang
ispesimen. Kung sakaling hindi madadala ang mga mag-aaral sa pook na
pinagkukunan ng mineral, maaaring magpakita na lamang ng iba’t ibang
uri ng bato bilang ispesimen.

4. Mga Tunay na Bagay – nahahawakan, nasusuri at napag-aaralan ang mga


ito ng mga mag-aaral.

 MADULANG PAKIKILAHOK – maaaring gamitin ng guro ang mga


sumusunod upang maging mabunga at matagumpay ang kanyang pagtuturo:

1. Mga Dula

2. Mga Papel – tau-tauhang may nagsasalita at gumagalaw na dahil sa


tagapag-paandar nito. Nagdudulot ng kasanayan sa pasalitang
pakikipagtalastasan dahil sa mga dayalogong sinasabi.

 PAKITANG-TURO – nakatutulong upang mas mapahusay ang gawaing


pagtuturo.

 PAGLALAKBAY O EKSKURSYON – may mag bagay na natutunan


natin sa pamamagitan ng pagmamasid, pagsisiyasat at paglalakbay.

 EKSIBIT – maayos na pagtatanghal ng mga bagay o kaisipan sa isang


tanging lugar o lalagyan upang mamasid ng balana. Ito ay may layuning
magganyak, magturo o magpaalala ng mga pangyayari.

29 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

 MGA MIDYANG PANG-EDUKASYON – mga kagamitang gaya ng


telebisiyon, sine, radio, projector, mga larawanng di-gumagalaw, islayd, film
strip, tape recorded at iba pa.

 MGA SIMBOLONG BISWAL – ang simbolong biswal ay sagisag na


kombensyunal na nagbibigay ng malinaw na representasyon ng katotohanan o
realidad.
1. Mapa
2. Dayorama
3. Grap
4. Tsart
5. Kartun

 MGA SIMBOLONG BERBAL – ito ay mga kagamitang tumutukoy sa


mga nalimbag na kagamitang nagagamit sa pagtuturo ng guro.
1. Semantic Mapping
2. Association o Word Network
3. Clining
4. Clustering
5. Collocation o kolokasyon
6. Huwaran o pattern
7. Sakasabihan, kawikaan sawikain, salawikain
8. Plaskard

MGA PANUNTUNAN AT DAPAT TANDAAN

A) Ang lahat ng kagamitang panturo ay pantulong sa pagtuturo. Hindi ito


hinahalinhinan ang guro. Ang mga materyales na ito ay nakatutulong sa
pagtuturo ng guro sa silid-aralan upang maging kwili-wili, kasiya-siya at
kalugod-lugod ang pag-aaral ng mga mag-aaral
B) Piliin ang kagamitang pinaaangkop at pinakaakma sa iyong mga layunin.

C) Kailangang gumamit ng barayti ng mga kasangkapan at kagamitan.


Napapanatili nito ang interes ng mga mag-aaral sa pagtanggap ng
kabatiran sa iba’t ibang paraan.
30 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

KAGAMITANG PANTURO
1. Gumawa ng kagamitang Biswal para sa inyong paksang ginawan ng
banghay aralin.
2. Kinakailangan na angkop ang kombinasyon ng kulay at nababasa ang
mga isinulat sa naging kagamitang Biswal.
3. Maghanda din ng iba pang kagamitang panturo na kinakilangan sa
inyong pagpapakitang-turo.
4. Hanggat maaari, huwag damihan ang kagamitang Biswal. Gumawa ng
naayon sa kinakilangan para mapaliwanag ng maayos ang paksa.

PANUTO: Maghanda para sa isang pagpapakitang-turo. Ito ay gaganapin sa


lugar at oras na itinakda ng guro.
Mga Kinakailangan:
31 | 1. Ang Banghay sa Pagtuturo
2. Ang inyong kagamitang pampagtuturo (visual aid, story book,
flashcards, etc.)
3. Kasuotang pang-guro
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

Ang mga pagsusulit at pagsasanay ay mga kagamitan ng mga mag-aaral


na karaniwang inihahanda ng guro.
Sa paghahanda ng pagsusulit alamin muna kung anong uri ng pagsusulit
ang inihanda. May mga uri ng pagsusulit ayon sa layunin o tungkuling nais
gampanan nito. Halimbawa:
a) Diagnostic Test, kung naglalayong tuklasin ang kahusayan o kahinaan
ng mga mag-aaral sa particular na aralin o asignatura;
b) Achievement Test, kung ang layunin ay sukatin ang kaalamang natamo
sa isang aralin, asignatura o kurso;
c) Aptitude Test, kung ang layunin ay tiyakin ang kahandaan ng mga
mag-aaral sa pagkuha ng kurso.

