You are on page 1of 2

Araling Panlipunan

 Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay
isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang
isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani
 Ang Baguio (bigkas /bá·gyo/) ay isang 1st-class highly urbanized na lungsod sa
hilagang Luzon sa Pilipinas at ang punong-lungsod ng Cordillera Administrative Region. Ginawang "Summer
Capital" ang lungsod noong 1 Hunyo 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng
"Philippine Assembly" noong 1 Setyembre 1909.
 Si Emilio Aguinaldo (Marso 22, 1869 – Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, estadista, at
manghihimagsik na kinikilala bilang unang pangulo ng Pilipinas, kung saan siya namahala mula 1899
hanggang 1901. Pinangunahan niya ang mga puwersang Pilipino laban sa Espanya noong Himagsikang
Pilipino at Digmaang Espanyol–Amerikano, at sa Estados Unidos noong Digmaang Pilipino–Amerikano.
 Si Manuel L. Quezon ay kilalang Ama ng Wikang Pambansa. Siya ang ikalawang pangulo ng Pilipinas at
ipinanganak noong Agosto 19, 1878 sa Baler, Aurora
 Nanumpa noong Hunyo 30, 2022 si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
 "Manny Pacquiao (isinilang noong 17 Disyembre 1978), ay isang Pilipinong propesyunal na boksingero at
politiko. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong dibisyon,[1] nanalo ng sampung titulo at unang
nakakamit ng panalo sa Lineal Championship sa limang magkakaibang dibisyon.
 Si Sergio Osmeña Sr. (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961) ay Pilipinong abogado at politiko na
naglingkod bilang ikaapat na pangulo ng Pilipinas mula 1944 hanggang 1946. Makikita siya sa limampung
pisong papel na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
 Ang Araw ng Kalayaan o Araw ng Kasarinlan ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa Pilipinas na
ginaganap tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala ng Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas mula
sa Espanya noong Hunyo 12, 1898. Isa itong Pambansang Araw ng pagdiriwang sa Pilipinas.
 Ang kasalukuyang kalihim ng edukasyon ay si Sara Duterte, na naluklok sa puwesto noong Hunyo 30, 2022.
 Ang mga pambansang sagisag ng Pilipinas ay binubuo ng mga sagisag na kumakatawan sa
mga tradisyon at ideolohiyang Pilipino at nagpapahiwatig ng mga prinsipyo ng soberanya at pambansang
pagkakaisa ng mamamayang Pilipino. May mga simbolo na tulad ng karabao (pambansang hayop),
mangga (pambansang prutas) at anahaw (pambansang dahon) na malawak na kilala bilang mga
pambansang simbolo ngunit walang mga batas na kumikilala sa mga ito bilang opisyal na pambansang mga
simbolo.[3] Ayon sa mga dalubhasa sa kasaysayan, kahit na si Jose Rizal na itinuturing na pambansang
bayani ay hindi pa opisyal na nakadeklara bilang isang pambansang bayani sa anumang umiiral na batas ng
Pilipinas.
 Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos, Jr. (ipinanganak noong Setyembre 13, 1957) ay isang
Pilipinong pulitiko na kasalakuyang naninilbihan bílang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas.

Ang relihiyon sa Pilipinas ay binubuo ng mga sumusunod:


 Katolikong Kristiyanismo (80.6%)
 Protestanteng Kristiyanismo (8.2%)
 Ibang mga kristiyano (hal. Aglipayan, INC, Simbahang Ortodokso) (3.4%)
 Islam (5.6%)
 Kawalang relihiyon (0.1%)
Ang Simbahang Katoliko ang pinakamalaking Iglesiang Kristiyano sa Pilipinas. Ang Islam ay isang
pananampalatayang monoteismo na nagtuturo na mayroon lamang isang Diyos si Allah. Ang Pilipinas ay isang
sekular na bansa at garantisado ng konstitusyon ang kalayaan sa relihiyon
 Si Eugenio Jose "Bong" Villarreal Lacson ipinanganak noong Disyembre 13, 1959 ay isang Pilipinong politiko na
nanunungkulan bilang gobernador ng Negros Occidental mula noong 2019.
 Ang Negros Occidental Visayas sa Gitnang buong Visayas. Ang kabisera ay ang Lungsod ng Bacolod,
isang mataas na urbanisadong lungsod. Sinasakop nito ang hilagang-kanlurang kalahati ng malaking isla ng
Negros, at nasa hangganan ng Negros Oriental, na binubuo ng timog-silangang kalahati. Kilala bilang
"Sugarbowl of the Philippines", ang Negros Occidental ay gumagawa ng higit sa kalahati ng output ng
asukal sa bansa. Ang lalawigan ng Negros Occidental ay nahahati sa 19 na bayan at 12 lungsod. Bagamat
kasali ang Lungsod ng Bacolod sa probinsya ng Negros Occidental, hindi siya kabilang sa pamahalaang
panlalawigan nito.

 MassKara Festival (4th Sunday of October) – Bacolod City


 Pasalamat Festival (last Sunday of April) – La Carlota City
 Bailes de Luces (December 30 to January 5) – La Castellana
 Pintaflores Festival (5th of November) – San Carlos City

 Marvin M. Malacon E.B. Magalona Mayor


 Enrique B. Magalona (kilala rin bilang E.B. Magalona at dating kilala bilang Saravia) ay isang pangalawang klaseng
munisipalidad sa lalawigan ng Negros Occidental, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na
59,434 katao. Ang munisipyo ay ipinangalan kay Enrique B. Magalona, dating Senador ng Pilipinas at lolo ng
yumaong Filipino rap icon na si Francis Magalona.
 Ugyonan Festival of E. B. Magalona Celebrated every 1st of May.

You might also like