You are on page 1of 17

Ang kalapati'y laruan ng mga batang madalas na koleksyon ito sa ngalan ng paglilibang.

Paliliparin nila ito't hihintaying bumalik sa kanilang bisig. Ngunit si Liezel, ay isang kalapating

mahina ang bagwis. Kalapating mababa ang lipad.

Maingay ang nililikhang tunog ng mga malalaki't sunod-sunod na patak ng ulan sa mga

kalawanging yero. Makulimlim ang buong kalangitang nagpapahiwatig na magtatagal ito. May

kalamigan ang bawat ihip ng hangin, ikinakalat nito ang masangsang at nakasusulasok na amoy sa

paligid. Naghahalo ang mga basura, dumi ng mga bata't hayop sa umaagos na maitim na tubig sa

makikipot na daanan sa pagitan ng bawat nangungupas na pintaradong mga bahay.

Sa isa sa marurungis na puting bahay, kung saan ang pader ay tadtad ng mga idinikit na larawan

ng mga politiko, ay naroroon si Liezel. Nakatanaw ito sa bumubuhos na ulan mula sa maliit na

siwang na likha ng binuksang bintana. Nakataas ang kanang paa. Nakapangalung-baba sa kanang

kamay habang ang usok sa mainit na bagong timplang kape ay naglalaro sa harapan ng kanyang

mukha. May kakaiba ang bawat araw at batid niyang hindi lamang iyon pagod mula sa trabaho

niya gabi-gabi.

Maramiang tumatakbo sa utak ni Liezel. Patuloy siyang nakatulala habang mahinang pinupokpuk

ng kaliwang kamay ang lamesa kasabay nang walang ampat na pagmumura. Natatapon ang kape.

Aagos ito patungo sa kanyang mga binti. Lalakas at lulutong ang pagmumura ni Liezel habang

magmamadaling tumayo.

Iluluwa ng pintuan ang babae. Tatama sa balat niya ang makukulimlim pa rin na liwanag ng langit.

Mapapa-paltak at tataas ang kanang kilay sa imaheng bubungad sa kanyang paningin. Ang makipot

na pasilyo'y napupuno ng mga basura at ang simoy nito ay mas higit na 'di kaaya-aya. Dudukot

siya sa kanyang maliit na bulsa at kukuha ng chewing gum. Bubuksan. Ngangatain niya ito ng

1
marahan, at iikot ang mga mata sa nakikita. Nakaheels siya, maikling maikli ang shorts at

nakasandong itim na hapit hapit sa kurba ng kanyang katawan at nagmumurang dibdib na kung

maglalakad ay tila gulamang aalog at walang duda'y makakaakit ng pansin, gaya ng nais niya.

Ang paglalakad ni Liezel ay makatatawag ng pansin. Sa nag-aagaw dilim na dapithapon, habang

nanatiling basa ang nilalakaran, kaliwat kanan ang mga dumaraan, ay mangigibabaw si Liezel na

tila umiilaw sa may kadiliman nang paligid. Mas iingay ang mga pitada. Sisipol ang mga tigang.

Hihiyaw ang mga tambay. Kakantsaw ang mga konduktor. Manlalagkit ang tingin ng mga lalaking

nakakasalubong. Tataas ang kilay ng mga tinderang babae. Ngingiti ang mga matatandang

manyak. Sanay na rito si Liezel. Mas ikalulungkot pa nga niya siguro kung hindi na siya makaakit

ng ganitong pansin. Ito ang kanyang buhay, ang buhay ng isang puta.

Sa kalagitnaan ng gabi, alas-dose ng madaling araw. Sa liwanag ng maputlang kulay na pula na

tanging ilaw sa silid ay umiindayog ang kanyang katawan. Ang mga pawis mula sa sutla niyang

balat ay patunay sa init ng pagniniig. Magulo ang kanyang kayumangging tuwid na mga buhok.

Mahina ngunit marahas ang boses sa bawat daing at paghinga. Samantalang humahalinghing sa

sariling kahayukan ang lalaking nakadikit sa kanyang balat. Mabilis ang bawat kilos, tila may

hinahabol, hinahabol ang kapusukang dinudulot ng init ng katawan. Mabibigat ang bawat paghinga

na paminsan minsa'y uusal ng ngalan, o kung minsa'y magdidikta sa bagal at bilis. Sa ganitong

mga pagkakataon ay nawawala ang espasyo sa utak ng babae, ang madalas na pag-iisip sa kawalan.

