You are on page 1of 7

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SURING-BASA BLG. 4

SALIKSIK AT SULATING TEKNIKAL


Virgilio S. Almario

1. PAGKILALA SA MAY-AKDA =

Ang mga bagay na nag- udyok sa may akda ay ang kanyang kagustuhang
malamang ng mga guro at mag-aaral ang kahalagahan ng saliksik at ng sulating
teknikal upang mas malalim nilang maunawaan ang kahalagahan nito, kung
anong nga bang gamit nito, kung paano ito gamitin, at kung paano ito
makakatulong sa bawal tao lalo sa mag-aaral upang mapaunlad nila ang
kanilang kakayahan sa pananaliksik gamit ang sulating teknikal.

2. LAYUNIN NG MAY-AKDA =

Nais ng may akda na matutunan ng bawat mag-aaral ang mga dapat


ikonsidera habang ikaw ay gumagawa ng pananaliksik gamit ang sulating
teknikal, nais din nya na makatulong na madagdagan o mabigyan ng kaalaman
ang bawat estudyante sa ganitong tapik, para kahit bata pa ay kahit papaano
may paunti unti na silang nalalaman upang hanggang sa pagtungtong nila ng
kolehiyo ay magamit nila ito sa wastong paraan at tamang balangkas, layun din
ng may akda na mas ipaintindi ang tama o wastong paggamit ng sulating
teknikal, kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag ikaw ay sumusulat
o gumagawa ng isang sulating teknikal sa kahit saan mang larangan o subjek.
3. TALASALITAAN =

Teknikal – komunikasyon sa larangan ng espesyalisadong bokabularyo tulad ng sa


agham, inhenyera, teknolohiya at agham pangkalusugan, karamihan sa teknikal ay
tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto, ito ay payak dahil hangarin nito ay
makalikha ng teksto na mauunawaan nang malinaw.
Sinigang - isang pagkaing Filipino na may sabaw, maasim ngunit masarap ang lasa
nito.
Masalimuot - nagtataglay ng maraming magkakaibang bahagi o element kaya mahirap
maunawaan o isaayos.
Resipe – isang paraan o proseso upang maluto ang isang pagkain ng maayos.
Siyentipiko – isang taong may kaalaman sa isa o higit pa na agham.
Datos – koleksyon ng mga elemento o mga kaalaman na ginagamit sa mga
eksperimento, pagsusuri at pag-aaral ng isang bagay, ito ay mahalagang parte ng ano
mang pagsusuri dahil dito nakasalalay ang tiyak na resulta.

4. PAGSUSURI =

Ano nga ba ang maitutulong ng akdang ito sa ating sariling karunungan at


kakayahan? Sa aking pagsusuri sa akdang aking binasa marami itong binanggit
na paraan kung paano ka nito bilang mag-aaral kung paano ka nito
matutulungan sa paggawa ng isang saliksik gamit ang sulating teknikal,
tinatalakay din sa akdang ito ang pinagmulan o ugat kung paanong
napakahalaga ng sulating teknikal sa ating pang araw-araw na buhay lalo na sa
isang mag-aaral. Paano ka nga ba matutulungan ng akdang ito bilang isang
mag-aaral? Nakatala sa akdang ito kung paano ka nya matutulungan bilang
isang pausbong na mag-aaral, kung paano gumawa ng isang sulating teknikal at
ang mga bagay na dapat tandaan kung ikaw ay gagawa nito. Mas nalinawan at
mas naintindihan ko ang pannaaliksik gamit ang sulating teknikal dahil sa akdang
ito, nasagot din ang mga tanong ko tungkol sa mga bagay na tungkol sa paksang
tinalaky, mas naintindihan ko ang kahalagahan at importansya nito, mas
nalaman ko kung paano ko nga ba ito magagamit, at kung paano ito
makakatulong sakin b ilang isng mag-aaral sa kolehiyo.

5. BUOD =

Maaaring uriin ang sulatin sa malikhain o teknikal. Malikhain ang tawag sa tula,
kwento, o dula na sa kabuuan ay produkto ng haraya, teknikal naman ang tawag sa
pagsulat na sa kabuuan ay batay sa mga katunayan.

