You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII-SOCCSKSARGEN
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
GENERAL SANTOS CITY NATIONAL SECONDARY SCHOOL OF ARTS AND TRADES
TIONGSON STREET, BARANGAY LAGAO, GENERAL SANTOS CITY

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


TAONG PANURUAN 2023-2024
Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_________________ Iskor: _______
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Isulat ang iyong mga sagot sa
papel pantasa (test paper).
I. PAGPIPILI
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang pinaka-angkop na sagot.
ISULAT ANG TITIK SA PATLANG.

_____1. Anong panitikan ang nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma ngunit kalaunay nilapatan
ng himig upang maihayag nang paawit?
a. Awiting-bahay b. Awiting-bayan c. Awit Panlansangan d. Awit Pantahanan
_____2. Anong uri ng awiting-bayan ang inaawit sa pakikidigma?
a. Kumintang b. Kundiman c. Talindaw d. Tingad
_____3. Ano ang tawag sa awiting inaawit upang magpatulog ng sanggol?
a. Ombay b. Ombayi c. Omiguing d. Oyayi
_____4. Alin sa mga antas ng wika ang ginagamit sa lansangan at tinuturing na pinakamababang antas
ng wika.
a. Balbal b. Kolokyal c. Lalawiganin d. Pampanitikan
_____5. Sa anong antas ng wika nabibilang ang salitang “lespu”?
a. Balbal b. Lalawiganin c. Pampanitikan d. Teknikal
_____6. Anong antas ng wika ang ginagamit sa espesipikong disiplina o sitwasyon?
a. Diyalektal b. Kolokyal c. Pampanitikan d. Teknikal
_____7. Kailan ginagamit ang mga salitang pampanitikan?
a. Ginagamit sa lansangan c. Ginagamit sa pakikipag-usap
b. Ginagamit sa pagsusulat d. Ginagamit sa isang rehiyon
_____8. Sila ang gumganap, nagbibigay-buhay at kumikilos sa isang alamat.
a. Karakter b. Kasangkot c. Tauhan d. Tagpuan
_____9. Anong elemento ng alamat ang nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
a. Banghay b. Bulong c. Kakalasan d. Kasukdulan
_____10. Sa anong bahagi ng alamat ipinapakilala ang pangunahing tauhan at lugar na pangyayarihan ng
kwento?
a. Gitna b. Kakalasan c. Panimula d. Pagtatapos
_____11. Ito ang tawag sa kahulugang literal o mula sa diksyunaryo.
a. Alokasyon b. Denotasyon c. Dinotasyon d. Konotasyon
_____12. Anong salita ang maiuugnay sa salitang “mapagmahal”?
a. Maalalahanin b. Magiliw c. Mapag-aruga d. Masipag
_____13. Anong uri ng editoryal ang isusulat kung ang layunin ay kumbinsihin ang mambabasa upang sang-
ayunan ang iyong paninindigan?
a. Nagpapabatid b. Namumuna c. Nagpapakahulugan d. Nanghihikayat
_____14. Alin sa sumusunod ang layunin ng editoryal na nagpapabatid?
a. Magsuri b. Mangumbinsi c. Magbugay kahulugan d. Magpaliwanag
_____15. Saang bahagi ng pahayagan o diyaryo makikita ang opinyon o kuro-kuro ng isang manunulat?
a. Balita b. Editoryal c. Kartun d. Lathalain
_____16. Ano ang layunin ng nagsasalita sa bulong:
“Dagang malaki,
Dagang maliit,
Heto na ang ngipin kong sira at pangit,
Bigyan ng bagong kapalit.”
a. Ibinibigay lahat ng ngipin sa daga c. inuutusan ang na palitan lahat ng ngipin
b. Inpinaayos ang mga ngipin sa daga d. ibinibigay ang mga sira at pangit na ngipin at
hinihililing na palitan ng mas maganda
_____17. Ano ang angkop na salitang dapat ipuno sa “Tabi-tabi po, Baka po kayo ______.”
a. Malito b. Maupo c. Mapuno d. Mabunggo
_____18. Anong antas ng wika ang pinakagamitin sa kabataan na nasa paaralan o wala sa paaralan?
a. Balbal b. Kolokyal c. Lalawiganin d. Masining
_____19. Sa pahayag na “Marami sa ilaw ng tahanan ang nangingibang bansa para kumite”, ano ang
kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
a. Ate b. Kuya c. Nanay d. Tatay
_____20. “Ang gurangers talaga ay nakikiuso rin manood kina Piolo at Sarah.” Anong ang ibig sabihin ng
salitang may salungguhit?
a. Mga estudyante b. Mga guro c. Mga kabataan d. Mga matatanda
_____21. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagsasaad ng pagkatuwa.
a. Aray ko po! Napakasakit ng tiyan ko.
b. Ay salamat! Nagkaroon din ng tulo ang tubig.
c. Diyos ko! Ang hirap naman ng pagsusulit na ito.
d. Wow! Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gandang lugar.
_____22. “Ang laki ng iyong ipinayat!” Ano ang damdaming naipapakita?
a. Paghanga b. Pagkamangha c. Pagkagulat d. Pagkatuwa
_____23. Batya sa bigat o digri ng salita, ano ang wastong pagkakaayos ng hagulgol, paghikbi at pag-iyak?
a. hagulgol b. pag-iyak c. pag-iyak d. paghikbi
paghikbi paghikbi hagulgol pag-iyak
pag-iyak hagulgol paghikbi hagulgol
_____24. Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Aling Lilian at Mang Andoy sa pagkawala ni Aryan. Ano
ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. hapis b. lumbay c. lungkot d. pighati
_____25. Bigyang interpretasyon ang salitang masunuring anak.
a. masipag b. masayahin c. suwail d. tamad
_____26. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa awiting-bayan?
a. Pagbabahagi ng mga awiting bayan sa kapuwa.
b. Pagbabasa tuwing oras ng asignaturang Filipino.
c. Paghikayat sa kapuwa mag-aaral na basahin ang awiting-bayan.
d. Pagsusulat ng katulad na awiting bayan na may sariling bersiyon nito.
_____27. Kinagigiliwan ni Gng. Cruz sina Marco at Ben dahil pareho silang matalino at masipag sa klase.
Anong
paghahambing ang ginamit?
a. at b. dahil c. pareho d. sila
_____28. Higit na mahusay sa paggamit ng kompyuter ang mga kabataan ngayon kaysa sa mga kabataan
noon.
Anong uri ng paghahambing ang ginamit?
a. hambingang pababa c. hambingang palamang
b. hambingang pasahol d. hambingang pasukdol
_____29. Anong pahayag na paghahambing ang gagamitin kung magkatulad ang timbang ni Jerry at Tom?
a. Mas b. higit c. lubha d. pareho
_____30. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang dapat mong gawin kung ninanais mong mabatid ng mambabasa
ang dahilan ng isang pangyayari?
a. Bigyang-kahulugan ang mga pangyayari.
b. Ipaliwanag at linawain ang sanhi ng pangyayari.
c. Punahin at magbigay ng mungkahi sa pangyayari.
d. Purihin at parangalan ang taong kasangkot sa pangyayari.
_____31. Sa pagsusulat ng editoryal na naghihikayat, paano kukumbinsihin ang iyong mambabasa na panigan
ang iyong pananaw?
a. Takutin ang mga mambabsa.
b. Hayaan ang mambabasa na magpasya.
c. Pilitin ang mambabasa na paniwalaan ka.
d. Maglahad ng mga patunay tungkol sa iyong pananaw.
_____32. Si Labaw Dongon ay hindi nakontetnto sa isang asawa at naghanap pa ito. Sa iyong palagay tama
ba ang ganitong pag-uugali?
a. Oo, dahil may Kalayaan tayong magmahal at umibig.
b. Hindi, dahil masama ang pagkakaroon ng maraming asawa.
c. Oo, dahil ang napapatunayan ang pagkalalaki sa dami ng asawa.
d. Hindi, dahil kailangan kang makontento at maging tapat sa iyong asawa.
_____33. Ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa ay nangyayari sa lipunan ngayon, ano ang dahilan nito?
a. Tanggap na ng lipunan ang ganitong gawi.
b. Ipinagpapatuloy ng mga tao ngayon ang kinagisan noon.
c. May ilang relihiyon na pinahihintuluan ang pag-aasawa ng higit sa isa.
d. Bahagi ng pag-unlad ng lipunan ang pagbabago sa kultura at tradisyon.
_____34. Anong kaugaliang Pilipino ang makikita sa pagpapaalam ni Labaw Dongon sa ina bago ito
maglakbay
upang hanapin ang babaeng kanyang aasawahin?
a. May paggalang ang mga Pilipino sa kaniyang magulang.
b. Laging mapagkumbaba ang mga Pilipino sa kanilang mga magulang.
c. Gumagawa ng kabutihan ang mga Pilipino para sa kanilang magulang.
d. Gumagaw ng paraang ang mga Pilipino upang mabuhay nang matiwasay.