Lumalakas ang boses ni Liezel at ng matandang kano na nakapatong sa walang saplot niyang

katawan. Palakas nang palakas ang kanilang mga boses. Pabilis nang pabilis ang mga galaw. At

matapos maabot ang rurok ay lulugmok ang kano sa kanyang harapan.

2
Nag-abot ng bayad si Liezel sa kanyang bugaw, para iyon sa magandang trabaho at kita nila

ngayong gabi. Bitbit lang ang nakuhang pera ay nagsimula na muling maglakad si Liezel.

Madaling araw na. Ang kaninang madilim na langit ay nagsisimula nang guhitan ng kulay, pula

hanggang dilaw, maligamgam hanggang naghuhimiyaw na kulay at init. Siguro ika-apat o lima na

ng umaga. Biglang tila kidlat ay may sumilid sa kanyang utak. Magmamadali niyang tinungo

pabalik ang hotel, hawak ang isang maliit na bagay na kahapon, habang naglalakad, ay naisipan

niyang bilhin. Huwag sana.

Mabigat ang kamay na binuksan ni Liezel ang pinto. Nagngi-ngitngit ang mga ngipin nito at

matatanaw sa mga mata ang sobrang galit. Malakas ang naging bagsak ng pintuan na magiging

hudyat sa mga kapitbahay sa susunod na mangyayari. Napapitlag si Neloy. Ang asawa ni Liezel.

Ang patpatin, maraming sugat, may kaliitan at mukhang mahina na si Neloy. Nagluluto ito ng

almusal na itlog, samantalang ang sinangag na bahaw mula kahapong kanin ay nakahain na sa

lamesa. Dali-dali at nanginginig nitong pinatay ang apoy sa kalan at tila asong nakayukong lumapit

sa kanya upang alisin ang kanyang sapin sa paa. Tuwing umaga lang sila nagkikita ng lalaki.

Nagtatrabaho ito sa palengke bilang boy at kadalasay umuuwi nang madilim na. Akmang

hahawakan nito ang kanyang mga paa ng buong lakas niya itong sipain. Tumalsik sa papag ang

maliit at kawawang lalaki. Nagsisimulang lamunin ng takot at pagmamakaawa ang mukha. Mula

rito ay lalapitan niya ang asawa at hihilahin ang maninipis nitong buhok. Puno ng galit. Mahigpit

ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa mga hibla ng buhok ng lalaki. Sumisigaw ito ng

pagsusumamo habang dumadaing ng sakit. Nababasag ang tinig sa pagitan ng pag-iyak. Tumatama

ang payat na katawan sa bawat kanto at kagamitang madaanan. Mahahagilap ng

3
kanyang mga kamay ang panlinis ng sahig -tambo. Hahagupitin niya ito ng walang humpay, sa

ulo, balikat, sa kung anong tamaan ng kanyang paningin at kamay. Walang kuwenta ang nababasag

na tinig ng pag-iyak ng lalaki. Tanging ang mga tunog ng hampas, iyak, at angil ni Liezel ang tila

ingay sa karatig bahay maging sangkapat ng compound.

"Gago ka 'Zel. Gago ka"

Mahina, nag-iiyak at paulit-ulit na sinasabi iyon ni Neloy habang nanatiling nakalupasay sa sahig

at naghahanap ng lakas upang tumayo. Dumudugo muli ang maraming parte ng kanyang katawan,

ang iba'y bago ngunit ang karamihan ay dati na at hindi gumagaling dahil sa bago pa man ito

matuyo'y bubogbugin siyang muli.

Ang kanina'y nagngangalit ay biglang bubunghalit ng tawa, habang nakaupo't nakasalampak sa

silyang nasa tapat niya. Napagod siya sa kanyang ginawa ngunit kahit papaano'y nabawasan nito

ang kanyang masidhing galit. Sa malakas na pagkakatawa'y muli, saglit at nakakabibiglang

seseryoso ang mukha ng babae.

