You are on page 1of 3

ANG KASAYSAYAN NG UNANG PASKO

TAGAPAGSALITA: Magandang umaga po sa inyong lahat. Ngayong umaga ay ikinagagalak po naming


ipakita sa inyo ang isang dula-dulaan sa kasaysayan ng unang pasko na naganap mula ng isilang ang
paginoong Hesus sa maliit na bayan ng Bethlehem na ating dinadakila,sinasamba at minamahal ng
buong daigdig na paulit-ulit nating ipinagdiraiwang tuwing araw ng pasko.

Nang panahong yaon,iniutos ng emperador Augusto Caesar na magpatala ang lahat ng


nasasakupan ng imperyo ng Roma, ang unang pagpapatalang itong ginawa ng si Cireneo, ang
Gobernador ng Siria.

KAWAL: (May dalang balita) Mga nasasakupan ng Imperyo ng Roma, ipinaaabot ko sa inyo na
kinakailangang magpatala ng kanilang pangalan sa kanilang bayan upang magbayad ng buwis ayon sa
utos ng imerador Augusto Caesar.

TAGAPAGSALITA: Kaya’t umuwi ang bawat isa sa sariling bayan upang magpatala. Mula sa Nazareth,
Galelea, si Jose ay pumunta sa Bethlehem, Judea, ang bayang sinilangan ni Haring David. Kasama niyang
umuwi upang magpatala rin si Maria na kaniyang asawa.

MUSIC: (Oh, Little Town Of Bethlehem)

TAGPO: Sa lugar ng kinatatayuan ng pinagbabayaran ng buwis ang mga tao ay nakapilang nagpapatala.
Ang bayang ito ay punong-puno ng tao pati tirahan.

TAGAPAGSALAYSAY: Ang mag-asawang Jose at Maria, na isang kagampan ay naghahanap ng


matutuluyan.

JOSE: (Unang bahay) Tao po! Pwede po bang makipanuluyan hirap na hirap na lamang po ang aking
asawa.(nagmamakaawa)

TAO: Walan pong lugar para sa inyo, punong-puno na po dito.

TAGAPAGSALAYSAY: Umalis ang mag-asawa na taglay ang kalungkutan at hirap upang humanap ng
ibang matutuluyan.

JOSE: (Ikalawang bahay) Tao po! Tao po! Pwede po bang makipanuluyan pagod na pagod na lamang po
ang aking asawa.(nagmamakaawa)

TAO: (May ari ng bahay) Pasensya na po kayo wala na pong lugar para sa inyo, lalo at ang iyong asawa ay
isang kagampan.

TAGAPAGSALAYSAY: Kaya’t muling naghanap ang mag-asawa ng matutuluyan. Sa kanilang paghahanap,


ay biglang sumakit ang tiyan ni Maria, kaya’t ang bahay na malapit sa kanila ang kanilang pinuntahan.
JOSE: (Ikatlong bahay) Tao po! Tao po! Pwede po bang makipanuluyan sumasakit na lamang po ang
tiyan ng aking asawa.(nagmamakaawa)

TAO: Dito po sa aming bahay aywalang lugar para sa inyo, kung gusto po ninyo ay mayroong bakanteng
lugar sa likod ng aming bahay subalit iyon po ay isang sabsaban ng mga hayop.

JOSE: (Sumang ayon) Maraming salamat po!

TAGAPAGSALITA: (Sinamahan ng may-ari ng bahay ang mag-asawang Jose at Maria sa sabsaban ng mga
hayop)

TAGPO: Habang nasa sabsaban ng mga hayop. Isang gabing napakalamig ng mag-uumaga ika-
dalawampu at lima ng Disyembre dumating ang oras ng panganganak ni Maria sa sabsaban ng mga
hayop ng isang sanggol na lalaki na pinangalanang Hesus.

MUSIC : ( Silent Night)

TAGPO: ( Si Jose at Maria ay nakaluhod sa tabi ng isinilang na sanggol na si Hesus na kasama ng mga
hayop sa sabsaban. Kasabay din ng biglang paglitawng nagniningning na tala sa kalangitan.)

TAGAPAGSALITA: Kasabay ng pagsikat ng nagniningning na tala ang walang katapusang awitan ng mga
anghel bilang pagpupuri sa Diyos sa kalangitan.

MUSIC: (Hark the Herald)

TAGAPAGSALAYSAY: Sa lupain ding iyon,ay may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat na
nagbabantay ng kanilang mga alagang tupa. Sa mga sandaling iyon, sa hindi inaasahan, ay naganap sa
paligid nila ang isang nakasisilaw na kaningningan ng Panginoon at sa isang iglap ay may biglang
lumitaw sa harapan nila na mga anghel ng Panginoon, na agad nilang ikinagulat at ikinabigla, na
nagdulot sa kanila ng labis na takot at pangamba. Ang takot at pangamba ay nila biglang napawi
matapos sabihin sa kanila ng anghel na...

ANGHEL: Huwag kayong matakot! Ako ay may dalang balita mabuting balita para sa inyo na magdudulot
ng malaking kagalakan sa lahat ng tao, sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong
tagapagligtas, ang Kristong Panginoon.

MUSIC: (The First Noel)


TAGAPAGSALITA: Nang makaalis ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag usap-usap.

PASTOL 1: Narinig ba ninyo ang sabi ng mga anghel?

PASTOL 2: Oo, isisnilang raw sa bayan ng Bethlehem ang magiging hari ng kataastaasan.

PASTOL 3: Tayo na sa Bethlehem! Tingnan natin itong ibinalita sa atin ng mga anghel.

TAGPO: ( Sinundan ng mga pastol ang tala patungo sa sabsaban ng mga hayop at sila’y nagbigay puri sa
Diyos.

MUSIC: (Silent Night)

TAGAPAGSALITA: Dumating naman sa Bethlehem mula sa iba’t-ibang lugar ang tatlong hari na sina
Melchor, Gaspar at Baltazar na sinusundan ang nagniningning na tala sa kalangitan hanggang sa sila’y
makarating sa sabsaban sa munting bayan ng Bethlehem, na ang bawat isa ay mayroong pangregalo sa
isinilang na sanggol. Sila’y lumuhod sa harapan ng batang si Hesus na nag-alay ng ginto, insenso at mira.

MUSIC: (Ang Pasko ay Sumapit)

TAGAPAGSALITA: Ang mga tao sa bayan ng Bethlehem ay dumalaw sa sanggol upang ito’y kanilang
sambahin.

MUSIC: ( Oh! Come All Yeah Faithful)

TAGAPAGSALITA: Lahat ng tao, mahirap man o mayaman bata man o matanda na mula sa iba’t-ibang
dako ay dumalaw at sumamba sa hari ng mga hari na isinilang ng bayan ng Bethlehem, na may dalang
iba’t-ibang handog bilang alay sa sanggol na tanda ng kanilang pag-ibig dito.

MUSIC: ( Joy to the World)

TAGAPAGSALAYSAY: Dito nagwawakas ang kasaysayan ng unang pasko na hanggang sa ngayon ay ating
ipinagdiriwang, pinupuri ang Diyos sa kaitaasan. Lumaganap ang pag-ibig Niya sa sangkatauhan nang
ipinagkaloob Niya ang Kanyang bugtong na anak upang ang lahat ng tao ay magsisi sa kanilang kasalanan
at manatili ang pag-ibig ng bawat isa sa atin.

You might also like