You are on page 1of 10

NEGROS ORIENTAL STATE UNIVERSITY

NOHS (1907) NOTS (1927) EVSAT (1956) CPVC (1983)


Kagawasan Ave., Dumaguete City, Negros Oriental, Philippines 6200
College of Education, Bais Campus 2, Bais City

LESSON PLAN SA TLE


GRADE 4

I. LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Naipapaliwanag ang mga panuntunan sa mga paggamit ng mga computer, internet at


Email.
B. Naisusulat ang mga dapat tandaan sa responsable at ligtas na paggamit ng computer,
internet at Email.
C. Mapapahalagahan ang wastong paggamit ng computer, internet at Email sa ligtas at
responsableng pamamaraan.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Ligtas at Responsableng Paggamit ng ICT
B. Sanggunian: http://www.scribd.com/presentation/317686805/GRADE-5-Aralin-6-Ict-
LIGTAS-AT-RESPONSABLENG-PAGGAMIT-NG-ICT
C. Materyales/Kagamitang Panturo: laptop

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang
Gawain

1. Pagbati Magandang Araw mga bata! Magandang araw din


sayo, Teacher!
Mabuti po!
Kumusta kayo Ngayon?
Okay lang po!
Opo.
Class, maaari ba kayong tumayo para sa
ating panalangin?

Amen! Amen.

Magandang umaga ulit sa inyo mga bata! Magandang umaga po,


ma’am!
Maaari na kayong umupo.
Salamat po, teacher!

Sino ang liban ngayong araw?


Paki tingnan ang inyong mga katabi kong
meron bang lumiban.

Meron bang lumiban??


Wala po, ma’aam.

Napakabuti! Wala tayong absent


ngayong araw kaya bigyan natin ng
malaking palakpak ang ating mga sarili.

B. Balik-Aral Ngayon, magbalik-aral muna tayo. Ano


nga ulit ang ating aralin noong nakaraan
nating pagkikita?

Napakabuti. Itaas ang iyong kamay kapag


nais ninyong sumagot.

Napakabuti! ang paksa natin noong huli


ay tungkol sa"

C. Pag-uugnay ng Okay mga bata, bago tayo dumako sa


mga ating aralin, may gagawin muna natin
Halimbawa sa ngayon. May mga larawan sa harapan at Opo Teacher!
Bagong Aralin may mga iba’t ibang pangalan sa bahagi
ng larawan. Ang gagawin niyo lamang ay Opo!
lagyan ninyo nang pangalan ang mga
bahagi sa larawan.

Tatawag lamang ako nang ilang mag


aaral para pumunta sa harapan para
lagyan ng pangalan ang mga bahagi nito.
Ang galing niyo naman mga bata, dahil
na sagot niyo lahat ng tama!

Bigyan natin ng palakpak ang ating mga


sarili! Yehheey!

Base sa ating gawain, ang tatalakayin


natin ngayon ay tungkol sa “Ligtas at
Responsableng Paggamit Ng ICT”.

D. Pagtalakay ng Sa araw na ito, tatalakayin natin kung


mga Bagong paano ang wasto at responsableng
Konsepto at paggamit ng ICT.
Pagsasanay ng
Bagong Ano nga ba ang ICT? Alam nyo ba kung Hindi pa po.
Kasanayan #1 ano ang kahulugan nito?

Sa mga hindi pa alam kung ano ang ibig


sabihin nito, ayos lang sapagkat sa araw
na ito, atin itong bibigyan ng kahulugan
at malalaman rin nato kung ano ang
bagay na dapat at di natin dapat na gawin
kapag ito ay ating ginagamit.

Ang ICT o Information and


Communication Technology ay
tumutukoy sa mga paraan, kasangkapan,
at teknolohiya na tumutulong sa mga tao
upang makakuha ng impormasyon, ma
proseso ito,at mabahagi. Itinuturi din
itong sining at agham sa pagtatala
(recording), pag-iingat (storage),
pagsasaayos (organizing),
pakikipagpalitan (exchange) at
pagpapalaganap ng impormasyon
(information dissemination).
Narito ang mga halimbawa ng ICT:

1. kompyuter o
laptop

2. selpon

3. tablets

4. radio

5. telebisyon

May iba pa ba kayong karagdagang


halimbawa ng ICT?

