You are on page 1of 7

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
Olongapo City

Date: February 6, 2024


Detalyadong Banghay Aralin sa
Araling Panlipunan 9: Ekonomiks

I. Pamantayan

A. Pamantayang Pangnilalalaman:
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa konsepto ng Paikot na Daloy ng Produkto at Serbisyo
at ang iba’t-ibang modelo nito tungo sa matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay-
kalakal.

B. Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakagagawa ng sariling interpretasyon tungkol sa konsepto ng Paikot na
Daloy ng Ekonomiya at ang iba’t-ibang modelo nito.

C. Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya. (MELCS)

D.Paghahabi sa Layunin:
Sa loob ng 60 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Masusuri ang una at pangalawang modelo ng ekonomiya;
2. Mabibigyang halaga ang ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal; at
3. Muunawaan pagkakaiba at pagkakatulad ng una at pangalawang modelo sa pamamagitan ng
paggawa ng Venn Diagram.

II. Nilalaman

Paksa: Paikot na Daloy ng Ekonomiya (Una at Pangalawang Modelo)

Mga Sanggunian:
1. Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng Guro) IV. 2012. (p. 228-238)
2. Pag-unlad: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan (p. 164)
Mga Kagamitan:
Visual Aids, Charts, Libro, Flashcards, PowerPoint Presentation
Mga Istratehiya: 1. Guided Discovery Learning
2. Collaborative Learning
3. Contextualization and Localization
Integrasyon sa ibang Disiplina: Edukasyon sa Pagpapakatao (Core Values: MAKABANSA)

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain -Ang mga mag -aaral ay makikinig ng


a.Pagbati sa mga mag-aaral tahimik sa sinasabi ng guro
b.Pagsasa-ayos ng silid-aralan

Address: Foster St. Brgy. Kababae, Olongapo City 2200


Tel. no.: (047) 222-4769
Email: jlgis@deped.gov.ph
Facebook Page : depedtayojameslgordonintegratedschool
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
Olongapo City

c.Pagtatala ng liban

 Balik-aral/Kumustahan
Bago natin ituloy ang ating talakayan, balikan
muna natin ang ating napag-aralan nakaraan sa
pamamagitan ng GAWAIN 1.
FLASHCARDS

Panuto:
1. May mga larawang ipapakita ang guro sa
mga mag-aaral.
2. Magbibigay ang mga mag-aaral ng kanilang
interpretasyon sa bawat larawan batay sa
kanilang pagkakaala sa naging talakayan.

Unang Salita -Tumutukoy po sa paikot na daloy ng


-Paikot na Daloy ekonomiya

Ikalawang Salita -Tumutukoy po sa sambahayan kung saan


-Sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon

Ikatlong Salita -Tumutukoy po sa bahay-kalakal na siyang


-Bahay-Kalakal lumilikha ng mga produkto.

-Tumutukoy sa institusyon na
Ikaapat na Salita nangangalaga sa ipon o savings ng
-Pamilihang Pinansyal sambahayan.

Ikalimang Salita -Tumutukoy sa gobyerno na syang may


-Pamahalaan tungkuling magbigay serbisyo sa
nasasakupan.

Ika-anim na Salita -Tumutukoy sa kaganapan sa labas ng


-Panlabas na Sektor bansa gaya ng import at export.

-Magaling! Mukhang handa na kayo para sa


karugtong na paksa.

B. Panlinang na Gawain

 Pagganyak
Bago natin ipagpatuloy ang ating talakayan,
may inihanda akong maikling gawain.
Gawain 2. Pass the Ball!
Panuto:
1. Paikot na pagpapasa-pasahan ng mga
mag-aaral ang bola habang kumakanta ng

Address: Foster St. Brgy. Kababae, Olongapo City 2200


Tel. no.: (047) 222-4769
Email: jlgis@deped.gov.ph
Facebook Page : depedtayojameslgordonintegratedschool
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
Olongapo City

London Bridge is Falling Down.


2. Kung kanino huminto, siya ang sasagot
ng katanungan ng guro.

Mga katanungan:
1. Para sayo, ano ang isang bahay?
2. Magbigay ng 3 salitang katunog ng
salitang “bahay”.
3. Salitang maiuugnay sa salitang
“produksyon”

C. Paglalahad
-Mula sa ating Gawain, ano ang inyong
napagtanto?
-Ang paikot na daloy po.
-Tama ang ‘yong kasagutan. Ating ipagpatuloy
ang ating talakayan kahapon.

