You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino IV

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
a. Natutukoy ang mga pansariling karanasan na nakapaloob sa akda at;
b. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga alamat at iba pang mga kwentong bayan,
c. Nakabubuo ng maikling kwento.

II. Paksang Aralin


Paksa: Alamat / Maikling kwento
Sanggunian: Aklat ng Sinag IV – Paggalugad ng wika at pagabsa,pahina. 119-129
Kagamitan: photocopy,printed picture,visual aids,marker
Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng tiwala sa sarili at paninindigan

III. Pamamaraan
A. Gawain
 Magpakita ng isang larawan.

Itatanong:
1. Ano ang napansin niyo sa larawan?
2. Ilarawan ang imahe ayon sa inyong nakikita.
3. Bakit katulong ng tao ang kalabaw sa pagtatrabaho?

B. Pagsususri
 Babasahin ang kwento tungkol sa Alamat ng Kalabaw.
Itatanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Ano ang mayroon sa bayan ng matuyot?
3. Ano ang naging resulta ng regalo ng diwata sa bayan? Nakatulong ba ito o
hindi?
4. Ano ang kinahantungan ng mga tao sa nayon?ni labao?
5. Kung ikaw si labao,pahihintulutan mo rin bang iasa sa iyo ang isang
gawain?Pangangatwiran?

C. Paglalahat
Pagkatapos talakayin ng guro ang Alamat ay tatawag ito ng isa o higit pang mag-
aaral,upang ibahagi ang kanilang naunawaan sa kwento.

Itatanong:
 Mula sa kwentong aking binasa na alamat ng kalabaw,maaari mo bang ibigay
ang pagkakabuod nito.

D. Paglalapat
 Sa isang buong papel ay bumuo ng isang maikling kwento,base sa inyong
mga karanasan sa kapaligiran.

IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek (✓) ang mga sitwasyong nagpapakita ng mabuting pakikitungo at
ekis (✘ ) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

____1. Pagdamay kapag may problema o suliraning kinakaharap.


____2. Pagtatanim ng galit.
____3. Pagtulong sa gawain.
____4. Pagbibigay ng magagandang payo upang mapalakas ang loob.
____5. Pagkaramdam ng inggit kapag binibigyang papuri ang kaibigan.
____6. Pagpapakalat ng maling impormasyon.
____7.Panghihikayat na bitiwan o sukuan ang mga bagay na hindi siguradong gawin.
____8. Paninirang puri o pambibintang.
____9. Pabaya sa lahat ng gawain.
____10. Pakikipag usap ng may respeto.

V. Takdang Aralin
Magbibigay ang guro ng isang Maikling kwento at mga ilang katanungan,para sa takdang
aralin.

 Basahin ang kwentong “Si Juan At ang mga Alimango”” pagkatapos ay sagutan ang
mga sumusunod na katanungan.

SI JUAN AT ANG MGA ALIMANGO

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. “Juan, pumunta ka sa
palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian.”

Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.

Nang makarating si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang
mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang tindera ng alimango
at nagpasalamat siya.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang
bahay nila sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na
may malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya’t naipasya niyang
paunahin nang pauwiin ang mga alimango.

“Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming
bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang
bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo.”
Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang
mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay
nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo.
Naramdaman niyang kumakalam ang kanyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan.

Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno
ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan.

“Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?”

“Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?” Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. “Juan, ano ang
ibig mong sabihin?”

“Nanay, kaninang umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na.”

“Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon.”

Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit
hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay
hindi katulad ng mga tao na may isip ay naliwanagan si Juan na mali nga ang ginawa niyang
pagpapauwi sa mga alimango.

Mga tanong:

1. Ano ang iniutos ni Aling Maria kay juan?


2. Anong klaseng alimango ang pinili ni juan sa tindera?
3. Bakit tinamad si juan lumakad patungo sa knilang tahanan?
4. Kung ikaw si juan,papaunahin mo din ba ang mga alimango sa inyong
tahanan?
5. Ano ang aral na mapupulot sa kwento?Ipaliwanag?

Inihandog ni:

Mikaela Grace S. Bartolata

BEED 2-B

You might also like