Ang teknikal ay mula sa salitang technical at hiram sa Espanol

Karaniwang nagbibgay ng kaalaman o nagtuturo ng kasanayan ang sulating


teknikal. Sinasaklaw nito ang lahat ng praktikal at siyentipikong pagsulat, mula sa
tekstong pangkemistri hanggang pagrereseta ng gamot at aklat sa pagluluto.
Napakahalaga sa sulating teknikal ang pananaliksik. Pangunahing kailangan nito ang
mga datos at impormasyon, sa anumang anyo, na magiging saligan ng ipapaliwanang
nitong konsepto o pamamaraan.

Maraming anyo ang sulating teknikal na karaniwang mababasa sa araw-araw, sa


mga peryodiko’t magasin, malimit na matutunghayan itong balita, editoryal, kolum, o
lathalain. Posibleng mabasa ito bilang isang malaking karatula o poster sa gilid ng
lansangan hinggil sa isang bagay na kailangan mabatid ng madla, posibleng ihatid ito
ng koreo bilang mga polyeto hinggil s aisang bagong kasangkapan, isang bagong
kapasiyahan ng Sangguniang Lungsod, isang paalala ng BIR, o kung paano bumoto,
pano watong itapon ang basura, at marami pa. Bukod sa limbag na babasahin,
ginagamit sa ganitong layunin ang brodkast, elektroniko at iba pang modernong midya.

Sa paaralan, hinuhubog ang mga estudyante sa sulating teknikal mula sa mga


lingguhang komposisyon, buwanang buk report, ulat ng fildwork, isinulat na interbiyu at
hanggang term peyper.

Sa gawaing propesyonal, maghihigpit ang mga kahingian sa disenyo, kulay at


teknolohiya. Mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo, pangunahing sangkap ng
sulating teknikal ang pagpili ng angkop na salita at epektibong komposisyon.
Kailangang simple ngunit makulay ang mga salita, kailangang akma sa panlasa, antas
ng edukasyon, pinagmulang komunidad, at pangangailangan ng target na mambabasa,
kailangang nag iiwan ng isang malakas na kakintalan, kailangang walang ligoy ang
pangungusap, kailangang mabilis at tahas ang daloy ng mga talata, kailangang eksakto
ang mga pang uri at aksyon ng pandiwa, kailangang sa umpisang pangungusap pa
lamang ay ganap nang mahuli ang interes ng madla, kailangang gamitan ng manaka-
nakang masayahing himig ang paglalahad upang madagdagan ang kasiyahan ng
mambabasa, kailangang patuloy at higit pang masustenihan ang interes ng madla
hanggang dulo ng paglalahad, at iba pa.

Kapani-paniwalang Paglalahad

Higit kaysa malikhaing pagsulat, kailangang maging kapani-paniwala ang


sulatíng teknikál. Pangunahing susi sa tungkuling ito ang mahusay at komprehensibong
saliksik hinggil sa paksa ng sulatin. Kapani-paniwala ang sulatín dahil nakasalig sa mga
katunayan—sa mga datos at impormasyong nakalap ng sumulat at maaaring hanapin
ng mambabasá kung nais patunayan para sa kaniyang sariling kasiyahan.

Ang pagpapahayag batay sa katunayan ay isang kompetensing dapat linangin


mulang unang araw ng isang batà sa paaralan. Ang paglalarawang teknikál sa kaniyang
sariling pangalan at ibáng impormasyong personal, gayundin ang pagtuturo sa mga
bahagi at kailanan ng mukha ay mga katunayang madaling patunayan. Tinuturuan ang
mga estudyante ng peryodismo na maging masinop sa pagkuha ng datos na
sumasagot sa mga tanong na: Ano? Sino? Saan? Kailan? Bakit? at Paano? upang
makatiyak na kumpleto ang iuulat na balita dahil hindi maaaring umimbento ng datos,
tatak ng kawalang-ingat ang kulang na impormasyon. Ganap namang mawawalan ng
kredibilidad ang isang peryodiko kapag napatunayang lumikha lamang ng isang istorya
upang maging mabenta kinabukasan.

Maayos at Lohikong Komposisyon

Bukod sa mahigpit na batay sa katunayan, hinahangad din ng sulating teknikal


ang maayos at organisadong pagdudulot ng mga impormasyon.

