You are on page 1of 2

Modyul 1- Aralin 5: Tekstong Persuweysib

Bilang at Pamagat ng Gawain: Gawain 2: Pagsasanay

S AMA-SAMANG PAGLAPAT
AT PAGLIKHA…

Pagsasanay 2 IKAW NAMAN!

Target sa Pagkatuto:
 Nakasusulat ng isang talumpati na nakahihikayat
 Naibabahagi ang sariling opinyon sa pamamagitan ng pagbuo ng talumpating
nanghihikayat
Sanggunian:
 Pinagyamang Pluma- Filipino sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik ni Alma Dayag et al.
Likhain Mo:
 Ang pagbuo ng talumpating nanghihikayat ay makatutulong sa paglinang sa kasanayan sa
pagsulat ng tekstong persuweysib
Panuto:
 Ikaw ay tatakbo bilang isang SK Chairman sa Baranggay niyo. Sa iyong miting de avance
ay nais mong hikayatin ang mamamayan na ikaw ay iboto nila. Paano mo sila
makukumbinsi na ikaw ay kanilang ihalal. Gumawa ng sariling talumpati na naglalaman
ng iyong mga plataporma, gamitan ito ng mga paraan ng panghihikayat.
(Gawing gabay ang rubrik sa ibaba)

Isang magandang umaga po sa ating lahat na nandirito ngayon upang masaksihan ang bawat
talumpati ng mga humahabol sa puwesto ng SK Chairman. Nais kong pasalamatan ang lahat ng mga
nandirito na naglaan ng kanilang oras upang masaksihan at maunawaan ang bawat saloobin at
plataporma ng mga kabataang humahabol para sa iisang puwesto, gayundin sa aking pamilya at mga
kaibigan na sumuporta at nagbigay sa akin ng inspirasyon na humabol sa puwestong nangangailangan ng
isang lider na responsable, tapat, at may kabutihang loob sa kaniyang mga kapwa. Nais ko ring magbigay
ng papuri sa ating Diyos Ama na nagbigay sa akin ng pagkakataong humarap sa inyo ngayon para
maibahagi ko ang aking mga plataporma at maipakilala ang aking sarili at nagbigay ng pagkakataon sa
ating lahat upang maisagawa ang napakahalagang araw na ito. Muli, maraming salamat po sa inyo!

Bago ang lahat, nais ko pong pormal na maipakilala ang aking sarili sa inyo na mga tagapakinig.
Ako po si Eloisa Piao Gadduang, labing-anim na taong gulang na, at nakatira sa bayan ng Porac
Pampanga. Pangarap ko noon pa man ang makapaglinkod sa aking bayan bilang isang lider na gagabay sa
aking kapwa tungo sa ikauunlad ng ating bayan. Ako ho’y nakapagtapos na ng elementarya at Junior
Highschool na nakapagkamit ng maraming parangal sa paaralan.(Ethos) Simula pa nang ako’y nasa
elementarya ay naeensayo ko na kung papaano ang maging isang mabuting lider sa tuwing mayroon
kaming gawaing grupo. Dahil sa mga ito ay natutunan ko ang tungkulin ng isang lider ay hindi para
utusan ang mga kagrupo sa mga gawain kundi para sila ay gabayan at tumulong rin sa gawain. (Ethos)
Mga kapwa ko kabataan, ako ho ay humahabol sa puwestong SK Chairman hindi lamang dahil sa
RUBRIK
Puntos Pamantayan
20 Ang isinulat na talumpati ay naglalayong
makapagbago ng isipan ng mga botante.
Malinaw ito at hindi maligoy. Siguradong
mahihikayat ang mga tao.
15 Ang isinulat na talumpati ay naglalayong
makapagbago ng isipan ng mga botante.
Mahihikayat ang mga tao.
10 Ang isinulat na talumpati bagama’t
naglalayong makapagbago ng isipan ng mga
botante ay maligoy at hindi gaanong malinaw.
Maaaring mahikayat ang mga tao.
5 Hindi malinaw ang layunin ng isinulat na
talumpati. Maligoy at hindi nakahihikayat sa
mga tao.

You might also like