Dalawa ang uri ng pagsusulit ayon sa paraan ng pagsagot ng mga mag-


aaral: Pasalita (Oral) o Pasulat (Written).
Dalawa rin ang uri ng pagsusulit ayon sa sagot ng mga mag-aaral;

32 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

a) Pagsusulit na Tukuyan (Objective Type) – Ang ganitong uri ng


pagsusulit ay nangangailangan lamang ng maiikling kasagutan kaya’t
madali ang pag-iiskor.

b) Pagsusulit na Pasanaysay (Essay Type) – Mahirap iwasto at


tumbasan ng iskor ang ganitong uri ng pagsusulit subalit madali
namang ihanda. May kalayaang sumagot ang mga mag-aaral sa mga
tanong at higit niyang naipapahayag ang kanyang mga kaisipan.

A. MULTIPLE CHOICE TEST


- stem o bahagi ng aytem na nagpapahayag ng suliranin
- opsyon o pamimiliang sagot

Ang stem ay maaaring:


1. Pangungusap na hindi natapos
Sa kwentong nabasa, nagitla si Nena sapagkat
A. nakakitan siya ng anino sa harapan niya.
B. may humalbot sa kanyang dalang bag.
C. nakarinig siya ng sigaw ng mga tao.
D. may naalaala siyang nakakatakot

2. Pangungusap na may patlang:


“_______ nawala ang mga aklat?” “Sa aklatan”
A. Kailan C. Bakit
B. Saan D. Paano

3. Buong pangungusap:
Itinaon nila ang pasinaya ng bagong tindahan sa kaarawan ng kanilang
ina.
A. itinapat C. ginawa
B. isinama D. binalak

4. Pangungusap na nagtatanong
Ano ang kahulugan ng nagtataingang kawali?
A. nagtutulug – tulugan C. nagbibingi-bingihan
B. nagpapatawa D. nagpapaloko
33 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

B. PAGSUSULIT NA TAMA O MALI


- Binubuo ng isang pangungusap na pasalaysay na pagpapasiyahan ng mag
– aaral na sasagot kung ito ay tama o mali, totoo o hindi.
- Mayroong makabago na maaari ring sagutin ng sang-ayon o hindi, at kung
hindi sang-ayon ay dapat baguhin ang salita o panungusap upang maging
tama o sang-ayon sa paniwala ng sumasagot.
- Ang ganitong uri ng pagsusulit ay isa sa pinakamahirap ihanda sapagkat
ito ay nangangailangan ng lubos o ganap at walang pasubaling
katotohanan o kamalian ng sinasabi ng pangungusap.

C. PAGSUSULIT NA PAGPUPUNO SA PATLANG O COMPLETION


TYPE

- Ang pagsusulit na obhetibo na ang sagot ay ibinibigay ng mga bata sa


halip na pinipili ang tamang sagot.

Halimbawa:
Punan ang patlang sa pagsulat ng wastong anyo ng pandiwang nasa
panaklong.
Maganda ang sineng _______ (panood) namin kahapon.

D. PAGSUSULIT SA PAGTUKOY NG MALI O ERROR RECOGNITION


TEST
- Isang uri ng pagsusulit na integratibo sapagkat sinusubok nito ang
pangkalahatang kasanayan sa wika.

1. Hinahati ang pangungusap sa apat na bahagi. Ang bawat bahagi ay


nakasalungguhit at may nakasulat na titik sa ibaba.

Maagang nagising si Pedro at umigib sila ng tubig.


A B C D

2. Nilalagyan ng guhit ang pagitan ng mga bahagi ng pinaghatiang


pangungusap.

Tuwing dumalaw sila / sa amin / ay may dalang pasalubong / para sa Nanay /.


34 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

A B C D

3. Mga piling salita o parirala lamang ang sinasalungguhitan.

Napagkayarian nila na hindi na pumupunta sa Baguio sa darating na tag-init.


