You are on page 1of 1

BARAYUGA, LEE ARNE C.

FIL03
LFCA211A028

PAUNANG GAWAIN #5

Ang isang kakaibang karanasan na aking naranasan ay noong nanaginip ako ng


isang mala-paraising lugar. Isang araw, habang naglalakad ang raw ako sa bukid ng
probinsya, bigla akong nakakita ng mala-encantadang puno. Ang puno ay punong
mangga na puno ng malalaking bunga. Ngunit ang nakakapagtaka ay may malalaking
mata na parang mga mata ng tao na tinitigan ako mula sa mga kahoy. Natakot raw ako
sa simula, ngunit naisip ko na baka may mabuting dahilan kaya't lumapit ako.

Habang lumalapit ako, nagulat ako nang marinig ang tinig ng puno na nagsasalita.
Nagkwento ang puno tungkol sa mga kaharian ng mga puno at mga engkantadang
naninirahan dito. Inimbitahan raw ako ng puno na samahan ito sa kanyang kaharian.
Pinakita ng puno ang daan patungo sa isa pang dimensyon kung saan naroroon ang
kaharian ng mga puno.

Sa aking paglalakbay, nakilala ko ang mga kakaibang nilalang na naninirahan sa


kahariang ito, tulad ng mga diwata, engkanto, at mga iba't ibang uri ng puno.
Natutunan ko ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at ang mga sekreto ng
mga puno sa pagtulong sa kalikasan at sa mga tao.

Matapos ang aking kakaibang paglalakbay, ako ay nagising at simula noong araw na
iyon ay itinaguyod ko ang pag-aalaga sa kalikasan at ang pagpapahalaga sa mga puno.
Ito ang naging kakaibang karanasan na nagbukas ng aking mga mata sa mga yaman ng
kalikasan na madalas hindi natin napapansin.

You might also like