You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV A – CALABARZON
Schools Division Office of Laguna

TWO DIMENSIONAL TABLE OF SPECIFICATION


SCIENCE 3 Quarter 2

TEACHER LEARNING AREA SCIENCE


GRADE THREE Quarter: SECOND
COGNITIVE PROCESS Test Item Placement
DIMENSION (RBT) KNOWLEDGE DIMENSON
Learning Competencies
Duration (Hours)

No. of Questions

METACOGNITIVE
Understanding
Remembering

CONCEPTUAL

PROCEDURAL
Evaluating
Analyzing
Applying

FACTUAL
Creating
%
The learners should be able
to…

Describe the
functions of the
1 6 10% 6 6 1,2,3,4,5,6
sense organs of the
body.
Describe the animals
2 in their immediate 3 7.5% 3 3 7,8,9
surroundings.
Identify the external
3 parts and functions 3 7.5% 3 3 10,11,12
of animals
Identify the external
4 parts and functions 3 7.5% 3 2 1 13,14 15
of animals
State the
5 importance of 3 7.5% 3 1 1 1 16,17,18
animals to humans.
Describe the parts
6 of different kinds of 3 7.5% 3 1 1 1 19,20,21
plants.
State the
7 importance of 2 5% 2 1 1 22,23
animals to humans.
Compare living with
8 6 10% 6 3 3 24,25,26 27,28,29
nonliving things.
Identify observable
characteristics that
are passed on from
9 3 5% 3 1 2 30 31,32
parents to offspring
(e.g., humans,
animals, plants)
Identify the basic
needs of humans,
10 plants and animals 1 2.5% 1 1 33
such as air, food,
water, and shelter.
Explain how living
things depend on
11 the environment to 2 5% 2 2 34, 35
meet their basic
needs.
Recognize that there
is a need to protect
12 2 5% 2 2 36,37
and conserve the
environment.
Identify the needs of
living things that are
provided by the
environment; and
13 explain how living 1 2.5% 1 1 1 38
things depend on
the environment to
meet their basic
needs
To explain why there
is a need to protect
14 2 5% 2 1 1 39,40
and conserve the
environment
TOTAL 40 40 40
Prepared by:
VIRGINIA A. ALMONTE TEOFILA S. TAGUILASO
MT – I Calauan Sub – office MT-II Luisiana Sub- office

Checked and validated:


CHINKY RUTH M. MARILAG
MT-II Los Banos
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV A – CALABARZON
Schools Division Office of Laguna

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA SCIENCE III


SY 2023-2024

PANGALAN: ___________________________________ PETSA: ___________________________

BAITANG: ____________________________________ GURO: ___________________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin at bilugan ang titik
ng tamang sagot.

1. Anong parte ng ating katawan ang ginagamit upang makita natin ang mga
bagay na nasa ating paligid?
A. dila C. mata
B. ilong D. tainga

2. Ano ang tawag sa dalawang butas ng ilong?


A. cilia C. nasal cavity
B. mucus D. nostril

3. Ano ang tawag sa panlabas na bahagi ng ating balat?


A. dermis C. nerve cells
B. epidermis D. sweat glands

4. Ito ang pangharang sa mga dumi at alikabok na pumapasok sa ilong.


A. cilia C. nostril
B. mucus D. olfactory nerve

5. Ito ang ating pandama na ginagamit upang makalasa.


A. dila C. mata
B. ilong D. tainga

6. Ito ang bahagi ng mata na may kulay at nagpapapasok ng sapat na liwanag sa


mata.
A. cornea C. pupil
B. iris D. retina
7. Ito ay isang uri ng hayop na damo ang kinakain at kadalasang katulong ng mga
magsasaka sa bukid.
A. kalabaw C. kambing
B. baka D. kabayo

8. Ito ay maamo, malapit sa tao at kadalasang makikita sa bahay. Anong hayop


ito?
A. baka C. kambing
B. kalabaw D. pusa

9. Ito ay isang uri ng hayop na makikita sa paligid na may kakayahang


manirahan sa tubig o kaya naman ay sa lupa at mahilig sa pagkain ng insekto.
A. aso C. isda
B. ibon D. palaka

10. Anong bahagi ng katawan ng isda ang ginagamit nito sa


paglangoy o paggalaw sa tubig?
A. bibig C. kaliskis
B. hasang D. palikpik

11. Ano ang ginagamit ng mga ibon upang makalipad?


A. balahibo C. paa
B. buntot D. pakpak

12. Anong bahagi ng katawan ng palaka ang ginagamit nito upang makahuli ng
lamok o iba pang insekto?
A. bibig C. kamay
B. dila D. paa

