You are on page 1of 2

PRODUKSIYON

 Ang produksiyon ay ang proseso ng paggamit ng pinagkukunang-yaman upang gumawa ng


produkto at serbisyo upang tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao

PROSESO NG PRODUKSYON

Ang produksyon ay proseso kung saan pinagsasama ang mga salik ng produksyon (INPUT) upang mabuo
ang isang produkto (OUTPUT)

SALIK SA PRODUKSYON

 Tumutukoy sa mga sangkap sa paggawa ng isang kalakal


 Hindi mabubuo ang isang kalakal kung wala ang kahit isa sa mga ito

LIKAS NA YAMAN

LAKAS PAGGAWA

PRODUKTO
KAPITAL

PAMUMUHUNAN

1.LIKAS NA YAMAN
 tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay
 kasama ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang yamang-tubig,
yamang-mineral, at yamang-gubat
 may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang kaya kailangan ang
wastong paggamit ng likas na yaman.
 maliit man o Malaki kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit

2. LAKAS- PAGGAWA

 tumutukoy sa oras na inilalaan ng mga tao sa proseso ng paggawa


 kaakibat nito ang paggamit ng mga kakayahan, talento, at lakas upang baguhin ang mga
hilaw na materyales at gawing produkto
 kabilang dito ang paggamit sa mga pinagkukunang-yaman upang makapagbigay ng
mahalagang serbisyo sa mga mamimilili
NAPAUNLAD ANG LAKAS-PAGGAWA SA PAMAMAGITAN NG PAMUMUHUNAN SA MGA MANGGAGAWA
TULAD NG PAGLINANG SA KANILANG KAKAYAHAN SA PAMAMAGITAN NG PAG-AARAL AT PAGSASANAY

3. KAPITAL

 tumutukoy sa mga produkto at kagamitang ginagamit sa paggawa ng iba pang mga


produkto
 kabilang dito ang mga kagamitan sa paggawaan, mga instrumenting ginagamit sa
trabaho at gusali at pasilidad na nagsisilbing pagawaan ng mga produkto
 hindi itinuturing na Kapital ang pera bagkus ito ang ginagamiot upang ipambili ng mga
kapital

URI NG KAPITAL

 PISIKAL NA KAPITAL- kabilang dito ang mga makinarya, impraestruktura, at iba pang mga
kagamitan
 DI-PISIKAL NA KAPITAL- ang mga di pisikal na instrumenting ginagamit sa produksyon ay ang
software at patent
PATENT- tumutukoy sa pagmamay-ari ng isang tao sa eksklusibong Karapatan sa paggawa at
pagbebenta ng isang produktong kaniyang gawa.

4.PAMUMUHUNAN

 Mahalagang salik sa produksiyon ang kakayahan sa pagnenegosyo ng isang negosyante


 Pangunahing batayan ng kakayahang ito ay ang mga malikhainat bagong ideyang nagbibigay-
daan sa mga bagong pamamaraan na makatugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mga
mamimili

You might also like