You are on page 1of 18

Republika ng Pilipinas

Laguna State Polytechnic University


ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited
Kurso/Seksyon BSED 3B (Ika-9 na Tagapagturo
Asignatura Filipino 14 (Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan)
Semestre/Taong Panuruan Unang Semestre /2022-2023
Pamagat ng Aralin ANG BABAE SA MGA KATHA NI GENOVEVA EDROZA-MATUTE

GENOVEVA EDROZA MATUTE (1915-2009)


Sino si Genoveva Edroza-Matute?
Kilala sa tawag na "Aling Bebang," ipinanganak si Genoveva
Edroza Matute noong Enero 13, 1915, bunso sa labindalawang
magkakapatid, at supling nina Anastacio B. Edrosa at Maria Magdalena K.
Dizon. Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa karerahan ng kabayo
sa San Lazaro. Nag- aral siya sa Santa Clara Primary School (na magiging
Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary School, pagkaraan ay
sa Manila North High School (na Arellano High School ngayon),
nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine Normal University
ngayon) at nagtapos ng Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon, Medyor sa
Ingles hanggang matapos ang masterado sa Filipino at doktorado sa
edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas. Naging guro ng apatnapu't
anim (46) na taon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Nagkamit siya ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for
Nilalaman Literature mula sa kanyang mga akdang Parusa (1961), Paglalayag ng Puso
ng Isang Bata (1995) at kwento ni Mabuti (1950) na nagbibigay sa kanya ng
titulo bilang kauna-unahang babaeng nakapag-uwi ng parangal sa larangan
ng maikling kwento. Nakamit din niya ang Republic Literature Awards ng
National Commission for Culture and the Arts. Nagkamit din siya ng
Kalinangan Award ng Maynila 1967, Gawad Pambansang Alagad ni
Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas 1988 at Gawad CCP
para sa Sining, 1992 at ginawaran din siya ng Lifetime Achievement Award
for Literature.
Kontrobersiyal ang buhay ni Aling Bebang dahil malinaw ang
kaniyang paninindigan sa pagsusulong wikang pambansa. Ang ganitong
tindig ay maaaring sanhi ng kaniyang masaklap na karanasan noong nasa
elementarya, na inilakip ni Borlaza sa talambuhay ni Aling Bebang.
“Mabuti naman at mababait ang mga guro sa mga paaralang
pinasukan ni Bebang, bagaman ang guro niya sa Unang Baitang ay may
kakatuwang pamamalakad. Bawal na bawal noon ang pagsasalita ng
Tagalog. Ang kanyang guro ay may malalim na bulsa sa saya (baro’t saya
pa ang kasuotan ng mga gurong babae noon), na may lamang siling labuyo.
Kapag may nahuli siyang mag-aaral na nagsasalita ng Tagalog ay
dumudukot siya ng sili at pilit na ipinangunguya sa pobreng “nagkasala.”
Sinasabitan din ng kartong may ganitong nakasulat: I was caught speaking
the dialect.”

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

“Ang palakad na ito ay laganap noon sa buong Pilipinas. Hindi


lamang Tagalog kundi lahat ng wikang pansarili ng iba’t ibang rehiyon ay
ipinagbawal. Ito ay nanatili hanggang maging malaya na ang Pilipinas.
Mabuti ang hangarin—upang matulungan ang mga mag-aaral na madaling
matuto ng Ingles—subalit masama ang naging epekto sa damdaming
makabansa ng mga Pilipino. Maliit pa siya’y naiisip na: “Biglang naipit sa
desk ang paa ko. Siyempre, masasabi ko ang Aray! Ang lagay ba, iisipin ko
muna ang tawag doon sa Ingles, at pagkatapos ng mahahabang sandali ay
saka pa ako dadaing ng Ouch!”
Akala ng iba’y sadyang masungit at mahigpit si Aling Bebang,
yamang walang anak at maagang nabalo nang yumao ang manunulat na si
Epifanio G. Matute. Malambot din pala ang kaniyang puso sa mga
kabataang masikap ngunit dukha. Hindi batid ng nakararami na may mga
pinaaral na iskolar si Aling Bebang (na ginagawa niya bilang pagpupugay
sa kaniyang inang si Maria Magdalena), at ang dalawa sa mga ito ay
nagpasalamat sa kaniya noong kaniyang burol. Malimit sabihin ni Aling
Bebang sa kaniyang mga iskolar: “Mag-aral kayo at magsumikap. At kapag
kayo’y nakatapos ay tumulong din kayo sa ibang tao upang mabawasan ang
kanilang paghihirap.”
Bagama't pumanaw noong Marso 21, 2009, patuloy pa rin ang
kanyang pakikihamok sa pag-alab ng pagmamahal sa panitikan ng kanyang
mga akda.

ANG BABAE SA MGA KATHA NI GENOVEVA


EDROZA-MATUTE
Pagbasag at Pagbuo ng Bagong Kultura ng Kababaihan
Ang kultura sa kahulugang ginagamit sa papel na ito ay tumutukoy
sa lahat ng may kinalaman sa simboliko. May kultura sapagkat nangyayari
ang pagbabahaginan ng mga simbolo at sa pamamagitan ng mga simbolong
pangmadla naipapahayag ng mga kasapi ng isang pangkat-kultural ang
kanilang mga halagahan, ugaliin, at mga pananaw sa mundo. Kung ano-ano
ang mga simbolikong pangmadlang bumubuo sa kultura ay maaaring
maunawaan bilang tatlong magkakaugnay at magkakapantay na sistema ng
mga kahulugan: (1) wika at komunikasyon; (2) mga artifact, at (3) mga
abstraksiyon. Sama-sama ang mga sistemang ito sa representasyon ng isang
saligan at normatibong istandard para sa mga kasapi ng kultura.
Sa pag-uugnay ng konsepto ng kultura sa kasarian/gender, at sa
pagtingin sa kultura ng kababaihan, dalawa ang pasok ng pagsusuri na
ginagamit ng mga iskolar na feminista: (1) may hinuha na umiiral ang
kultura ng kababaihan sa antas na pribado; (2) may hinuha na sadyang
ipinagkait sa kababaihan ang paglikha ng kultura; na wala ang mga
kababaihan ng tunay na natibong sistema ng wika at komunikasyon,
artifacts, o abstraksiyon. Ang dalawang modelo ng kultura na nagbibigay

