You are on page 1of 1

Princess Shaira U.

Santos
8B – St. Joseph of Cupertino

HANAP

Sino na ang naka-300 likes na dito?


Sigurado masaya sa pakiramdam na ganyan ka ka-gusto ng tao
Dati ko na rin hinanap ang ganyan
Pero bakit para akong pinagdadamutan?
Nawawalan na ako ng pag-asa
Ano ba kailangan kong gawin para mahalin ng masa?
Ngunit ngayon ako’y sawa na
Pagod na akong maghanap at manghabol sa iba
Dahil pagmamahal ko sa sarili ko’y nahanap ko na

Bakit ba karamihan sa atin gustong magustuhan ng ibang tao?


Pati ako nadamay na dapat ito rin hanapin ko
Ang sakit-sakit pala pag ito naging mundo mo
Pero sinabi ko sa sarili ko
Hindi taong-bayan ang magdidikta kung mamahalin ko sarili ko
Hindi ko kailangan ang facebook likes mo
Hindi ko kailangan sumunod sa gusto mo para makita ko halaga ko

Kahit ikaw kaibigan, makikita mo lang din yan sa sarili mo


May halaga ka kahit wala kang jowa
May halaga ka kahit hindi ka ligawin sa tingin ng iba
May halaga ka kahit tropa mo’y inawayan ka
Hindi mo kailangan ng ibang tao

Kaya kaibigan, pakinggan mo ang aking paalala


Hindi ka mapapakain ng adorasyon ng iba
Kahit araw-araw ka pang paulanan
Wala lang yan kung sarili mo hindi mo kayang pagbigyan
Pagbigyan ng halaga at pagmamahal

Alam mo ba kung ano maganda?


Pati ikaw madali mo rin yan makukuha.
Takpan mo ang tenga mo sa ingay ng mundo
Huminga ng malalim at sabihin ng taus-puso
Anuman ang standards ng ibang-tao, may halaga pa rin ako

You might also like