You are on page 1of 12

ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER

Pangalan________________________________________________________________

Pangkat ________ Guro ___________________________________________________

Aralin

6 Patakarang Pananalapi
MELC/ Kasanayan
Naipaliliwanag ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi.
(Batay sa MELCs)

Matapos ang aralin inaasahan na:


1. Naipaliliwanag ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi;
2. Nakapagsisiyasat nang mapanuri sa mga paraan at patakaran ng Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapatatag ang kahalagahan ng salapi;
3. Natataya ang bumubuo ng sektor ng pananalapi.

Panuto: Isulat ang tamang letra sa loob ng kahon ng mga sumusunod na bilang.

1. Ito ang tinaguriang malalaking bangko dahil sa malaking kapital?

2. Isang instrumento bilang perang papel na ginagamit pamalit sa produkto o sebisyo?

3. Isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o


pangkabuhayang layunin?

4. Ahensiyang nagbibigayng seguro sa kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng


gobyerno?

AP 9- QRT3- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER

5. Ito ay ahensiya ng gobyerno na itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito sa
panahon na kailangan ng pabahay?

MONEY KO YAN!
Panuto: Suriin ang larawan. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

PAG - ISIPAN MO!


1. Nakakita ka na ba ng ganitong pera?

2. Ginagamit ba ito sa ating bansa?

3. Ano ang pagkakaiba ng perang nasa larawan sa ibang pera?

4. Nagbabago kaya ang pera?

AP 9- QRT3- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER
Ang Konsepto ng Patakarang Pananalapi
Ang pamahalaan sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nagtatakda
ng mga pamamaraan upang masigurong matatag ang ekonomiya, higit ang
pangkalahatang presyo. Ang Patakaran ng Pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP
upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon. Ang BSP ay maaring magpatupad
ng expansionary money policy at contractionary money policy.

Expansionary Money Policy


- Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na palakihin
pa o magbukas ng bagong negosyo. Ibababa ng pamahalaan ang interes ng
pagpapautang kaya mas maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram
ng pera upang idagdag sa kanilang negosyo kaya mas makalilikha ito ng maraming
trabaho na magkakaroon ng kakayahang bumili ng produkto at serbisyo.

Contractionary Money Policy

- Ito ay pinapatupad upang maiwasan ang kondisyong mabilis tumaas ang demand
kaysa sa produksiyon, tataas ang presyo, ang mga mangagawa at empleyado ay
hihingi ng karagdagang sahod. Magbubunga ito ng pagtaas ng mga salik ng
produksiyon. Ang BSP ay magbabawas ng puhunan at upang mabawasan din ang
produksiyon, kasabay nito magbabawas din ng sahod ang mangagawa kaya naman
ang paggasta o demand ay bumababa.

KOMPLETUHIN ANG DAYAGRAM

Gawing batayan ang sipi sa pagbuo ng dayagram. Tukuyin kung kalian isinasagawa ang
bawat patakaran.

PATAKARANG PANANALAPI

Expansionary money policy Contractionary money policy


1. 1.

2. 2.

3. 3.

AP 9- QRT3- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER

Mga Uri ng Bangko


A. Mga institusyong Bangko:

1. Commercial banks

- Ito ang pinakamalaking bangko. Dala ng kanilang malaking kapital sila ay


pinapayagang makapagbukas ng mga sangay saanmang panig ng kapuluan lalo
na sa mga lugar na wala pang bangko. Nangangalap sila ng deposito mula sa
mga tao, dahil dito may kakayahan silang magpahiram ng malaking halaga sa
mga mangangalakal o negosyante. Sila rin ay maaari ding tumanggap ng letter of
credit at iba pang instrument ng kredito na malaki ang naitutulong sa patuloy
ng pag-unlad ng mga negosyo. Letter of credit
isang dokumentong iniisyu ng bangko na nagpapahintulot sa may-ari na
tanggapin ang salapi mula sa kanilang bangko sa ibang bansa.