-Ang ekonomiya ay may limang modelo. Batay


sa inyong takdang aralin, ano ang unang
modelo? -Simpleng Ekonomiya po.

-Mahusay! Ano ang nakikita niyo sa pisara?


-Sambahayan po.
-Para sayo, ano nga ulit ang kahulugan ng isang
bahay? -Lugar kung saan nakatira po ang isang
tao/pamilya.
- Ito ang isa sa mga pangunahing aktor sa ating
pamilihan. Pakibasa. -Ang sambahayan ay ang aktor na binubuo
ng lahat ng tao na nagnanais na matugunan
ang kanilang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan.
-Sila rin ang nagmamay-ari ng mga salik ng
produksyon at mga kumukonsumo ng mga -Opo! Kasi tayo ay kumukonsumo.
produkto at serbisyo. Sa tingin ninyo, kabilang
ba tayo dito?

-Magaling! Ang unang modelo ay ang simpleng


ekonomiya. Halimbawa ikaw ay na-trap sa -Gagawa po ng matitirhan
isang isla na napakalayo sa kabihasnan. Ano -Hahanap po ng makakain
ang gagawin mo upang mabuhay?

- Paano kaya ito maiuugnay sa unang modelo?


-Ang sambahayan po ang siyang
kumukonsumo at lumilikha ng produkto.
-Magaling! Dito masasabi na ang halaga ng
kanyang produkto ay siya ring halaga ng
kanyang pagkonsumo. Naiintindihan po? -Opo, Ma’am!

Address: Foster St. Brgy. Kababae, Olongapo City 2200


Tel. no.: (047) 222-4769
Email: jlgis@deped.gov.ph
Facebook Page : depedtayojameslgordonintegratedschool
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
Olongapo City

-Tumungo naman tayo sa pangalawang modelo,


ano ang mapapansin ninyo?
-May nadagdag po, ang Bahay-Kalakal.
-Ano ba ulit ang bahay-kalakal?

-Factory po
-Tama. Ano ba ang tungkulin ng isang Factory -Pagawaan po
o Pagawaan?
-Lumilikha ng mga produkto.
-Sa modelong ito, mayroong dalawang
pamilihan. Pakibasa.
-Pamilihan ng mga salik ng Produksyon at
Pamilihan ng mga tapos na produkto

-Ang mga salik ng produksyon ay ang


kapital, lupa, at ang paggawa. Habang ang
Commodity Market naman ay ang mga
produkto at serbisyo na tutugon sa
pangangailangan at kagustuhan ng
-Ang mga salik na nabanggit ay may mga mamimili.
kaukulang bayad na nagmumula sa bahay-
kalakal. Ano kaya ang bayad sa salik na kapital? -Interes/Tubo para sa kapital

-Sa lupa?

-Sa paggawa? -Renta/Upa para sa lupa

-Magaling! Halimbawa nalang si Boss JP ay -Sahod para sa paggawa


kailangan ng mga manggagawa. Saan niya ito
makukuha? -Sambahayan po.

-Paano niya ito babayaran? Sa anyo ng?

-Tama. Halimbawa ang 100K mula sa bahay- -Pasahod po.


kalakal bilang kabayaran sa paggawa ay
tatanggapin ng sambahayan bilang kita.

-Paano naman magkakaroon ng kita ang bahay-


kalakal?
-Ang kita ng sambahayan mula sa mga
salik ng produksyon ay gagamitin nito
upang ipambili ng mga tapos na produkto
-Tama. Bakit kaya tinatawag na mula sa bahay-kalakal.
interdependence ang ugnayan na ito ng
sambahayan at bahay-kalakal? -Sila po ay nagpapalitan at umaaasa sa mga
salik na mayroon ang isa’t-isa.
-Sa paanong paraan nagkakaroon nitong

