You are on page 1of 15

MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL

MODYUL 5

Pangkalahatang Ideya

Nasusuri ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral, panukala tungkol sa
kabataan o tuntunin sa pamilya batay sa pagsunod ng mga ito sa likas na batas.

Sa iyong pagsagot sa mga gawain, inaasahang matutuhan mo ang layuning:


1. Naipapahayag ang pagsang-ayon o pagututol sa isang umiiral na batas batay sa
pagtugon nito sa kabutihang panlahat.

Pangunang pagsusulit
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sulatang papel.

1. Paano mailalarawan ang isang tao na buo ang pagkatao?


a. May pagsaklolo sa iba
b. Pagiging matulungin sa kapwa
c. Pagkampi sa tao
d. Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos
2. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
a. Ito ay ayon sa mabuti
b. Walang nasasaktan
c. Makapagpapabuti sa tao
d. Magdudulot ito ng kasiyahan
3. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil
a. Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon
b. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam
c. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang
4. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?
a. Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon
b. Nag – iiba ang likas na batas moral batay sa kultura at kinagisnan
c. Ang likas na batas moral ay para sa lahat
d. Maraming anyo ang likas na batas moral
5. Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral
a. Ibinubulong ng anghel
b. Itinuturo ng bawat magulang
c. Naiisip na lamang
d. Sumisibol mula sa konsensya
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Narinig mo na ba ang prinsipyong First Do No Harm ng manggagamot? Sinasabi


nitong ang unag layunin ng manggagamot ay hindi makapagdulot ng higit pang sakit.

Ayon kay Santo Tomas de Aquino, lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip.
Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan. At para kay Max Scheler,
ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip
kundi sa larangan din ng pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi ang
masama. Walang sinuman ang nagnanais na mapasama siya.

Ang Mabuti
Ang mabuti ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para
kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri,
pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti.
Ang mabuti ay ang siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at
pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.

Ang Tama: Iba sa Mabuti


Ngunit sapat na nga ba nag paghahangad sa mabuti at pagkilos sa inaakalang
mabuti? Mahirap ang paniniwala na sapat na ang mabuting intensyon para kilalaning
mabuti ang gawain. (Halimbawa; Gusto kong pakainin ang aking pamilya kaya
magnanakaw ako. Gusto kong manalo sa palaro kaya mandadaya ako. ) Kabutihan
ang hinahangad ng nasabing halimbawa kaya lamang kinakailangang maunawaang
hindi maaring ihiwalay ang mabuti sa tama. Ang tama ay ang pagpili ng
pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak, at sitwasyon.

Ang Kaisa-isang Batas: Maging Makatao


Iba – iba man ang pormula ng likas na batas moral, tinuturo nito ay isa
lamang: hindi ko kakasangkapin ang tao. Na ituturing ko bilang may pinakamataas na
halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao.

Lahat ng Batas: Para sa Tao


Dito nakaangkla ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao
( Universal Declaration of Human Rights). Ang bawat estado ay nagsiskap iangkop sa
kani kanilang mga kultura ang pagkilala sa karapatang pantao. Ipinapahayag nila sa
kanilang konstitusyon ang Karapatan ng bawat mamamayan at paggarantiya ng
estado ng bigyang proteksyon ang mga karapatang ito.

Likas na Batass Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao


Ang Likas na Batas Moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw
na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba’t – ibang pagkakataon. Gabay lamang ito
upang makita ang halaga ng tao.

Laging tandaan: First do no harm.


Gawain 1

Tayahin ang iyong pag-unawa

1. Ano ang pagkakaiba ng mabuti sa tama?


2. Paano malalaman ang mabuti?
3. Ano ang ipinag-uutos ng Likas na Batas Moral
4. Bakit pinakamahalaga ang maging makatao?

Gawain 2

Pagsasabuhay:

1. Kung isa kang mambabatas, anong batas ang iyong ipapanukala upang
maingatan ang Karapatan ng Kabataan ayon sa likas na batas moral?
2. Makatutulong sa iyo ang pormat na nasa ibaba.

Panukalang Batas Blg.________________


Ipinanukala ni:________________________________

Isang Batas na
______________________________________________

Paliwanag ukol sa batas at kung bakit mahalagang ito ay pagtibayin

-----------------------------------------------------------------------------------
___________________________________________________________________
______________________________________________________________.

SUMMATIVE TEST:

Punan ng nararapat na salita ang mga patlang.


