You are on page 1of 5

Ang Alamat ng

Hagdan-Hagdang
Palayan sa Ifugao
Ang guro sa Banaue ay kinakausap ng isang lider ng sitio. Ang sabi ng
lider, “Ipinagmamalaki ng Banaue ang kanyang alamat na bantog na
nantog sa buong Bulubundukin.

Ang Ifugao Rice Terraces ay ikawalong himala sa daigdig. Alam mo ba


kung paano nagmula ito?” Si G. Malintong ang guro ay sumagot,
“Ikinalulungkot ko hindi ko po alam. Gusto ko sanang pakinggan.”

Nagsimula ang pagkukwento ng lider habang ngumunguya-nguya ng


buyo. “Noong pang kauna-unahang panahon ang mga tao sa
Bulubundukin ay may mga kaya sa buhay. Dahil sa kanilang kasaganahan
ay nakalimot tuloy sila sa Diyos. Si Kabunian ay nagalit kaya pinarusahan
ang mga mamamayan. Umulan ng walang patid kaya nagkaroon ng
malaking baha.

Tumaas ng tumaas ang tubig hanggang wala nang Makita sa paligid liban
sa mga Bundok ng Pulog at Anuyao. Ang lahat ng may buhay ay
nangalunod. Namatay lahat ng mga tao at ang natira lamang ay si Wigan
at Bugan nama’y sa Bundok ng Anuyao.

Nais magluto ni Wigan subalit walang apoy. Kanyang natanaw na may


liwanag na nagmumula sa bundok ng Anuyao. Kahit di pa gasinong
lumalaki ang baha, kanyang nilangoy ang bundok. Siya’y tinanggap ni
Bugan ng buong kasiyahan.

Nang sumunod na araw ay humupa na ng patuluyan ang baha kaya ang


dalawa ay lumusong sa bundok ng Anuyao. Sapagkat napag-alaman nila
na walang natira sa kanilang tribo, nang magpatuloy ang buhay, sila’y
nagsama bilang mag-asawa. Ang dalawang ito’y nag-isang dibdib, pati
ang kanilang mga inaanak ay ang pangasawahan din kaya hindi nagtagal
dumami ang tao.

Lumipas ang taon. Isang araw si Kabagan, isa sa mga apo ni Duntungan
ay nagtanim ng palay sa banlikan. Ang dakilang Diyos ay nagpakita sa
kaniya aat nagsalita, “Kilala kitang mabuting tao. Dapat gantimpalaan
kita sa iyong trabaho. Kung susundin mo ang aking mga tagubilin,
kakasihan ka ng mga Diyos.” “Anong gusto mong gawin ko, Kabunian?”

Ang Dakilang Diyos ay sumagot, “Sabihin mo sa mga tao na gumawa ng


cañao araw at gabi ng tatlong araw nang upang ako’y ipagbunyi. Kung
ako’y masiyahan, uunlad ang inyong tribo.”

Ipinag-bigay alam ni Kabagan sa ulo ng tribo ang kanyang narinig.


Nagsimula ang paghahanda hanggang sa matupad ang nasabing
seremonya kay Kabunian. Kinabukasan, si Kabaganay nagpunta sa
kanyang taniman ng palay. Samantalang nagtatrabaho, napakita uli sa
kanya ni Kabunian. Siya’y nagsalita, “Mabuti anak. Ako’y nasiyahan sa
inyong parangal.

Makinig ka ito ang aking gantimpala. Kita’y bibigyan ng aking supling ng


palay na kung tawagi’y inbagar. Kinuha ko ito sa mahiwagang batis.
Itanim sa iyong tumana. Ang tumana sa lahat ng oras ay dapat puno ng
tubig. Magtayo ka ng dike sa paligid ng iyong taniman.

Ang malapot na putik at ang batong-buhay na yaon,” tuloy turo sa


duminding, ‘ ay kaloob ng Diyos. Hala, sundin mo ang aking tagubilin at
umasa kang sa mga teres ay makikipagtagalan sa panahon.”

“Salamat po, Diyos ko,” ag sagot ni Kabagan nang buong pakumbaba.


Nagsimulang magtayo ng dike si Kabagan. Kanyang itinayo ang teres ng
palay na ayon sa tagubilin ng Kabunian. Nagsigaya ang mga kapitbahay
ni Kabanagan. Ang lahat ay tumulad hanggang ang buong Ipugaw ay
natalikupan ng mga teres na ngayo’y ating ipinagmalaking hagdan-
hagdang taniman ng palay na itinayo ng ating mga ninuno, isang obra
maestro ng inhenyeriya.

