You are on page 1of 10

Department of Education

National Capital Region

8
SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 6:
Pagpapahayag ng Pangangatuwiran
(Alternatibong Solusyon sa Suliranin)

May-akda: Felisa R. Santiago

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
 Aralin – Pagpapahayag ng Pangangatuwiran
(Alternatibong Solusyon sa Suliranin)

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nakikilala ang alternatibong solusyon o proposisyon; at
B. naipahahayag ang pangangatuwiran sa napiling alternatibong
solusyon o proposisyon sa suliraning inilahad sa tekstong binasa

Subukin
Bago ka magpatuloy, basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong.
Piliin ang letra ng may pinakawastong solusyon sa sumusunod na suliranin.
Pangatuwiranan ang iyong sagot. Isulat sa isang hiwalay na papel.

____1. Wala kang perang pambili ng kailangan mo para sa proyekto sa


Filipino, na ipinagagawa ng iyong guro.
a) Manghihiram ka sa iyong kamag-aral ng pera na pambili ng proyekto.
b) Huwag ka munang pumasok sa paaralan hanggang hinahanap ng
guro ang iyong proyekto.
c) Kakausapin mo ang iyong guro at ipagtatapat mo ang katotohanang
wala kang perang pambili ng proyekto.

_____2. Nawalan ka ng gana at siglang mag-aral dahil sa nangyaring


epidemya.
a) Umasa ka na lamang sa mga magulang mo ng iyong kapalaran at
kinabukasan.
b) Isipin mo kung ano ang mangyayari sa iyo sa kinabukasan, ano kaya
ang magiging buhay mo kung di ka nakapag-aral?
c) Sabihin mo ito sa iyong mga kamag-aral at yayain mo silang makiisa
sa iyo para marami kayong di magpapa-enrol sa paaralan.

______3. Kulang ka sa pagtingin o kalinga ng magulang dahil palagi silang abala


sa trabaho.
a) Humanap ka ng ibang taong makakausap mo kapag ikaw ay may
problema.
b) Tanggapin mo ang katotohanan na talagang kulang ang panahon ng
magulang mo para sa iyong kapakanan.
c) Iukol mo ang iyong panahon sa iba pang uri ng gawain sa loob ng
tahanan at sa pag-aaral para di ka masyadong maghanap ng kalinga
ng iyong magulang.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
_______4. Hiniya ka ng iyong guro dahil palagi kang hindi gumagawa ng takdang-
aralin-
a) Tanggapin mo ang iyong kamalian at sikapin mong makagawa ng
iyong takdang-aralin.
b) Ipaalam mo sa iyong mga kamag-aral na bale wala sa iyo na ikaw ay
palaging napapagalitan kapag walang takdang- aralin.
c) Ipakita mong nagagalit ka para hindi ka na niya hiyain sa susunod
na araw.

_____5. Ayaw mong naririnig na nag-aaway ang iyong mga magulang.


a) Umaalis ka kapag nag-aaway sila. Sa ganitong paraan ay di mo na
sila maririnig na nag-aaway.
b) Sabihin mo ito sa nanay at tatay mo at tuloy ay banggitin mo kung
ano ang masamang ibubunga nito pati na rin sa iyong mga kapatid.
c) Kapag nag-iisa ang nanay mo ay sabihin mo sa kaniya sa mahusay
na paraan na ayaw mong naririnig ang kanilang pag-aaway.

Pagpapahayag ng Pangangatuwiran
Aralin sa Piniling Alternatibong Solusyon
sa Suliranin

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagpapahayag ng pangangatuwiran sa


piniling alternatibong solusyon sa suliranin. Malilinang ito kung magagawa mo
nang matapat ang mga gawain.

Balikan
Magbalik-aral tungkol sa pagpapahayag ng opinyon gamit ang mga
hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat.

 Magbigay ng ilang halimbawa ng mga salitang hudyat ng pagsang-


ayon:
_______________________________________________
_______________________________________________

 Magbigay ng ilang halimbawa ng mga salitang hudyat ng


pagsalungat.

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin
A. Panimula

Pagmasdan ang larawan. Basahin ang maikling talata. Sagutin ang


mga tanong sa ibaba.

Mahalaga sa isang anak ang makaramdam ng pagmamahal. Ito ang


nagbibigay sa kaniya ng halaga bilang tao. Ito rin ang nagbibigay–sigla sa
kaniya sa pagtupad ng kaniyang tungkulin.

Mga Tanong:
1. Ano ang ipinahahayag sa larawan?
2. Puso lamang ba ang dapat pairalin ng magulang kapag
kailangang harapin ang suliraning may kinalaman sa
anak?
3. Puso rin lamang ba ang dapat isaalang-alang ng anak
kapag kailangan niyang gumawa ng desisyon sa buhay?

B. Pagbasa

Basahin ang buod ng akda at pagkaraan ay sagutin nang pasalita ang


mga tanong.