Nauuna ang mga importanteng detalye ng balita patungo sa hindi gaanong


importante. Ito ang tinatawag na kaayusang baligtad na piramide, kung basa sa
balangkas nasa itaas ang mabigag at malaki. nasa ibaba ang mahina, magaan at maliit.
Ang kaayusang baligtad na piramide ay isang sistema ng pagbalangkas ng ideya na
halos aplikable lamang sa pagsulat ng balita.

Ang totoo, ang karaniwang sistema ng pagbalangkas sa sulating teknikal ay hindi


naiiba sa sistema ng pagbalangkas sa sulating malikhain, nangangailangan din ito ng
isang mabisa at kaakit-akit na panimula, isang masinop, organisado at malinaw na
daloy ng kaisipan sa pinakakatawan, at isang matindi at angkop na wakas.
May ilang bagay na dapat bigyan-diin para sa sulagung teknikal. Halimbawa, sa
pamamaraan ng pagsulat. Higit na makabuluhan sa sulating teknikal ang pamamaraang
pasalaysay o mapaglarawan.

Mabisang Paglalahad

Mga sangkap ng mabisang paglalahad.

Una, isang paksang kaakit-akit at makabuluhan. Ikalawa, isang kawili-wili at


impormatibong talakay. Ikatlo, isang wakas na nagdudulot ng malinaw na paninindigan,
lagom ng mga salungatang panig, bagong pagtingin o kapasiyahan hinggil sa isang
lumang suliranin o pag-uulit ng isang nakaligtaang makabuluhang aspekto ng
tunggalian. Mga sangkap din ang mga nabanggit sa ibang uri ng pagsulat.

Wala sa dami o bilang ng datos at batayang sanggunian ang ikinahuhusay ng


sulating teknikal. Sa halip, may nagsasabing ang titimbang ay: Gaano kapani-paniwala
ang gagamiting datos at impormasyon. kahit sampung pahina ang listahan ng ginamit
na sanggunian, kung pawang sekundaryong materyales at isinulat ng mga di-awtoridad
ay hindi agad paniniwalaan ang sulatin.

Masinop na Saliksik

Umaani ng kapani-paniwala ang simpleng pagtatanghal ng matiyaga at masinop


na saliksik. Hinahanggan ang pagdudulot ng sapat na kaugnay na literatura.
Ipinapahiwatig kahit ng isang siksik na bibliograpiya ang ibinuhos na sipag at panahon
ng sumulat upang maitaguyod ang kaniyang paksa. Naipasasagisag kahit ng mga
wastong panipi ang ingat at sinop ng pagsasaliksik na naganap. Kaugnay ng huling
nabanggit na katangian, umaani ng kapani-paniwala ang konsistent at obhetibong himig
ng pagsulat. Hindi sumisingit ang damdamin ng manunulat, at malinis sa anumang
personal na hinuha at sapantaha ang paglalahad. Kaya higit na maikli ang sulating
teknikal sa paggamit ng ikatlong panauhan bilang tagapagsalita.

Ang bawat pagbasa o paggamit ng mga datos atkatunayan ay isang


interpretasyon, ang pagpili ng gagamiting impormasyon ay naiimpluwensyahan ng
opinyon ng aktitud ng manunulat sa kaniyang materyales.

Mga Anyo ng Eksposisyon


Sa bahaging ito dapat linawin na may iba’t-ibang layunin ang paglalahad na
pagsulat. Sa mga akltat sa eksposisyon, nakalista ang mga sumusunod na uri ng
paglalahad: (1) paglilinaw sa kahulugan ng isang salita, katawagan o konsepto, (2) pag-
uuri sa isang malaking paksa o idea, (3) paghahambing ng dalawa o higit pang bagay,
mga pook, mga tao, o pangyayari, (4) sanhi at bunga, (5) suliranin at solusyon, at (6)
mga hakbang o paraan ng paggawa ng isang bagay.

Tinatawag ding mapaglarawang paglalahad ang paglilinaw sa kahulugan at pag-


uuri sa isang malaking paksa o ideya, nakasalig ito sa masaklaw at malalim na
kaalaman at pagkaunawa sa isang partikular na paksa.