A B C D

4. Ang mali sa pangungusap ay maaaring siang salita o bahagi ng salita ay


nawala.

Maaga dumating ang mga bata sa unang araw ng pasukan.


A B C D
5. Maaari ring magsama ng mga pangungusap na walang mali.

Nagbabasa si Noel subalit naglalakbay ang kanyang isip.


A B C D

E. ANG PAGSUSULIT CLOZE

- Ito ay isang tekstong kinaltasan ng mga salita. Nilalagyan ng puwang na


magkakasinghaba ang lugar na pinagkaltasan ng salita.
- Ito ay sumusukat sa pangkalahatang kasanayan sa wika.
- Sinusukat din nito ang kaalamang linggwistika, ang kaalaman sa
kaugnayan ng salitang kinaltas sa talata at sa buong teksto at an kalawakan
ng kaalaman ng sumasagot ng cloze.

Mga uri ng cloze:

1. BASIC CLOZE

a. Basic fixed-ratio deletion cloze


Halimbawa:
Ano ba ang pagbasa? Ang pagbasa ay 1 paraan ng pag – uugnay o
komunikasyon 2 manunulat at mambabasa. Ipinakikita sa 3 ang
ginawa ng mambabasa sa 4 nakasulat na pananda upang ito’y 5 . Ang

35 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

proseso ng pagbasa ay 6 sa pagkilala sa salita at nagpapatuloy hanggang


mabuo ang kaalaman at magamit ito batay sa layunin ng mambabasa.

b. Selected-deletion cloze – pinipili ang mga salitang kakaltasin


Halimbawa, sa talata sa itaas, maaaring kaltasin ang mga pandiwa lamang,
o ang mga pangngalan lamang.

2. MODIFIED CLOZE
- Katulad din ng basic cloze sa uri ng teksto at sa pagkakaltas ng salita
pero dito ay may pinagpipiliang salita ang mag – aaral.
- Isa lamang ang sagot at madali ang pagwawasto nito ngunit mahirap
mag – isip ng mga distraktor para rito.

Halimbawa:
Ano ba ang pagbasa? Ang pagbasa ay 1 paraan ng pag –uugnay o
komunikasyon 2 manunulat at mambabasa. Ipinakikita sa 3 ang
ginawa ng mambabasa sa 4 nakasulat na pananda upang ito’y 5 .

Pagpipiliang sagot:

1. A. isang 2. A. ni 3. A. atin
B. mga B. sa B. lahat
C. ilang C. ng C. guro
D. ang D. kay D. mag - aaral

3. ORAL CLOZE
- Ito ay katulad din ng cloze sa paghahanda ng teksto at sa pagkakaltas
ng mga salita. Ang pagkakaiba ay nasa pagbibigay nito sa mag – aaral.

Ganito ang pagbibigay ng oral cloze:


1. Ang teksto ay unang binabasa nang walang kinaltas na salita. Sa
ikalawang pagbasa ng guro, kinaltas na ang ilang mga salita.
2. Sasagutin ng mga mag-aaral nang pasalita ang bawat puwang.
3. Ang mga sagot ay tineteyp at binibigyan ng iskor pagkatapos na
maibigay ang buong pagsusulit. Maaaring bilanging wasto ang mga
36 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

salitang kinaltas o iyong mga salitang kasing-kahulugan ng salitang


kinaltas.