"Buntis.... ako.... Neloy. Buntis ako."

Tila isang ihip lang nang hangin at ang kanina'y nagpupuyos sa galit na babae'y humahagolgol na

ngayon sa pag-iyak. Maingay ang bawat paghikbi. Mabilis ang pagtaas at baba ng likuran. Tuloy

tuloy ang pagbagsak ng mga luha.

"A-anak... ko ba yan?"

Ang nagitlang nanghihinang lalaki, sa kabila ng pagkabigla't pagkakahiga sa sahig ay nagpilit

iangat ang ulo at bitawan ang mga salitang iyon.

"Tang-ina. Sana hindi Neloy! Sana hindi!"

4
Pumipiyok ang boses ni Liezel sa kalagitnaan ng pagsigaw sa mga salitang iyon. Wala siyang pake

kung pagpyestahan ulit siya ng mga tsismosa. Wala na siyang pake.

"Sana nga'y huwag. Tangina. Bakit ko nanaisin? Ang mga kostumer ko'y gumagamit ng goma.

Napakatanga. Napakatanga ng tanong mong yan."

Pinanggigilan ni Liezel ang mga bawat salitang binibitawan. Puno ng pagsisi.

"P-pero.... p-paano.... mabubuhay ba ang bata? P-posible ba?"

Natigilan ang babae. Muling siyang sinampal ng realisasyon. Nakita niya ang pangamba sa mga

mata ng asawa. Paano ang bata? May sakit siya. May sakit sila. Mabubuhay ba ang bata gayong

parehong may HIV ang kanilang mga dugo?

Makalipas ang tatlong araw nang mangyari iyon. Tulala pa rin si Liezel. Madalas na nakatingin sa

maliit at nag-iisang bintana sa bahay. Ilang buwan na bang nakalilipas nang malaman niyang may

kung anong di siya maintindihan sa kanilang dugo, nila ni Neloy. Wala naman siyang masyadong

pinapansin sa nararamdaman, bukod sa madalas na labis na pagkahilo at pagsusuka, at ang ibang

mga malilit at bihirang sugat na akala niya'y mga galis. Ang sabi ng doktor ay HIV, isang sakit na

nakukuha sa pakikipagtalik at magpapahina sa kanyang resistansya. Maari daw maging AIDS, mas

malala at wala nang lunas. O sa madaling salita, dahan-dahang pagkamatay, gaya ng simpleng

paliwanag ng kanyang bugaw. Wala siyang pake. Hindi ba't kalayaan ang kamatayan?

HIV. AIDS. Hindi niya lahat iyon naiintindihan.

Ang malinaw sa kanya, kung sakaling ang kapalit ay kamatayan, may manghihinayang bang

mawala sa mundo ang isang taong parausan lang ang tingin ng nakararami?

5
Napagdesisyunan ni Liezel na bahagyang ipagpahinga ang katawan sa pagpuputa. Kahit papaano

nama'y mabubuhay sila at makakakain ng ilang araw sa kakarampot na sahod ng asawa sa pagiging

boy. At ngayon, gaya ng hinihintay niya, sa pagpatak ng ikalima ng hapon, dumating si Neloy.

Pagod at tila hapo, ang nanghihina at pagal na katawan ng lalaki ay babagsak sa lumang sofa ng

bahay. Aagit-it ang upuan. Hindi matibay, marahil ay dahil sa luma na ito.

"Itutuloy ko ang pagbubuntis. Bubuhayin natin ang bata."

Babasagin ng mga katagang iyon ang katahimikan. Galing iyon kay Liezel. Pinag-isipan niya ng

matagal at buong araw ang mga salitang iyon. Biyaya pa rin ang bata. Biyaya ang anak. At hindi

niya naman nararamdaman ang sakit, bukod sa humihinang katawan. Gusto niyang bumilog ang

tiyan. Magluwal ng sanggol. Alagaan at maging isang ina. Tuturuan niya ito magsulat ng ngalan

at magbasa ng ilang mga salita sa abot ng kanyang makakakaya. Gusto niya ng pag-asa. Simula.

"Hindi ba't napag-usapan na natin yan? Yayakag akong pantungo sa Quiapo sa linggo at bibili ng

organikong pampalaglag."