Okay. Base sa aking ibinigay na


depinisyon at mga halimbawa ng ICT,
sino sa inyo ang makapagbibigay ng Ang ICT po ay tungkol
kanilang pagkaka-intindi sa ICT? sa mga bagay tulad ng
computers, cellphones,
at iba pang teknolohiya
na ginagamit natin para
makakuha at magbahagi
ng impormasyon.

Magaling! Meron pa bang gustong


magbahagi? Wala na? Okay.

Tayo’y magpatuloy sa ating talakayan.


May mga salik ang paggamit ng
computer at internet.
Sa tingin ninyo, ano ba ang mga
posibleng banta sa kaligtasan at Teacher, maaari po
E. Pagtalakay ng Narito naman ang mga Tamang paraan
mga Bagong ng paggamit ng computer, internet at
Konsepto at Email.
Pagsasanay ng
Bagong Una, siguraduhin kung aling websites
Kasanayan #2 ang dapat mong bisitahin at kung gaano
katagal maaaring gumamit ng computer,
internet at Email.

Pangalawa, magpainstall o magpalagay


ng internet content filter. Ginagamit ito
upang ang kapakipakinabang na
nilalaman lamang ang mababasa at
maidodownload gamit ang internet.

Pangatlo, makipag-usap lamang sa mga


kakilala o kaibigan tuwing online. Sundin
ang mga tamang gabay na itinakda sa
paggamit ng mga social networking,
instant messaging, Email, online gaming
at webcam.

May mga bagay na dapat isaalang-alang


para sa ligtas na paggamit ng internet

1. Magkaroon ng malinaw na
patakaran sa paaralan sa paggamit
ng computer, internet at Email.
- Ang pasilidad ng internet
ay para sa layuning pang
edukasyon lamang.
- I-access o buksan ang
internet sa pahintulot ng
guro.
- Bisitahin lamang ang
aprobadong sites sa
internet.

2. Ipagbawal ang pagdadala ng


anumang pagkain o inumin sa
loob ng computer laboratory.
- Ingatan lahat ng
kagamitan sa loob ng
computer laboratory.
- Sundin ang mga direksyon
ng guro tungkol sa tamang
paggamit ng anumang
kagamitan.
- Gamitin lamang ang mga
ligtas na search engine sa
internet.

3. Magkaroon ng kaalaman sa
pagkakaiba ng publiko at
pribadong impormasyon.

Bakit mahalaga na alamin ang


pagkakaiba ng publiko sa pribadong Mahalaga po ito para
impormasyon? hindi natin ibigay ang
personal na
impormasyon natin sa
mga hindi natin kilala at
para sa aming
kaligtasan online
Magaling!
- Di dapat mag lathala,
magbigay o mamahagi ng
anumang personal na
impormasyon tungkol sa
iyo o sa ibang tao (katulad
ng tirahan, Email address
o telepono).
- Gumawa ng password na
mahirap mahulaan, at
palitan ito kung
kinakailangan.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng


malakas na password at pagpapalit nito
sa regular na panahon?

- Di dapat ibigay ang


password kaninuman
(maliban sa mga
magulang) at siguraduhing
nakalog-out ka bago
patayin o i-off ang
computer.
- I-shut down ang computer
at i-off ang koneksyon ng
internet kung tapon ng
gamitin ang mga ito. Di
dapat hinahayaan
nakabukas ang mga ito
kapag hindi ginagamit.

F. Paglinang sa At ngayon gusto kong pangkatin kayo sa


Kabihasaan dalawang pangkat. Bawat grupo ay
Tungo sa bibigyan ng isang sobre ng aktibidad.
Formative Kailangan lamang sundin ang nakasaad
Assessment SA loob ng sobre ng aktibidad.
Pagkatapos ng 5 minuto, Ipakita ninyo
ang inyong ginawa.

Maliwanag mga bata? Opo, teacher!

Panuto: Ipakita ang mga ligtas at


responsableng gamit ng ICT.

Pangkat 1 - Isadula ang pag-iingat sa


personal Information.

