You are on page 1of 22

DEDIKASYON

Ang maikling kuwento na ito ay buong puso naming ini hahandog

unang una sa Poong may likha na kung saan binigyan kami ng kakayahan upang

maisulat ang kuwentong ito. Pangalawa, sa mga kabataan, na maging

inspirasyon at mapulutan ng aral sa kani-kanilang buhay. Pangatlo, ito ay buong

puso rin naming inihahandog sa mga magulang na walang sawa na sumusuporta

at may malawak na pang-unawa. Ang huli, sa aming mga guro, na gumabay at

nagbigay ng tiwala upang mabuo namin itong maikling kuwento. Sa mga

darating pang henerasyon, nawa'y maka- pulutan ang aral ang aming kuwentong

nagawa. Masasabing kayo ang dahilan sa aming pagsisikap.


ANG MASELANG BAHAGHARI

BURADOR

Ang maikling kuwento na ito ay nakapokus sa kuwento ng mag-

asawang Tristan/Trinity at Mary. Sa kuwentong ito matutunghayan kung paano

nilagpasan ng mag-asawa ang hamon ng kanilang buhay. Ang mag-aaral ay

mamumulat sa reyalidad na maaari pala na mangyari ang ganitong senaryo sa

buhay. Datapwa't di ganon katarunungan, mapupulutan naman ito ng ibat-ibang

aral sa ating buhay dahil ito ay napapanahong isyu sa lipunan.

Ang maikling kuwento na ito ay pangunahing layuning tulungan at

mabuksan ang moralidad ng kabataan sa bawat hamon at isyu sa lipunan. Ang

aral at kaalamang matatamo sa kuwentong ito ay inaasahang magiging

kasangkapan ng mag-aaral o mambabasa na maging kasapi ng lipunang

kanilang kinabibilangan.

Inaasahan na ang kuwentong ito ay makakatulong ng lubos sa pag-

aaral ng mag-aaral at maging kabahagi ng mabuting lipunan sa pagtuklas at

pagresolba ng mga napapanahong isyu sa ating bayan at lipunan.


Mga May- Akda

ANG MASELANG BAHAGHARI

Ako si Tristan Bahaghari, kilala ako sa aming lugar bilang isang

mapagmahal na asawa at ama, masipag at maaruga sa aking pamilya. Ang aking

asawa naman ay isang anak ng kilalang pamilya na si Mary. Siya ay isang

maunawain at mapagkumbabang asawa. Sa aming pagsasama makikita ang

labis na pagmamahalan. Hindi lihim ang pagtutol ng mga magulang ni Mary sa

pagsasama naming dalawa. Bagkus, ito pa ang naging dahilan ng matibay

naming pagsasama. Ngunit may pangyayaring hind lubos na inaasahan na

makakapagbago ng aming buhay. Ito ang aking kwento.

Lunes, alas syete ng umaga, ang mag-asawa ay aligaga sa pag-

aasikaso sa kani-kanilang sarili. Habang inaasikaso ni Mary ang kanilang anak

ay nagtanong ang asawa nitong si Tristan kung nasaan ang kurbata nito,

napangiti lamang si Mary sa tanong ni Tristan na paulit-ulit na lang sa tagal ng

pagsasama nilang dalawa.

Sa opisina, nakikita kung gaano kasipag at kadedekado sa kanyang

trabaho itong si Tristan. Mayroong mga naiinggit at mayroong masaya sa


kaniyang mga natatamasa sa buhay. Kabilang sa mga naiinggit kay Tristan ay

ang dating manliligaw ni Mary na si Felix. Si Felix ay kabilang sa mayamang

pamilya, siya ay anak ng may-ari ng bangko na pinagtatrabahuhan ni Tristan.

Sa parking lot, hindi sinasadyang nagkasalubong sina Felix at

Tristan at nagkaroon ng iringan sa pagitan nilang dalawa. Mabuti na lamang ay

dumating si Mary upang sunduin ang kanyang asawa bago sila nagpang-abot.