Walang Sugat
ni Severino Reyes (1898 )

Sa simula ng akda, pinipilit ni Temyong na kunin ang panyong alam


niyang para sa kaniya dahil sa inisyal na A.N.F.( Antonio Narciso Flores ) na
ibinurda dito ni Julia. Pinabubulaanan ito ni Julia at sinabing ang panyo
ay para sa prayle na namumuno sa kanilang bayan dahil ang kahulugan ng
inisyal ay Ama Nating Prayle. Uminit ang ulo ni Temyong sa narinig na ang
panyo ay para sa prayle, na kaniyang itinuturing na masama, tulad ng iba
pang prayle. Binantaan si Julia na susunugin ang panyo kung hindi nito
sasabihin ang totoo. Kaagad naibsan ang galit ni temyong nang marinig na
hindi kaya ni Julia na masunog ang panyong handog sa kaniya.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Samantala dumating si Lukas at ibinalita na si Inggo, ama ni
Temyong ay nadakip ng Boluntaryong Santa Maria. Kasama ang ina na si
Putin, si Juana at Julia, at ilang kababayan. Dali-daling sumugod si
Temyong sa bilangguan. Natulala ang ina nang makita ang asawa na labas
na ang buto. Pagkaraang magbilin, nalagutan na ito ng hininga.
Pagdating sa bahay, kinausap ni Juana si Julia tungkol kay Miguel,
ang lalaking ibig niyang mapangasawa ng anak. Ipinatawag ni Julia si Lukas
at nakiusap na dalhin ang kaniyang sulat kay Temyong.
Tiniis ni Lukas ang bugbog ng mga kastila bago siya nakarating sa
kampo nina Temyong. Nagulat si Temyong sa nilalaman ng sulat tungkol sa
pagkamatay ng kaniyang ama at ang desisyon ng ina ni Julia na ipakasal ito
kay Miguel. Kinausap ng Heneral si Temyong at nangakong tutulungan ito
na sagkaan ang kasal. Sisimulan na sana ni Temyong ang sulat para kay
Julia nang may marinig silang putukan. Agad pinauwi ni Temyong si Lukas
at ipinasabing pagkatapos na ng digmaan siya uuwi.
Dumating ang araw ng kasal nina Julia at Miguel. Habang naglalakad
si Julia, narinig niya ang sigaw ni Lukas na naroroon si Temyong na
sugatan. Agad nilapitan nito ang binata. Hindi nito inalintana ang
paghadlang nina Miguel at Juana. Ipinatawag ng heneral ang pari at
sinabing kailangang makapagkumpisal si Temyong bago lumisan. Walang
nagawa si Miguel dahil sa sinabihan siya ng ama na hindi dapat sinusuway
ang kagustuhan ng mamamatay. Pagkatapos ng kasal, sinabihan ng heneral
si Temyong na tumayo na ito. Sumigaw si Miguel ng “ Walang Sugat.”

C. Pag-unawa sa Binasa

1) Tungkol saan ang binasang teksto?


2) Paano nagsimula ang mabuting pagtitinginan nina Temyong at Julia?
3) Bakit ikinasal si Julia kay Temyong sa halip na kay Miguel?
4) Sa paanong paraan ipinakita ni Lukas kay Temyong ang kaniyang
katapatan bilang kaibigan?
5) Anong suliranin ang makikita sa akda? Bumuo ng sariling solusyon
sa suliranin. Pangangatwiran ang iyong alternatibong solusyon sa
suliranin.

Suriin
Sa anomang suliranin, dapat tayong mamili ng mga posibleng
solusyong tutugon dito. Kung tayo man ay magbibigay ng alternatibong
solusyon, dapat isaalang-alang na ito’y kapaki-pakinabang at realistiko.
Maaari mong pangatuwiranan sa iba o sa sarili mo ang napili mong solusyon
sa suliraning kinakaharap. May mga salitang hudyat sa pangangatuwiran sa
pagpapahayag ng piniling mungkahi o proposisyon para malutas ang
suliranin.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga salita/Pahayag na nagpapakilala ng alternatibong solusyon:

a.) Kung ako ikaw i.) Mababawasan


b.) Bakit di mo subuking ang dalahin mo
c.) Ganito iyon sa dibdib kung
d.) Ang gawin mo ay
e.) Hintayin mong j.) Siguro
f.) Marahil
g.) Baka sakaling
h.) Iisipin mo na

Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin natin ang iyong kaalaman sa pagpapahayag ng


pangangatuwiran sa piniling alternatibong solusyon sa suliranin. Gawin ang
sumusunod:

A. Itala ang mga suliraning inilahad ng sumusunod na mga tauhan


sa binasang akdang “Walang Sugat.” Magbigay ng alternatibong
solusyon para sa mga ito. Pagkatapos ay ibigay iyong dahilan sa
ibinigay na solusyon.

Mga Tauhan Suliraning Alternatibong Dahilan sa


hinarap Solusyon Alternatibong
Solusyon
1. Temyong
2. Julia
3. Lukas
4. Miguel
5. Juana
6. Heneral

B. Makinig ng napapanahong balita sa radyo o telebisyon. Magtala


ng dalawang problema at bigyan ito ng solusyon. Ipaliwanag o
pangatuwiranan ang iyong ibinigay na alternatibong solusyon sa
suliranin.

