You are on page 1of 3

Aralin: 4 Konteksto ng Pag-usbong ng Liberal na Ideya

I. Layunin
Nasusuri ang konteksto ng pag-usbong ng liberal na ideya tungo sa
pagbuo ng kamalayang Nasyonalismo.

II. Paksang Aralin :


A. Paksa : Konteksto ng pag usbong ng liberal na ideya.
B. Sanggunian : AP6 PMK-Ib-4
Pagsibol sa Lahing Pilipino ph.115-125
https://www.youtube.com/watch?v=nLEWqrxkUbg
http://www.wikiwand.com/tl/Batas_Tydings
%E2%80%93McDuffie
C. Kagamitan : aklat ,card.tsart
D. Pagpapahalaga : Pagiging Mapanuri

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

https://www.youtube.com/watch?v=nLEWqrxkUbg

Itanong:
1.Bakit muling ibalik ang Philippine Constabulary?(PC)
2.Sino ang kumontra na ibalik ang PC sa ating bansa?

2. Balik aral
Ilarawan ang kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng mga
Espanyol.

3. Pagganyak

Gawain: JUMBLED LETTERS

Panuto: Bumuo ng salita gamit ang mga titik.

SANMOSILOY LAREBIL YAEDI

Itanong:
 Ano-ano ang mga salitang nabuo mula sa mga titik?
 Ano ang kahulugan ng bawat salita?
 Ano ang kaugnayan ng bawat salita sa pagiging
Pilipino?
B. Panlinang na Gawain

1. Gawain

a. Pagbasa ng Teksto

Panuto: Basahin at unawain ang teksto.

Ang Batas Tydings–McDuffie (opisyal na


pangalan: Batas sa Kalayaan ng Pilipinas; Pampublikong
Batas Blg. 73-127) na inaprubahan noong Ika-24 ng Marso,
1934 ay isang pederal na batas ng Estados Unidos na
nagkaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng
kalayaan nito (mula sa Estados Unidos) pagkatapos ng
sampung taon.
Noong 1934, pinamunuan ng Pilipinong politikong
si Manuel L. Quezon ang "misyong pang-kalayaan ng
Pilipinas" sa Washington, D.C. na nagtagumpay sa
pagpapatibay ng Kongreso sa batas na ito.Kabilang sa mga
probisyong tinutulan ng misyong pangkalayaan ni Manuel L.
Quezon ang pananatili ng base militar sa Pilipinas;ang walang
katiyakang kapangyarihang taglay ng High Commissioner na
itatalaga sa Pilipinas; at ang limitasyon kaugnay sa pagpasok
ng mga Pilipino sa U.S.A..

Source:http://www.wikiwand.com/tl/Batas_Tydings
%E2%80%93McDuffie

b. Pangkatang Gawain

Panuto: Itala ang sumusunod:

Pangkat I – Ang Pagtatatag mg Pamahalaang


Kommonwelt
Pangkat II – Ang Kumbensyong Konstitusyonal
Pangkat III – Programang Pampamahalaan
Pangkat IV – Mga Pagbabago sa Lipunan

2. Pagsusuri

 Anong uri ng Pamahalaan ang itinatag sa Pilipinas ayon


sa Batas Tydings –Mc Duffie?
 Ano ang tungkulin ng Asemblea?
 Ano ang kauna unahang batas na pinagtibay ng
Asemblea?
 Ano ano ang mga pagbabagong Panlipunan sa panahon
ng Kommonwealth?

3. Paghahalaw

 Paano nabuo ang Kamalayang Nasyonalismo?


 Ano ano ang ginawa ng Pamahalaan upang umusbong
ang liberal na Ideya?

4. Paglalapat

Pangkatang Gawain

Panuto: Ayusin ang mga titik upang makabuo ng salita.


Ipaliwanag ang mga salitang nabuo.

Pangkat I – Pamahalaan
Pangkat II – Lipunan
Pangkat III – Pangkabuhayan
Pangkat IV – Komonwelt

IV. Pagtataya :

Panuto: Suriin ang bawat pahayag at tukuyin ang konteksto ng pag-usbong


ng liberal na ideya tungo sa pagbuo ng kamalayang Nasyonalismo. Piliin
ang titik ng tamang sagot.

a. Pangkabuhayan c. Lipunan
b. Edukasyon d. Wikang Pambansa

_______1. Tagalog ang ginagamit na wika sa mga aralin sa paaralan.


_______2. Pagpapataw ng buwis.
_______3. Pagkakaroon ng maayos na pamayanan.
_______4. Libreng pag aaral itinadhana ng Saligang Batas
_______5. Pagpapahalaga sa kabutihang asal.

V. Takdang Aralin

Magdala ng larawan ng simbahan.

Inihanda ni:

BETH V. GARROVILLAS
Guro I – QSJES
District of Teresa

You might also like