1. Ang ________________ ang lagging pakay at layon ng tao.
2. Ang ________________________ang nagsisilbing gabay upang makita ang halaga
ng tao.
3. Ang _________________ ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon,
kasaysayan, lawak, at sitwasyon.
4. Ninanasa ng tao ang ______________; hindi ang masama.
5. Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang
_____________ sa kabutihan.
6. Laging tandaan: First do no __________.
7. Ayon kay______________, lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip.
8. Itinuturing na may pinakamataas na halaga ang _____________.
9. _________ maaring ihiwalay ang tamas a mabuti.
10.Para kay Max Scheler, ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang gumagalaw
sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng ________________.
KARAPATAN AT TUNGKULIN
Modyul 6

Pangkalahatang Ideya

Natutukoy ang mga Karapatan at tungkulin ng tao.

Sa iyong pagsagot sa mga gawain, inaasahang matutuhan mo ang layuning:


1. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.

Pangunang pagsusulit
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sulatang papel.

1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapwa?


a. Karapatan
b. Isip at kilos-loob
c. Kalayaan
d. Dignidad
2. Ang Karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin
nito?
a. Hindi maaring puwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa kanya ng
sapilitan ang mga kailangan niya sa buhay.
b. Hindi nito maapektuhan ang buhay pamayanan
c. Kaakibat sa Karapatan ng isang tao ang obligasyon niya sa kapwa.
d. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na
kilos.
3. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ang isang gawain.
Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito.
a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip
b. Nakabatay ang tungkulin sa likas na batas moral
c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay pamayanan
d. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga
tungkulin
4. “Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansyang pagkain”. Anong Karapatan ang
isinasaad ng pangungusap?
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatang magpakasal
c. Karapatang pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanapbuhay
5. Aling Karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy nap ag-aaral upang umangat
ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatan sa pribadong ari-arian
c. Karapatang maghanapbuhay
d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
Karapatan at Tungkulin

Kalian masasabing iginagalang ang Karapatan? Napag-aral mo sa baitang 7 na may


pantay na Karapatan ang tao. Natutuhan mo rin na ang batayan ng pagiging pantay niya
sa kaniyang kapuwa ay ang taglay niyang dignidad.

Karapatan bilang Kapangyarihang Moral


Ang Karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at
angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. Moral ito dahil
hindi maaaring pwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na ibigay sa kanya ng sapilitan ang
mga bagy na kailangan niya.
Kaakibat sa Karapatan ng isang tao ang obligassyon ng kaniyang kapuwa na igalang
ito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi.

Mga Uri ng Karapatan


May anim na uri ng karapatang hindi maaalis ayon kay Santo Tomas de Aquino.
1. Karapatan sa Buhay – Ito ang pinakamataas sa antas ng mga Karapatan dahil kung
wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang Karapatan. Dapat itong
mangibabaw sa ibang Karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib. Ang
paggalang sa dignidad ng buhay ay apg-aadbokasiya para sa halaga ng buhay, kasama
ng mga taong nakapatay ng kanilang kapuwa.
2. Karapatan sa Pribadong Ari-arian – hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil
kailangan niya ng mga ari-arian upang mabuhay ng maayos at makapagtrabaho ng
produktibo at nakikibahagi sa lipunan.
3. Karapatang Magpakasal – may Karapatan ang taong bumuo ng sariling pamilya sa
pamamagitan ng kasal. Nagsimula ito noon panahon ng slavery, na kailangang humingi
ang slave ng pahintulot sa kanyang amo upang makapag-asawa.
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar – kasama sa karapatang ito ang karapatang
lumipat o yumira sa ibang lugar na may opurtunidad tulad ng trabaho o komportableng
buhay o ligtas sa anumang panganib.
5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya - may Karapatan ang
bawat tao na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya upang mapaunlad ang
kanyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa. Hindi maaring gawing
obligasyon ang pagkakaroon ng relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging
opisyal ng pamahalaan.
6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay – may obligasyon ang lipunan o
zpamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan
upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.

Ilang karapatang pang-indibidwal ang kinilala sa encyclical na “ Kapayapaan


sa Katotohanan” Pacem in Terris:

1. Karapatang mabuhay at Kalayaan sa pangkatawang panganib.


2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay.
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinion at impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga
karapatang ito.
Tungkulin bilang Obligasyong Moral
Kasama sa pagiging moral ng tao ang pagtupad ng tungkulin. Moral na gawain ito
dahil ang moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan. Samakatuwid, ang
pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may
malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.

