You are on page 1of 7

Fellowship of Christian Community Feb.

17
2019

Title: “Ang mga bunga ng pakikipag-ugnayan


kay Cristo”
Text: Filipos 2:1-2
Introduction:

“Nagbibigay ba sa inyo ng kasiglahan ang buhay na


nakaugnay kay Cristo? Naaaliw ba kayo ng kanyang pag-ibig?
May pagkakaisa ba kayo sa Espiritu Santo? Kayo ba’y may
nadaramang hangarin na tumulong sa iba? Kung gayon, lubusin
ninyo ang aking kagalakan----- maghari sa inyo ang
pagkakasundo, magbuklod kayo ng iisang pag-ibig at maging
isa kayo sa puso’t diwa.

1
I). Ang mga damdamin ng pakikipag-ugnayan
kay Cristo.
“Nagbibigay ba sa inyo ng kasiglahan ang buhay na
nakaugnay kay Cristo? Naaaliw ba kayo ng kanyang pag-ibig?

1). Ang pakikipag-ugnayan kay Cristo ay


nagbubunga ng kasiglahan.

“Kayo’y tanyag sa pananampalataya, sa pagpapahayag, sa


kaalaman, sa kasipagan, at sa inyong pag-ibig sa amin. Sikapin
din ninyo na manguna kayo sa pagkakawanggawa.”

2Corinto 8:7

“Maglingkod kayo nang may mabuting kalooban na parang


sa Panginoon kayo nalilingkod at hindi sa mga tao lamang.”

Efeso 6:7

2). Ang pakikipag-ugnayan kay Cristo ay


nagbubunga ng kaaliwan.

“Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoon Jesu-


Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan na
lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian

2
upang makatulong naman tayo sa mga namimighati, sa
pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya.”

2Corinto 1:3-
4

“Nang kami’y nasa Macedonia, hindi rin kami napahinga:


panay hirap ang aming naranasan, labanan sa kabila-kabila, at
sindak ang aming kalooban. Ngunit ang nahahapis ay hindi
pinababayaan ng Diyos; inaliw niya ako sa pagdating ni Tito.
At hindi lamang ang pagdating niya ang nakaaliw sa akin kundi
ang kabutihang ginawa ninyo sa kanya. Ibinalita niya ang
inyong pananabik sa akin, ang inyong kalungkutan at
pagmamalakasakit, kaya’t lalo akong nagalak.”

2Corinto 7-5-
7

II). Ang mga gawain ng pakikipag-ugnayan


kay Cristo.
May pagkakaisa ba kayo sa Espiritu Santo? Kayo ba’y
may nadaramang hangarin na tumulong sa iba?

“Wala nang hihigit sa kanya sa pakikiisa sa aking


damdamin at pagmamalasakit sa inyong kapakanan. Sapagkat

3
walang sinisikap ang iba kundi ang sariling kaapakanan, hindi
ang ukol kay Jesu-Cristo.”

Filipos 2:20-21

1). Ang pakikipag-ugnayan kay Cristo ay


nagbubunga ng pagkakaisa sa Espiritu.

“Nanatili sila sa itinuturo ng mga apostol, sa pagsasama-


sama bilang magkakakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay, at
sa pananalangin.”

Gawa 2:42

2). Ang pakikipag-ugnayan kay Cristo ay


nagbubunga ng hangaring tumulong.

“Sila’y kusang-loob na nag-aabuloy hindi lamang ayon


sa kanilang kaya, kundi higit pa. Alam kon ito pagkat mahigpit
nilang ipinamamanhik sa akin na sila’y bigyan ng
pagkakataong makatulong sa mga kapatid sa Judea.”

2Corinto 8:3-4

“Narito ngayon ang katibayan ng labis-labis na kaloob


ninyo sa akin. Higit pa sa aking pangangailangan ang tulong
ninyo sa akin na dala ni Epafrodito. Ang mga ito ay
masasamyong handog sa Diyos, mga haing kalugo-lugod at
kaaya-aya sa kanya.”

Filipos 4:18

4
III). Ang mga naiisin na pakikipag-ugnayan
kay Cristo.
Kung gayon, lubusin ninyo ang aking kagalakan-----
maghari sa inyo ang pagkakasundo, magbuklod kayo ng iisang
pag-ibig at maging isa kayo sa puso’t diwa.

1). Ang bunga ng pakikipag-ugnayan kay Cristo


ay nagbubunga ng pagkakasundo.

“Pag ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-


ibig, dahil sa kanilang gawain. Magsama-sama kayong
mapayapa.”

1Tesalonica 5:13

2). Ang pakikipag-ugnayan kay Cristo ay


nagbubunga ng pag-ibig.

“Sa wakas, magkaroon kayo ng pag-kakaisa, at


magtinginan kayong mabuti. Magmahalan kayo bilang
magkakapatid, maging maunawain at mababang-loob.”

1Pedro 3-8

3). Ang pakikipag-ugnayan kay Cristo ay


nagbubunga ng pagkakaisa.
5
“Nagkaisa ang damdami’t isipan ng lahat ng
sumasampalataya at di itinuring ninuman na sarili niya ang
kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat.”
Gawa 4:32

Conclusion:

“Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng


hinirang, sa ikakaunlad ng kanyang iglesya. Sa gayon, tayong
lahat ay magkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa
Anak ng Diyos at magiging ganap ang ating pagkatao ayon sa
pagiging- ganap kay Cristo. Hindi na tayo matutulad sa mga
batang nadadala ng bawat aral, parang sasakyang-dagat na
sinisiklut-siklot ng mga alon at tinatangay ng hangin. Hindi na
tayo malilinlang ng mga taong ang hangad ay ibulid tayo sa
kamalian. Manapa’y sa pamamagitan pagsasalita ng
katotohanan sa diwa ng pag-ibig, magiging ganap tayo kay
Cristo na siyang ulo. Sa pamamagitan niya’y nabubuo ang
katawan mula sa mga bahaging pinag-uugnay-ugnay ng
kasukasuan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang
bawat bahagi, ang buong katawan ay lalaki at lalakas sa
pamamagitan ng pag-ibig.”

Efeso 4:12-16

To God be the glory!!!!!

Amen!!!!

6
God bless!!!

You might also like