You are on page 1of 2

GAWAIN 3

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwentong ating napanood at napakinggan na


ang "Ang Alamat ng Pinya". lsulat ang numero 1 para sa pinakauna at 5 sa pinakawakas ng
kwento. Ilagay lamang sa patlang bago ang bilang ng iyong sagot.
_____1. Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing
bahay
_____2. Biglang naalala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pinang, na sanay magkaroon ito
ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap.
_____3. Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si
Aling Rosa at anak ay si pinang.
_____4. Gusto ng ina na matuto si pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni
pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina.
_____5. Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitan si Pinang na gumawa ng mga gawaing
bahay.
_____6. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa
katatanong ng anak kaya't nagwika ito.
_____7. Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umiimik si pinang. Umalis siya
upang hanapin ang sandok na hinahanap.
_____8. lsang araw sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo.Tinanong niya ang
kanyang ina kung nasaan ito. lsang beses naman ay ang sandok na hinahanap. Ganon ng ganon
ang nangyayari.
_____9. Kinagabihan, wala pa si pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa.Tinatawag niya ang
kanyang anak ngunit walang sumasagot. Napilian siyang bumangon at gumawa ng pagkain.
_____10. "Naku pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahata
ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin."
_____11. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ltoy hugis ulo
ng tao at napapalibutan ng mata.
_____12. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit
nanlahong parangbula si pinang.
_____13. Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam
kung anong uri ng halaman iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa itoy magbunga.
_____14. Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinahap nya si Pinang.
_____15. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi
sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halamam at tinawag itong Pinang, kalauna’y naging pinya.

You might also like