Professional Documents
Culture Documents
Toaz - Info El Fili Kabanata 19 Scriptdocx PR
Toaz - Info El Fili Kabanata 19 Scriptdocx PR
Toaz - Info El Fili Kabanata 19 Scriptdocx PR
(Kabanata XIX)
………………………………………………………………………………………………………………
Mga Tauhan:
P - Placido Penitente
KA - Kabesang Andang
S – Simoun
L1 - Unang Lalaki
L2 - Ikalawang Lalaki
…………………………………………………………………………………………………………………………...
UNANG EKSENA
(Si Placido Penitente ay mabilis na naglalakad pabalik sa kanilang bahay na may luha sa mata at
binabangga ang lahat na nakakasalubong)
P: (kinakausap ang sarili) Mula ka sa Batangas, Placido Penitente! Ipakita mong may karangalan ka,
maghiganti ka! Sinasabi nilang di ka daw marunong pumarehas, kumidlat sana at nang makita natin!
KA: A, ganun ba? O, ito ang iyong baon para sa susunod na lingo.
KA: Ay! Ipinangako ko pa naman sa iyong ama na ikaw ay aking paaaralin upang maging isang
manananggol, isang abogado. Kahit minsan di ko ginamit ang pera sa kahit ano kundi para sa iyong pag-
aaral, sa mga pamisa, at sa paghahandog kay San Sebastian. Kung ako ay naglaho, ano naman ang
sasabihin ko sa iyong ama?
KA: Ano ba gusto mong mangyari? Tawagin ka nilang subersibong elemento o filibustero at bitayin?
Ilang beses na kita sinabihan na dapat ikaw ay magpakumbaba! Hindi ko sinasabi na halikan ang mga
kamay ng prayle subalit kailangan natin sumunod sa kanila. Ano pa ba ang dapat nating gawin? Walang
manananggol o manggagamot; magpasensiya ka. Anak, magpasensiya ka!
KA: Ang ilang Pilipino na hindi minsan lumaban sa mga prayle ay nagkaroon ng labis na mga biyaya; ang
isa ay nagging promoter-piskal, ang isa ay nakapag-asawa ng mayaman at ninong ng anak nila ang kura
paroko.
P: (nagbuntong-hininga) Nay, lalabas muna ako saglit.
………………………………………………………………………………………………………………………
IKALAWANG EKSENA
P: Ubos na ang aking pera. Nagugutom ako. Siguro, pwede na akong makauwi at baka wala na si nanay.
KA: Hay salamat nakarating ka na din. Hinintay kita upang sabihin sayo ang aking plano; kailangan mo
ng tulong ng namamahalang Agustino upang mapawi ang pagkamuhi ng mga Dominiko. Ka-
P: (Kumumpas ng kamay) Mas gusto ko pang tumalon sa dagat o sumali sa tulisan kaysa bumalik sa
pamantasan!
KA: Placido!
………………………………………………………………………………………………………………………
IKATLONG EKSENA
S: (Papasok ng karwahe)
P: Mang Simoun! Mang Simoun! Hihingi po ako ng tulong - nais kitang makausap sandali.
S: (Naiinis)
P: Pinahiya ako ng mga prayle sa unibersidad. Ayaw ko nang mag-aral ngunit ipinipilit ako ng aking ina.
Nais kong lumuwas papuntang Hong Kong
………………………………………………………………………………………………………………………...
IKAAPAT NA EKSENA
(Nadaanan nila sina Paulita at Isagani kasama na sinusundan ni Donya Victorina at Juanito Pelaez)
S: (Kumatok sa pinto)
L1: (Sinalubong si Simoun) Aba, kayo pala, ginoo.
S: Mabuti, kailangan umalis ka ngayong gabi upang gawin ang mga ipinapagawa ko sa iyo.
S: Hindi natin kailangan ang kapaligiran. Hindi na tayo makapaghihintay pa nang matagal. Baka
mamatay na si Maria Clara. Lumisan ka ngayon din.
S: (Lumingon kay Placido) Nagtataka ka ba kung bakit napakahusay magsalita ng Kastila? Isa siyang
dating guro na ipinatapon dahil sa kanyang pagtuturo at pagiging magkaibigan nila ni Ibarra. Iniligtas ko
siya at ginawang eksperto sa tekniko sa pulbura.
(Bumalik sila sa lansangan at may isang matandang Kastila sa harapan ng maayos na bahay)
S: Humanda ka.
S: Sa isang linggo.
L2: Agad?
S: (Humarap muli kay Placido) Nagtataka ka ba sa Kastilang iyon? Dalawang taon na ang nakalipas nang
iya ay kasinlakas mo. Nakikita mo siya ngayon na may rayuma at malaria na magdadala sa kanya sa
nalalapit na hukay. Sinuwerte siya na nagkaroon ng magandang asawa.
………………………………………………………………………………………………………………………...
IKALIMANG EKSENA
S: Ilang araw na lamang. Kapag umabot na ang mga kaguluhan sa kahangganan at dumaloy na sa
lansangan ang aking paghihiganti, kukunin kita mula sa iyong kulungan. Ikaw ay magiging parang Fenix
na makakalipad mula sa nagliliyab na lungsod… Bago sumapit ang kabilugan ng buwan, maliliwanagan at
masisinagan ng kalayaan ang Pilipinas!
S: (Huminto at parang nakonsensiya) Siguro may sakit ako… (Isinara ang kanyang mata at hinawakan
ang noo)
S: Ama? Elias? (Huminto at natakot) Hindi, hindi na ako pwedeng umatras. Malayo na ang narating ko
at malapit na ako magtagumpay. (Ipinunas ang pawis sa noo) ‘Di tulad niyong dalawa.
………………………………………………………………………………………………………………………...
IKA-ANIM NA EKSENA
KA: Anak, dapat ikaw ay magpakumbaba. Hindi ka dapat tututol sa mga sinasabi ng mga prayle dahil sila
ay makapangyarihan. Kakausapin mo ang Prokurada ng Agustino upang siya ang mamagitan para sa iyo.
P: (Mahinahon) Nay, ‘wag na po kayo sumali sa gulo. Mas madali nalang na umuwi na po kayo sa
Batangas,
P: Dahi kapag nalaman ng Prokurador na nandito ka, hindi siya kikilos hangga’t hindi kayo magbibigay
ng regalo at magpamisa ng marami.
………………………………………………………………………………………………………………………...