Pangkat 2 - Iguhit ang epekto sa pagiging


maingat sa bawat action na ginagawa sa
paggamit ng computer o internet.

G. Paglalapat ng Ngayong nalaman na natin kung paano


Aralin sa Pang- ang tamang paggamit ng computer,
araw-araw na internet at Email at ang mga salik sa
Buhay paggamit nito at kung ano ang dapat
isaalang-alang para sa ligtas na paggamit
ng computer, Internet at Email.

Ngayon, gusto kong sagutan ninyo ng


tama o mali ang tekstong nabasa tungkol
sa paggamit ng computer, internet at
Email. Handa na ba kayo?

Pagbisita sa mga sites na hindi aprobado


sa internet.

tama ba ito o hindi? Hindi po!

Gumamit ng mga ligtas na mga search


engine.
Tama ba ito o hindi? Tama po!

Magbigay ng mga sensitibong


impormasyon sa mga hindi kakilala sa
online.

Tama ba ito o hindi?


Hindi po.
Hayaang nakabukas ang computer.

Tama Ba ito o hindi?


Hindi po.
Sundin ang wastong paggamit ng
computer.

H. Paglalahat ng Ngayon mga bata, anong natutunan ninyo


Aralin sa araw na ito? Ang natutunan po
namin ngayon ay
tungkol sa ICT at ang
mga panuntunan at salik
sa pggamit nito.
Magaling. Ngayong araw na ito ay
natutunan natin ang tungkol sa ICT at
ang mga panuntunan at mga salik sa
paggamit nito, lalo na ang tamang at
responsableng paggamit ng internet,
computer, at email.

Ngayon, ano ang ilang mahahalagang


tuntunin na dapat sundin kapag
Dapat gamitin ang
gumagamit ng internet, mga computer, at
internet sa edukasyonal
email? na layunin lamang at
sundin ang mga rules ng
guro.

Huwag ibigay ang


personal na
impormasyon natin sa
mga hindi natin kilala at
para sa aming
kaligtasan online.

Magaling. Paano naman natin matitiyak


ang wasto at responsableng paggamit ng Dapat nating sundin ang
ICT sa ating pang-araw-araw na gawain? mga patakaran ng
paaralan at maging
maingat sa paggamit ng
mga online tools.
Maaring magtanong
tayo sa ating mga
magulang o guro kapag
may duda tayo

Bakit sa tingin ninyo, kailangan nating


pag-aralan ang ICT at ang mga kaakibat Upang maging ligtas
na salik at panuntunan sa paggamit nito? online at maging
responsible sa paggamit
ng teknolohiya.

Magaling, class! Tunay nga na nakinig


kayo at nakikita kong meron talaga
kayong natutunan sa araw na ito.

Ngayon, handa na ba kayo sa susunod


ninyong gawain?

I. Pagsusuri Panuto: Isulat ang T kung tama at M


kung mali ang mga sumusunod na
pangungusap.

___1. Hinahayaang nakabukas ang


kompyuter at naka-on ang koneksiyon ng
internet kapag hindi ginagamit.

___2. Di dapat ibigay ang password


kaninuman.

___3. Gumawa ng password na madaling


hulaan.

___4. Di dapat maglathala, magbigay o


mamahagi Ng anumang personal na
impormasyon tungkol SA iyo o SA ibang
Tao ( katulad Ng tirahan,email address o
telepono.

___5. Huwag ingatan ang lahat ng


kagamitan sa loob ng computer
laboratory

J. Karagdagang Ngayon, bago natin tapusin ang ating


Gawain para sa klase, nais kong kunin ninyo ang inyong
Takdang Aralin mga kwaderno at kopyahin ang inyong
at Remediation takdang-aralin para sa araw na ito.

Bumuo ng listahan ng mga bagay na


halimbawa ng ICT na makikita sa inyong
mga bahay.

Ito ay inyong ipapasa sa susunod nating


pagkikita.

Ipinasa ni: Abueva, Lee Ann

Amil, Jerico

Anadon, Vea E.

Suguilon, Jay

Ipinasa kay: Dr. Belladona Cortez

You might also like