You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Laguna State Polytechnic University


ISO 9001:2015 Certified. Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

Mga Nagtalakay Asendido, Earold B.


Folloso , Mary Anne
T.
Kurso/Seksyon BSED 3B Filipino
Asignatura Filipino 14 (Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan)
Semestre/Taong Panuruan Unang Semestre/2022–2023
Termino Panimula at Panggitna
Linggong Sakop Isa (1)
Petsa Disyembre 15, 2022 (Huwebes)

Pamagat ng Aralin Para Kay B: Kung Bakit Dapat Basahin ng Hindi Pa Umiibig ni Ricky
Lee

“Para Kay B: Kung Bakit Dapat


Basahin ng Hindi Pa Umiibig”
ni: Ricky Lee

Ang nobela ay may limang kwento. Dito sinasabing may quota ang pag-
ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang magiging maligaya.

Sa unang kwento, makikilala si Irene na naghangad na pakakasalan ni


Jordan paglaki nito. Ngunit biglang umalis si Jordan at di na nagpakita. Ngunit
Nilalaman isang araw sa isang hotel nagkita sila, ngunit hindi siya maalala ni Jordan pero
(*maaaring kapalooban ng ang totoo nagkukunwari lamang si Jordan upang makalimot ng tuluyan sa
mga sipi, artikulo, larawan nakaraan. Ang nakaraan ay ang pagiging ulila nito matapos patayin ng mga
o dibuho, at grapikong sinasabing vigilante ang kanyang mga magulang. Isinumpa nitong lalayo sa
disenyo o representasyon) bayan ng San Ildefonso at sinabing ang bayang iyon ay wawasakin ng apoy.
Nagtalik sila ni Irene at pagkatapos nito umalis na lang si Irene sa
pagkakadismaya na hindi siya maalala ni Jordan.

Sa ikalawang kwento, may magkapatid na sina Sandra at Lupe na


nagmamahalan. Isang araw nahuli silang nagtatalik sa isang bodega. Pinalayas ng
ama si Lupe at ito’y pumunta sa maynila. Nagkanobyo ng iba si Sandra, si Ruben.
Isang habang naglalakad sila sa dilim ay biglang may nang-isnats ng cellphone ni
Ruben at iyon ay si Lupe. Tinawagan ni Sandra ang cellphone ni Ruben upang
makausap ang kuya na si Lupe. Nagkikita sila sa isang hotel at may nangyari

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified. Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

sakanila. Matapos ang nangyari ay nawala na muli si Lupe at dumating si Ruben


upang pakasalan si Sandra kahit ito’y buntis na at ama ay si Lupe.

Sa ikatlong kwento, may isang babaeng taga Maldiaga. Kung saan ang
komunidad ay di marunong magmahal. Napunta siya sa kabilang mundo at dito
pinag-aralan niyang magmahal. Pinag-aralan niyang mahalin si Jake na anak ni
Mrs. Baylon na kumupkop sakanya. Ngunit hindi niya magawang mahalin si Jake
at ito’y umalis. Nakilala niya si Mary Cruz, isang director. Niyaya siyang maging
TV Host at endorser ng mga sikat na produkto dahil siya ay nakakatuwa at
magaling pagdating sa pageendorso. Naging sikat siya at nagpapayo sa mga
nakikinig sa radio tungkol sa pag-ibig. Isang araw nakita niya si Mrs. Baylon at
dinala siya nito sa bahay nila. Nakita niya si Jake na nasa bintana at hindi
kumikibo. Kwento ni mrs. Baylon, hinanap daw ni jake si Erica sa kung saan-saan
pati na sa Maldiaga ngunit din ito mahanap ang Maldiaga. Minsan pa raw ay
lumusong ito sa ilalim ng dagat at natagpuang walang malay. Hindi na ito
makakapagsalita ngunit makakagalaw naman. Iniwan ni Erica ang trabaho niya
at inalagaan si Jake.