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

ng sistemang deskriptibo at

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

eksploratoryo gayundin ng kasangkapang heyuristiko para sa elaborasyon


ng kultura ng kababaihan, ay tumitingin sa kultura ng lalaki at kultura ng
babae bilang magkahiwalay na sistema ngunit nakapaloob sa iisang
sistemang kultural.
Ayon pa rin kay Johnson, ang mga kababaihan ay may kulturang
naiiba sa kalalakihan ngunit babaguhin nila at pagyayamanin ang kulturang
iyon samantalang lumalaya sila mula sa sistema ng kalalakihan. Makikita
ang mga katunayan nito (kultura ng kababaihan bilang "past resource" at
"present creation") hindi lamang sa wika't komunikasyon. Dumarami ito sa
ibang sakop ng kultura. Nasasaksihan ang maraming sining, nakapagbabasa
ng maraming literatura, nakapapakinig sa maraming musika na naiiba dahil
nilikha ng mga kababaihan at ang paksa ay ang kababaihan.

Sa tanglaw ng nasabing pagtingin sa kasarian at kultura, layunin ng


pagbasang ito na ilarawan ang kultura ng kababaihan na makikita sa mga
katha ni Genoveva Edroza-Matute (GEM) sa kaniyang pinakahuling
koleksiyong Babae at Iba Pang mga Kuwento. Sisikapin ng pagsusuring
itong palitawin ang mga pananagisag na naghahayag at nagpapadama ng
mga karanasan ng kababaihan, ng mga kahulugan, ng identidad. Sisipatin
din sa pagsusuring ito ang mga abstraksiyong kultural na nanggagaling sa
mga halagahan, moralidad, etika, lohika, mga oryentasyong pilosopikal,
batas at paniwalang panrelihiyon, na gumagabay sa kilos at ugali ng
kababaihan, at ng kanilang wika't pagpapahayag. Maghahanap din ang
pagbasang ito, kung mayroon, ng bagong padron ng simbolikong kahulugan
ng danas- kababaihan. Matapos matukoy at mailarawan ang kultura ng
kababaihan sa mga kuwento ni Matute ay tutungo ang pagsusuring ito sa
pag-uugnay ng kultura ng kababaihan sa buong sistemang kultural. Sa pag-
uugnay na ito ay tutuunan ang katunayan ng kahirapan at kaapihang
matatagpuan sa buong sistemang kultural upang matukoy ang implikasyon
ng mga ito sa katayuan at kamalayan ng kababaihan.

Ang Mundo ng Kababaihan sa mga Kuwento ni GEM


Sa bahay at lugar ng trabaho umiikot ang buhay ng mga babae.
Sinasagisag ng mga lugar na ito ang pribado at publikong larangan ng
pamumuhay-babae. Sinasagisag ng bahay ang pamilya, ang heograpiya ng
kababaihan, ang larangan ng pagpapasiya ng babae, ang larangan ng
kaganapan ng pagkatao bilang babae, na ginagamit na sukatan ng
"pagkadakila" o tagumpay ng isang babae. Sinasagisag ng lugar ng trabaho
ang paglabas ng babae sa bahay, hindi upang pumalaot sa ibang espasyo o
larangang publiko, para sa kaganapan ng ilang aspekto ng pagkatao, kundi
upang gampanan pa rin ang tungkulin sa pamilya upang suhayan ang
kaniyang buhay-pribado. Ganito sa kabuuan ang paghahati ng mundo ng
kababaihan sa mga katha, liban sa dalawa na naglalarawan sa kababaihan sa

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

larangan ng buhay-publikong hindi konektado sa trabaho, kundi sa


politikang pakikisangkot.

Tahanan at Pamilya: Paraiso't Palasyo ng Babae


Mahirap man o kabilang sa gitnang uri, ang buhay-babae ay
sinusukat sa medida ng tahanan at pamilya: ang kaligayahan niya, ang
tagumpay, ang kadakilaan. Sa kabilang banda, dito rin sa tahanan
nagaganap ang ilang pagkabigo, ang pagkagapi at pagkaabuso.
Mapaglarawan sa unang nabanggit ang pangalawang kuwentong
"Buhay-Publiko, Buhay-Pribado." Kuwento ito ng magkapatid na babaeng
Eva't Didi, anak ng isang anluwageng nagsikap na mapagtapos sa kolehiyo
ang kaniyang dalawang anak na babae (walang naging anak na lalaki).
Parehong nagtrabaho at nag-asawa ang magkapatid: Si Eva ay executive
director ng isang kilalang publikasyon na ang napangasawa ay ang kababata
niyang si Niyong, isang construction worker. Si Didi ay isang branch
manager ng isang bangko na napangasawa ang kababata ring si Usong, isa
ring construction worker. Umiba si Didi kay Eva dahil nagpa-annul siya ng
unang kasal at muling nag-asawa sa isang bise presidente ng bangkong
pinapasukan niya. Sa aksyong ito ay inisip niyang lumaya siya sa pagtatago
bilang asawa ng isang construction worker na hindi maipakiharap
kaninuman, matapos tanggapin ang galit at pagtutol ng lalaki na isinisigaw
ng mga pasa sa mukha at hindi maidilat na mga mata ni Didi. Kaya naman,
inisip niyang ang mabuti sa kaniya ay gaya rin ng sa kapatid, kaya hindi
niya tinitigilan ng pag-uudyok na humiwalay na rin si Eva at patulan na ang
nanliligaw na si Atty. Jake Sembrano, abogado ng publikasyon. Ngunit
matigas ang ulo ni Eva. Ayaw niyang pakinggan ang kapatid sapagkat mas
mahalaga sa kaniya ang pag-ibig ni Niyong, kaysa sa pagtanggap ng
lipunan na hindi niya makuha dahil sa alangang katayuan sa trabaho nilang
mag- asawa. Palibhasa, sa lipunan, higit na katanggap-tanggap na lalaki ang
padre de pamilya, mas mataas, higit na tagumpay kaysa sa babae, lalo na sa
mag- asawa. Mahalaga sa kaniya ang pag-ibig ni Niyong (mapagmahal,
mapagkalinga, mapagpaubaya, at tapat) sapagkat ito ang pinagmumulan ng
kaniyang masayang "buhay-pansarili." Sa kabilang banda, hindi niya ito
masasabi sa kaniyang kapatid na ang pangalawang asawa ay may iba pang
inuuwian at anak.
Maaaring basahin ang kuwentong ito na pagpapaalala sa mga
kababaihan na sa panahon ngayong maluwag na mapasok ng babae ang
buhay-publiko, hindi siya dapat malito ng tagumpay sa buhay- publiko
sapagkat ang mahalaga pa rin ay ang pansariling kasiyahang matatagpuan
sa buhay-pribado, sa maligayang buhay-may-asawa, sa maligayang tahanan,
sa kaniyang paraiso.
Ang tahanan ay maaari ring lugar ng pribado't publiko. Lumalabas
ang babae sa kaniyang sariling tahanan sa kaniyang sariling bansa upang