Address: Foster St. Brgy. Kababae, Olongapo City 2200


Tel. no.: (047) 222-4769
Email: jlgis@deped.gov.ph
Facebook Page : depedtayojameslgordonintegratedschool
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
Olongapo City

interdependence ang sambahayan at bahay-


kalakal? -May mga produkto o serbisyo na hindi
kayang gawin ng sambahayan kaya siya ay
aasa sa bahay-kalakal. Ngunit bago
makagawa ang bahay-kalakal ng
produktong kailangan nito, kailangan niya
munang mamili ng mga salik ng
-Very good! Ano ang pinagkaiba ng unang produksyon sa sambahayan.
modelo at pangalawang modelo?
-Ang una po, ang sambahayan at bahay-
kalakal ay iisa. Sa pangalawa po,
-Tama. Mukhang naintindihan niyong mabuti magkahiwalay na sila.
ang ating paksa.

D. Paglalapat
Upang sukatin ang ating pang-unawa sa ating
tinalakay isagawa natin ang: Gawain 3. PAK
GANERN!

Panuto:
Isulat ang PAK kung ang isinasaad ng
pangungusap ay tama, at GANERN naman
kung mali.

-Naunawaan ba ang panuto?

-Kung gayon, magsimula na kayong magsagot. -Opo, Ma’am!

Mga Pangungusap:
1. Ang Simpleng ekonomiya ay umiikot lamang
sa Sambahayan.
2. Ang Sambahayan ay ang may-ari ng mga
salik ng Produksyon.
3. Ang Bahay-Kalakal ay walang kakayahang Mga Sagot:
lumikha ng mga produkto. 1. PAK
4. Ang Commodity Market ay ang pamilihan ng 2. PAK
mga salik ng produksyon. 3. GANERN
5. Ang ugnayan ng Sambahayan at Bahay- 4. GANERN
Kalakal ay tinatawag na interdependence. 5. GANERN

E. Paglalahat
-Matapos ang ating talakayan, ano ang inyong
mga natutunan?
-Ang una at pangalawang modelo
-Ang bahaging ginagampanan ng
sambahayan at bahay-kalakal.
F. Pagpapahalaga -Ang ugnayan ng bahay-kalakal at
-Bilang pagtatapos ng ating aralin nais kong sambahayan.

Address: Foster St. Brgy. Kababae, Olongapo City 2200


Tel. no.: (047) 222-4769
Email: jlgis@deped.gov.ph
Facebook Page : depedtayojameslgordonintegratedschool
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
Olongapo City

sagutin ninyo ang katanungan na ito:

-Pamprosesong Tanong-
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng interdependence
sa sambahayan at bahay-kalakal?

-Magaling, nawa’y marami kayong natutunan sa -Nagtutulungan po sila at pawang


ating talakayan ngayong araw. nagpapalitan ng produkto upang
makagawa ng panibagong produkto.

IV. Ebalwasyon
GAWAIN 4: VENN DIAGRAM
Panuto: Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng sambahayan at bahay-kalakal gamit ang venn
diagram.

1. Pagkakapareho 1.

2. 1. 2.
2.

Sambahayan Bahay-
Kalakal

V. Takdang-Aralin/Kasunduan
Gawain: Advance Reading: Basahin ang pangatlo at pang apat na modelo ng ekonomiya.

Pangatlong Modelo Pang-apat na Modelo


1. Pamagat 1. Pamagat
- -
2. Mga aktor at bahagi 2. Mga aktor at bahagi
- -

Address: Foster St. Brgy. Kababae, Olongapo City 2200


Tel. no.: (047) 222-4769
Email: jlgis@deped.gov.ph
Facebook Page : depedtayojameslgordonintegratedschool
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
Olongapo City

3. Maikling impormasyon (isang pangungusap) 3. Maikling impormasyon (isang pangungusap)


- -

Inihanda ni:

JAY VHE D. ABUAN


Gurong nagsasanay

Sinuri ni:

NERISSA R. DIAZ
Guro III

Binigyang Pansin ni:

WILLY R. ANTIGO
Ulong Guro III

Pinagtibay ni:

MARIANE F. FRONDA, EdD.


Punong Guro IV

Address: Foster St. Brgy. Kababae, Olongapo City 2200


Tel. no.: (047) 222-4769
Email: jlgis@deped.gov.ph
Facebook Page : depedtayojameslgordonintegratedschool

You might also like