2. Thrift banks

- Mga di kalakihang bangko. Ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong


tinatanggap ay ipinauutang nila sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos
sa kanilang negosyo. Sila ay pinapayagang magpautang sa ating pamahalaan sa
pamamagitan ng pagbili ng mga ito ng mga government securities.

3. Rural banks

- Ang mga bangkong ito ay karaniwan matatagpuan sa malalayong lalawigan na


kung saan tumutulong sa mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba pang
mamamayan sa kanayunan sa pamamagitan ng pagpapautang ng puhunan sa
kanilang kabuhayan.

4. Specialized Government Banks

- Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak


na layunin ng pamahalaan.

a. Land Bank of the Philippines (LBP)

Layunin ng bangkong ito ang magkaloob ng pondo sa mga programang


pansakahan. Tinutulungan din nito ang iba pang negosyante sa kanilang
puhunan. (Republic Act No. 3844 sinusugan ng Republic Act No. 7907).

b. Development Bank of the Phillipines (DBP)

Ang pinaka layunin ng bangkong ito ay upang tustusan ang mga


proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya.

AP 9- QRT3- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER
Malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan ang nakadeposito dito. Ang small
at medium scale industry ang prayoridad na tulungan ng DBP.

c. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Phillipines

Ang layunin ng bangkong ito ay upang tulungan ang mga Pilipinong


Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Lahat ng kanilang 8 sangay ng Al-Amanah ay matatagpuan sa Mindanao.
Itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 6848

Mga Uri ng Bangko


B. Mga institusyong Di - Bangko:

1. Kooperatiba
- Ito ay kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang panlipunan o
pangkabuhayang layunin. Ang mga kasapi ay nag-aambag ng puhunan at
nakikibahagi sa tubo, pananagutan at iba pang benepisyo. Ang puhunang
nakalap ay ipapautang sa mga kasapi at ang kinita ay paghahatian sa takdang
panahon ayon o base sa kanyang naiambag na puhunan sa kooperatiba. Ito ay
kontrolado ng mga kasapi. Ang perang naiambag ng kasapi ay tinatawag na
shares, bukod sa shares, ang salaping impok ng mga kasapi nito bilang deposito
na binabayaran naman ng kaukulang tubo o interes. Ang tubo ay maliit
kumpara sa mga bangko. May taunang dibidendo at ito ay pinaghahatian ng
mga kasapi ng kooperatiba.

2. Pawnshop o Bahay- Sanglaan


- Itinatag upang magpautang sa mga taong nangangailangan. Ang indibidwal ay
nakikipagpalitan ng mahahalagang ari-arian tulad ng alahas at kasangkapan.
(Kolateral) Sa sandaling hindi matubos ang isinanla sa takdang panahon ito ay
nireremata ng pawnshop o bahay-sanglaan.

3. Pension Funds
a. Government Service Insurance System (GSIS)
Ito ay ahensiyang nagbibigay ng seguro sa mga kawani o nagtatrabaho sa
gobyerno.
Ang buwanang kontribusyon ng mga kasapi ay pinagsasama-sama at ang
pondong nalikom ay inilalagay sa investment upang kumita. Ang paraan ng
pagbabayad ay salary deduction. Ang housing loan, salary loan, policy loan,
pension loan at iba pa ay ang mga uri ng pautang na ibinibigay ng
ahensiyang ito.

b. Social Security System (SSS)


Ito ay ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani naman
ng pribadong kumpanya at sa kanilang pamilya sa oras ng pagkakasakit,

AP 9- QRT3- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER
pagkabalda, pagreretiro, pagkamatay at pagdadalang-tao. Kapag ang isang
kawani ay may amo o employer ay kailangan siyang irehistro, kaltasan, at
ipagbayad ng buwanang kontribusyon sa SSS. (Republic Act No. 8282).
Katulad din ng GSIS ang paglikom ng pondo upang mapautang sa mga
kasapi nito. Ang Salary loan, Calamity loan, Housing at Business loan ay
mga uri din ng pautang na ibinibigay ng ahensiyang ito.

c. Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno


(Pag-IBIG Fund)
Itinatag upang matulungan ang mga kasapi lalo na sa pabahay. Ang mga
empleyado sa pamahalaan man o pribadong sector ay kinakailangan maging
kasapi nito. Ang mga taong may sariling negosyo at mga OFW ay maaaring
maging boluntaryong kasapi tulad ng SSS at GSIS ang Pag-IBIG Fund ay
may buwanan ng pagkaltas sa kasapi ng pamahalaan at pribadong sektor at
personal na kontribusyon. Ang pangunahing produkto ng ahensiyang ito ay
housing loan subalit may pautang din tulad ng calamity loan, short-term loan
at maging sa mga pribadong developers ng mga proyektong pabahay.

4. Registered Companies
- Ang mga rehistradong kompanya ay yaong mga kumpanya na nakarehistro sa
Security Exchange Commission o SEC matapos magsumite ng basic at
additional documentary requirements at magbayad ng filing fee. Magkaiba ang
basic. Additional requirements, at filing fee sa pagpaparehistron ng stock at non-
stock corporation, at partnership.

5. Pre-Need
- Ang Pre-Needs Companies ay mga kompanya o establisimyento na rehistrado sa
SEC na pinagkalooban ng nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng
kontrata ng preneed o pre-need plans. Ang Pre-Need Plan ay mga kontrata ng
pagkakaloob ng mga karampatang serbisyo sa takdang panahon o pagbibigay ng
naaayong halaga ng pera sa takdang panahon.

Paglilinaw at Paalala:
Ang mga pre-need plan ay hindi nagbebenta ng life, accident, health, fire at
vehicle INSURANCE at mga kahalintulad ng insurance.

6. Insurance Companies (Kompanya ng Seguro)


- Ang insurance companies ay mga rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan
ng karapatan ng Komisyon ng Seguro na mangalakal ng negosyo ng insurance
sa Pilipinas.

Mga Uri ng Bangko


C. Mga Regulator:

AP 9- QRT3- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER

1. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)


- Itinalaga bilang central monetary authority ng bansa (Republic Act No. 7653). Ito
ang pangunahing institusyong naglalayong mapanatili ang katatagan ng halaga
ng bilihin at ng ating pananalapi. Ang patakaran ng pamahalaan tungkol sa
pananalapi, pagbabangko, at pagpapautang ay mula sa BSP. Ang ahensiyang ito
ay may tanging kapangyarihang maglimbag ng pera sa bansa at nagsisilbing
opisyal na bangko ng pamahalaan.

2. Ang Phillipine Deposit Insurance Corporation (PDIC)


- nasa ilalim ng Department of Finance ang PDIC ang sangay ng pamahalaan na
naatasang magbigay-proteksiyon sa mga depositor at tumutulong mapanatiling
matatag ang sistemang pinansiyal sa bansa. Mga layunin ng PDIC:
a. Bilang tagaseguro ng deposito (Deposit Insurance)

1. Pagbabayad ng nakasegurong deposito


Sakaling magsara ang bangko, dagliang sinusuri ng PDIC ang mga record
sa mga deposito pati na rin sa mga record ng assets ng bangko upang
maihanda ang list insured deposits. Ang PDIC ay magbabayad ng Php.
500,000 bawat depositor.

2. Assessment at Collection
Ang Assessment ay ang halagang binabayaran ng mga bangko upang
maseguro ang kanilang deposit liabilities. Ibinibigay ng PDIC ang
assessment na dapat bayaran ng bangko. Ang PDIC din ay nangongolekta
ng assessment sa bangko. Ang halaga ng assessment na kinokolekta ng
PDIC ay katumbas sa 1/5 ng 1% ng kabuuang deposit liabilities ng
bangko.