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

tumungo sa ibang tahanan, sa ibang bansa bilang lugar ng kaniyang trabaho.


Ito ang nangyari kay Goring at kaibigang si Rina; si Goring ay Filipina
(basahang domestic helper) sa Hongkong at si Rina ay Filipina sa Londres,
Ingglatera. Pareho silang nagtapos ng A.B. sa Unibersidad ng Pilipinas,
ngunit hindi sila naging manunulat na kaparis ng pinangarap nila. Parehong
nasawi ang kanilang ama: si Mang Tasyong na ama ni Goring, taga-rasyon
ng mga magasing underground, ay nawala't sukat/ desaparecido; at si Mang
Pedro, isang sekyu sa pamantasan, ay natagpuang bangkay matapos niyang
payagang magmiting ang isang grupo ng aktibistang kabataan sa isang
tagong sulok doon. Parehong kailangang balikatin ni Goring at Rina ang
pagpapamilya sa pagyao ng kani-kanilang ama. Sa tahanan ng mga
Ferguson ay nakilala ni Goring na sa puso ng batang si Goring na sa puso
ng batang si Di na kaniyang inalagaan ay wala pa ang "ulupong na
pagtatangi- tangi ng lahi” pagkat natanggap siya nito. Sa katunayan ay
isinulat niya ang kalagayan niya sa kaibigan na di-inaasahang pagpasok sa
"pintuan ng bagong paraiso.” Naipakilala naman ni Goring ang ibang
kahulugan ng Filipina sa pamilyang Ingles: kabayanihan. Nailigtas niya ang
kaniyang alagang bata sa sakunang trapiko, hindi na baleng nabalian siya ng
buto na kinailangang balutin ng mahaba't makapal na cast; isang
kabayanihang ipinalagay ng mga Ferguson na tanging Filipina lamang ang
makagagawa. At nabalita sa Hongkong, sa buong Silangan, sa buong
Amerika at sa Europa ang kabayanihan ng Filipinang domestic helper.
Ang mga katulad na tagumpay ng isang babae sa larangang pribado,
sa magiting at masakripisyong pagtupad sa tungkulin ng pag- aruga at
pagtataguyod sa pamilya ay mababasa rin sa "Kaming mga Anakpawis."
Kuwento ito ni Aling Magda, isang labandera. Ipinalagay ni Aling Magda
na ang asawang babaeng nagpapalaba sa kaniya ay nakaaangat sa buhay
dahil may TV, refrigerator, at may labandera pa. Hindi nakabawas sa
paghanga ni Aling Magda ang katotohanang ang babaeng itinuturing niyang
nakaaangat sa buhay ay tagamakinilya lamang ng asawang manunulat na
tumutupad ng tungkulin ng padre de pamilya. At naikuwento ni Aling
Magda ang buhay niya:
At inisa-isa ni Aling Magda sa akin ang nagpapatigas sa kaniyang
mga kamay: siyang lahat sa bahay para sa asawa't sampung anak,
naglalabada, madaling araw pa'y nag-aabang na ng mga isdang
mapapakyaw mula sa mga mangingisda sa look, nagtitinda,
naghahatid ng pagkain sa asawang kantero habang kilik ang bunso
sa sampung anak.
Kuntento na si Aling Magda sa buhay niya, at ang pagdami ng mga
anak niya ay iniintindi niyang isang kalikasan ng buhay. Aniya, "talagang
ganiyan ang buhay. Ang gustong mag-anak, hindi magkaanak. Ang ayaw na
ang siyang binibigyan p a! ^ prime prime. Nagdagdagan pa ang kasiyahan
niya nang ang asawa niya ay makuha sa isang malaking kontrata. Nabuhay