Ang Hagdan-hagdang Palayan ng mga Ifugao


"Noon pang kauna-unahang panahon ang mga tao sa Bulubundukin ay may mga
kaya sa buhay. Dahil sa kanilang kasaganaan nakalimot tuloy sa Diyos. Si
Kabunian ay nagaiit kaya pinamsahan ang mga mamamayan. Umulan nang
walang patid kaya nagkaroon ng malaking baha. Tumaas nang tumaas ang tubig
hanggang sa walang nakikita sa paligid liban sa mga bundok ng Pulog at ng
Anuyao. Ang lahat ng may buhay ay nangalunod. Namatay ang lahat ng tao at
nakaligtas lamang ay si Wigan at si Bugan na magkapatid. Sila'y nakaligtas sa
malagim na kamatayan sapagka't si Wigan ay nagpunta sa bundok ng Pulog at si
Bugan nama'y sa bundok ng Anuyao. Nais magluto ni Wigan subali't walang apoy.
Kanyang natanaw na may liwanag na nagmumula sa bundok ng Anuyao. Kahit di
pa gasinong kumakati ang baha, kanyang nilangoy ang bundok. Siya'y tinanggap
ni Bugan nang buong kasiyahan.

Nang sumunod na araw humupa nang patuluyan ang baha kaya ang dalawa'y
lumusong sa bundok ng Anuyao. Sapagka't napag-alaman nila na walang natira
sa kanilang tribo, para magpatuloy ang buhay, sila'y nagsama bilang mag-asawa.
Nagkaanak sila ng dalawa: si Duntungan at si Inhabian. Ang dalawang ito'y nag-
isang dibdib, pati ang kanilang mga anak ay nagpangasawahan din kaya hindi
nagtagal at dumami ang tao.

Lumipas ang mga taon. Isang araw si Kabagan, isa sa mga apo ni Duntungan ay
nagtanim ng palay sa banlikan. Ang Dakilang Diyos ay nagpakita sa kanya at
nagsalita, "Kilala kitang mabuting tao. Dapat gantimpalaan kita sa iyong trabaho.
Kung susundin mo ang aking mga tagubilin, kakasihan ka ng mga diyos."

"Anong gusto mong gawin ko, Kabunian?"\

Ang Dakilang Diyos ay sumagot, "Sabihin mo sa mga tao na gumawa ng kanyaw


araw at gabi nang tatlong araw na singkad upang ako'y ipagbunyi. Kung ako'y
masiyahan, uunlad ang iyong tribo."

Ipinagbigay-alam ni Kabagan sa ulo ng tribo ang kanyang narinig.

Nagsimula ang paghahanda hanggang sa matupad ang nasabing scrcmonya kay


Kabunian.

Kinabukasan, si Kabagan ay nagpunta sa kanyang taniman ng palay.


Samantalang nagtatrabaho, napakita uli sa kanya si Kabunian. Siya'y nagsalita
"Mabuti, Anak. Ako'y nasiyahan sa iyong parangal. Makinig ka. Ito ang aking
gantimpala. Kita'y bibigyan ng ilang supling ng palay na kung tawagi'y inbagar.
Kinuha ko ito sa mahiwagang batis. Itanim mo ito sa iyong tumana. Ang tumana
sa lahat ng oras ay dapat laging puno ng tubig. Magtayo ka ng dike sa paligid ng
iyong taniman.Ang malapot na putik at mga balumbuhay na yaon," tuloy turo sa
duminding, "ay kaloob ng Diyos. Hale, sundin mo ang aking tagubilin at umasa
kang ang mga teres ay makikipagtagalan sa panahon."

"Salamat po, Diyos ko," ang sagot ni Kabagan nang buong pakumbaba.

Nagsimulang magtayo ng dike si Kabagan. Kanyang itinayo ang mga baiting ng


palay ayon sa tagubilin ni Kabunian. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Kabagan.
Ang lahat ay tumuiad hanggang sa ang buong Ifugao ay natalikupan ng hagdan-
hagdang taniman ng palay na itinayo ng ating mga ninuno, isang obra maestra ng
inhenyeriya.

Pinoy Edition © 2024 - All rights reserved.


Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-hagdan-hagdang-palayan-
ng-mga-ifugao/

Pinoy Edition © 2024 - All rights reserved.

Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/ang-hagdan-hagdang-palayan-
ng-mga-ifugao/

You might also like