You are on page 1of 4

Chasing Debt

By: Yelshaleng

Prolouge

“Next month, ang babayaran mo ay ang 10% at interest katulad ng napag-usapan” sabi niya habang nakangiti. Elegante niyang
kinuha ang tasa at humigop sa kape.

“1-10%? at interest?” biglay ay pinagpawisan ako ng malamig. “A-akala ko ba ay 5% lang? T-saka saka na ang interest kapag
nabayaran ko na ang mismong hiniram ko?” napataas ang isa niyang kilay sa akin at ako naman ay napalunok ng sobrang hard.

‘Lord, please lend me strength’

Walang tunog na ibinaba niya ang tasa sa lamesa at saka seryosong tumingin sa akin gamit ang matatalim niyang mga mata.

“I thought we had an agreement, Mr. Flores? The moment you failed to pay on a single month or skip your monthly payment,
tataas ang babayaran mo the next month?” taas kilay na tanong niya sa akin. Napakagat ako sa loob ng labi ko. May usapan nga
pala kami! Nakakainis. Nakalimutan ko!

Napapahiya ko’ng naikamot ang nanginginig ko’ng kamay sa likod ng ulo ko. “N-nakalimutan ko, hehehe” kabado kong sagot.

Mas lalong tumaas ang isa niyang kilay kaya naibaba ko ang kamay ko sa illaim ng mesa at doon itinago ang panginginig ng mga
ito. Hindi ko din masalubong ang mga mata niya. Paano na ‘to?!

“G-ganto kasi yun, Chasmine---”

“Ms. Villanueva”

“Ha?”

“Don’t call me on my first name. Ms. Villanueva”

“A-ah, sige, sige” saka tumikhim ako. Daming arte. “M-Ms. Villanueva, ganto kasi yun. Ano, ahm. Hindi ko naman totally’ng
nakalimutan…” nangunot agad ang noo niya kaya mas binilisan ko ang pagpapaliwanag. “Hindi ganun sa iniisip mo! Totoo na
nakalimutan ko pero hindi ko nakalimutan!” mas lalong nangunot ang noo niya. Napatampal naman ako sa noo ko.

‘Ang gulo mo, France! Ito ang resulta ng hindi mo pagkain ng umagahan e!’

“I’m confuse, Mr. Flores. Enlighten me” inilagay niya ang dalawa niyang braso sa lamesa at ginawang supporta ang siko bago
niya ipinatong ang mukha sa magkahawak niyang kamay.

Muli ay nilinis ko ang nakabara sa lalamunan ko. “Ganto, may pera na akong naitabi para sa pambayad ko sayo last month kaso…
kaso ano, nagalaw ko” pahina ng pahina ang boses ko. Para akong bading!

Muli ay tumaas na naman ang isa niyang kilay. “You spend it?” tumango ako.

‘Ininglish mo lang yung sinabi ko’

“H-hindi ko naman sinasadya e. Promise, mamatay man ako. Cross my heart” may kasama pang pag kros sa dibdib ko. Napayuko
ako at itinuloy ang pagpapaliwanag. “Nagkaroon kami ng shortage sa para sa monthly expenses namin kaya nagalaw ko yu’ng
pera. Actually hindi ko naman lahat nagalaw, may kalahati pa na natira. Yun sana ang ibabayad ko sayo tapos ipapaliwanag ko na
lang kung bakit ganun lang maibabayd ko ang kaso…nagkasakit si Tutoy at wala kaming pambili ng gamot. Nagamit ko yu’ng pera
ng hindi ko namalayan na pambayad ko yun sayo” hindi ako makatingin sa kaniya habang nagpapaliwanag.

Sa totoo lang, awang-awa na ako sa sarili ko at sa pamilya ko. Nitong mga nakaraang buwan at araw ay hirap na hirap kami. As in
super hirap. No joke mga pre. Naputulan kami ng koryente dahil ilang buwan na kaming hindi nakakabayad. Muntik na din
maputulan ng tubig, mabuti na lang at nakahabol ako sa pagbabayad. Tapos nagkasakit na naman si Tutoy at kailangan ng
gamot. Nawalan pa ako ng isang part time job.