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

ang pag-asang makapag-aral sa hayskul ang panganay nila. Natutuwang


ibinida ni Aling Magda ang pagbabago sa buhay niya, bunga nito:
Nakapagtatabi na siya ng ilang isdang naabangan sa tabing-
dagat kung madaling araw, para sa pananghaliang ihahatid sa asawa,
pati na rin sa iuulam ng mga anak. Hindi kailangang ipagbiling lahat
para lamang makasapat sa halaga ng bigas sa maghapon.
Naipagpiprito rin niya ng itlog na gustung-gusto ni Mang Asiong, sa
ihahatid na pananghalian. May mainit ding sabaw ang isisigang
niyang isda para sa pag-uwi ng asawa na patang-pata sa maghapong
pagkakantero.
Mawawala ang kasiyahang ito sa sandaling maganap ang sakuna.
Gumuho ang itinatayong estruktura at kasamang nasawi si Mang Asiong.
At maidurugtong, kasama na ring nasawi ang mga pangarap ni Aling
Magda, ngunit dahil sa sanay na siya sa hirap at may simpleng pag-intindi
sa buhay, maipapalagay na muli niyang haharapin ang buhay na inilaan sa
kaniya at tutuparin ang tungkulin ng pagpapamilyang ngayon ay sosolohin
na niya.
Hindi lamang ang babaeng nababalo ang hinahamon ng kagitingan
sa pribadong pamumuhay, maging anak na babae. Sa kuwentong Labar,
isinaysay ang kuwento ni Nening, magsasampung taong gulang na survivor
ng trahedya kung panong ang lahar ang pumatay sa kaniyang ama, at ang
nagwasak ng kanilang tahanang itinayo sa katas ng Saudi nang maging
OCW ang ama, na siya namang ikinaloka't pagkaraan ay ikinamatay na rin
ng kaniyang ina. Pumasok si Nening na katulong sa pamilya ng mga
Montero sa Pampanga hanggang sa abutin na niya ang gulang na 17. Mabait
naman ang mga Montero dahil pinayagan nilang manirahan ang mga
kapatid niya sa garahe ng mansiyon at maligaya na rin siya dahil napag-
aaral niya ang mga kapatid sa kalapit na paaralang bayan. Hinihimok siya
ngayon ng kababatang si Pepang na umiba ng hanapbuhay, sumama sa
kaniya sa Angeles City na magtrabaho sa bar dahil mas malaki ang kita.
Wika nga ni Pepang, na gusto nang tawagin siya sa bago niyang pangalang
Pepsi, "buhay ang mga bar... at buhay kami!" Hindi ang pangganyak na ito
ang nagtulak kay Nening na magtrabaho sa bar, kundi ang matinding
pangangailangang kumita siya ng mas malaki kaysa sa kinikita niya sa
pagiging katulong para makapagpatuloy sa kolehiyo ang kapatid na
sumunod sa kaniya. Hindi siya pumayag na mahinto na iyon at magtrabaho.
Itataguyod niya ang pag-aaral at kinabukasan nito at nakahanda siyang
isakripisyo ang kaniyang puri, ang kaniyang pagkababae, ang ugaling
sinauna ukol sa mga babae na nakagisnan niya sa mga magulang at sa
kanilang bayan. Sa kabutihang palad ay maagap siyang naialis ng kaniyang
nobyong tsuper sa bar na iyon bago may mangyari sa kaniyang masama
(mawala ang pagkadonselya). Nabatid ni Nening na nakilala niyang tsuper
na nobyo ay magtatapos na pala ng Computer Education dahil sa
matiyagang pag-aaral sa gabi at nangako iyon na tutulungan ang kapatid
niyang makapagtrabaho upang makapagpatuloy ng pag-aaral, tutulungan
din siya sa pagbuhay sa iba pang kapatid at nakahandang ipagpaliban muna
Ipinasa kay: ELY REY N.
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited
ang pangarap (pangarap na pag-iibigan nila

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

ni Nening). Ang kadakilaan ni Nening ay ginantimpalaan ng isang lalaking


dalisay na umiibig sa kaniya at magpapagaan sa kaniyang responsibilidad
sa mga kapatid.

Tahanang Bilangguan at Impyerno


Hindi lahat ng tahanan ay paraiso o santuwaryo ng kababaihan.
Nangyayari ring ang tahanan para sa ibang kababaihan ay impyerno at
bilangguan. Ganito ang simbolikong representasyon ng tahanan sa "D.H.,
pangatlong kuwento sa koleksiyon. Sa bungad pa lang ng kuwento ay
ganito na ipinakilala ang tauhang si Caring. "Ngayon naniniwala si Caring
na may impyerno rin sa lupa. Kung paanong sinasabing may langit sa lupa."
Nakapag-asawa si Caring ng isang lalaking iresponsable. Guro siya sa
mababang paaralan samantalang ang asawa niyang si Joe na kumita-dili ay
nasiyahan na lamang sa pag-asa sa kinikita niya. Nakatira sila sa bahay na
itinayo ng kaniyang amang karitonero. Natanggal siya sa trabaho nang
matapos ang pag-aaklas na sinalihan niya kaya nahihiya man siya noong
una ay nakumbinsi na rin siya ng kaibigang si Betty na sila'y
pumasok na domestic helper o "d.h." sa Saudi Arabia. Matapos ang isa't
kalahating taon ay biglaan siyang bumalik. Ikinukubli ng malaking bandana
ang mga pasa sa mukha, leeg at bisig niya, mga senyal ng kalupitang
dinanas niya na hindi na niya ibig malaman ng iba: mas mababang sahod
kaysa sa nasa kontrata, kalupitan ni Sir Futtain kung naroon ang among
babae, pagtatangkang paghalay sa kaniya, at pambubugbog ng mag-asawa.
Ang kapirasong langit na tinatanaw niya sa pagbabalik ay naglaho pa nang
matuklasan niyang ang tahanan niya ay kinuha na ng Kumareng Tina na
pinaghabilinan niya sa kaniyang nag-iisang anak. Ang impyernong tirahang
iniwan niya sa Saudi ay nahalinhan ng tirahang impyerno sa sariling bayan.
Sa tahanan pa rin nagaganap ang seksuwal na pang-aabuso sa mga
babaeng anak. Ito ang kuwento ni Juling, isang clerk sa tindahan ng libro,
tahimik at walang kapalagayang-loob, tila takot sa tao. Nang maging
boyfriend niya si Joel, naging palaisipan sa lalaki kung bakit "parang may
kamandag na lason ang kaniyang mga kamay kay Juling, gayong walang
bahid-kamunduhan ang mga iyon." Sa matiyagang pag-alam ay natunton ni
Joel si Aling Mameng, ang tanging kasama ni Juling bago namasukan kay
Mrs. Castro, may-ari ng tindahang pinapasukan ni Juling. Isang linggo
matapos ang kasal nila ni Juling ay ipinagtapat ni Joel ang natuklasan niya
at nagpahayag ng malawak na pag-unawa sa naging karanasan ng kabiyak:
Wala kang kasalanan sa mga nangyari, dear. Biktima ka ng iyong
tirahan doon... ng mahabang pagkakasakit ng iyong ina... at ng
pagkalulong ng... iyong ama sa... shabu."
Ang tahanan para kay Lola Nena, na bago naging biktima ng mga
Hapon noong panahon ng giyera ay mahihinuhang pugad ng matimyas na
pagmamahalan nila ng kabiyak. Ngunit, maipapalagay ding nagbago ito
nang
Ipinasa kay: ELY REY N.
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