3. Risk Management
Ang PDIC ay may kapangyarihan na suriin ang mga bangko sa pahintulot
ng Monetary Board ng BSP. May dalawang paraan ang pagsusuri ng
bangko: Onsite examination kung saan pupunta ang mga kinatawan ng
bangko upang doon magsagawa ng pagsusuri. Offsite monitoring sinusuri
ng PDIC ang bangko ay sa kanilang isinumiteng financial reports.

b. Bilang receiver at Liquidator ng Nagsarang Bangko


1. Namamahala ang Nagsarang Bangko
Gawain ng PDIC ay receiver at liquidator ng nagsarang bangko. Bilang
receiver ang lahat ng transaksiyon at mga rekord ng bangko sa
pamamagitan ng pisikal na pag take over sa isinarang bangko sa bisa ng
Monetary Board ang PDIC. Bilang receiver ang PDIC ay magdedesisyon
isara ang bangko ng hindi hihigit sa 90 araw.

2. Pagbebenta ng Ari-arian ng Nagsarang Bangko

AP 9- QRT3- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER
Ang pagbebenta ng mga natirang ari-arian ng nagsarang bangko ay
isinasagawa upang mabayaran ang mga pinagkakautangan nito ayon sa
pagkasunod-sunod na isinasaad sa Civil Code.

c. Bilang Imbestigador
Kapangyarihang ibinigay upang mag-imbestiga sa mga anomalya sa bangko
patungkol sa unsafe and unsound banking practices at magpataw ng
karampatang multa batay sa tuntuning nakasaad sa batas kasama ng
empleyado at opisyal ng bangko. (Republic Act No. 9302)

3. Securities and Exchange Commission (SEC)


Dito nagpapatala o nagpaparehistro ang mga kompanya sa bansa.
Nagbibigay impormasyon sa pagbili ng panagot at bono. Nag-aatas ito sa
mga kompanya na magsumite ng taunang ulat at nagbibigay din ng
impormasyon upang magbigay gabay sa matalinong desisyon sa
pamumuhunan.

4. Insurance Commisssion (IC)


Layunin na panatilihing matatag ang mga kompanyang nagseseguro ng
buhay ng tao, kalusugan, mga ari-arian, kalikasan at iba pa. Lumilikom
din ito ng malaking pondo upang matustusan ang mga namumuhunan.
Nagpapautang din ito sa mga kasapi upang patuloy na makabili ng
kalakal at serbisyo. At sa bisa ng Presidential Decree No. 63 na
ipinatupad noong Nobyembre 20, 1972 ay itinatag bilang ahensiya na
mangangasiwa at papatnubay sa negosyo ng pagseseguro.

Gawain

GAWAIN 1: LOGO KO! HULA MO!


Tukuyin ang ginagampanan at tungkulin ng sumusunod na logo sa
institusyong pananalapi. Piliin ang kabilang sa BANGKO at HINDI -
BANGKO.

AP 9- QRT3- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER

BANGKO HINDI - BANGKO

GAWAIN 2: SAGUTIN MO ‘TO


Hanapin sa hanay B ang bangkong inilalarawan sa hanay A. Isulat sa sagutang
papel ang titik ng tamang sagot.

A B

1.Dahil sa malaking capital, ang mga a. Land Bank of the Philippines


bangkong ito ay nagpapautang para sa ibang
layunin tulad ng pabahay at iba pa.

2.Pangunahing layunin ng mga bangkong ito b. bangko ng pagtitipid


na hikayatin ang mga ito sa pagtitipid at mag-
impok.

3.Itinatag ito upang mapabuti ang kalagayang c. bangkong komersyal


pangkabuhayan sa kanayunan.

4.Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng d. Development Bank of the


pondo ang programang pangsakahan ng Philippines
pamahalaan.

