You are on page 1of 5

Noong unang panahon ay may isang nilalang na nabuhay sa mundo ng mga tao.

Siya ay may
puting buhok,mata, balat na halos kahawig ng kulay na puti. At bagamat siya'y may anyong tao
ay di matutukoy ang kasarian nito.

Bigla nalamang syang nabuhay mula sa wala kaya di niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.

Isang araw ay nakatulala lamang siya sa tabi ng ilog sa loob ng kagubatan nang may narinig
siyang mga yapak. Lumingon sya at nakakita ng isang binata na nanlaki ang mata nang makita
siya. Base sa kanyang naobserbahan sa mga tao ay isa itong emosyon na tinatawag na gulat.

" A-anong klaseng nilalang ka at bakit ganyan ang itsura mo?" Nauutal na tanong ng binata. Di
niya sinagot ito at tinitigan lamang.

"Ah." Akma ng binata "Pasensya na at parang di ata maayos ang aking pagkakatanong. Ako nga
pala si Ulyap. Ano ang pangalan mo?"

Nagsalita ang nilalang, "Hindi ko alam."

Muling nagulat ang binata, "Papanong hindi mo alam? Lahat ng nilalang ay may pangalan, pati
nga ang aking alagang pusa ay may pangalan."

Tiningnan lang ng nilalang ang binata at napakamot naman si Ulyap sa kaniyang ulo.
"Kung wala kang pangalan, ay pupwede kitang bigyan. Ngunit ako na ang nagsasabi sayo na
hindi ako magaling magbigay ng pangalan." Anya ni Ulyap.

Tumango naman ang nilalang at nagiisip si Ulyap nang may kasamang bulong "Ibase ko na lang
kaya sa pangalan ko...Ulyap..Ulya..Yapi..Ulap? Ulap!"

"Mula ngayon ay Ulap na ang pangalan mo!" Masayang bulalas ni Ulyap.

Kakasabi niya pa lang ito nang nakarinig sila ng mga nagmamadaling yapak at nagaalalang boses
ng matandang babae "Ulyap?! Nasaan ka nang bata ka at hinahanap ka na ng hari!"

"Andyan na ang aking tagapag-alaga." Sabi ni Ulyap "Siya sige. Paalam na. Pupuntahan na
lamang kita ulit bukas." Nagmamadali siyang umalis habang kumakaway kay Ulap.

Simula noon ay halos araw araw na siyang pinupuntahan ni Ulyap sa kagubatan. Itinuro ni Ulyap
sa kaniya ang iba't ibang kaalaman patungkol sa mga tao at napag-alaman niya na isa si Ulyap sa
prinsipe ng isang kaharian sa lugar ng mga tao.

Natuto rin siyang makaramdam ng iba't ibang emosyon tulad ng saya,pag-aalala,pagkapikon at


iba pang emosyon na nararamdaman ng isang tao.

Isang araw ay dumating si Ulyap sa tabi ng ilog nang parang pagod.


"Bakit parang wala kang gana?" Tanong ni Ulap.

"May mga nilalang kasi na bigla nalamang nahuhulog sa langit at kakaiba ang itsura nila. Ang
mas masama pa ay nanakit sila ng mga tao pati na rin ng mga hayop. Hindi lang sa kaharian
namin ngunit ganun din ang nangyayari sa iba't ibang parte ng mundo." Sabi ni Ulyap.

"Nag-aalala ako sa aking amang hari dahil siya ang kinukuwestiyon ng mga tao sa kaniyang
nasasakupan at kailangan niya pang makipag-usap sa iba't ibang pinuno ng ibang kaharian."
Pagpapatuloy niya.

"Mga kakaibang nilalang?" Kasabay ng pagtanong ni Ulap ay parang nakaramdam siya ng isang
kakaibang pakirandam sa kaniyang dibdib na para bang may nagsasabi sa kanya na may dapat
siyang gawin.

"Oo," Napabuntong hininga si Ulyap "Atsaka baka hindi kita mabisita ng mga ilang linggo o
buwan dahil bilang prinsipe ay nagtalaga sa akin ang amang hari na siyasagin ang mga lungsod
sa kaharian."

Bagamat hindi maganda ang kutob ni Ulap ay wala siyang magagawa upang pigilan si Ulyap sa
kaniyang responsibilidad. "Mag-iingat ka."

"Hm." Tango ni Ulyap at sabay ngiti sa kanya "Hintayin mo lamang ako dito at ipakita mo ulit
sakin ang mga mala-bulak na bagay na lumalabas sa iyong kamay."

Ngumiti rin pabalik si Ulap at binuksan ang kanyang mga palad. May mga mala-bulak na bagay
na lumabas sa kaniyang kamay na nagtungo kay Ulyap. "Sige."

Lumipas ang mga linggo at mga buwan at halos mag-iisang taon na ngunit di parin bumibisita si
Ulyap.

Napagpasiyahan ni Ulap na hanapin si Ulyap kaya't nilakbay niya ang mga lungsod sa kaharian.
Sa kaniyang paglalakbay ay natagpuan niya ang mga pangyayari na tinukoy ni Ulyap.

May mga nilalang na nahulog sa langit. Kakaiba ang kanilang itsura at matatalas ang kanilang
ngipin, namumula ang mga mata at pagkumikilos ay gumagapang. Pag may nakitang tao o hayop
ay inaatake nila ito. May mga nasusugatan, napuputula at ang ang pinakamalala ay may
namamatay.

Nakaramdam si Ulap ng takot para sa mga tao at lumala ang kaniyang pag-aalala sa kaniyang
kaibigan.
Mas lumakas rin ang paghihimok sa kaniyang dibdib na kumilos.
Naglakbay siya at di nagtagal ay natagpuan niya si Ulyap sa isang lungsod. Bagamat wala pang
isang taon ay parang nag-iba na ang binata. Medyo pumayat si Ulyap ngunit tila mas kalmado na
siya dulot ng mga napagdaanan niya sa lumipas na mga buwan.