_____35. Aling katangian ng tauhan sa epiko ang ang dapat tularan ng isang kabtaang tulad mo?
a. Pagiging malakas sa pakikipaglaban
b. Paggamit ng dahas upang makuha ang gusto
c. Pagkakaroon ng katangiang di kapani-paniwala
d. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa pagharap ng pagsubok
_____36. Sa Alamat ng Bundok Kanlaon, kung ikaw ang lalaking hindi pinalad na mahalin ni Kang ano ang
iyong
gagawin?
a. Susugurin ang kaharain ni Kang at papatayin ang kanyang iniirog.
b. Tututol sa kasalan ni Kang at ni Laon at kukumbinsihin na ako ang piliin.
c. Tanggapin ang katotohanan at maging masaya sa naging desisyon ni Kang.
d. Hahayaan ko si Kang sa kanyang desisyon ngunit di ko siya mapapatawad kailanman.
_____37. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong sumulat ng isang alamat sa inyong lugar, anong uri ng
teksto
ang iyong isusulat?
a. Naglalahad b. naglalarawan c. nangangatwiran d. nagsasalaysay
_____38. Aling pangyayari sa epikong Ang Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon ang HINDI sumasalamin sa
kultura at tradisyon ng mga taga-Bisaya?
a. Nakipaglaban si Labaw Donggon sa isang halimaw.
b. Nagpaalam agad si Labaw Donggon sa kanyang ina upang hanapin ang dalaga.
c. Kinausap ni Labaw Donggon ang ama ng dalaga upang hingin ang kamay ng anak.
d. Ipinatawag nila agad ang paring si Bungot-Banwa upang gawin ang ritwal sa tatlong sanggol.