Si Neloy, nagtataka sa biglang pagbabago ng isip ng asawa, ngunit mananatiling hindi pa rin pabor

dito.

"Huwag tayong maging ganid Liezel. Hindi tayo handa para sa bata, pinansiyal at sa estado ng

iyong katawan. Pasakit ang laman ng iyong matres. Problema. "

Mamumuo ang butil ng luha sa mga mata ni Liezel. Magtatama ang tingin niya ng kanyang asawa.

Umaasang mababago ang desisyon nito.

"Pero buhay ito Neloy. Maaring mahirap tayo, ngunit hindi ako papatay ng bata, ng ating anak."

nagmamakaawa, nasasaktan.

6
"Lintek na dahilan iyan Liezel. Lintek na konsepto ng hindi pagpatay. Bakit, hindi rin ba pagpatay

ang gagawin natin sakaling buhayin siya? Dahan-dahan rin siyang papatayin ng sakit natin. At

kung hindi don, papatayin siya sa gutom at karukhaang matagal na tayong idinudura sa mundo!"

mataas ang boses, hindi alam ni Neloy kung saan nanggaling ang kanyang paninindigan.

"Pero Neloy, pagiging alipin lang sa laman ang kasalanan kong kayang dibdibin, hindi ang ganito.

Neloy..." hahawakan ni Liezel ang kamay ng asawa. Nanginginig. Patuloy sa paghikbi.

Mag-iigting ang panga ng lalaki. Tila nalagot ang natitirang tali ng pasensya.

"Ang kasalanan ay kung hahayaan nating siyang danasin ang matagal na nating pilit na

tinatakasang buhay. Hindi ba't tinanggap na nga natin ang kamatayan? At anong plano mo sa bata?

Maging kargador na gaya ko, o maging isang Magdalenang gaya mo?"

Sampal. Sa pagkabigla'y sinampal ni Liezel ang asawa. Subalit magmamadaling lapitan ito,

makikita ang pagsisisi sa mukha.

"Neloy.... Magbabago na ako. Magdadasal ako sa simbahan. Magiging isa akong ganap na ina.

Hindi siya magkakasakit, susubok ako sa barangay, sa ospital. May naitatago pa naman akong

baryang salapi kahit papaano. Parang awa mo na, bubuhayin ko ang bata Neloy. Anak natin ito.

May buhay at magkakaroon ng pagkakakilanlan, hindi siya matutulad sa atin."

Sa malakas na sampal ay biglang lalambot ang mukha ni Neloy nang makita ang pagsusumamo

ng asawa.

"Liezel, bakit hindi ko iibigin ang isang supling sa babaeng mahal ko? Bakit ako hahadlang sa

isang biyaya ng buhay at pag-asa? Subalit ang pagmamahal ay hindi laging siyang kailangang

magdikta, dahil madalas na taliwas ito sa praktikalidad at malayo sa katotohanan. At hindi rin ba

7
pagmamahal iyon? Lubos natin siyang mahal na hindi na natin siya paparanasin magpasan ng

bigat. Maaring biyaya siya sa atin, ngunit tayo at ang ating mundo, ay hindi sa kanya. Ito'y....

pasakit."

Punong ng pait ang boses ni Neloy habang nakatitig ang mga mata sa asawa. Luluha. Tuloy-tuloy.

Walang ano-ano'y lilisanin niya ang bahay. Mag-iinom siya sa kanto, hayaan nang mabugbog ng

mga buraot na kapitbahay. Nais niyang tumakas. Tumakbo.

Maiiwan sa bahay si Liezel. Hawak ang kanyang puson, lumuluha.

Naging mabilis ang takbo ng oras. Ipagpapatuloy ni Liezel ang pagbubuntis bagamat hadlang ang

lalaki. Naging mahirap at kumplikado gaya ng kanyang inaasahan ang mga nakalipas na araw.

Madalas ang pagkahilo't pagsusuka. Unti-unting dumarami ang mga sugat sa makinis niyang balat,

tila lapnos, mahapdi ang mga iyon. Samantalang si Neloy, kung umuwi ay parating pagod, ay

madalas na may bitbit na mga prutas. Hindi siya kinakausap bagamat madalas ay nababatid at

natatanaw niya ang pag-aalala nito. Ang paghahanap niya ng pag-asa ay hindi lamang para sa

kanyang anak, maging para sa kanilang dalawa.

