You are on page 1of 1

KIMBERLY B.

VALSOTE STEM 12 ST GABRIEL


PAMBUNGAD NA GAWAIN

Malikhaing Paglalahad
Ilahad ang nalalaman mo sa bawat salita sa loob ng kahon sa ibaba.
Pumili lamang ng isa hanggang 2 salitang gagawan mo ng paglalahad.

COVID-19 SPANISH FLU CHINA ESTADOS UNIDOS SAP

China
Ito ang pinakamalaki sa lahat ng mga bansa sa Asya at may pinakamalaking populasyon ng
anumang bansa sa buong mundo. Ang bansang ito ay matatagpuan sa Silangang-Asya. Mahigit
isang bilyon katao ang naninirahan dito. Ilan sa mga kilalang lugar o pasyalan sa China ay ang
Great Wall at Forbidden City. Naging tanyag ang mga lugar na ito nang dahil sa angking
kagandahan ng arkitektura. Mahigit sa 4,000 taon na naitatala sa kasaysayan, ang Tsina ay isa sa
mga natatanging bansa na patuloy na umuunlad ang ekonomiya at kultura mula pa sa
pinakamaagang yugto ng sibilisasyon sa mundo. Sinasabi rin nasa lungsod ng China nagmula
ang nakakahawang sakit na dulot ng COVID-19.

Estados Unidos
Ito ang pangatlong pinakamalaking bansa sa buong mundo at halos pangatlong pinakamalaki
pagdating sa populasyon. Matatagpuan sa Hilagang Amerika, ang bansa ay hangganan sa
kanluran ng Dagat Pasipiko at sa silangan ng Dagat Atlantiko. Mahigit tatlong daang milyon na
ang kasalukuyang populasyon ng bansa. Ang Estados Unidos ay isa rin sa mga bansang sumakop
sa Pilipinas na tumagal ng apat na pu’t walong taon. Ito rin ay isa sa mga bansang na ginawang
legal ang pagpapakasal sa magkaparehong kasarian noong 2015. Ito ay isang republikang pederal
na may limampung estado na bumubuo sa Estados Unidos gayundin ang isang distritong
kapitolyo at ilang mga iba pang teritoryo.

You might also like