Sa ikaapat na kwento, si Ester na may limang anak at biyuda na. Sa


pagkamatay ng asawa nito ang nagging sandalan niya ay si Sara na matagal niya
nang pinagtataguan ng pagmamahal. May nangyari sakanila ni Sara at
pagkatapos nun ay umalis na si Sara sa buhay ni Ester. Ngunit nagging Masaya
naman kahit papano ang kanyang buhay ng matuklasan niyang bakla ang
kanyang anak na si AJ. Malapit sila sa isa’t isa at pawang magkaibigan lamang.
Napansin ni AJ na malungkot ang ina, kaya hinanap nito si Sara at natuklasang
may asawa na at tatlong anak. Pinuntahan ni AJ at Ester si Sara, nakilala nila si
Pio ang kanyang pangit na asawa. Humahadlang si Pio sa pakikipagusap ni Sara
kay Ester kaya umuwing malungkot si Ester. Sinundan ni Sara si Ester sa
kanilang bahay at sinabing magtratrabaho ulit siya sa pagawaan ng barong nila
at para na rin makasama niya ulit si Ester.

Sa ikalimang kwento, may isang babaeng masasabing kung kani-kanino


pumapatol, siya ay si Bessie. Minsan napagtripan niyang akitin at tikman ang
isang hapon na tigyawatin, si lucas. Si Lucas ay isang writer. Nakitira si Lucas sa
pad o condo ni Bessie at doon sila’y naging mas malapit pa sa isa’t isa.
Nagkagusto si lucas kay Bessie ngunit ayaw nitong pagsamantalahan si Bessie
dahil sabi nito na makikipagtalik lamang siya sa babaeng gusto rin siya. Si Bessie
ang nagbigay ng laptop kay Lucas upang gumawa ng mga kwento at ginawa niya
ang mga kwento para kay Bessie at kanya itong iaarte. Isang araw dumalaw ang
kaibigan ni Bessie na si Brigs na anak ni Colonel Moncayao. Pinagtripan si Lucas
na siyang kinagalit nito at hinagis ang damit sa mukha ni Brigs. Nagalit si Brigs
dahil ayaw nitong inaagawan ng gamit. Dahil ang damit na suot ni Lucas ay kay
Brigs na naiwan nito matapos makipagsiping kay Bessie. Binugbog ni Brigs si
Lucas hanggang sa ito’y
manghina. Dinala nila si Bessie sa kung saan-saan at tinapon sa isang bangketa.
Ipinasa kay: ELY REY N.
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified. Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified. Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

Kinaumagahan umuwi si Bessie sa kanyang pad. Tinulungan niya si Lucas ngunit


ayaw nitong magpatulong dahil sa galit. Nakatulog silang dalawa ngunit
pakagising ni Bessie wala na si Lucas. Si Lucas ay nawalan ng malay sa kalye at
ito’y kinupkop ni Manang Belen. Nakatira ito malapit sa tren. Tinulungan niya si
lucas na bumangon uli. Nakilala niya rin si Charlie, ang naging kaibigan niya.
Tinulungan din nitong tulakin si Lucas na magsulat ulit. Hinanap ni Bessie si
Lucas hanggang sa mapadpad ito sa San Ildefonso. Sa tulay nakita niya si Jordan
na hinahanap naman ay si Irene.

Sa pagpapatuloy ni Lucas sa pagsusulat, nagsilabasan ang mga tauhan sa


loob ng kuwarto. Ang limang babae na sina Irene, Sandra, Erica, Ester at Bessie.
Nagrereklamo sila dahil hindi maganda ang katapusan ng kwento nila. Si Irene
na hindi daw siya maalala ni Jordan. Si Sandra ay kontento na. Si Erica na ayaw
maging isang parang bangkay na habang buhay si Jake. Si Ester ay nagaalangang
magreklamo ngunit naging kontento na rin ito. Si Bessie na naghihintay pa sa
katapusan ng kwneto nila ni Lucas. Pinarevise ni Erica at Irene ang kwento nila.
Sa kwento ni Erica, napunta si Jake sa Maldiaga at naging katulad na ng mga tao
doon. Si Erica ay nakapag asawa ng isang excutive at pinakasalan. Sna Irene at
Jordan ay nagkita ng muli at nagpatawaran na.

Nagwakas ang nobela ng may mga matutunang aral. Sa limang taong


nagmamahal isa lang ang magiging maligaya. Pinuntahan ni Lucas si Bessie sa
San Ildefonso natuklasan niyang nakikipag-live in na si Bessie kay Brigs. Mula
noon ay namuhay na si lucas ng mag-isa ngunit di na nagsulat ng mga kwento
tungkol sa pag-ibig. Nagsulat na lamang siya tungkol sa kanyang bansang
nagiging kawawa na.