Sinubukan ng babae na dumulog at makipagsapalaran sa mga organisasyon. Baka sakaling alam

nila ang gamot o may makatulong upang maremedyuhan, upang tumagal ang kanyang buhay at

maging malusog ang supling sa kanyang sinapupunan. Madami ang mga ito, iba't ibang ngalan.

Minsa'y sa baranggay at ang iba'y mga hindi raw konektado sa gobyerno. Ang lahat ay nais

makatulong, ngunit hindi lahat ay ang tulong na kailangan niya ang maibibigay.

"Ganyan ba ang inyong ginagawa sa lahat ng maysakit na gaya ng akin?" mataas ang boses ni

Liezel.

8
"Binubusog niyo ba lahat ng simpatya at pagtanggap? Ng pagmamahal sa kabila ng kondisyon, na

kaibig-ibig ang isang putang bayaran ang laman? O kahit ang isang pawaldas ang katawan sa kung

kanino naisin?"

Matatahimik ang buong silid. Ang lahat ng mga mata ay mapapako kay Liezel at sa babaeng

kanyang kinakausap. Samantalang ang kanyang leeg ay matatanaw ang bumabakat na mga litid

marahil ay dahil sa emosyong pinapakawala.

"Bakit niyo kami binubulag sa pagpapagaan ng aming problema? Hindi bat sa halip na huwag

kaming paiyaki'y, hayaan kaming humagolgol sa kapariwaraang naganap sa aming katawan, na

pinili namin para sa aming katawan? At kung umiyak, hindi niyo kami kailangang patahanin. Ito'y

aming pagkakasala, kaming mga hindi pinilit at hindi pinagsamantalahan ay hindi niyo kailangang

itago sa aming pagkakamali. Ito'y aming kabayaran at ang aming pagdudusa'y babala na huwag

nilang pamamarisan." pinanggigilan niya ang mga bawat salitang binibitawan.

"Hindi niyo ako kailangang bulagin sa pagmamahal upang takpan ang aking pagkakasala, batid ko

ang aking kamalian. Subalit ang busugin niyo ng pangaral ay ang hindi nagtataglay ng dugo na

gaya ng akin, ng mapaminsalang bagay na namamahay sa aking dugo. Turuan niyo silang huwag

tumulad at maging maingat. Hindi ko kailangan ang sobrang yakap at pagtanggap mula sa lipunan,

dahil hindi ako hipokrito, ang aking mismong sarili, nagwawala at hindi makatanggap. Ang

kailangan ko'y pag-asa, paraan upang mabuhay ang anak ko."

Ang lahat ng kanyang mga sinabi ay tila kutsilyong tatarak sa puso ng bawat taong naroroon, may

sakit at wala. Mahina subalit magsisimulang marinig ang mga malalalim na buntong hininga at

mahihinang hikbi.

9
Hindi mabilang na lugar na ang tinungo ni Liezel upang humanap ng tulong, subalit simpatya lang

palagi niyang natatamo. Hanggang kailan ba siya mabubuhay ng ''naiintindihan ka namin' o ng '

huwag ka mawalan ng pag-asa.' ?Paulit-ulit. May ibang nagbibigay ng gamot, upang mabawasan

ang sintomas at ang posibilidad na makahawa ngunit hindi ang upang gumaling. Ang gusto niya'y

gumaling. Gusto niyang makatakas.

"Huminahon po kayo Maam." malambing ang boses ng lumapit na babae. Tila nakatataas ang

posisyon sa kanyang kaharap. May katandaan ngunit klaro pa rin ang kagandahan sa mukha nito.

Hahawakan ang kanyang mga kamay at susubukang pagaanin ang kanyang loob.

"Gusto ko lang na mabuhay ang anak ko. Nakikiusap ako." Ibabaling ni Liezel ang pakiusap rito.

Higit na kalmado na ngayon.

"Mabubuhay po ang anak niyo. Tutulungan namin kayo sa abot ng aming makakaya." sinsero ang

ngiti nito. Uupo ito sa harap niya, magsisimulang magkuwento.