Ang pahambing na paglalahad ay ginagamit sa pagkilala ng dalawa o mahigit


pang bagay, maaaring magtuon ng pansin ang paghahambing sa kanilang
pagkakatulad.

Sa sanhi at bunga, nakatuon ang paglalahad sa relasyon ng dalawa at mahigit


pang pangyayari o karanasan, karaniwang tinatalakay sa sanhi ang mga dahilan at
katwiran kung bakit naganap ang isang bagay.

Ang paglalahad ng suliranin at solusyon ay isang mahirap na gawain, kailangan


dito ang intensibong saliksik upang ganap na maitanghal ang salimuot ng isang
problema o isyu, mahigpit itong kaugnay ng sanhi at bunga, bawat isang malaking
suliranin ay bunga ng iba’t-ibang sanhi.

Ang paglalahad ng isang proseso ay malimit tawaging how-to sa Ingles.


Kronolohiko karaniwan ang ganitong paglalahad – may unang hakbang, may ikalawa,
may susunod, at may pangwakas.

May iba’t-ibang katangian at pangangailan ang iba’t-ibang anyo ng paglalahad,


kailangang napakatipid at payak ang pagsasalita sa gabay hinggil sa isang proseso,
kailangang may lohika ang paglalatag ng mga sanhi, kailangang nauuna ang
pinakamahalaga sa anumang pag-uuri. Sa kabila naman ng iba’t-ibang paraan ng
mabisang panimula, malimit imungkahi ang kaagad na pagtukoy sa pangunahing diwa
o tesis ng sulating teknikal.

Kamulatang Siyentipiko
Sa pangkalahatan, mahihiwatigan sa mga inilahad na katangian ng sulating teknikal
ang ninanais na paglinang sa kamulatang siyentipiko ng guro’t mag aaral. Anumang
sulating teknikal ay nangangailangan ng sistematiko’t lohikong pag-iisip.

Ang paglinang sa kamulatang siyentipiko ay nangangahulugan din ng


pagpapayabong sa isang wikang siyentipiko. Hindi dapat maglundo ang pagtuturo ng
wika sa kasanayang panggramatika, hindi rin dapat mabilanggo sa pagsasaulo ng
mahihirap na salita at paglulubid ng maririkit na pangungusap.

Saliksik o ang hilig sa pananaliksik ang sandigan ng kamulatanag siyentipiko, sa


pinakamababang antas nangangahulugan ito ng pagpapalawak ng talasalitaan.

Kultura ng Saliksik

Malaking hamon sa isang dinidevelop na wikang pambansang tulad ng Filipino


ang estandardisasyon at modernisasyon. Napakabigat na tungkulin ang mga
modernisasyon

Kailangan ang isang malinaw na kahulugan ng wika. Noon pa pinupuna ang


paraan ng pagpapahayag gamit ang Tagalog/Pilipino dahil lubhang “pampanitikan”. At
ang ibig tukuyin ng pampanitikan ay lubhang maligoy. Ngunit higit pa sa naturang mga
anyo at paninindigang “moderno” ang kailangan tungo sa modernisasyon, lalo na
kaugnay ng intelektuwalisasyon.

Magandang ulitin ang ilang katangian ng wikang teknikal. Una, isa itong wikang
wasto, ibig sabihin batay ito sa masinop na saliksik at masuring pag-aaral. Ikalawa, isa
itong wikang tiyak, hindi ito madaldal, maingat at angkop ang ginagamit nitong pang-uri
sa paglalarawan. Ibig sabihin, seryosong pinag-aaralan ang wika upang makatulong sa
pagsusulong nito sa iba’t-ibang larang at disiplina ng edukasyon, dapat ipagunita na
maraming pagkakataong kailangan lamang ang wastong pagtakda ng teknikal na
kahulugan sa mga malaganap na’t katutubong salita sa Filipino at ibang wikang
katutubong wika ng Filipinas.

Tandaan: ang isang pangarap na Aklatan ng Karunungan sa Filipino ay


nagsisimula sa mga maikli ngunit sinaliksik na sulating teknikal sa unang baitang ng
pag-aaral.

You might also like