You are on page 1of 1

PAGDIRIWANG NG MGA SALITA NG DIYOS

PARA SA KALULUWA NG YUMAO

Paunang Salita:

Sa pagyao at pagkamatay ng mga minamahal natin sa


buhay ay tungkulin nating mga kristiyano na idalangin sa
ating Panginoong Diyos ang kanilang kaluluwa. Bilang tanda
ng ating pag0ala-ala at pagmamahal sa kanila, tayo’y mag-ukol
ng mga panalangin para sa kaluluwa, lalo na yaong napiit sa
purgatory. Ito’y isang banal na Gawain at hindi natin dapat na
kalimutan, lalo na tayong mga kristiyano na lubos ang
pananalig na muling mabubuhay ang mga patay sa huling
araw. Kaya sa sandaling ito, tayo ngayon ay nag-kakatipon
upang idalangin sa ating Amang nasa langit ang kaluluwa ng
ating pinakamamahal na kapatid na si _____ sa kayang ika-
_____ kamatayan.

Bago tayo lubos na magsimula ay pagnilay-nilayan natin


ang mmga nagaganap sa buhay ng tao.

LIWANAG NG AMING PUSO

Liwanag ng aming puso, sa ami'y manahan Ka


Ang init ng 'Yong biyaya, sa ami'y ipadama

Patnubay ng mahihirap, oh, aming pag-asa't gabay


Sa aming saya at hapis, tanglaw Kang kaaya-aya

Liwanag ng kaaliwan, sa ami'y dumalaw Ka


Kalinga Mo ang takbuhan, noong unang-una pa

Pawiin ang aming pagod, ang pasani'y pagaanin


Minamahal kong kandungan, sa hapis, kami'y hanguin

You might also like