maging comfort woman si Lola Nena noong sinakop ng mga Hapon ang
Filipinas. Di tulad ng kabiyak ni Lola Ilyang, kaibigan ni Lola Nena at
kabilang sa naging comfort women, hindi natanggap ng kabiyak ni Lola
Nena ang nangyari at iniwan nito ang kanilang tahana't pinabayaan ang huli.
Ito ang lihim ni Lola Nena. Ito ang malalim na dahilan kung bakit sadyang
iniwasan ni Lola Nena, na isang kuwentista, ang pagkukuwento sa apo
tungkol sa panahon ng Hapon. Sa isang pagtanaw, makalawang beses
naging biktima si Lola Nena: una, sa kamay ng mga Hapon at pangalawa,
sa makaluma't makitid na pag-iisip ng kaniyang asawa. Gayunman, ang
kasaysayan na rin ang tumubos sa kaniya at kay Lola Ilyang, sampu ng iba
pang tulad nila. Sa paningin ng kasalukuyang henerasyon ng sarili nilang
mga apo, sila ay hindi mga biktima bagkus sila ay mga bayaning kahanay
ng mga kawal ng digma.
Kanlungan ng lihim na pagdurusa ang tahanan para sa ibang babae.
Ito naman ang kuwento ni "Madonna." Si Madonna, nasa "mahahabang
limampung taon" at sa hitsura niyang:
...luganggang at nakasabog na buhok... mamula-mula't manilaw sa
pagkakatina, ang ahit na kilay, at napipintahang mga pisngi at labi
ay pilit na nagbabalik sa lumipas na kabataan, pagpipilit na hindi
maisagawa ng namimintog niyang katawan.
May dumadalaw sa kaniyang isang guwapong lalaking malaki ang
kabataan sa kaniya, kasamang lumalabas sa pagpunta-punta sa Bliss Club,
isang dancing school. Pinaghinalaan ng mga kapitbahay niyang isa siyang
matrona, isang sugar mommy. Si Madonna ay lumalabas ng bahay (hindi
tahanan, sapagkat nag-iisa siya) para magpunta sa dancing school na
katatagpuan niya ng mga "matronang maykaya sa buhay na hiwalay sa
asawa, o may mga asawang may iba nang pugad na inuuwiang madalas, o
kung kasama man ay malamig na o "hindi na maaari' o nasa ibang bansa."
Dito niya nakilala si Sonny, isang dancing instructor na noong umpisa ay
nagsamantala sa salapi niya, kaparis ng ginagawa ng maraming DI sa mga
matrona. Kalaunan, nagkakilala silang lubos, nagturingang mag-ina, taliwas
sa suspetsa ng mga kapitbahay niya. Kay Sonny, natagpuan ni Madonna
ang pagmamahal ng isang amang hindi niya nakagisnan, ng isang asawang
hindi nagmahal sa kaniya, at ng isang anak na hindi naging kaniya. Sa
mahabang panahon, hindi naranasan ni Madonna sa kaniyang tahanan ang
tunay na pagmamahal kundi nito na lamang makilala niya si Sonny na sa
mga huling sandali bago siya yumao ay matiyagang nag-alaga sa kaniya sa
ospital. Sa salaysay ng buhay ni Madonna, ang tahanan ay hindi naging
lugar upang maganap ang kaniyang pagkababae. Sa pananaw ng isang
lalaki (Sonny), "ang babae'y hindi nagiging ganap na babae hanggang hindi
siya nagmamahal at minamahal."

Lungga sa Labas ng Tahanan at Buhay-Publiko

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

Paglahok sa pakikibakang anti-diktadura ang mundong ginalawan


ng mga babae sa mga kuwentong "Babae" at "Alaala ng EDSA." Sa una,
ginamit ang masimbolong lungga upang tukuyin ang mga kubling lugar na
pinagyayarihan ng mga pagkilos ng mga babae sa kuwento na bahagi ng
kilusang lihim laban sa diktadura ni Marcos at buhay na patago-tago.
Palipat- lipat ng lugar ang lihim na istasyong tinawag nilang Radyo
Catacomb na naisip nila mula sa mga lihim na pook-panalanginan ng mga
unang Kristiyano sa Roma. Sa kalagitnaan nang Pebrero, ang tatlong
babaeng naiwan sa pangkat (ang mga lalaki, sa iba-ibang dahilan ay tuluyan
nang sumanib sa kilusang underground): sina Ren, Lory at Bel ang
nagpatuloy sa Radyo Catacomb. Itinanghal na bayani sa kuwento ang
tatlong babae: ang dalawa (sina Ren at Lory) ay nasawi sa pagbalik sa
gusaling kinondena upang kunin pa ang naiwang gamit doon samantalang
nag-iisang nagampanan ni Bel ang pagtanggap at paghahatid ng balita sa
pagitan nina Dong at Basil (nasa underground) at ng mga relihiyoso, ng
mga relihiyoso at pangkat ng militar at tanggulang bayang ibig nang
humiwalay sa diktatura hanggang maganap na nga ang pangyayari sa
EDSA. Naiibang kaganapan ang dinanas ng mga kababaihan sa kanilang
paglahok sa usaping pampolitika ng buong sistemang kultural-kaganapang
bunga ng pagmamahal sa bayan at pagsaisantabi ng mga pansariling
kaligayahan.
Limang magkakaibigang babaeng lumahok sa People Power sa
EDSA ang mga tauhan sa pangalawang kuwentong binanggit. Hayskul
lamang sila noon at sumama sila sa mga aktibistang taga- UP na nagpasali
sa kanila sa kilusang laban sa diktadura. Naroon sila sa EDSA nang
mangyari ang kaguluhan; nakibarikada, nagbantay sa loob ng apat na araw
hanggang sa tumakas ang diktador. Labing- isang taon matapos ito, naisip
ni Gigi na ayain ang apat pa niyang barkada na bumalik sa EDSA at sumali
sa pagdiriwang sa pag-alaala rito, at dito nga nila natuklasang pare-pareho
ang damdamin nila ng pagkabigo kaya nga di rin nahimok ni Gigi na
sumama silang lahat. Gayunman, nagkakatagpo-tagpo pa rin sila sa taunang
pagdiriwang, nagyayakap-yakap sa ilalim ng kanilang punongkahoy. Bago
natapos ang pagdiriwang, umuwi silang dala-dala ang panibagong
damdamin, ang pagpapahalaga sa makasaysayang pangyayari sa EDSA na
pinagkakautangan ng kalayaang tinatamasa nila ngayon. Sa lansangan sa
EDSA ay nabigyan ng puwang ang mga ordinaryong babae sa kuwento
upang danasin ang buhay-publiko kahit sandali, maging kalahok sa
kolektibong pagkilos ng bayan na nagpalawak sa kanilang mundo sa labas
ng kani-kanilang tahanan.
Batay sa mga kuwentong nabanggit, masasabi kung gayon na ang
kultura ng mga kababaihan ay inuugit sa tahanan. Depende sa kani-
kanilang asawa at ama, ang tahanan nila ay maaaring maging pugad,
paraiso o langit o dili kaya’y impyerno. Sinasagisag ng tambalang
kontrahang langit/impyerno ang tahanan, ang mabuti/masamang kapaligiran
at buhay. Ang babaing may asawang nagmamahal ay nabubuhay sa
tahanang

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

maligaya; ang babaing walang asawang nagmamahal ay nabubuhay sa


tahanang bilangguan.

