You are on page 1of 4

Ang Catch a Falling Star ni Cristina Pantoja – Hidalgo ay hindi isang buong nobela kun’di ay

koleksyon ng maraming maiikling kwento. Ito ay tungkol kay Patricia Soler o Trissy, na
tinatawag ring Patriciang Payatot kapag tinutukso ng mga kaklase. Ilan sa mga prominenteng
tauhan ay sina: Patricia “Trissy”, ang bida ng kwento; Carmela, ang kasambahay nina Trissy;
Mama at Papa, ang mga magulang ni Trissy at si; Cynthia “Cindy” Belmonte, ang best friend ni
Trissy. Marami pang ibang mga tauhan na ating makikilala sa bawat kwento.

Ang Magic Glasses


Si Honey Topacio ay ang pinakasikat na batang babae sa klase ni Trissy. Ang best friend niya
ay si Edna Duarte, isang bully. Si Honey ay sumikat dahil sa maraming rason ngunit isa na dito
ay ang kanyang magic pamato sa piko. Hinahangaan siya ng mga bata sa galing niya mag piko
at iniisip ni Trissy na may magic ang mga ito. Noong paskong iyon, si Trissy ay niregaluhan ng
nanay niya ng salamin. Malaki at maganda ang mga ito kaya’t tuwang-tuwa si Trissy. Dinala
niya ito sa school at tuwang-tuwa siya noong mapansin siya ni Honey. Naisip niya na may
magic ang kanyang mga salamin. Hiniram ni Honey ang salamin at pumayag si Trissy,
pumayag din si Honey na ipahiram ang magic pamato niya. Sa kasiyahan, lumapit si Trissy kay
Edna ang ipinagyabang ang salamin. Hindi natuwa si Edna, hinablot ang salamin, at yinapak-
yapakan ang mga ito. Humagulgol nang iyak si Trissy at pinagalitan si Edna. Sa huli’y
napagtanto niya na walang magic ang glasses at pamato, at ang tagumpay ni Honey ay
kanyang pinaghirapan.

Ang Notebook
Isang araw, naglalaro si Trissy ng paper dolls. May dumating na isang batang lalaking nakaputi,
si Francisco, at dalawang babae. Si Francisco ay naiwan kasama si Trissy at napilitang maglaro
ng paper dolls. Sabi niya na bibisitahin daw nila ang tatay niya kaya sila naroon. Masaya ang
paglalaro nina Trissy at Francisco, ito kasi ang unang beses na may kasama kalaro sa paper
dolls si Trissy. Pagkatapos ng ilang oras, umalis na sina Francisco. Pagkaraan ng ilang taon,
may nakita si Trissy na notebook na parang diary sa office ng tatay niya. Nakasulat dito ang
pagtanggi ng kanyang ama na nagtaksil siya sa asawa, ngunit siya pala ay nagkaroon ng anak
na batang lalaki na ayaw ng kanyang asawa na makasama niya. Noon napagtanto ni Trissy na
mayroon siyang kapatid sa labas, at iyon ay si Francisco, na hindi niya na muling nakita.

Ang Mangkukulam
Si Ignacia ay ang labandera nina Trissy. Masayahin ito at malapit na kaibigan ni Trissy. Isang
araw, may naiwan na pera sa counter ang ina ni Trissy at bigla na lang itong nawala. Noong
gabi, sabi ni Josefina, isa pa nilang kasambahay na si Ignacia raw ang kumuha at inaakusahan
niya itong isang mangkukulam. Noong pinacheck ng nanay ni Trissy ang gamit ni Ignacia,
naroon ang pera. Nasisante si Ignacia at pumalit si Josefina bilang labandera. Bigla na lamang
nagkasakit si Josefina at sinasabing gawa iyon ni Ignacia. Kinailangan niyang umalis upang
magpagaling, at noon di’y umamin na rin siyang siya ang kumuha ng pera at gusto niya ang
posisyon ni Ignacia. Bumalik si Ignacia sa bahay nina Trissy.

Patriciang Payatot
Si Rosemarie Gonzales ang pinakamaganda at si Mike Cordova naman ang pinakagwapo sa
lahat. Ngunit, si Trissy ay may ibang nagugustuhan, at iyon ay si Felipe Tirona. Si Felipe ay
malakas ang dating at matalino, kasundo niya ang ibang mga lalaki at sumusunod sa kanya. Si
Trissy ay laging tinutukso ng mga kaibigan niya kay Felipe kaya’t umaasa siya na gusto rin siya
ni Felipe. Noong Graduation Rites na nila, pumili ang kanilang guro ng magkakapareha. Si
Felipe ang naging kapareha ni Trissy kaya’t kilig na kilig siya. Sila ang kaunahan bilang ang Top
1 at Top 2 ng klase. Magkasabay silang nagmarcha sa entablado at magkasabay bumaba ng
hagdan. Noong pababa na sila, nasulyap ni Trissy ang likuran nila at nakita niyang nakatingin si
Rosemarie kay Felipe, sa buo’t buong akala niya ay si Mike ang gusto nito. Nang tumingin siya
kay Felipe, nakita niya ito na nakangiti at kumindat kay Rosemarie.