Kinagabihan, bago matulog ang mag-asawa, nabanggit ni Tristan na

magkakaroon sila ng business trip sa Milan, Italy at dahil alam niyang mahilig

sa arts ang kaniyang asawa ay nais niya itong isama. Sa sobrang tuwa ay

niyakap ni Mary si Tristan, halos hindi siya makatulog kakaisip kung ano ang

kaniyang mga dadalhin at pupuntahang Art Gallery. Sa araw ng kanilang

pagbiyahe ay hindi mapawi ang ngiti at kasiyahan sa mukha ni Mary, nang di

inaasahan ay nakasabay nila si Felix papasok ng airport.


Unang araw sa Milan Italy na kung saan magsisimula na ang

seminar nila Tristan. Mag-isang nagliwaliw si Mary at hinanap ang isa sa

pinakasikat na Art Gallery sa Milan Italy at pumukaw sa kaniyang mata ang

“Pinacoteca di Breva”. Sa sobrang pagkamangha ni Mary ay hindi niya

namalayan na nasa likuran niya ang kaniyang asawa. Niyaya ni Tristan si Mary

na kumain sa isang restawran at habang kumakain sila ay nabubusog din ang

kanilang mga mata sa mga tanawing nakapaligid sa kanila. Habang naglalakad

pabalik sa hotel ang mag-asawa ay sinasabi ni Tristan na maaga pa ang gabi

kaya inaya niyang pumunta sa isang kilalang pook-aliwan. At habang

nagbibihis ang mag-asawa nakaisip ng isang kalokohan si Mary. Biglang naisip

ni Mary na ipasuot ang kaniyang mga damit at ayusan ang kaniyang asawa.

Tumanggi si Tristan ngunit mapilit si Mary kaya pinagbigyan na lamang niya

ang kalokohan ng kaniyang asawa. Matapos na bihisan at ayusan ni Mary si

Tristan ay nagulat ito sa kaniyang nakita. Napakaganda ni Tristan sa bihis

babae. Nahihiya si Tristan dahil hindi siya sanay at naiilang ito sa kaniyang

kasuotan. Pagdating nila sa pook-aliwan ay agad na nakakuha ng atensyon ang

dalawa. Ilang minuto ang nakalipas ng may lumapit na dalawang lalaki at

gustong makipagkilala sa kanilang dalawa. Nagulat si Tristan dahil hindi niya

akalain na lalapitan siya ng lalaki. Tinanong ng isang lalaki kung ano ang

kaniyang pangalan at sumagot si Mary, “Siya si Trinity”. Nanlaki ang mata ni


Tristan at balak na suwayin si Mary pero nanahimik na lang ito. Lumapit si

Tristan at binulungan ang asawa, “Ano bang ginagawa mo?”, tumawa si Mary,

“Sakyan mo na lang ako”. Napabuntong-hininga na lamang si Tristan sa

kalokohan ng kaniyang asawa. Ikinagagalak kong makilala ka, ako nga pala si

Matthew Rodriguez. Napasinghap ang mag-asawa dahil sa matalas na

pagtatagalog ng lalaki. Natawa si Matthew, kung hindi ninyo maitatanong ay

may lahi din akong Briton at Filipino. Kaya pala napakagaling mong

magtagalog, aniya ni Mary.


Natapos ang gabi ng may ngiti sa kanilang mga labi. Nang umuwi si

Mary at Tristan sa kanilang bahay tuluyan ay uginuhit ni Mary si Tristan

habang nakasuot ito ng damit pambabae, habang iginuguhit ni Mary si Tristan

siya ay nakaramdam ng kasiyahan sa sarili. Ganito pala ang pakiramdam kapag

ika’y isang babae. Maraming humahanga sa’yo lalo na ang mga lalaki. Habang

iniisip niya ito, nagagalak pa siya sa kung ano pang puweding mangyari kapag

ipagpatuloy pa nila ang kalukohang nasimulan nilang mag-asawa.

Kinabukasan, habang sila ay nagpapahinga sapagkat wala silang

pagpupulong sa araw na iyon ay biglang tumunog ang telepono ni Tristan at

sinagot niya ito. Maaari ko bang makausap si Trinity, paki sabi si Matthew ito.

At sa gulat ni Tristan ay bigla na lang itong nagboses pambabae at sinabing

paano mo nakuha ang aking numero, sinagot naman ni Matthew ang kaniyang

tanong at sinabing, ibinigay ito ng iyong kaibigan na si Mary noong gabing

nagkakilala tayo. Aanyayahan sana kitang mamasyal kung iyong mamarapatin.