13. Alin sa mga sumusunod na hayop ang hindi gumagamit ng


katawan sa paggalaw?
A. ahas C. kabayo
B. bulate D. suso

14. Anong bahagi ng katawan ng hayop ang ginagamit sa


kanilang paglakad?
A. katawan C. tuka
B. paa D. ulo

15. Ang ibon , tutubi at paruparo ay mga hayop na may pakpak. Sa iyong palagay
saan nila ginagamit ito?
A. sa paglipad C. sa paggapang
B. sa paglangoy D. sa paglukso o pagtalon

16.Ang mga hayop ay mahalaga sa ating mga tao. Ano ang ibinibigay ng baboy at
manok?
A. gatas B. gulay C. itlog D. karne
17. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng mabuting dulot ng hayop
sa tao. Alin dito ang pinakamahalaga?
A. Ang mga hayop ay pinagkukunan ng pagkain.
B. Ang mga hayop ang nagsisilbing bantay ng mga tao.
C. Ang mga hayop ay nakakapagbigay ginhawa sa gawain ng tao.
D. Ang mga hayop ay nagbibigay ng materyales para sa pananamit

18. Bakit mahalaga ang mga halaman sa tao?


A. Nagiging pagkain ito ng mga hayop.
B. Naglalabas sila ng oxygen.
C. Pinipigil nila ang pagguho ng lupa.
D. lahat ng nabanggit

19. Ano ang wastong paglalarawan sa sanga?


A. Ito ang bahagi na sumasagap ng sikat ng araw.
B. Nagbibigay ito ng tatag sa halaman sa pagtayo sa lupa.
C. Ito ang tumutulong sa pagpaparami ng karamihan sa mga halaman.
D. Inaalalayan nito ang mga dahon, bulaklak, at bunga ng halaman.

20. Bakit mahalaga ang ugat sa halaman?


A. Ito ang nasisilbing daluyan ng tubig.
B. Ito ang dahilan sa pamumunga ng halaman.
C. Ito ang nagdadala ng tubig patungo sa dahon.
D. Ito ang responsable sa pagsipsip ng tubig at mineral sa lupa patungo sa iba’t
ibang parte ng halaman.

21. Ikaw ay may tanim na halamang kamatis. Nais mo itong paramihin. Anong bahagi
ng halaman na ito ang iyong gagamitin sa pagpaparami?
A. Puputol sa sanga nito at itatanim.
B. Itatanim ang mga buto mula sa bunga ng kamatis.
C. Kukuha ng magugulang na dahon at itatanim mga ito.
D. Bubunutin ang halaman at hahati-hatiin ang mga ugat nito.

22. Sa inyong paaralan ay may malaking puno ng mangga, sa paanong paraan


maaaring makatulong sa inyong magkakaklase ang punong ito?
A. Ito ay nagbibigay ng lilim.
B. Ito ay nagbibigay nang masaganang supply ng hangin.
C. Ito ay nakapagbibigay ng maraming bunga ng mangga.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

23.Ang mga pangungusap sa ibaba ay nagsasabi ng kahalagahan ng halaman sa mga


tao MALIBAN sa isa.
A. Ang mga halaman ay nagbibigay ng pagkain.
B. Ang mga halaman ay ginagamit sa konstruksiyon.
C. Ang mga halaman ang sanhi ng pagkakaroon ng polusyon
sa hangin.
D. Ang mga halaman ay pinanggagalingan ng mga sangkap
sa paggawa ng gamot, sabon, pabango .
24. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga salita ang mga
bagay na walang buhay?
A. lapis, papel, mesa C. bibe, pagkain, baboy
B. damit, palaka, aso D. halaman, puno, puto

25. Saan nakadepende ang tao, hayop at halaman upang may


mapagkuhanan ng pagkain, tirahan at kagamitan?
A. araw C. kapaligiran
B. hangin D. tubig

26. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mga bagay na may


buhay o living things?
A. Ito ang mga bagay na hindi gumagalaw.
B. Ito ay nagkakapagpaganda ng kapaligiran.
C. Kailangan nila ang tubig, hangin at pagkain.
D. Ang mga bagay na may buhay ay nagsasalita.

27. Ang mga sumusunod ay katangian ng bagay na walang buhay MALIBAN sa isa.
Alin ito ?
A. Ito ay hindi lumalaki.
B. Ito ay hindi kusang gumagalaw.
C. Ito ay walang sariling kakayahang magparami.
D. Ito ay nangangailangan ng pagkain,tubig at hangin.