MGA ABSTRAKTONG KULTURAL UKOL SA


KABABAIHAN
Nagtutunggaling mga halagahan, identidad at pananaw sa mundo
ang mababasang kahulugan sa mga pananagisag ng iba’t ibang tauhang
babae sa mga kuwento. Nag-uumpugan ang tradisyonal sa di- tradisyonal at
hinahayaang magkatalikuran ang mga representasyon ng babaeng hinulma
ng makalumang pakahulugan sa pagiging babae at mga representasyon ng
nagbabagong pagkilala ng babae sa sarili at sa buhay.

KAGANAPAN NG ISANG BABAE


Sa mga tauhang Madonna, Nening, Caring, Goring, Juling, Lola
Nena at Aling Magda nakalagak ang mga tradisyonal na halagahing
magpapaunawa sa mambabasa kung bakit ganoon kumilos at tumugon sa
kani-kanilang kalagayan ang mga tauhan nilang babae.
Sa tauhang si Madonna inihayag, gamit ang pananaw ng tauhang
lalaking nakakilala sa kaniya nang lubos (na kakontra ng mga babaing
kapitbahay na nagsuspetsa nang masama sa relasyon ng lalaki’t ni
Madonna) ang kabuuang kahulugan ng buhay ng isang babae: “ang babae’y
hindi nagiging ganap na babae hanggang hindi siya nagmamahal at
minamahal.”15 Kung susukatin dito ang naging buhay ni Madonna,
malungkot at hungkag ang buhay na naging kaniya pagka’t “Buong buhay
siyang nagmahal at buong buhay siyang nauhaw sa pagmamahal. Sa
kabilang banda, ayon pa rin sa pananaw ng kultura ng kalalakihan, sa tinig
ng lalaki (Sonny), “ang lalaki ay may iba’t ibang paraan sa pagtuklas ng
kaganapan-hanapbuhay, ambisyon, karera.” Sinisigundahan ang pananaw
na ito sa kuwento ni Eva na higit na minahalaga ang pagmamahal ng
kaniyang asawang manggagawa kaysa sa pagbasbas ng lipunan sa kanilang
tagilid na katayuang siya, ang babae, ang siyang tagumpay sa hanapbuhay.
Pag-ibig ang nagbibigay-katuturan sa buhay ni Nening sa kabila ng
mga sunod-sunod na trahedyang dala ng lahar sa kanilang pamilya. Armado
ng tradisyonal na halagahan ng isang babae; ang pagpapakasakit para sa iba
at malaking pagpapahalaga sa kapurihan, pinili ni Nening na manilbihang
katulong upang maitaguyod lamang niya ang mga kapatid. Sa loob ng
pitong taon, simula sa murang edad na sampu ay naipamalas ni Nening ang
“kabayanihan” niya bilang nakatatandang anak ng mga nasawi nilang
magulang. Nagawa niyang tanggihan ang mapanuksong panghihikayat sa
kaniya ng kaibigang si Pepang na pumasok sa bar sa Angeles City dahil sa
mas malaking kita hanggang sa ang pinaka-iingat-ingatan niyang yaman
(ang

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

puri, na siya ring dangal niya ay maaaring mawala sa kaniya anumang


sandali) ay handa pa niyang isugal, alang-alang sa kapakanan ng kaniyang
kapatid na gusto niyang makapag-aral. Ipinapahayag din sa kuwento ni
Nening ang malaking pagpapahalaga sa edukasyon bilang hagdanan. Sa
pag- asenso sa katayuan sa buhay. Maging dalaga (Nening) o may- asawa
(Caring, Goring, Aling Magda), ang pagpapakasakit para sa minamahal na
kaanak ay nagtutulak sa babae na titiisin ang anumang hirap sa sariling
bansa, o di kaya ay mangahas mangibang bayan. Ang sakripisyo ni Nening
ay kasintindi nang kay Aling Magda, asawa ng kanterong nalibing sa
gumuhong konstruksiyon. Kinakaya niya ang trabahong bahay at
hanapbuhay (pagtitinda ng isda at paglalabandera) upang maitaguyod ang
kanilang sampung anak. Ganoon din sina Caring at Goring, mga gurong
namasukang “d.h.” sa ibang bansa, alang- alang sa kapakanan ng mga anak.
Sila ang buhay na halimbawa ng arketipong ina, ang Birheng Maria (huling
kuwento sa koleksiyon) na ayon sa istorya ay buong tatag na sumubaybay at
dumamay sa kaniyang anak na si Hesus hanggang sa ibayubay sa krus at
muling mabuhay pagkatapos. Natiis ni Maria ang walang katulad na hirap
sapagkat naniniwala siyang muling mabubuhay ang kaniyang anak. Natiis
ng mga ina’t kapatid sa mga kuwento ni Matute ang walang katulad na
hirap sapagkat naniniwala silang magbabago ang buhay ng kanilang mga
anak/kapatid at matutubos sila sa hirap.
Ang pagsarili sa dusa’t pagkukubli nito, dahil sa kahihiyan o sa
kaanak ay isa pang ugaliin ng mga babae. Inilihim ni Juling ang pang-
aabusong seksuwal na dinanas niya sa kaniyang ama, inilihim din ni Lola
Nena ang dinanas niya sa mga Hapon nang siya’y maging isang comfort
woman, gayundin ang pagtatakwil sa kaniya ng asawa. Nagpasiya rin si
Caring na ililihim niya ang tunay na dahilan nang biglaan niyang
pagbabalik mula sa Jedda, ang kalupitang dinanas niya. Sa mga among
taong-hayop. Sila’y pawang biktima ng karahasan at kalupitan ngunit ang
mga karanasang ito ay itinuturing na rin nilang kasiraan ng kanilang
pagkababae at kahihiyang dapat pagtakpan.
Nakikipagtagisan naman ang mga pananaw at halagahin ng mga
tauhang Bel, Lory, at Ren, Aling Ilyang at maging si Caring sa lantarang
tradisynal na konsepsiyon sa buhay-babae. Ang tatlong tauhang binanggit
ay mga babaeng lumahok sa pakikibakang anti- diktadura. Isinakripisyo nila
ang kani-kanilang pag-ibig (mga nobyong nasa underground) at patuloy na
nakakita ng kaganapan sa kanilang publikong buhay, sa kanilang
pagmamahal, at sa kanilang paninindigan para sa bayan. Pinasinungalingan
nila ang madalas nilang marinig na humahamak sa kanilang katatagan:
“Babae ka lamang.” Ang tapang at tatag ng loob ay ipinamalas naman ni
Aling Ilyang (isa sa mga naging comfort women) sa “paglantad” na ginawa
niya sa pamamagitan ng pagpapalista upang ipamalas ang kahandaan
niyang tumulong sa paglalantad ng katotohanang matagal nang pinipi ng
kasaysayan. Katapatan sa sarili’t katapatan sa katotohanan ang halagahing
ipinamamalas ng mga tauhang ito. Pinag-iisip ang mambabasa ng kuwento
ni Caring kung mainam bang manatili sa loob ng matrimonya kung ang

