You are on page 1of 2

Isang masigla at magandang pagbati sa inyong lahat, Ako nga po pala si Coleen mula sa grade 4

Emilio Aguinaldo. Narito ako upang bigyan kayo ng isang magandang kwento. Ito ang kwento ng
unang Pasko. Handa na ba kayong makinig? Ang ating kwento ay pinamagatang:

Ang Kapanganakan ni Jesus

Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Maria at isang lalaking
nagngangalang Jose ang malapit nang ikasal. Sina Maria at Jose ay mabubuting tao na sumunod sa
kanilang Diyos. Isang araw isang anghel ang dumalaw kay Maria at sinabi sa kanya na magkakaanak
siya! Sinabi ng anghel na dapat ay Jesus ang ipangalan niya sa sanggol. Ang sanggol na ito ang
magiging Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas.

Kinailangang maglakbay nina Maria at Jose papunta sa bayan ng Betlehem para magpatala at
magbayad ng buwis. Ang bayan ay punong puno ng mga tao. Inabot ng panganganak sa Bethlehem
si Maria. Ngunit, walang mahanap na bahay-upahan! Kumatok sila ngunit, walang lugar para sa
kanila. Niyaya ni Jose na pumunta na lang sila sa sabsaban ng mga tupa.

Nang gabing iyon ang sanggol na si Jesus ay isinilang. Isang bagong bituin ang lumitaw sa
kalangitan! Binabantayan noon ng mga pastol ang mga tupa sa kalapit na parang. Sinabi ng anghel.
“May magandang balita. Ipinanganak sainyo ang isang Tagapagligtas. Siya ang HesuKristong
Panginoon.” At dumating pa ang maraming anghel! masaya sila na nagpuri sa Diyos at nagsabi,
“Luwalhati sa Diyos na kataastaasan sa lupa ay kapayapaan, sa mga tao ay kaluguran.”
Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban para sambahin ang sanggol na si Jesus at
pagkatapos nilang makita ang sanggol ay ipinamalita nila sa lahat ang kanilang nasaksihan.

Sa malayong lugar, nakita ng mga Pantas ang bagong bituin. Alam nila na tanda iyon na isinilang
na ang Tagapagligtas. Sinundan nila ang bituin hanggang sa matagpuan nila si Jesus. Nagbigay sila
sa Kanya ng mga regalo at sumamba sa Kanya. Pagkaalis ng mga Pantas, binisita ng isang anghel si
Jose. Sinabi ng anghel na gustong saktan ng isang masamang hari si Jesus. Sinabi ng anghel na
dapat pumunta ang kanilang pamilya sa Egipto para maging ligtas. Sina Jose, Maria, at Jesus ay
nanirahan sa Egipto hanggang sa ligtas nang bumalik sa Israel. Si Jesus ay lumaki sa bayan ng
Nazaret. Natuto siyang maging matulungin, mabait, at masunurin. Nalaman niya ang lahat ng bagay
na kailangan Niyang matutuhan para maging Tagapagligtas natin.

At ito ang magandang kwento ng himala ng unang Pasko

You might also like