28.Ano ang pangunahing pangangailangan ng tao na kailangan natin upang tayo ay


makahinga?
A. araw C. pagkain
B. hangin D. tubig

29.Alin sa mga sumusunod na pangkat ang pangangailangan ng tao, hayop at


halaman upang mabuhay?
A. hangin, pera, araw C. telepono, damit, juice
B. bahay, pera, damit D. pagkain, tubig, hangin

30.Ang tatay ay nagtanim ng buto ng santol sa bakuran ng bahay. Pagkalipas ng ilang


taon, ano sa palagay mo ang ibubunga nito?
A.atis C. makopa
B. santol D. sampalok

31.Si David ay lumaking matangkad kumpara sa kaniyang mga magulang. Ganito rin
ang kaniyang lolo. Kanino namana ni David ang pagiging matangkad?
A. Sa kaniyang tito C. Sa kaniyang tatay
B. Sa kaniyang lolo D. Sa kaniyang nanay

32.Bakit mahalagang malaman kung kanino natin namana ang mga pisikal na
katangian na ating taglay?
A. Upang matukoy kung sino ang kamukha sa pamilya.
B. Upang malaman ang pinakapaboritong miyembro ng pamilya
C. Upang matukoy ang hindi magandang katangian ng
pamilya.
D. Upang malaman na ang bawat katangian na ating taglay
mula sa ating magulang ay natatangi.

33. Si Mang Pedro ay maghapong gumagawa sa bukid. Nanghihina na ang kaniyang


katawan dahil sa gutom. Ano ang kailangan niya upang maging malusog at bumalik
ang sigla at lakas ng kaniyang pangangatawan?
A. bahay C. pagkain
B. hangin D. pera

34. Bakit sa kapaligiran umaasa ang mga tao, hayop at halaman upang mabuhay?
A. Dito sila nakakakuha ng pagkain
B. Ang kapaligiran ang nagsisilbi nilang tirahan.
C. Nagbibigay ng malinis na hangin.
D. Dito sila nakakakuha ng mga pangangailangan upang mabuhay.

35.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na nakadepende sa kalikasan ang mga


bagay na may buhay upang matugunan ang kanilang pangangailangan?
A. Batang mahilig maglaro ng manika.
B. Mga hayop na umiinom ng tubig sa sapa.
C. Mga punong natumba dahil sa lakas ng bagyo.
D. Mga taong bumibili ng gamit sa paaralan

36.Dapat nating pangalagaan ang ating kapaligiran. Sa paanong paraan mo


mapapangalagaan at mapapanatiling maayos ang iyong kapaligiran?
A. Magtapon ng mga basura kahit saan.
B. Magtanim ng mga puno sa bakanteng lugar.
C. Huwag magtipid sa paggamit ng kuryente at tubig.
D. Makiisa sa pagputol ng puno sa inyong lugar.

37.Nakita mong nagsusunog ng mga basura at plastik ang inyong kapitbahay. Alam
mong masama sa kalusugan at kalikasan ang pagsususunog. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Tutulungan ko siya sa pagsusunog.
B. Pababayaan ko na lang siya at hindi papansinin.
C. Pagsasabihan ko siya at ipaliliwanag sa kanya ang masamang epekto nito sa
kalusugan at kalikasan.
D. Isusumbong ko siya sa pulis para siya ay hulihin.

38. Madalas itong nakahain sa ating hapag kainan kulay puti at binubuo ng mga
maliliit na butil.

A.bigas B. mais C. pinya D. chicken


39. Ano ang posibleng mangyari kung mauubos ang mga puno sa kabundukan?

A.guguho ang lupa


B. babaha sa mabababang lugar
C. iinit sa mga lugar na nakapaligid
D. lahat ng nabanggit

40. Bakit kailangan nating pangalagaan ang ating kalikasan?

A. Dahil ito ay nagbibigay sa atin ng makakain.


B. Nagbibigay ito ng lilim.
C. Pinagkukunan ito ng mga kahoy na ginagamit sa paggawa ng bahay.
D. Lahat ng nabanggit
KEY TO CORRECTION
SECOND PERIODICAL TEST
SCIENCE 3
SY 2023-2024

1. C 11. D 21. B 31. B


2. D 12. B 22. D 32. D
3. B 13. C 23. C 33. C
4. A 14. B 24. A 34. A
5. A 15. A 25. C 35. B
6. B 16. D 26. C 36. B
7. A 17. A 27. D 37. C
8. D 18. D 28. B 38. A
9. D 19. D 29. D 39. D
10. D 20. D 30. B 40. D

You might also like