Bilang 39-40.
Subalit wala na ang kakisigan at kagitingan ni Labaw Donggon. Nawala ito dahil sa matagal na pagkakakulong
nang labis na paghahangad sa magaganda, kahit na may asawa nang babae. Naibalik ng magkapatid sa
kanilang tahanan si Donggon subalit hindi pa rin nawala ang pagnanais nitong makahanap pang muli ng
magandang mapapangasawa. Ikinagalit ito ng kanyang dalawang asawa subalit ipinaliwanag niyang pantay-
pantay ang gagawin niyang pagmamahal sa kanyang mga asawa. Ipinagdasal ng dalawang babaeng
nagmamahal sa kanya na muling lumakas si Donggon. Hindi nga nagtagal ay muling nagbalik ang kakisigan at
lakas ni Labaw Donggon.
_____39. Sa anong bahagi ng teksto naipapakita ang pagmamahal sa asawa?
a. Pagpapaliwanag sa pantay-pantay na pagmamahal.
b. Pagdarasal na muling bumalik ang lakas ni Donggon.
c. Naibalik ng magkapatid sa kanilang tahanan si Donggon.
d. Pagnanais na makahanap muli ng magandang mamapangasawa.
_____40. Kung ikaw si Labaw Donggon at nawala ang iyong lakas dahil sa iyong ugali, gagawin mo pa ba ang
paghahanap ng babae kahit may asawa ka na?
a. Oo, dahil karapatan ko ito.
b. Hindi, dahil mali ang gawaing ito.
c. Oo, dahil masaya ako sa aking ginagawa.
d. Hindi, dahil mali ito at may nasasaktan akong ibang tao.
_____41. Kung ikaw ay magsusulat ng isang editoryal ano ang dapat mong gawin upang mapukaw ang interes
nang mambabasa?
a. Gumamit ng paghahambing at pagkakaiba-iba
b. Sumulat ng maiksi ngunit kawili-wiling panimula
c. Magkaroon ng mahabang ngunit nakakaaliw na panimula.
d. Gumamit ng halimbawa at paglalarawan upang patibayin ang panimula
_____42. Isang tuntunin sa pagsulat ng editoryal na iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran sa
halip gawing simple ito, ano ang iyong iiwasang gagawin?
a. gumamit ng magkakatulad na kalagayan
b. gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba
c. gumamit ng marami at makukulay na salita
d. gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan
_____43. Ano ang mangyayari sa kultura ng taga-Bisaya kung hindi ito naipapakita sa kanilang panitikan?
a. Mawawala at tuluyang mamatay ang kultura ng taga- Bisaya.
b. Magpapatuloy sa susunod na henerasyon ang kulturang Bisaya.
c. Mauunawan ng mga mambabasa ang mayamang kultura ng taga-Bisaya.
d. Mapapahalagahan ang kultura nito at patuloy na maipapasa sa bawat henerasyon.

II. PAGSULAT AT PAGBUO


Panuto: Basahin ang nilalaman ng bawat bilang. Isulat ang hinihingi sa espasyong nakalaan.
44.- 45. Paano mo papahalagan ang mga habilin at payo ng iyong mga magulang?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

46. – 47. Sumulat ng dalawang pangungusap na ginagamitan ng pahayag na naghahambing.

Hambingang Magkatulad:

________________________________________________________________________________________

Hambingang Di-magkatulad:

________________________________________________________________________________________

48-50. Sumulat ng isang kultura ng Taga-Bisaya na matatagpuan sa epikong “Ang Pakikipagsapalaran ni


Labaw Donggon” at kung paano mo ito papahalagahan.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

“Kunin mo ang karunungan,


kunin mo ang kaunawaan,
huwag kang lumimot, ni
aa mga salita ng aking
bibig ay humwalay.”

Mga Kawikaan 4:5

Prepared by: Checked by: Noted by:

Nikko D. Mamalateo Liwayway C. Cerna Febelyn M. Eramis


Subject Teacher Department Head Academic Head

You might also like