F. PAGSUSULIT NA PADIKTA

- Sumusukat sa mga kasanayan sa pakikinig, sa pagsulat, at sa pagkaunawa


ng wika.
- Sa standard dictation, ang buong teksto ay idinidikta ng guro sa
pamamagitan ng pagbasa nito. maaaring ang teksto ay nasa type. Tatlong
beses babasahin ang teksto.
- Sa unang pagbasa, sa normal na bilis, makikinig lamang ang mga ma-
aaral.
- Sa ikalawang pagbasa, isusulat nila ang bawat pariralag idinidikta.
- Sa ikatlong pagbasa, makikinig at isusulat ng mga mag-aaral ang mga
salitang hindi nila nakuha sa ikalawang pagbasa.
- Noong pre-scientific stage, ang pagsusulit na padikta ay ginamit upang
sukatin ang kakayahan sa paggamit ng bantas at sa wastong pagbaybay
lamang.
- Sa communicative stage, ang pagsusulit na padikta ay ginamit upang
sukatin ang pangkalahatang kakayahan ng mag-aaral sa wika. Ang mga
bantas ay maaaring idinidikta rin sapagkat hindi naman ito ang
kasanayang sinusukat ng pagsusulit.
- Sa pagmamarka sa dictation na ito, apat na uri ng mali ang isinaalang –
alang: ang pagdagdag ng salita, ang pagkaltas ng salita, ang pagpalit ng
salita, at ang pagbabago ng ayos ng mga salita sa pangungusap.
- Sa bagong nilinang na pagsusulit na padikta, ang teksto ay hinahati sa
ilang bahagi.
- Ang UNANG BAHAGI O SEGMENT ay binubuo ng dalawa o tatlong
salita. Padagdag nang padagdag ang dami ng salita, hanggang sa ang
huling bahagi ay maaaring buuin ng labinlima o higit ang salita.
- Ang layunin ng pagsusulit na ito ay upang sukatin ang
pangkalahatang kakayahan sa wika. Kung naisulat ng mag-aaral ang
buong teksto, nangangahulugang nauunawaan niya ang kanyang narinig at
magaling siya sa wikang iyon.
- Sa pagmamarka nito, bawat bahaging tama ang lahat na nakapaloob na
salita ay binibigyan ng isang puntos.

37 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

MGA SIMULAING DAPAT ISAALANG-ALANG SA


PAGSASAGAWA NG PAGSUSULIT

1. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong manghula ang mga


estudyante. Ang mga uring Tama-Mali, Oo-Hindi at iba pang dadalawa
lamang ang pagpipiliang sagot ay nakakaakit sa mga estudyante subalit
nagdudulot ng kinalabasang di naman mapapaniwalaan.

2. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng pagsusulit nang sa


gayo’y masukat di-lamang ang kanilang kaalaman kundi pati na ang
kakayahang umunawa at gumamit ng kaalamang natutuhan.

3. Sikaping maghanda ng susi sa pagwawasto bago ibigay ang pagsusulit.


Ito’y isang paraan upang lalong makatitiyak sa kawastuhan ng sagot sa
bawat tanong.
Habang inihahanda ng guro ang gabay sa pagwawasto, may pagkakataon
siyang makita ang mumunting kamalian, o mga bagay-bagay na maaaring
makalito sa mga estudyante.

4. Gawing tiyak at malinaw ang sagot sa bawat tanong. Karaniwan nang ang
ganitong kasagutan ay bunga ng mga obhektinong tanong.

5. Bumuo ng mga tanong na ang antas ng kahirapan ay naaangkop sa


kakayahan ng nakararami.
Kapag lubhang mahirap ang tanong at ni isa’y walang makasagot
masasabing hindi balido ang pagsubok sapagkat hindi sumusukat sa dapat
sukatin nito.
Kailangang may sapat itong kahirapan upang maipamalas ng
mahihinang estudyante ang kanilang natutuhan at maipakita rin naman ng
mahuhusay ang kanilang kakayahan.

6. Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat tanong.


Ang kaisipang napapaloob ay kailangang maliwanag na mailalahad
upang maunawaa ng mga estudyante ang hinihingi ng bawat tanong.

38 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

7. Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat matanim sa isipan ng mga


estudyante at hindi roon sa walang kabuluhan na kung di man masaklaw
ng pagsusulit ay hindi rin magiging kawalan para sa mga estudyante.

PANUTO: Alamin kung ano ang tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa
inyong sagutang papel.

_________1. Ito ay kakayahang umunawa at makabuo ng mga istruktura sa wika


na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika.
_________2. Ito ay balangkas ng mga araling ituturo base sa batayang aklat.
_________3. Tumutukoy sa anumang bagay na makikita sa loob at labas ng silid-
aralan na maktutulong sa lalong ikauunawa at ikalalawak ng
kaalaman ng mga mag-aaral.
_________4.
_________5. Ang apat na mahahalagang elemento na dapat na isaalang-
_________6. alang sa pagtuturo ng wika
_________7.
Ang tatlong pangkat ng hagdan ng karanasan o Cone of
39 |
Experience ni Dale ayon sa pagiging tuwiran hanggang
pagiging abstark.
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