Mga Tungkulin
May kaakibat na tungkulin ang bawat Karapatan.
1. Sa Karapatan sa buhay, may tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang
kalusugan at kaniyang sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa.
2. Sa Karapatan sa pribadong ari-arian, may tungkulin ang tao na pangalagaan at
palaguin ang anumang ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapwa at
paunlarin ang pamayanan.
3. Sa karapatang magpakasal, may kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at
gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito.
4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar, may tungkulin na igalang ang mga pribadong
boundary.
5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya, may tungkulin na igalang
ang ralihiyon o paraan ng pagsamba ng iba.
6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay, may tungkulin ang bawat is ana
magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anumang
gawain.

Unang 4 na Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan


Artikulo 1. Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinion, sa mga
isyung political, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon ay may tungkulin na pakitunguhan ang
lahat ng tao sa paraang makatao.

Artikulo 2. Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong asal, kaya
lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at tiwala sa sarili
ng kapuwa.

Artikulo 3. Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army, o pulisya ang dapat
mangibabaw sa mabuti at masama; lahat ay dapat sundin ang pamatayang moral.

Artikulo 4. Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensya, ay dapat tanggapin ang
kanilang tungkulin sa bawat isa, sa pamilya at pamayanan, lahi, bayan, at relihiyon nang may
pagkakaisa.

Gawain 1

Tsart ng mga Karapatan at mga Paglabag sa mga Ito

Mga karapatan Mga paglabag


1. Karapatang mabuhay Hal. aborsiyon
2. Karapatan sa malayang pagpapahayag
3. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon
4. Karapatan sa pagpili ng propesyon
5. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang
lugar
Gawain 2

Pagganap:

1. Gumawa ng sariling pagsasaliksik kung bakit nalalabag ang Karapatang buhay.

Sang-ayon ka ba sa aborsyon? Bakit may mga babaeng gumagawa nito?


Bakit sa tingin mo legal ang aborsyon sa ibang bansa?
Ang aborsyon ba ay intensyonal na pagpatay? Bakit?

Summative Test:

Tukuyin kung anong uri ng Karapatan ang ipinapahayag ng sumusunod.


1. Ang pagbabalita sa mga telebisyon at Radyo upang maiparating
sa taong bayan ang mga nangyayari sa loob at labas ng bansa.
2. Ang mamuhay ng payapa at masaya.
3. Si Ana ay hindi katoliko ngunit iginagalang niya ang mga paniniwala ng mga ito.
4. Nasa tamang edad na sina Rony at Rona kaya napagdesisyunan nilang magpakasal na
at bumuo ng pamilya sa basbas ng kanilang mga magulang.
5. Dahil malapit sa dagat at delikado ang sitwasyon ng pamilya Aquino kaya nagdesisyon
silang maglipat na ng tirahan.
6. Pagkatapos mag-aral ni June ay agad siyang nakatanggap ng trabaho sa isang
kompanya dahil sa husay at galing nito.
7. Binigyan ng pampublikong abogado ng pamahalaan ang pamilya Luna dahil hindi nila
kayang magbayad ng pribadong abogado para sa kinakaharap na paglilitis.
8. Hinahayaan lang ng kanyang mga magulang si Alfred kung ano ang nais nitong kuning
kurso sa kolehiyo at buo ang suporta nila dito.
9. Boluntaryong dumalo si Manny sa isang Blood letting activity sa kanilang barangay
dahil sa kagustuhan niyang tumulong sa kapwa.
10. Kumaha ng permit sa Rosy sa kanilang munisipyo para legal na mairehistro ang
kanyang sari-sari store sa kanilang barangay.
ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTATAGUYOD NG
DIGNIDAD NG TAO

MODYUL 7
Pangkalahatang ideya

Nakikilala ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao.

Sa iyong pagsagot sa mga gawain, inaasahang matutuhan mo ang layuning:


1. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasaksihan sa pamilya, paaralan o pamayanan ay
nagtataguyod ng dignidad ng tao.

Pangunang pagsusulit
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sulatang papel.

1. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimension ng paggawa?


a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kassama ang kapwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot sa
ating kapwa.
d. Ang paggawa ay ang pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa
2. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. Sa proseso na pinagdadaanan bago malikha ang isang produkto
b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
3. Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawian, resources, instrument at teknolohiya na ginamit
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang malikha ang isang produkto
4. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa
lipunan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang?
a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa
b. Kailangang kasama sa layunin ng tao ang kaniyang sarili sa kanyang paggawa
c. Kailangan ng tao na maghanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa
iba
d. Lahat ng nabanggit
5. Ang sumusunod ay paglalarawan sa paggawa, maliban sa isa.
a. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos
b. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa ng may pakikipagtulungan sa
kaniyang kapwa
c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng
kapwa
d. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at
pagkamalikhain

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod


Bilang kabataan, nagsisimula na marahil mabuo sa iyo ang pananaw sa
paggawa bilang reyalidad ng buhay:isang bagay na hindi matatakasan at kailangang
harapin sa bawat araw.
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkukusa at pagkamalikhain; at ang produkto nito, material man o hindi ay
magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay. Ito ay anumang gawain –
pangkaisipan man o manwal, anuman ang kalikasan o kalagayan nito na makatao,
nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos.

Mga Layunin ng Paggawa


1. Upang kitain ng tao ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang
kaniyang mga pangunahing pangangailangan.
2. Upang makibahagi sa patuloy nap ag-angat at pagbabago ng agham at
teknolohiya.
3. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
4. Upang tulungan ang mga nangangailangan.
5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral ng tao.

Sa pamamagitan ng paggawa, nakakamit ng tao ang mga sumusunod:


- Nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang pangangailangan
- Napagyayaman ang kanyang pagkamalikhain
- Napatataas ang tiwala sa sarili
- Nabibigyang-dangal ang kanyang pagkatao
- Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama at makasalamuha ang
kanyang kapwa at ang mapaglingkuran ang mga ito
- Nagkakaroon siya ng pagkakataon na isabuhay ang tunay na pagbibigay
- Nabibigyan siya ng pagkakataon bilang indibidwal at kasapi ng lipunan na
maipagpatuloy ang kaniyang bokasyon at bigyang katuparan ito
- Nagiging kabahagi siya sa paggawa tungo sa kaganapan sa sarili at ng kapwa
- Nagagampanan niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.

Kailangang ibigay ng tao ang lahat ng kanyang makakaya sa paggawa upang


kanyang matamasa ang bunga ng kanyang pinagpaguran.

Ang subheto at Obheto ng Paggawa


Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources,
instrument, at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Nilikha ang teknolohiya upang mapaunlad ang gawain ng tao. Ngunit dahil iinaako na
ng makina ang bahaging dapat gampanan ng tao, unti-unti ng nagiging kaaway ng
tao ang teknolohiya. Tunay na ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa palatandaan
ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa, ngunit unti-unti ng nailalayo sa tao ang
kanyang tunay na esensya sa mundo – ang paggawa na daan tungo sa (1) pagbuo ng
kanyang pagkakakilanlan at kakayahan, (2) pagkamit ng kaganapang pansarili at
(3)pagtulong sa kapwa upang makamit ang kanyang kaganapan.

Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.


Ang halaga ng paggawa ay hindi nakikita sa proseso o sa produktong bunga nito
kundi sa katotohanang ang gumawa nito ay tao. Ang produkto ng paggawa ay
indikasyon ng dedikasyon at pagmamahal ng taong gumawa nito. Ang dignidad na
dumadaloy sa paggawa ay nakikita sa taong gumawa nito. Mas kailangang manaig
ang subheto kaysa obheto ng paggawa.

Ang Panlipunang Dimensyon ng Paggawa


Ang paggawa ay mayroon ding panlipunang dimension. Ang gawain ng tao ay
likas na nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapwa. Ang paggawa ay paggawa para as
kapwa at kasama ang kapwa.
Ang paggawa ay higit pa sa pagkita lamang ng salapi; ang pinakamataas na
layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng kaganapan bilang tao. Ang tunay na halaga
ng paggawa ay nakabatay sa kung paano niya pinagsisikapang hubugin ang pagkatao
tungo sa kabutihan. Hindi ito nakabatay sa anumang pag-aari o yaman.