5.Layunin ng bangkong ito na mapaunlad ang e. bangkong rural


sector ng agrikultura at industriya, lalo na sa

AP 9- QRT3- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER
mga programang makatulong sa pagunlad.

GAWAIN 3: Panuto: Pagisipan ang iyong natutuhan sa aralin na ito sa


pamamagitan ng pagkumpleto ng mga pagungusap sa ibaba.

Nalaman ko ang patakarang Ang aking natutuhan tungkol sa patakarang


pananalapi…… pananalapi…….
_________________________________ ____________________________________
_________________________________ ____________________________________
_________________________________ ____________________________________
_________________________________ ____________________________________
_________________________________ ____________________________________
_________________________________ ____________________________________

Panghuling Pagsusulit

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_______ 1. Tawag sa perang papel na ginagamit bilang pamalit sa produkto o serbisyo.


A. salapi C. ginto
B. mickey mouse money D. peso

_______ 2. Ito ay isa sa uri ng bangko na may malaking capital at maraming sangay sa
ibang lugar.
A. Thrift Banks C. Rural Banks
B. Commercial Banks D. Kooperatiba

_______ 3. Itinatag ito upang magpautang at makipagpalitan ng ari-arian, alahas at


kasangkapan bilang kolateral?
A. Land Bank of the Philippines
B. Pension Funds
C. Pawnshop o Bahay-Sanglaan
D. GSIS
_______4. Ang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng
pribadong kompanya.

A. Pag-IBIG Fund C. Social Security System


B. Bangko Sentral ng Pilipinas D. Pre-Need Companies

AP 9- QRT3- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER
________5. Ang Gawain
ahensiyang nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa.
A. Securities Exchange Commission C. Risk Management
B. Insurance Commission D. Dept. of Finance

Pagninilay

Sa naranasang pangyayari ng buong mundo at ito ay ang Covid-19


pandemic, bilang mag-aaral papano mo masasabi na mahalaga ang
natutuhan mo sa paksang “Patakarang Pananalapi”, gaano kahalaga
ang katagang “ Pag may isinuksok…may madudukot”

Mga Tala para sa Guro


Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga
mag- aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatututo. Ito ay may katulad na aralin
online. Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahan ang:

1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-aaral


sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang /guardian upang matiyak na
nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng pagbibigay
nang malinaw na instruksyon sa pagkatuto.

AP 9- QRT3- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER

PALASAGUTANG PAPEL- QRT.3- WEEK 1


PANGALAN:____________________________________________________________
Pangkat: __________ Guro: ______________________________________________
PAUNANG PAGSUSULIT
1.
2.
3.
4.
5.
BALIK-TANAW
KOMPLETUHIN ANG DAYAGRAM
Gawing batayan ang sipi sa pagbuo ng dayagram. Tukuyin kung kalian
isinasagawa ang bawat patakaran.

GAWAIN 1
GAWAIN 1: LOGO KO! HULA MO!

Tukuyin ang ginagampanan at tungkulin ng sumusunod na logo sa institusyong


pananalapi. Piliin ang kabilang sa BANGKO at HINDI - BANGKO.
GAWAIN 2

GAWAIN 2: SAGUTIN MO ‘TO


Hanapin sa hanay B ang bangkong inilalarawan sa hanay A. Isulat sa sagutang
papel ang titik ng tamang sagot.
GAWAIN 3
Panuto: Pagisipan ang iyong natutunan sa aralin na ito sa pamamagitan
ng pagtapos ng mga magungusap sa ibaba.
PANGHULING PAGSUSULIT
1.
2.
3.
4.
5.
PAGNINILAY : Sundin ang pamatnubay na nasa modyul.
Sa naranasang pangyayari ng boung mundo at ito ay ang covid-19
pandemic, bilang mag-aaral papano mo masasabi na mahalaga ang
natutunan mo sa paksang “Patakarang Pananalapi”, Gaano kahalaga ang
katagang “ Pag may isinuksok…may madudukot”

You might also like