Isaisip
Tandaan na mahalaga ang pagpapahayag ng pangangatuwiran sa
piniling alternatibong solusyon sa suliranin. Sa pangangatuwiran,ang
katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga
katuwiran o rason. Kailangang gumamit ng mga salitang hudyat sa
pangangatuwiran.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Isulat ang alternatibong solusyon batay sa sumusunod na kalagayan o
sitwasyon.

1. Nalulungkot si Raven dangan kasi huli na naman siya sa klase. Sa susunod


daw na mahuli pa siya ayon sa kaniyang guro, dadalhin na siya sa opisina ng
Guidance Counselor.
Ano kaya ang mabuti niyang gawin? Pangatuwiranan.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Nakasagot na si Arlene na dadalo sa birthday party ni Beverly sa darating na


Sabado, ngunit nabatid niya na sa araw ding iyon ay darating ang kaniyang
lolo’t lola na galing sa Amerika. Tiyak na hahanapin siya ng mga ito.
Anong posibleng solusyon ang maaring ibigay sa pagkakataong ito?
Pangatuwiranan. _________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Hiniram mo ang paboritong T-shirt na puti ng iyong ate. Kabilin-bilinan


niyang ingatan mo ito dahil ginagamit niya ito pamasok sa trabaho. Sa hindi
sinasadyang pangyayari, namantsahan ito ng kinain mong tsokolate at ayaw
nang matanggal ang mantsa.
Ano kaya ang kailangan mong gawin? Pangatuwiranan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan. Dugtungan ang salita upang mabuo ang alternatibong solusyon sa
sumusunod na pahayag.

1.) Gabi na wala pa ang Nanay ni Raprap. Hindi na siya makatiis na


nag-iisa. Takot siyang mag-isa sa bahay dahil ang ama niya ay nasa
malayong lugar. Kamamatay pa naman ng kaniyang lolo na malapit
aa kaniya.

Makabubuting _____________________________________________________
_____________________________________________________________________
2.) Nalibang si Sophia sa panonood ng telebisyon. Bigla niyang naalala
na mayroon pa siyang gagawing takdang-aralin.
Dapat siguro _______________________________________________________
____________________________________________________________________

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3.) Nakasakay ka na sa dyip, ngunit nang magbabayad ka na, naiwan
mo pala ang pitaka mo sa bahay.
Kung ako ikaw _____________________________________________________
____________________________________________________________________

4.) Hindi mo maunawaan ang aralin ninyo sa Math lalo na’t online pa
kayo ng pag-aaral. Malapit na ang inyong pagsusulit.
Bakit hindi mo subuking ___________________________________________
____________________________________________________________________

5.) Napasarap ang tulog mo. Bigla kang napabalikwas dahil may research
pala kayong gagawin ng iyong grupo. Isang oras ka nang huli sa
inyong usapan.
Ganito ang dapat mong gawin ______________________________________
____________________________________________________________________

Karagdagang Gawain
Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan. Gawin ang sumusunod:
A. Bilugan ang bilang na nagbibigay ng angkop na solusyon sa
suliranin.

Sugapa sa bawal na gamot ang lalaking anak ni Aling Beth.


Halos hindi na pumapasok sa paaralan ang anak. Laging gumagawa
ng paraan upang makabili lamang ng bawal na gamot. Pumunta si
Aling Beth sa kaniyang kumare at humingi ng payo. Alin sa
sumusunod ang angkop na payo?

1. Ikulong ang anak sa silid-tulugan


2. Ipahuli niya ito habang lango ang anak sa ipinagbabawal na gamot.
3. Ipasok ang anak sa isang Rehabilitation Center for
Drug Dependent
4. Itago o ilayo ang anak sa isang liblib na pook

B. Bilugan ang bilang ng pinakamainam na katuwiran sa pahayag.

“Mahalaga ang pagtatamo ng mabuting edukasyon sa tao.”


1. Dahil malaki ang naitutulong ng pag-aaral sa paghubog ng
kaniyang magagandang ugali at mabuting kaasalan.
2. Ang taong walang pinag-aralan ay hindi maaaring magtagumpay
3. Nakasalalay sa mga mamamayang edukado ang katatagan at
kaunlaran ng bansa.

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa ating talakayan.


Binabati kita! Hanggang sa muli!

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto

Subukin:
1. c
2. b
3. c
4. a
5. b

Magdalena O. Jocson et.al. Panitikang Pilipino 8 Filipino Modyul para sa mag-


aaral(Batayang- aklat sa Filipino 8) pah. 57

Dolores F. Jamero et.al Filipino sa Hayskul II Pagbasa at Gramatika.

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Felisa R. Santiago (Guro, BNHS)


Mga Editor: Maru U. Panganiban (Guro, JDNHS)
Perlita Ponsal (Guro, BNHS)
Daniel De Guzman (Guro, SRNHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS-Filipino)
Tagasuri Panlabas: Fe A. Quisil (Prop., PNU)
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like