Pagkilala sa Manunulat ng Akda: Ricky Lee

Ricardo Lee (Ricky Lee)

 Si Ricardo Lee o mas kilala


bilang Ricky Lee, ay ipinanganak
noong Marso 19, 1948 sa Daet,
Camarines Norte at
kasalukuyang nabubuhay bilang
isang manunulat sa edad na 74.

 Si Ricky Lee ay nakapagsulat na


ng mahigit na 150 produced film

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified. Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

scripts, limang dula, maraming artikulong panlathalain, ilang maikling


kwento, isang script writing manual, at isang nobela.

 May mahigit 50 trophies siya mula sa kanyang mga pelikula, kabilang na


ang lifetime achievement award mula sa Gawad Urian.

 Nagbibigay din siya ng libreng scriptwriting workshop mula pa noong


1982.

 Unang nobela ni Ricky Lee ang Para Kay B: Kung Bakit Dapat Basahin ng
Hindi Pa Umiibig.

 Mahigpit na kalaban niya ang mga 40 pesos na “nobela” na siyang


kinalolokohan ng mambabasa ng mga romance novel at ghost stories.

 Masyadong mahal ang mahigit na apat na raang piso para sa isang libro.
Iyong may pera, Ingles ang binabasa kaya malamang mga nobelang
popular na nakasulat sa wikang Ingles na ang pipiliin nila. Tingnan na
lamang ang laki ng espasyong kinukuha ng mga ito sa malalaking
bookstore sa Kamaynilaan. Pero sa kabila nito kahanga-hanga ang tapang
ni Lee.

Balangkas ng Pagsusuri ng Nobela

A. Pamagat

Ang Pamagat ng nobela ay “Para Kay B: Kung Bakit Dapat Basahin ng


Hindi pa Umiibig”.

B. Mga Tauhan

 Unang Kwento:
Irene – isang wirdong babae na siyang hindi makalimot sa alaala ng
nakaraan.
Jordan – isang lalaki na naulila sa mga magulang dahil pinatay ang mga
ito ng hinihinalang mga NPA. Ang lalaking minahal ni Irene.
Father Zuñ iga – ang kumupkop kay Jordan pagkatapos ng pagpatay sa
kanyang mga magulang.
Sonya – ang stepmother ni Irene sa kanyang ama.

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified. Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

 Pangalawang Kwento:
Sandra – isang babaeng umiibig ng bawal sa kanyang kapatid.
Lupe – kuya ni Sandra na siyang iniibig niya at iniibig din siya
nito.
Ruben – asawa ni Sandra na walang alam sa kanilang bawal na pag-ibig
Belinda – ang anak nina Sandra at Lupe.

 Ikatlong Kwento:
Erica – ang babaeng bida sa kwento na siyang galling sa Maldiaga, isang
lugar ng walang pagmamahalan.
Matandang babae sa ilog – ang boses nanagsasabi ng "Mahal Kita" na
siyang sinundan ni Erica upang mapunta sa mundo natin.
Jake – ang lalaking hindi marunong magmahal ng tama ngunit natuto
dahil kay Erica.
Mrs. Baylon – ang ina ni Jake na siyang pinakamalakas na taga-suporta sa
pagiibigan nila.

 Ika-apat na Kwento:
Ester – isang babaeng nabyuda ngunit may lihim na pagmamahal sa
kapwa babaeng nagngangalang Sara.
Sarah – ang kanilang kasambahay noon pa man na umalis sa kanila nang
may mangyari sa kanila ni Ester.
AJ – ikalawang anak ni Ester na siyang bakla ngunit siya rin ang tumulong
sa pagkikita nila ni Sara muli.
Pio - ang matandang asawa ni Sara na siyang alam ang kanilang
pagiibigan kaya’t nagpapahaba ng buhay upang kanya lamang si Sara.

 Ikalimang Kwento:
Bessie – ang kaibigan ni AJ na siyang laging may ka date sa kanyang
bahay. Lucas – isang manunulat na siyang minahal si Bessie.
Brigs – isang ka-date ni Bessie na siyang nambugbog kay Lucas.
Manang Belen - ang kumupkop kay Lucas dahil sa kalunos lunos na
kalagayan.