Gawain 1

Panuto: Suriing mabuti ang sumusunod na sitwasyon.

a) Isang langgam na naghahakot ng pagkain


b) Isang ibon na gumagawa ng pugad
c) Isang kalabaw sa bukid na ginagamit sa pag-aararo
d) Mga taong nagtatrabaho
1. Matapos ang pagsusuri ay sagutin ang tanong:
Ano ang pagkakaiba ng langgam, ibon, kalabaw, at tao sa kanilang layunin sa
ginagawa?ipaliwanag.
2. Sa lahat ng mga nasa larawan, sino ang may pinakamalalim na dahilan ng
paggawa? Bakit?
3. May kabuluhan ba nag paggawa sa lipunan?Ipaliwanag.

Gawain 2

Pagganap: Magsagawa ng panayam sa isang manggagawang Pilipino sa inyong


pamilya na iniaalay ang kanyang paggawa para sa taong nangangailangan lalo na
ang mga mahihirap. Maaring siya ay magmula sa iba’t – ibang karera at trabaho o
Negosyo. Maaring gawing gabay ang mga sumusunod na tanong sa ibaba?
- Ano ang kasalukuyang trabaho ng pinapanayam?
- Ano anh kanyang layunin sa paggawa?
- Ano ang nagtulak sa kanya sa pagpili ng trabahong pinasukan?
- Masaya ba siya sa kasulukuyang trabaho?
- Kung bibigyan ng pagkakataon, nais ba niyang maglipat ng trabaho?bakit?
- Ano ang mga hamon na pinagdaanan niya sa paggawa lalo na ang mga
problema o balakid na kanyang kinaharap at nilampasan

Summative Test
Panuto: Isulat ang tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng wastong diwa
at mali kung hindi.

1. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.


2. Kailangang ibigay ng tao ang lahat ng kanyang makakaya sa paggawa upang
kanyang matamasa ang bunga ng kanyang pinagpaguran.
3. Sa pamamagitan ng paggawa, bumababa ang tingin ng tao sa kanyang sarili
4. Ang pinakamataas na layunin ng paggawa ay para kumite ng salapi.
5. Ang halaga ng paggawa ay nakikita sa proseso o sa produktong bunga nito.
6. Nilikha ang teknolohiya upang mapaunlad ang gawain ng tao.
7. Isa sa mga layunin ng paggawa ay upang maiangat ang kultura at moralidad ng
lipunang kinabibilangan.
8. Ang paggawa ay paggawa para as kapwa at hindi kasama ang kapwa.
9. Ang tunay na halaga ng paggawa ay nakabatay sa kung paano niya
pinagsisikapang hubugin ang pagkatao tungo sa kabutihan.
10. Dahil inaako na ng makina ang bahaging dapat gampanan ng tao, unti-
unti ng nagiging kaaway ng tao ang teknolohiya.

PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO
MODYUL 7

Pangkalahatang ideya

Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sap ag-unlad ng


mamamayan at lipunan.

Sa iyong pagsagot sa mga gawain, inaasahang matutuhan mo ang layuning:


1. Nakapagsusuri ng kuwento ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang
buhay para sa pagboboluntaryo.

Pangunang pagsusulit
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sulatang papel.

1. Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?


a. Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat
b. Isang malayang pagpili, hindi maaaring pilitin o puwersahin ang tao upang isagawa
ito
c. Maaaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa
d. Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapuwa
2. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng
kaniyang kapwa?
a. Bolunterismo
b. Dignidad
c. Pakikilahok
d. Pananagutan
3. Ani ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
a. Pananagutan
b. Tungkulin
c. Dignidad
d. Karapatan
4. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng
pakikilahok at bolunterismo?
a. Pagkakaisa
b. Kabutihang panlahat
c. Pag-unlad
d. Pagtataguyod ng pananagutan
5. Ano-ano ang dapat makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at
bolunterismo?
a. Pagmamahal, malasakit, at talent
b. Panahon, talent, at kayamanan
c. Talent, panahon, at pagkakaisa
d. Kayamanan, talent, bayanihan

Pakikilahok at Bolunterismo
Nang likhain ng Diyos ang tao sinabi Niya “ hindi mainam na mag-isa ang tao bibigyan
ko siya ng makakasama at makakatulong. (Genesis 2:18). Ito ang dahilan kung bakit ang
tao ay may kapwa sapagkat hindi siya mabubuhay na mag-isa.
Ang tao ay may panangutan na magbahagi sa kaniyang kapwa at sa lipunang kanyang
kinabibilangan. Sa lipunan sumasakasaysayan ang tao. Ang ibig sabihin, nagkakaroon ng
saysay ang buhay sa kanyang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Ang tao ay
ipinanganak na isang panlipunang nilalang; hindi niya tunay na makakamit ang kanyang
kaganapan bilang tao kung hindi siya makikipamuhay kasama ang kanyang kapwa;
kailangan niyang makilahok sa lipunan.