"Alam mo Liezel, HIV positive din ako. Nabuntis at nagkaanak. Sinong may sabing hindi tayo

maaring magkaanak? Na hindi natin kaya? Posible Liezel. Posible." hawak pa rin nito ang kanyang

mga kamay. Walang halong pandidiri at pagkasuklam

"Subalit, hindi ganoon kadali. Maaring mahawa natin ang bata, sa gatas ng ating dibdib, o maging

sa pagsilang natin sa kanila. Ang ating mga dugo ay kailanga'y huwag mahahalo ng sa kanila."

"Paano?" nagtatanong, nais ni Liezel marinig ang matagal nang inaasam na kasagutan.

"Ngayon, kelangan mo ng gamot. Para sa resistensya mo at sa resistensya ng bata. Kailangan mo

rin uminom at sakali ng iyong anak pagkasilang ng mga ANTI-HIV drugs. Hindi ka pwedeng

10
manganak ng normal Liezel. Delikado sa bata. Cesarian delivery ang kailangan upang maiwasan

nating makahawa."

Susubukan ng babae na dukutin ang barya sa bulsa ng luma at kupas niyang maputlang dilaw na

palda.

Limampiso.

At isang poster na nagtungo sa kanya rito.

"Pero walang akong pera Maam e." pipiyok ang kanyang kanina'y matatag na boses.

Matatanaw ang kalungkutan sa mata ng babaeng kanyang kinakausap.

"Tutulungan ka namin. Tutulungan natin ang isa't isa Liezel. Maraming may nais tumulong sa atin,

huwag kang matakot. Ang pagkakamali ay kung sakaling magtago at huwag gumawa ng paraan."

sisilay ang ngiti rito.

Tila nakahanap ng pag-asa at kasagutan, may kung anong galak siyang madarama.

"Maam, ang asawa ko, si Neloy, may HIV rin sya. Tulungan mo kami."

At gaya ng matagal niya nang inaasam, ang tila imposible ay maari pala. Si Neloy, siya, may pag-

asa pang mamuhay pa rin sila ng normal.

"Hindi ako magpapagamot. Ano pang kuwenta? Mamamatay rin tayo Liezel. Mamamatay rin

tayo." matigas si Neloy. Hindi siya papayag sa nais ng babae.

"Pero sabi ni doc, may pag-asa pa. Maaring mabawasan ang sintomas o kaya hindi lumala. Neloy

naman, kailangan natin to."

11
"At anong sasabihin ng makaaalam ng lagay natin? Pandidirihan nila tayo? Sapat nang kinukutya

tayo sa lagay natin, parang-awa mo na, huwag mo nang dagdagan."

"At anong mangyayari kung itago natin? Gagaling ka ba? Gagaling ba tayo Neloy? Tang-ina. Hindi

pa ba tayo sanay sa mapanghusga nilang tingin? At ano? Mahahawa lang natin sila kung

makikipagniig tayo sa kanila." nakiki-usap ang boses ni Liezel.

"Magbabago na ako Neloy. Pangako, magbabago na ako pumayag ka lang."

"Kahit ano pang sabihin mo Liezel, ang pasya ko'y hindi sumama sa iyo. Hinayaan na kita sa

pagbubuntis na iyan, ngunit huwag mo na akong idamay sa mga kahibangan mo." matapos sabihin

iyon ay magmamadaling lilisanin nito ang bahay. Malamang mag-iinom ulit. Magpapakalunod sa

alak sa pag-asang kahit sandali'y makalimot.

Muling maiiwan si Liezel subalithindi mawawalan ng pag-asa. Ngayon niya pa ba susukuan ang

pagkakataon gayong may mumunting pag-asa na siyang nasisilayan.

'Pasasaan't papayag rin si Neloy. Mapapapayag niya rin ito.'

Hapon, marahil ala-dos o di kaya'y alas-tres, ay nag-aayos ng sarili si Liezel. Nakaitim na

bestidang hanggang ibaba ng tuhod at may manggas hanggang siko. Hindi gaanong mapula ang

labi. Taliwas sa madalas na palaban ay magaan ang mukha nito ngayon. Bukas pa ang

pakikipagkita niya sa doktor at organisasyong tutulong sa kanya. Ngayo'y tutungo siya sa

simbahan. Hindi sa misa. Nais niyang mapag-isa kausapin ang Diyos. Marami rami ito. Marami

siyang sasabihin.