Ang Pink na Payong


Si Cookie Vergara ay maraming kapatid, pansampu siya sa magkakapatid at hindi sila istrikto
kay Cookie kaya’t kinaiinggitan siya ni Trissy. Nakatira siya sa bahay ng kanyang Kuya Ben at
asawa nito na si Ate Lita. Kasama niya ang anak nina Kuya Ben na si Ningning. Hindi uso ang
birthday party kina Cookie at ikinalungkot niya ito, kaya’t noong kaarawan niyang iyon, pumayag
ang kuya niya na pumunta sina Trissy, Cynthia, at Mary Lou sa bahay nila. Masaya sila naglaro
at kumain. Pagkatapos, dumating si Kuya Ben at binigyan si Cookie ng napakagandang pink na
paying. Tuwang-tuwa si Cookie noon. Ngunit, biglang lumabas si Ate Lita niya at hinablot ang
payong. Sinabi nito na para kay Ningning ang payong at umalis. Wala nang nagawa ang kuya
niya kaya’t umalis na lang siya at malungkot na umupo sa swing.

Ang Hapon ng mga Kabayo


Mayroong Summer House sa Tagaytay sina Trissy at doon sila namamalagi paminsan. Kasama
niya si Aurorita, ang anak ng pinsan ng Mama niya. Marami ring kabayo sa tagaytay. Ang
daming na-discover na Trissy na bago roon. Isang araw, nag-away si Trissy at Aurorita nang
sinabihan ni Aurorita si Trissy na boring dahil sa pagbabasa niya ng libro at sinabihan naman ni
Trissy si Aurorita na mabagal magbasa. Malaon, sabi naman ni Aurorita na mas marami siyang
alam kaysa kay Trissy. Natanong ni Aurorita si Trissy kung saan galing ang mga baby. Sabi ni
Trissy, na natutunan niya sa kanyang ina, na may isang hardin dawn a maraming malalaking
bulaklak, at bawat bulaklak ay mayroong baby sa loob na pwedeng kunin ng mga nanay.
Tumawa si Aurorita at tinanong niya kay Trissy kung alam nito ang ginagawa ng mga aso. Hindi
alam ni Trissy, at nagdrawing pa si Aurorita. Ngunit ‘di niya pa rin naintindihan. Isang araw,
noong kaarawan ng Nanay niya at naroon lahat ng kanyang kapamilya, may nakita sina Trissy
at Aurorita na kabayong nakapatong sa isa pang kabayo, at inakala ni Trissy na nag-aaway ang
mga ito. Nataranta si Trissy at tinawag ang mga nakatatanda at sinabihan siyang ‘wag na
lamang pansinin. Sinabihan rin siyang “tanga” ni Aurorita at Ramon, isa pa nilang pinsan.
Tinanong niya si Carmela at ang nasabi na lamang ni Carmela ay magkakaroon na raw ng baby
ang mga kabayo pagtapos, at doon napagtanto ni Trissy ang sinasabi ni Aurorita.

Little Miss Sunshine

Sina Trissy ay may kinaiinisang guro, si Miss, Paredes, dahil sa sobrang sungit nito. Hindi raw
sila pinapayagan na mag-ingay at nagpaparusa sa mga estudyante kapag may kasalanan. Si
Isa Ledesma naman ay si Little Miss Sunshine, na hindi makapag-isip nang masama kahit na
kanino. Noong kaarawan ni Miss Paredes, binigay siya ni Isa ng Card at naiyak daw siya. Hindi
makapaniwala sina Trissy. Isang araw, mayroon silang Pilgrimage, nagpunta sila sa simbahan
at sa Hulugang Taktak, isang talon. Doon, nagulat sila nang si Miss Paredes ay nakikipagbiruan
at nakikipaglaro sa kanila. Noong pauwi na sila, hinatid na ang mga estudyante at ang bahay ni
Isa ay nasa kabilang gilid ng kalsada. Itatawid si Isa ng konduktora ngunit nung nakita ni Isa
ang ate niya na kakauwi lang galing Boston, nagkaripas siya ng takbo palabas ng bus nang
biglang may dumaan din na bus sa kabilang linya. Huminto ito ngunit nahagip si Isa at siya’y
tumalsik. Nagpatawag ng ambulansya at umalis na ang mga estudyante. Habang nasa byahe at
nagdadasal sila, biglang may humagulgol nang iyak at nakita nilang si Miss Paredes ito.

Purita
Si Purita ay ang pinaka-kinaiinisan ni Trissy. Masama raw ang ugali nito, sumbungera, at kulang
sa pansin. Isang araw, nilapitan siya ni Sister Augusta at binigyan siya na special project bilang
miyembro ng Special Catholic Action – kaibiganin niya raw si Purita. Napilitan si trissy at
nagsimula niyang kaibiganin si Purita. Nilapitan siya ni Cynthia, at tinanong kung totoo nga ba
ang sinasabi ni Purita na si mag best friend sila. Tumanggi si Trissy ngunit nasaktan si Cynthia
at umalis. Nakita niya sina Cynthia at iba pang babae na nagkukuwentuhan at pinagsisihan niya
ang pakikipagkaibigan kay Purita. Bigla na lamang lumapit si Purita sa kanya at niyaya si trissy
sa kanilang bahay. Pagdating ni Trissy, galak siyang kinamusta ng nanay ni Purita. Noong nasa
kwarto sila at nagkukuwentuhan, bigla na lamang may nag-away sa baba. Nagmumurahan ang
mga magulang ni Purita at nagbabantaang papatayin ang isa’t isa. Walang nagawa si Trissy
kundi hawakan ang kamay ng nalulungkot, ngunit sanay na, na si Purita.

You might also like