Constantine XI Palaiologos o Palaeologus/Konstantino XI Paleologus
Pebrero 8, 1405 – Mayo 29, 1453 ay ang huling nagharing
Emperador Romano sa Constantinople. Siya ay kabilang sa Dinastiyang Palaiologos. Pinagharian niya ang Imperyo Romano-Bizantino mula 1449 hanggang sa kaniyang kamatayan sa pagbagsak ng kabiserang lungsod. Sa kanyang pamamahala nangyari ang paglusob ng mga Ottoman sa Constantinople. Tuluyang bumagsak ang Constantinople noong Mayo 29, 1453 sa mga Ottoman sa pamumuna ni Mehmed II at nasawi ang emperador sa digmaan. Michael VIII Palaiologos
(1223 – Disyembre 11, 1282) o
Palaeologus ay isang emperador na Bisantino noong 1259 hanggang 1282. Sa kanyang pamamahala ibinalik niya ang Silangang Imperyong Romano sa Constantinople, binawi ang lungsod mula sa mga Latin at sinama dito ang Imperyo ng Niseya. Michael IX Palaiologos o Palaeologus 17 Abril 1277-1212 Oktubre 1320, Thessalonica , Greece . Namuno bilang Byzantine co-emperador ng kanyang Ama, Andronikus II sa buong imperial style 1294/1295-1320. Siya ang pinakamatandang anak na lalaki nila Andronikos II Palaiologos at Anna ng Hungary (1260-1281) , anak na babae ng Stephen V ng Hungary . Hindi nagging matagumpay ang laban niya sa Theodore Svetoslav ng Bulgaria noong 1307. Noong 1311, siya ay nabigo sa pakikipaglaban kay Osman I. Simula noon sya ay namalagi na sa Thessalonica , kung saan siya ay namatay noong 1320.