Si Liezel ay matatanaw sa dulo ng simbahan. Nakaluhod at waring nagsusumamo ng kanyang

hiling, ng inaasam na dasal. May hawak na rosaryo. Panata raw ito at mas higit na didinggin ang

12
dasal kung sa paraang mahirap at masakit ito ipaparating. Nagsimula syang igalaw ang mga binti

habang nanatitiling nakaluhod. Tutunguhin niya ang altar sa ganitong paraan.

Nagmamakaawa.Nagsusumamo.

Humahapdi na ang kanyang mga tuhod. Malapit niya nang marating ang unahan. Sandali nalang

ay didinggin na ang kanyang hiling. Subalit sa bawat abante ng kanyang mga hita ay tila sabay na

kikirot ang kanyang puso. Bumabalik ang alaala ng kanyang kahapon, ang tinatakasang pagkatao.

Maayos at tahimik ang kanyang buhay noon. Sa probinsya, kasama ang kanyang matandang lola,

si Aling Seda. Hindi niya kilala ang ina, may pamilyang bago ang ama. Busog sa pagmamahal at

aruga, naghanap ng bagong perkspektiba si Liezel. Nais niyang makipagsapalaran sa Maynila, ang

buhay rito, gaya ng napapanood niya sa mga telebisyon ay nais niyang maramdaman. Ang magsuot

ng mga bago at naayon sa nakararaming kasuotan ay hindi ba't babagay rin naman sa katawan

niyang pinagpala.

Sa pakikipagtext ay nakilala niya si Miguel, ang lalaking nag-udyok sa kanyang magtanan at

magtungo rito, sa siyudad. Tinakasan ang matandang walang kaalam-alam, tinungo niya ang lugar

na ito. Si Miguel, na akala niya'y gaya ng mga lalaki sa dramang panggabi, maginoo at matalino,

ay kabaliktaran. Matandang sugarol at palamunin, hiwalay sa asawa at may ilang anak.

Pinagsamantalahan siya ng lalaki. Ginawang sariling puta. Ang walang muwang niyang pagkatao

ay namulat sa maduming mundo nang ipasok siya nito sa prostitusyon. Bawat gabi, bagong

kasiping. Walang gabi niya noong minumura ang sarili sa naging desisyong lisanin ang matinong

buhay. Bumaliktad ang kanyang mundo. Ang kanyang dati'y bahay ng Diyos sa puri ay parausan

na ngayon ng mga nag-iinit na katawan. Gamit.

13
Nang mahuli at mapatay sa pagdodroga si Miguel ay saka siyang babahagyang nakalaya sa pinasok

na mundo. Subalit wala na siyang takas sa lugar na ito. Yayakapi't matatanggap ang bagong

pagkatao. Ang isang puta. Sa pagpipilit na kanyang bugaw, ay napilitan siya noong ipasuri ang

dugo sa posibilidad ng HIV, duda at posibleng makuha niya ito sa pakikipagtalik, lalo na't marahas

at walang ingat si Miguel.

Positibo. May demonyo sa kanyang dugo. Nakukuha sa pakikipagtalik, hindi sa ibang pisikal na

bagay maging halik. Lalong gumuho ang dati niya nang guhong mundo. Subalit ano pa ba ang

mawawala sa kanya? Hindi ba't pabor pa nga na mamatay siya kung sakali ng maaga. Ang

makatakas sa mundong ito at sa kinahinatnan ng kanyang buhay ay tatanggapin niya ng buo at

lubos. Andoon rin, sa mismong ospital niya nakilala sa Neloy. Pareho silang positibo, ano pa bang

mawawala?

Pumikit si Liezel sa tila mabilis na agos ng mga alaala. Ang mapula niyang mga mata ay sandaling

luluha. Bakit siya napunta rito?

Nagtatanong sa Diyos, o sa repleka nito. Mababakas ang parehong lungkot sa mata niya at sa mata

ng lalaking nakapako sa krus. Nakatitig ito sa kanya at hindi bumibitaw. Nagsusumamo siya

rosaryo, nag-iiyak at umuusal ng walang tigil na pagmamakaawa sa pagitan ng pagsusumamo.