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

pananatili rito ay mangangahulugan ng pagtanggap sa kaapihan ng babae.


Samantalang nasa Saudi, pinag- isip-isip na si Caring ng mga sulat ng
kaniyang asawang wala nang ibang laman kundi ang paghingi ng dagdag na
salaping ipinadadala niya. Itinanong na niya sa sarili kung namamatay ba
ang pag-ibig na tulad ng halamang kulang sa pag-aalaga. Natakot siya
noong una sa pangitaing maaaring palalakihin niya ang anak nang siya
lamang ang nag- iisang magulang. Natuklasan niya ang pagtataksil sa
kaniya ng asawa’t byudang kumareng inasahan niyang kakalinga sa anak
niya, at nagpasiya siyang iwan ang impyernong kinasadlakan niya pagbalik.
Sugat-sugatan man siya, hindi naman siya ganap na nagapi ng mga
kaapihang iyon sapagkat may sariling pag-iisip at pagpapasiya.
Nakapagpatago siya sa kaibigan ng bahagi ng kinita niya na inilalaan para
sa nag-iisang anak.
Mahalaga rin ang ginagampanan ng pagkakaibigan ng mga babae.
Sa karanasan ni Caring, ang kaibigan niya’t kapuwa gurong si Betty ang
“naging sandigan niya ng paglalakas-loob.” Ang pagkakaibigan nila Bel,
Lory at Ren, ni Gigi at mga kaeskuwela, ang pagkakaibigan ni Lola Nena at
Lola Ilyang, ang pagkakaibigang Goring at Rina, ang maunawaing
pakikitungo ni Mrs. Castro kay Meding at Juling, at maging ni Maria
Magdalena at Bat-seba ay mga pananagisag ng female bonding na mahalaga
sa buhay ng mga babae, hindi lamang dahil sa pagsusuhayang emosyonal
kundi sa pagtutulungang gumawa ng mga pagpapasiya.

PAGBASAG AT PAGBUO NG BAGONG KULTURA


Ano ang makakatas na abstraksiyon ukol sa buhay-babae sa mga
kuwento ni Matute?
May ipinatatanaw ang malulungkot na kuwento ng kababaihan.
Kailangang baguhin ang kultura ng pagtitiis, pagsugat sa sarili, pagkahulma
sa mga tradisyonal na halagahan, at ugaling nagkukulong sa kanila sa
tahanan at nagtakda ng makipot na pagkilala sa sarili. Pinapag-isip ng mga
danas ng mga babaeng tauhan sa labindalawang kuwento ang mambabasang
babae kung dapat bang patuloy na umiral ang mga tradisyonal na panukat
ng buhay- babae gayong sa kani- kanilang kongkretong danas ay kaapihan,
kalungkutan, at kasawian ang kumulay sa kanilang kolektibong buhay-
babae. Itinatanong ng mga kuwento ng mga babae sa koleksiyong ito ni
Matute kung patuloy bang ilalagay ng mga babae ang kanilang kapalaran at
kaligayahan sa kabutihan at pagmamahal ng may magandang loob na mga
lalaki. Ang sinumang babaeng makababasa ng mga kuwentong ito ay tiyak
na mag-iisip, matatakot marahil, at hindi gugustuhing mangyari sa kanila
ang mga kasawian at hirap na dinanas ng mga babae sa mga kuwento
samantalang hindi nila maitatangging nangyayari sa maraming kababaihan
ang mga karanasang isinalaysay sa mga kuwento. Karamihan sa mga
tauhang babae ay mula sa pinakamababang uri sa lipunan. May ilang
tauhang kabilang na sa edukado at panggitnang uri tulad I ng mga tauhang

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited
titser at ng tauhang

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

hanapbuhay ay managerial. Nais bang ipatanaw ng mga kuwento ni Matute


na ang kaapihan ng mga babae ay may kinalaman sa malaganap na
kahirapang dinaranas sa buong sistemang kultural? Maaari bang ihanap ng
mga sagot sa buong sistemang kultural ang mga tanong na iniiwan ng mga
kuwento na: (1) talaga bang patuloy na makikilala ang Filipina na “alila” ng
mundo?; (2) talaga bang patuloy na tahimik na magdurusa ang mga
kababaihan sa pang-aabusong seksuwal at karahasan ng kalalakihan?; (3)
talaga bang magpapatuloy na mag-isip ang karamihan ng kababaihan na ang
kaganapan ng kanilang pagkatao bilang babae ay nakasandig sa dalisay na
pag-ibig ng lalaking tagapagligtas?