C. Tagpuan

San Ildefonso - Isang bayang palaging mayroong rally laban sa Mayor.


Laging may nagpuputol ng mga punong kahoy dito, kaya ganoon na
lamang kinamumuhian ng mga mamamayan ang bayang ito.

D. Suliranin

 Ang pagkakaroon ng malungkot na kwento ng limang nag-iibigan.

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified. Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

 Ang kagustuhan na baguhin ng limang babaeng karakter ang istorya ng


pag-ibig nila.

E. Tema o Paksa

Buhay at Pag-

ibig

Binigyang-diin sa nobela ang mga sumusunod:


a. Hindi lahat ng kwento ng pag-ibig ay nagtatapos sa masaya.
b. Ang istorya ng bawat kwento ay nakasalalay sa manunulat.

F. Mga Simbolo

Pinky Promise - Sinisimbolo nito ang pangako ng isang taong kaniyang


pakakasalan ang sinumang pinangangakuan niya. Ito rin ay nagsisilbi
bilang isang pamatay patunay sa obligasiyon ng isang tao sa iba.

Kaputol ng Buhok o Walkwan - Sinisimbolo ng mga ito ang pag-asa at


inspirasiyong kinakapitan ng isang tao habang siya ay nabubuhay.
Maaaring siya lamang ang tunay na nakaaalam sa halaga ng mga bagay
na ito, kung kaya’t nagiging mas katangi tangi ang mga ito.

Room 2 - Sinisimbolo nito ang koneksiyon sa pagitan ng dalawang


nagmamahalang pilit na ipinaglalayo ng iba. Dito mahahanap ang pag-
asang magkakatagpo muli ang dalawang magkasintahan.

Maldiaga - Sinisimbolo nito ang kasalukuyang lipunang nababalot sa


napakaraming aktibidad at gawain sa puntong nakaliligtaan na nito ang
pinakamahalagang aspekto sa buhay ang pagmamahal. Nasasakupan din
nito ang kabataang masyado pang bata para malaman kung pagmamahal
ba talaga ang nararamdaman nila para sa isang tao.

Tatung “LOVE - Sinisimbolo nito ang pag-asang magiging mabuti pa ang


lahat sa gitna ng lahat ng kabuktutang nararanasan ng isang tao.
Maaaring ito ay kadalasang kailangan ng pag-udyok pa mula sa iba upang
talagang manaig ito sa puno’t dulo ng lahat.

G. Mga Pahiwatig

 Ang pagkakaroon ng malulungkot na istorya sa bawat kwento.

 Ang pag-alis ni Jordan sa San Ildefonso.

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified. Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

 Ang pagtatalik ng magkapatid na Sandra at Lupe.

 Ang pagtira ni Erica sa komunidad na di marunong magmahal.

 Ang pagtatago ng pagmamahal ni Ester kay Sara.

 Ang pagpatol ni Bessie sa kung kani-kaninong lalaki.

 Ang paglabas ng limang babae sa kwento mula sa kwarto ni Lucas.

H. Mga Magagandang Pahayag

 Sa pag-ibig pantay-pantay ang lahat.

 Ang pag-ibig ay laging paghahanap.

 May bagay na di nagtatagal, maski pag-ibig.

 Lahat ng umiibig, insecure.

 Hindi lahat ng babaeng sexually aggressive, naging biktima.

 Fate ang nagdala (pag-ibig), fate din ang magbabalik.

 Hindi kailanman mahahanap ng isang umiibig (na lalaki) ang babae dahil
ang hinahanap niya ay sarili.

 Hindi fate ng babae na makahanap ng lalaki, pero masaya.

 Hindi nakakatuluyan ang great love, Ang nakakatuluyan, ang correct love.

Ipinasa kay: ELY REY N.


Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified. Probinsya ng Laguna
Level I Institutionally Accredited

Mga Sanggunian https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Para-Kay-B/239321


(*nakahanay batay sa
order ng pagkakagamit ng https://dokumen.tips/documents/pagsusuri-para-kay-b.html
mga sipi at dibuho sa
kabuoang pananaliksik) https://www.tumblr.com/mxtpsandchpcks-blog

Ipinasa kay: ELY REY N.

You might also like