Wala siyang pake kung mapagkamalang baliw at wala sa wisyo. Humagulgol si Liezel,

nagtatanong ng bakit, ng paano at umaasa. Ang isang makasalanang gaya niya ba ay

mapapatawad?

Itinaas niya ang kanang kamay at sinubukang abutin ang imahe ni Hesuskristo habang nanatiling

nakaluhod. Napakalayo nito sa kanyang kamay. Nais niya maabot ito't mahaplos ang nagdurugong

katawan. Umaagos ang dugo sa pagal nitong katawan. Nalulungkot ang mga mata. May koronang

14
tinik. Nakapako ang mga kamay at paa. Ang kabanalan nito, bagamat alam niyang malayo sa

kanya, ay nais niyang mahawakan at dasalan. Malamig marahil ang katawan ng Diyos. Malamig.

At gaya ng biglaang naramdaman niya sa pagitan ng kanyang mga hita. Malamig ito. Malamig.

Nanghihinang sinapo niya ito at dahan dahang itinaas ang kamay. Dugo. May dugo ang itim na

bestida sa kanyang parteng puwitan. Tinitigan niya ang makinang at mapulang dugo na nakabahid

sa kanyang kamay. Sumigaw ng pagkagimbal ang babae na nakatawag ng atensyon sa lahat ng tao

sa simbahan. Sinundan ito ng palahaw ng pag-iyak niya habang nakatitig sa kanyang madugong

palad.

Ang dugo sa puso ni Hesus, at ang dugo sa kanyang kamay na nagnanais mahaplusan ito kanina.

Dininig ng Diyos, ngunit..... bakit? Humagolgol siya ng iyak habang tumatawag ng tulong at

ngalan, ngalan ng kanyang asawa.

Sa tapat ng pari, lugar pangumpisalan, ay tanging manipis na tila yari sa rattan ang namamagitan

sa kanila. Makalipas ang dalawang linggo ng pagdugo at pagkawala ng kanyang anak. Ilang araw

matapos nilang iwanan ang isa't isa ng kanyang asawa, siya upang ituloy ang pag-asa ng paggaling

at si Neloy upang tanggapin ang sa kung anong patutunguhan ng sakit.

"Ibulong mo ang iyong mga kasalanan. Nakikinig ang Diyos. Papatawarin ka niya."

Nagsalita si Liezel, mahina subalit sapat na upang marinig ng pari.

"Father, sa iyong tingin, nanonood ba ang Diyos sa bawat gabing may kasiping ako? Naririnig

niya ba ang aking bawat halinghing? Nalalaman niya bang hindi ito boses ng kahayukan at sarap?

Na ang bawat luha sa pagitan ng mararahas na pag-ulos ay may daing ng pagkaawa sa sarili at

mahinang hikbi ng pagtawag sa kanyang habag."

15
"Hindi mapusok ang aking katawan. Hindi hayuk at gutom sa laman subalit nakakulong.

Nanglalanta sa karukhaan. Nagwawala ang sikmura. Gaano kahalaga ang dignidad? Iyon ba ang

krus na kailangang pasanin ng bawat nabubuhay? Ang dignidad, ang krus ng tama at mali at hindi

ng mabuti at masama."

" Mapapatawad ba ako ng Diyos? Ito ba ang kapalit ng pagbitaw ko sa aking dignidad, sa krus ng

moral at puri. Mapapatawad niya ba ang isang makasalanang puta?"

Ang kalapati'y susubok ipagaspas muli ang kanyang mga bagwis. Susubukang lumipad at

hahangaring maglaro sa himpapawid upang makauwi, upang makauwi.

16
Biyayang Pasakit

Maikling kuwento

Ika-3 pangkat:

Angeles, Chamille Constantine

Balatucan, Rosa Mae

Cabanero, Nashreen Ann

Cillo, Alyssa Dannah

Dela Paz, Beatrice

Villa Diego, Francis

Mayo, Ren

Ogbac, Ma. Peach

Soberano, Pauline

BS Psychology 1-3

17

You might also like