You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY


NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

FIL. 205 INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

YUNIT 2
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

KABANATA 5 - PAGLALAHAD NG SULIRANIN

INTRODUKSYON

ANO ANG PANANALIKSIK?


 Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya
para sa paglutas ng isang suliranin na nangangailangang
bigyan ng kalutasan.

 Isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya,


konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang
linaw, patunay o pasubali.

ANO ANG LAYUNIN NG PANANALIKSIK?

 Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang


preservasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao.
Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga ni Good
at Scates (1972). “The purpose of research is to serve man
and the goal is the good life”.

 Tumuklas ng bagong datos at impormasyon, magbigay ng


bagong interpretasyon sa lumang ideya, maglinaw sa isang
pinagtatalunang ideya, at iba pa.

MGA BUNGA NG PAGKATUTO


Pagkatatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naisa-isa ang bawat bahagi ng pananaliksik upang
ilahad ang isang malaman at balidong pormat ng
pananaliksik.
2. Nauunawaan at nakakapagbigay ng halimbawa ng mga
bahagi ng Pananaliksik bilang gabay sa sisimulang
paaaral.
3. Nagagamit ang lahat ng kaalamang nabatid sa bawat
bahagi ng pananaliksik bilang gabay sa isang
matagumpay na pag-aaral.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

NILALAMAN

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK


Binubuo ng (5) limang kabanata ang isang pananaliksik at ito ay
ang sumusunod:

 Kabanata 1 – Suliranin at Kaligiran nito


 Kabanata 2 – Mga Kaugnay na Literatura ng Pag-aaral
 Kabanata 3 – Metodolohiya/Pamamaraan
 Kabanata 4 – Paglalahad at Pagpapakahulugan
 Kabanata 5 – Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

At iyan ang limang kabanata ng Pananaliksik, ngayon ay ating


tatalakin ang unang paksa sa ikalawang yunit.

Paglalahad ng Suliranin
 Ito ay isang importanteng bahagi ng pananaliksik kung saan
sa bahaging ito ang nagbibigay ng sentro o pokus sa sa
isang pag-aaral. Ito ay naglalarawan sa isang issue na
kasalukuyang nangyayaring isyu na dapat matugunan sa
pamamagitan ng pananaliksik. Sa bahagi ding ito ay
inilalahad ang suliraning nais bigyan ng mahalagang pokus
sa suliranin. Dito rin nakikita ang mga suliranin sa
pamamagitan ng anyong patanong.

 Ipinaliwanag sa bahagi ng panimula ang kahalagahan ng


paksang pag-aaralan at ang kaligirang kasaysayan nito kaya
sa bahagi ng paglalahad ng suliranin ay makikita ang
pangkalahatang suliranin ng paksang pag- aaralan. Bukod
dito, makikita rin ang mga tiyak na katanungan na
kailangang masagot sa sulating pananaliksik.

 Ang paglalahad ng suliranin ay ang pinakasentro ng


pananaliksik. Dito nagsisimula ang lahat ng mga katanungan
na dapat masagot sa kabanata apat ng pananaliksik.

Nahahati sa dalawang (2) bahagi ang paglalahad ng suliranin:


1. Pangunahing Suliranin (General Problem)
2. Tiyak na Suliranin (Specific Problem)

Pag-aralan ang paglalahad ng suliranin na ginamit sa tesis ni Dr.


Josefina C. Mangahis.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Halimbawa: (Sipi mula sa "Katangian ng Wikang Filipinong Gamit


sa Komunikasyong Pasalita ng mga Mag-aaral sa Unang Taon, Antas
Tersyarya: Isang Pagsusuri" tesis ni Dr. Josefina C. Mangahis.
Sa pag-aaral na ito ay sinuri ang katangian ng wikang Filipinong
gamit sa komunikasyong pasalita ng mga mag-aaral sa unang taon
ng antas tersyarya sa Philippine Women's University sa taong
panuruan 1993-1994.
Dalawang seksyon ang mga respondent. Isang pang-agham at di-
pang-agham. Ang kabuuan ng bilang ay limampu't walo (58).

Sa pag-aaral na ito, sisikaping sagutin ang sumusunod na mga


katanungan:
1. Ano ang katangian ng wikang Filipinong ginamit sa
komunikasyong pasalita kaugnay ng katangian ng pananalita?

1.1 purong Filipino

1.2 magkahalong Filipino at Ingles

2. Sa anong aspekto ng wika may suliranin ang mga mag-aaral sa


pang-agham at di- pang-agham na kurso?

2.1 pagbigkas

2.2 talasalitaan/terminolohiya

2.3 pagbuo ng pangungusap

3. May makabuluhang kaugnayan ba ang suliranin ng mga mag-


aaral sa pasalitang Filipino sa mga katangiang persona na:

3.1 gulang?

3.2 seksyon/kurso?
Halimbawa: (Sipi mula sa “Epekto ng Paggamit ng Tiktok sa
Akademikong Pagganap ng mga piling Mag-aaral sa Asignaturang
Physical Education ng Signal Village National High School”.)
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng
paggamit ng Tiktok sa akademikong pagganap ng mga piling mag-
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

aaral sa asignaturang Physical Education ng Signal Village


National High School.
Ang pananaliksik na ito ay nangangailangan ng kaukulang
kasagutan batay sa mga sumusunod:

1. Ano ang demograpikong pagkakakilanlan ng mga respondente


batay sa mga sumusunod:

1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 Oras na ginugugol sa paggamit ng tiktok

2. Ano ang epekto ng paggamit ng Tiktok sa akademikong


pagganap ng mga pag-aaral sa asignaturang Physical
Education batay sa mga sumusunod:

2.1 Quizzes
2.2 Assignment
2.3 Recitation
2.4 Performance task
2.5 Quarterly Assessment

3. Paano nakakaapekto ang Tiktok sa akademikong pagganap


asignaturang Physical Education?

Palagi nating tatandaan ang mga halimbawa at konsepto napapaloob


sa aralin na ito, at inaasahan na gawin muna ang pangunahing
suluranin patungo sa tiyak na suliranin upang makompleto ang
tinatawag natin na “Paglalahad ng Suliranin” at ito ay ang pokus
at puso ng gagawin nating pananaliksik. At kapag nagbago ito
asahan natin na maapektohan o magkakaroon ng pagbabago sa mga
susunod na kabanata ng ating tesis.

Sanggunian
Antonio L., et al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik:Ikalawang Edisyon. 839 EDSA, South Triangle Quezon
City, Philippines: C&E Publishing, Inc.
Allan Ortiz. (2015). Pananaliksik unang hakbang Updated File.
Slideshare. Retrived August 10, 2023,from
https://www.slideshare.net/allanortiz/pananaliksik-unang-
hakbang-54345434
De Laza, Crizel Sicat & A. E. Batnag (2016). Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Manila,
Philippines: Rex Book Store.
Republic of the Philippines
NORTHERN ILOILO STATE UNIVERSITY
NISU Concepcion Campus, D.B. Oñate St. Poblacion, Concepcion, Iloilo

Evasco et al. (2011). Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham


Panlipunan, Panitikan at Sining.

https://youtu.be/KRB8hhCL45U

You might also like