_________8.
_________9.
_________10.

PANUTO: Tukuyin kung ang mga pahayag ay tama o mali. Isulat ang TAMA
kung ang mga pahayag ay tama ay kung mali naman, isulat ang salitang
nagpapamali dito at itabi ang tamang sagot (hal. Robert Dale – Edgar Dale). Isulat
ang inyong sagot sa sagutang papel. (2 puntos bawat bilang)

_________1. Ang pagsusulit na cloze ay isang pagsusulit na obhetibo na ang


sagot ay ibinibigay ng mga bata sa halip na pinipili ang tamang
sagot.
_________2. Ang kagamitang panturo at pantulong sa pagtuturo at pinapalitan
nito ang guro.
_________3. Ayon kay Alwright (1990), ang mga kagamitang panturo ay
komokontrol sa pagtuturo at pagkatuto.
_________4. Sa bagong pananaw ng pagtuturo ng wika, mag binigiyang pansin
ang ang kabatiran tungkol sa wika.
_________5. Ang discourse competence ay ang kakayahang bigyan ng
interprestasyon ang serye ng napakinggang usapan upang makabuo
ng makahulugang kahulugan.
_________6. Sa pagsusulit na padikta, isusulat nila ang bawat pariralang
idinidikta sa unang pagbasa.
_________7. Sa pagbuo ng pagsususlit kinakailangan na tiyak at malinaw ang
paglalahad ng bawat tanong.
_________8. Ang mga halimbawa ng simbolong biswal at chart, graph, tape
recording, at dayorama.

40 |
PANUTO: Bumuo ng isang pagsusulit ng inyong naging paksa sa
pagpapakitang-turo. Ilagay ito sa isang long bond paper. Ang inyong
pagsusulit ay hindi bababa sa 25 bilang, at mayroong apat na uri ng
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

PANUTO: Ang mga sumusunod ay mga katanungang isa-isang sasagutan


habang kinukuhanan mo ang iyong sarili ng video. Ipapasa niyo ito sa
teams, sa “Learning Insights” na channel.

1. Gaano kahalaga para sa isang guro ang pagkakaroon ng kahandaan at


kasiningan sa pagpili ng kagamitang panturo?

2. Dapat bang isaalang-alang ang mga mag-aaral at bayograpikal na


lokasyon (lugar na tinitirhan) ng mga ito? Bakit?

3. Sa iyong palagay, bakit sa paghahanda ng pasulit kinakailangan na


iwasan ang pagkakaroon ng mga “clues” o pagkakataong manghula ang
mga mag-aaral?

4. Ipagpalagay natin na ikaw ay isang ganap ng guro sa isang


pampublikong paaralan. Naatasan kang magpaliwanag ng isang
napapanahong isyu sa lipunan sa iyong mga mag-aaral, alin sa labing-
isang baiting ng hagdan ng karanasan ang ipaparanas mo sa kanila at
bakit?

41 |
FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT EL FIL 1 /2020-2021

MGA SANGGUNIAN:

Abad, Marietta at Ruedas, Priscilla. 2001. Filipino Bilang Tanging Gamit sa


Pagtuturo Binagong Edisyon. New Galaxie Lithographic Arts & Printing
Press, San Jose, QC.

SANDOVAL, MS 4 Seminar-Worksyap sa Filipino at Literatura sa Rehiyong


Mindanao (Disyembre 3-5, 2009) Departamento ng Filipino at Ibang mga
Wika, CASS, MSU-Iligan Institute of Technology (link:
https://www.scribd.com/doc/221153216/e-Kagamitang-Pampagtuturo)

https://www.scribd.com/presentation/370163857/Paghahanda-Ng-Mga-
Kagamitang-Pampagtuturo

https://ubdfilipino103.blogspot.com/2011/03/ang-kagamitang-pampagtuturo.html

https://tuxdoc.com/queue/modyul-1-paghahanda-ng-mga-kagamitang-panturo-at-
tanaw-dinig_pdf?queue_id=6028a326e2b6f5445cecb96d

https://aleihsmickshiey.blogspot.com/2016/05/mga-uri-ng-aytem-sa-
pagsusulit.html

https://www.slideshare.net/shekainalea/kagamitang-panturo

https://www.coursehero.com/u/file/80677408/Paghahanda-at-Ebalwasyon-ng-
Kagamitang-Panturo-Module-7-9docx/?justUnlocked=1#question

42 |

You might also like