Ang Pakikilahok ay mahalaga dahil:


- Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan
ng lipunan.
- Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
- Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang
panlahat.
Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang pananagutan.

Narito ang mga antas ng pakikilahok ayon kay Sherry Arnsteinis:


1. Impormasyon – makakatulong ito upang madagdagan ang kaalaman ng iba.
2. Konsultasyon – ito ay bahagi kung saan hindi lang sarili mong opinyon ang kailangang
mangibabaw kundi kailangan rin making sa puna ng iba.
3. Sama-samang pagpapasiya – ito ay hindi lamang dapat gawin ng isang tao kundi ng
nakararami.
4. Sama-samang pagkilos – hindi magiging matagumpay ang anumang gawain kung hindi
kikilos ang lahat.
5. Pagsuporta – mapadadali ang isang gawain kahit mahirap kung ang bawat isa ay
nagpapakita ng suporta dito.
Ang pakikilahok ay hindi dapat minsanan lamang kundi isang patuloy na proseso hangga’t
kaya mo at mayroon kang kayang gawin para sa ikabubuti ng iyong lipunan.

Ang tunay na diwa ng Pakikilahok at Bolunterismo ang kailangang makita sa ating


lipunan lalo na sa kasalukuyan. Ayon naman kay Pope Francis sa kaniyang mensahe sa
kabataan noong nakaraang World Youth Day sa Rio de Janerio, Brazil noong June 24, 2013,
“Ang kabataan ang durungawan kung saan ang hinaharap ay nagdaraan” na ibig sabihin nasa
kabataan makikita ang kinabukasan.Katulad ng sinabi rin ng ating bayani na si Dr. Jose
Rizal,nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.

Sa pakikilahok at bolunterismo dapat makita ang tatlong T’s


1. Panahon (Time) – ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito ay lumipas hindi na
ito maibabalik.
2. Talento (Talent) – ang paggamit ng iyong talent ay makakatulong hindi lamang sa iba
kundi ito ay makakatulong din sa iyo upang higit kang magkaroon ng tiwala sa sarili.
3. Kayamanan (Treasure ) – sa pagbibigay hindi tinitingnan ang laki ng halaga sapagkat
gaano mn ito kaliit ang mahalaga ay kusa mong ibinibigay ito ng buong puso para sa
nangangailangan.
Mula sa 3 T’s na ito makikita natin na ang pakikilahok at bolunterismo ay dapat ginagawa
nang buong husay kasama ang puso at nang may pananagutan para makamit ang
kabutihang panlahat.

Gawain 1
Panuto: isulat sa unang kolum ang iyong talent/kakayahan. Sa ikalawang kolum isulat ang
iyong mga gawin para makatulong.
Talent/kakayahan Paano ko gagamitin ?
Hal.) pagluluto Ako ang magluluto ng pagkain ng mga kasama kong volunteer.
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 2

Panuto: Gumawa ng poster na nag-aanyaya ng mga volunteer para makatulong sa problema


sa barangay. Gawin ito sa isang short size bond paper.

Summative Test:
Panuto: Isulat ang tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng wastong diwa
at mali kung hindi.

1. Ang tao ay may panangutan na magbahagi sa kaniyang kapwa at sa lipunang kanyang


kinabibilangan.
2. Ang pakikilahok ay hindi dapat minsanan lamang kundi isang patuloy na proseso
hangga’t kaya mo at mayroon kang kayang gawin para sa ikabubuti ng iyong lipunan.
3. Ang tunay na diwa ng Pakikilahok at Bolunterismo ang kailangang makita sa ating
lipunan lalo na sa kasalukuyan.
4. Ayon kay Pope Francis “ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
5. Sa tao sumasakasaysayan ang lipunan.
6. Ang impormasyon ay makakatulong upang madagdagan ang kaalaman ng iba.
7. Magiging matagumpay ang anumang gawain kung hindi kikilos ang lahat.
8. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang
pananagutan.
9. Mapadadali ang isang gawain kahit mahirap kung ang bawat isa ay nagpapakita ng
suporta dito.
10. sa pagbibigay hindi tinitingnan ang laki ng halaga sapagkat gaano mn ito kaliit
ang mahalaga ay kusa mong ibinibigay ito ng buong puso para sa nangangailangan.

You might also like