Konti na lang talaga at magbebenta na ako ng katawan. Hayst.


“So, what do you want me to do?” mataray na tanong niya.

“Ahm, baka pwedeng ano, ahm, huwag mo nang taasan? H-hehehe” kamot sa pisngi na saad ko.

“You want me to put consideration on your situation?”

“P-parang ganun na nga?”

“No.”

“H-ha?” parang nabibingi ako.

“I said no” matigas pa sa bato na saad niya. Bigla naman ay nawalan ako ng lakas. “A deal is a deal, Mr. Flores”

“Chas naman, baka pwede---”

“No. No is a no. NO” napasimangot ako sa kaniya. Kahit kailan mahirap talaga pakiusapan ang babaeng ‘to.

‘Kailangan ko na gamitin ang ipinagbabawal na teknik’

Huminga ako ng malalim. Umupo ako ng maayos at nakipagtitigan sa kaniya. Ilang segundo kaming nakatitig sa isa’t isa pero
makailang saglit pa ako para na siyang naiilang.

“Sigi na, pleeaseee” nagppa-cute na saad ko sa kaniya saka nag pout pa sa harap niya. Wala na akong pake kung mukha akong
aso dahil ang teknik na ito ay ipinagbabawal. “Pleaaseee, Chassss, sigi na pleashhhh” at mas lalo ko pang pinahaba ang nguso ko.

‘Gumana ka please. Kahit ngayon lang’

She heaved a deep sigh and murmured something under her breath.

“S-sige. Pumapayag na ako.” nakapikit na saad niya. Para pa akong nabingi kasi di ko masyadong naintindihan.

“Ano? Hindi kita marinig” sagot ko at inilapit ang mukha ko sa kaniya para marinig siya. Hindi pa siya sumagot at nantiling
nakapikit na para bang nagdadasal.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mukha niya. Mukha talaga siyang anghel pero demonyo ang ugali. Kahit saang angulo mo
tignan, maganda talaga si Chasmine. Kung hindi lang magkaiba ang mundo naming dalawa, matagal ko na ‘tong pinormahan.
Kaso langit siya, lupa ako. Mayaman siya, pogi at macho lang ako.

“Ang sabi ko---WAHHH!” isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko dahilan para mapabalik ako sa upuan ko.

“A-aray ko! Bakit ka nanampal?” reklamo ko sa kniya.

“B-bakit ang lapit ng mukha mo sa mukha ko? Are you trying to steal a kiss from me? Pervert!” at niyakap niya ang sarili niya.

“A-anong ‘steal a kiss’? Wala akong balak magnakaw ng halik sayo huy!” depensa ko agad. “Hindi ko marinig ‘yung sinabi mo
kanina kaya nilapit ko ‘yung tenga ko sayo”

Nnatiling masama ang tingin niya sa akin. Kung pwede lang bumuga ng apy ay kanina pa siya bumuga. Parang may nakikita na
din naman akong usok mula sa ilong niya.

“Ano ba kasi yung sinabi mo? Payag ka na ba?” tanong ko sa kaniya habang hinihimas ang pisngi ko na bigla na lang niya
sinampal.

“HINDE!” sigaw niya sa akin. “Pay me base on our agreement. Goodbye” mabilis siyang tumayo at kinuha ang mamahalin niyang
bag.

“H-ha? HUy! Wait Chasmine, hindi naman ganiyan yung narinig ko kanina e. Huy!” habol ko sa kaniya pero mabilis siyang
naglakad palabas ng cafe. Hahawakan ko na sana siya sa braso kaso naman ay biglang humarang ang isa sa mga body guards
niyang nakasunod sa kaniya. Kaya wala na akong nagawa kundi ang panuodin siyang umalis.
Pumayag na siya e. Bakit biglang ‘hindi’ na naman ang sagot niya. Chasmine, para lang malaman mo, mas magulo ka pa sa bulbol
ko.

CHAPTER 1

“Hoy, Anton! Akin na bayad mo.

You might also like