KULTURA NG KAHIRAPAN KULTURA NG


PAGTITIIS
Ang tradisyonal na halagahan ng pagtitiis, pagsasakripisyo n
kababaihan alang-alang sa pamilya’t kaanak ay mahalaga sa pagsuhay s
buong sistemang kultural kung saan nangingibabaw na katangian ang
malaganap na kahirapan. Sa kabila ng mga pagsisikap pangkaunlaran
dehado pa rin ang karamihan ng kababaihan sapagkat patuloy silang
dumaranas ng kahirapan at kaapihan. Pinatutunayan ito ng mga pag aaral
hinggil sa resulta ng mga development efforts sa katayuan ng kababaihan sa
bansa na tinutukoy sa mga sumusunod:
Scholars and women organizers alike point out that the introduction
of modern technologies and ameliorative programs during the
decade of the seventies has not diminished poverty in the nation. On
the contrary, researches demonstrate that in many instances these
developments have increased the gap between the classes and even
marginalized further the status of women.”
Isa pa sa mahalagang natuklasan sa mga pag-aaral ay ang patuloy na
domestikasyon ng kababaihan. Ayon pa rin sa mga pag-aaral ukol dito:
Development programs have failed to minimize the domestication of
women. Instead, the various researches consistently point to the
persistence of traditional values concerning women’s roles.
In 1983, 54% of unpaid family workers were women while only 31%
of own-account workers of wage/salary workers were of this sex.
Empirical evidence related to these statistics is provided in the
literature.
Malinaw na nagpapatuloy ang pag-iral ng kahirapan at
domestikasyon. Kung gayon, mahalaga ang pag-uusig na ginagawa ng mga
kuwento ni GEM sa kaapihang hatid ng katunayang ito sa buhay ng
kababaihan.

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

May masisinag bang pagbabago sa malaganap na oryentasyon ng


kababaihan sa tahanan at pamilya? Mayroon bang bagong imaheng
lumilitaw na mananagisag sa alternatibo? Bagaman pinatunayan ng mga
pag-aaral na kung tawagin ay Women-in-Development Studies na hindi iisa
ang karanasan ng Filipina, maraming kababaihan mula sa iba’t ibang
rehiyon ang nananatiling kumakapit sa “pre-modern” values.” Ayon kay
Manalang:
Instead of many life worlds, they have one principal life world, their
definition of reality is focused on the family and its survival, they
take their identity from being mothers and wives. “Nor do they
distinguish between a public and private life.”
Sa harap ng ganitong katunayan, paano nakikipag-usap ang mga
kuwento ni Matute sa karamihan ng mga babae? Mapupunang tatlo lamang
ang tauhang babae sa mga kuwento ni Matute ang inilarawang lumahok sa
gawaing labas sa tradisyonal na papel ng babae bilang ina’t maybahay, at
sila’y mga dalaga pa nang mangyari ito. Mahalaga nang pag-aambag sa
diskursong feminista ang naiibang representasyong ito sa mga kuwento ni
Matute, lalo’t may pagpapatanaw sa ibang mundo/ buhay ng kababaihan.
Kaisang tinig siya ng mga iskolar na kaparis nina Makil (1981); Aleta et. al.
(1977); at Eviota (1978), sa pagbibigay diin sa posisyong kailangan ng
kababaihan ng alternatibong papel sa buhay na makapagpapabaling ng
kanilang atensiyon sa gawaing bahay upang makalahok sila nang tuwiran sa
kanilang pag-unlad.”
Ang kuwento ni Matute tungkol sa malungkot na karanasan ng mga
titser na nagtrabahong “D.H.” sa ibang bansa, ay pag-uusig din sa
malaganap na pagkalakal sa babae sa bansa na itinutulak pang lalo ng
gobyernong umaasa sa dolyar ng nandarayuhang manggagawa at ng media
na nag- aanunsyo sa pagiging kaakit-akit ng ating kababaihang masunurin,
mapag- aruga at marunong mag-Ingles.
Kung ganoon, sa harap ng mga katunayang nabanggit, kailangan
ang higit na malakas na tinig, sabayang tinig ng lalong maraming bilang ng
mga manunulat na mag-aakda sa danas-babae, at sa pamamagitan ng
kanilang panulat ay tutulong bumasag sa makalumang kultura ng
kababaihan at maghahain ng mga makabagong pananaw na tunay na
magpapalaya sa kababaihan at sa sambayanan.

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

1. C. Geertz. The Interpretations of Cultures, (New York: Basic Books, 1973).

2. F. Johnson, “Women’s Culture and Communication: An Analytical Perspective,” nasa Beyond


Boundaries: Sex and Gender Diversity in Communication, eds. C.M. Lont and S. Friedleg (USA:
George Marson University Press, 1985).

3. G. Edroza-Matute, Babae at Iba Pang Katha. (Lungsod Quezon: New Day Publishers, 1998).

4. Matute, “Babae” at “Alaala ng EDSA.”

5. Matute, Babae at Iba Pang Katha, 58.

6. Ibid., 91.

7. Ibid., 93.

8. Ibid., 105.

9. Ibid., 28.

10. Ibid. 83.

11. ibid., 89.

12. Ibid., 47

13. Ibid., 50.

14. Ibid., 53.


Sanggunian:
15. Ibid., 53.

16. Ibid., 53.

17. Ibid., 53.

18. Ibid., 31.

19. A.T. Torres, The Filipino Women in Focus. (Lungsod Quezon: UP Press and the UP Office of
Research Coordination, 1996), 18.

20. Ibid., 20.

21. National Commission on the Role of Filipino Women. UPS-NCRFW Research on Values of
Rural Women in

Different Cultural Settings: Implications for Education, Social and Economic Policies and
Development Programs, 1984 [binanggit sa Torres (1995), 15).

22. P. Manalang, “Indicators of Modernity in the Orientation of Filipino Women,” Education


Quarterly 31 (4) [binanggit sa Torres (1995), 13].

23. P. I. Makil, “Philippine Studies of Women: A Review.” Silliman Journal 28 (1981): 32-42.

24. 1. Aleta et. Al., A Profile of Filipino Women: Their Status and Role (Manila: Philippine Business
for Social Progress, 1977) [binanggit ni Torres, (1995), 16].

25. E. U. Eviota, “Sex as Differentiating Variable in Work and Power Relations” Philippine
Sociological Review 2 [3-4], 1978: 151-158.

26. Torres, 16.

Ipinasa kay: ELY REY N.

You might also like