Nagulat si Ulyap nang matagpuan si Ulap at niyaya niya itong tumira muna sa kaniyang bahay.
Nag-usap sila ngunit kaagad ring umalis si Ulyap dahil inaabala niya pa ang mga problema na
nangyari.

Sa paninirahan ni Ulap ay naobserbahan niya kung gaano kamahal ni Ulyap ang kanyang bayan
at kaharian. Sa mas malawak na salita ay mahal niya ang mundong kanyang tinitirahan.

Ramdam rin ni Ulap ang tiwala ng mga tao kay Ulyap sa pag-sunod nila sa utos at payo ng
prinsipe.

Isang umaga ay nagising si Ulap sa mga sigaw ng mga tao. Lumingon siya sa bintana at nakita ng
rumaragasa na mga nilalalng mula sa langit.

"Tulong!" "Wag ang aking anak!" "Takbo!"

"Prinsipe Ulyap!" Sigaw ng isang kawal "Ibinalita rin po na mas malala ang sitwasyon ngayon sa
iba't ibang lungsod pati na rin sa ibang kaharian!"

Naging seryoso ang ekspresyon ni Ulyap "Papano iyon nangyari?"

"M-mas marami raw ang bumuhos na nilalang at tila wala itong pigil na bumabagsak." Nauutal
na sabi ng kawal.

"Ihanda ang mga armas at isagawa ang pormasyon laban sa mga nilalang sa pinakamabilis na
panahon" Sabi ni Ulyap. "Lahat ng mga taong may handang armas ay agad na tulungan ang mga
taong inaatake."

Sinunod ito ng kawal at nang pa alis na si Ulyap ay may narinig siyang boses. "May maitutulong
ba ako?" Pagtatanong ni Ulap.

Hinarap siya ni Ulyap at pinilit na ngumiti, "Manatili ka lamang ligtas at pagtapos nito ay ipakita
mo sakin ang mala-bulak na bagay na lumalabas sa iyong kamay."

Tahimik lamang si Ulap at tinitigan ang palayong si Ulyap. Tumingin siya sa kanyang kamay na
may mga mala-bulak na bagay na lumulutang at napagtanto ang dahilan kung bakit siya nabuhay
sa mundong ito.

Malubha ang sitwasyon at nakikipaglaban ang mga tao laban sa mga nilalang. Marami nang
napaslang na nilalang si Ulyap nang may masilayan siya sa gilid ng kanyang mata.
"Ulap?!" sigaw niya nang makita si Ulap na napapaligiran ng mga nilalang. Natataranta siyang
nagmadali papunta dito ngunit bago pa siya makalapit ay may mga mala-bulak na bagay na
bumulusok papunta sa mga nilalang. Agad na bumagsak ang mga ito.

Napatulala si Ulyap, "A-ano ang nangyayari?"

Nilingon siya ni Ulap at ito'y ngumiti, "Ang mundong ito'y kung saan ako nabuhay. Nagkataon na
dito kita nakilala at itinuro mo sa akin ang iba't ibang kaalaman na nagdulot sa akin na
magkaroon ng pagmamahal sa mundong ito." Marahang aniya.

"Napamahal ako sa mundong ito. Kaya naman nais kong protektahan ang lahat ng mga
nilalalang na naninirahan dito." Sabi niya habang nakatitig sa mata ni Ulyap.

Muling nataranta si Ulyap dahil pakiramdam niya'y nag-papaalam sa kaniya si Ulap. "Ano bang
balak mong gawin at parang nag-papaalam ka sa akin? Wag kang magbiro at bumalik ka sa
loob."

Kalmado lamang nakangiti sa kanya si Ulap at sa puntong iyon ay naintindihan ni Ulyap ang nais
niyang gawin. Patulalang tumingin siya sa mala-bulak na bagay na nasa paligid na tinutulungan
ang mga tao kasama ang ibang armas at ibinaling ang paningin sa mukha ni Ulap.

Di niya napigilan ang luhang tumulo sa kanyang mga mata at mga hikbing lumabas sa kaniyang
labi. "M-mag kikita pa ba tayo?" Naluluhang aniya.

Sinagot naman siya ni Ulap. "Lagi mo akong makikita pag-inangat mo lang ang iyong paningin."
Sabi niya habang tinatapik ang ulo ni Ulyap.

Sa sumunod na sandali ay lumutang ang kaniyang katawan papuntang langit at parami nang
parami ang mala-bulak na bagay na pumapaligid.

Tila may naramdaman ang mga nilalang na inaatake ang mga tao at parang natarantang
tumakbo ito sa iba't ibang direksyon.

Sa loob ng mga nagtipong mala-bulak na bagay ay may umilaw at nasilaw ang mga tao at iniwas
ang kanilang tingin ngunit si Ulyap ay nanatiling nakatitig dito nang may luha sa mata.

Nagkalat ang mga ulap sa iba't ibang bahagi ng himpapawid at umulan ng tubig sa buong
mundo. Nang dumako ito sa mga masasamang nilalang ay agad itong natunaw samantalang
nang tumulo ito sa balat ng mga tao at hayop ay tila mahinhin ang mga patak na ito.

Lumipas ang panahon at bumalik sa kapayapaan ang buong mundo. Minana ni Ulyap ang
kaharian mula sa kanyang ama at siya's isang naging mabuting hari.
Ang kaniyang palasyo ay puno ng ulap na disenyo at may malaking bintana sa tuktok upang
masilayan ang mga tila gumagalaw na ulap sa himpapawid.

You might also like