Bumulomg si Mary at sinabing pumayag si Tristan sa imbitasyon ni Matthew.

Walang nagawa at napa oo na lang si Tristan. Pagkababa ng telepono ay sinabi

ni Mary na may lakad siya at magkikita sila ng kababata na naninirahan sa

italya. Bibihisan muna kita at aayusan bago ka makipagkita kay Matthew,

kinikilig si Mary sa nangyayari pero sumagi sa isip niya kung tama pa ba ang

kanilang ginagawa. Sa starbucks, magkikita sina Trinity at Matthew. Pagdating


ni Trinity sa starbucks agad niyang nakita si Matthew sa kaniyang kinauupuan.

Nagpakilala sila ng maayos sa isa’t isa.

Habang masayang nag-uusap si Trinity at Matthew, biglang lumapit si

Matthew at biglang hinalikan si Trinity, nagulat si Trinity sa nangyari sapagkat

hindi niya ito inaasahan, tumatawang bumalik sa upuan si Matthew at sinabing

“Gusto kita Trinity” at sumagot si Trinity, “Alam mong hindi ako tunay na

babae”, “Alam ko, hindi ba pweding umibing ang tulad ko sa isang katulad mo?

ika ni Matthew. Nakaramdam si Trinity ng hindi inaasahang bugso ng

damdamin. Biglang nag-ayang umuwi si Trinity at walang nagawa si Matthew.

Nagpilit na ihatid ni Matthew si Trinity ngunit tumanggi ito at walang nagawa

si Matthew. At habang naglalakad pauwi si Trinity/Tristan ay bigla niyang

naisip ang kaniyang asawa, nagdadalawang-isip si Tristan kung sasabihin niya

ba ang nangyari kay Mary.

Pagdating ni Tristan sa hotel ay naabutan niyang tulog na ang

kaniyang asawa, kaya ipinagpabukas na lamang niya ito. Hanggang sa naulit

muli ang pagkikita nilang dalawa ni Matthew ng hindi nalalaman ni Mary.

Hindi agad nakatulog si Tristan sapagkat iniisip niya ang kaniyang

nararamdaman sa mga nangyayari, tila ito ay nalilito kung saan patungo ang

kaniyang nararamdaman.
Nakauwi na ng Pilipinas si Tristan at si Mary. Ilang araw ng nakauwi

galing ng Italy sina Tristan at Mary ngunit nararamdaman ni Mary na iba ang

pakikitungo ni Tristan sa kaniya, tila ito ay nanlalamig na at nararamdaman

niyang may itinatago ito sa kaniya. Ilang araw ang nakalipas, pag-uwi ni Mary

galing sa bahay ng kaniyang mga magulang ay nadatnan niya na isinusukat ng

kaniyang asawa ang kaniyang mga damit, nagulat ito sa kaniyang nakita at

nagdadalawang isip kung ito ba ay kaniyang kakausapin tungkol dito. Bago sila

matulog ay sinubukang halikan ni Mary si Tristan ngunit ito ay umiwas at

sinabing pagod ito, kaya nalungkot na lamang bigla si Mary at itinulog ang

sama ng loob sa asawa dahil sa pinaparamdam nito.


Maagang nagising si Mary, halos hindi nakatulog si Mary dahil

naiisip niya ang kaniyang nakita at pinaparamdam ng asawa. Marami ng

katanungan ang gumugulo sa isipan ni Mary patungkol sa kaniyang asawa.

Natanghalian ng gising si Tristan, pagbaba niya ay nakita niyang

nakahanda na ang kaniyang umagahan. Ngunit hindi niya makita ang kaniyang

asawa. Sa sama ng loob ni Mary ay siya na lang ang naghatid sa kanilang anak

sa eskuwelahan.

Hindi nagpang-abot sina Mary at Tristan sa kanilang bahay.

Makalipas ng ilang minuto, mayroong tumawag sa telepono. Agad na sinagot ni

Mary ito, ang nasa kabilang linya ay nagpakilalang Matthew. Naalala ni Mary
ang pangalang Matthew noong nasa Italya silang mag-asawa. Hinahanap ni

Matthew si Trinity, hindi nakasagot si Mary at agad niyang ibinaba ang

telepono. Ngunit muli itong tumawag, nagdadalawang isip si Mary kung

sasagutin ba ito o hindi, pero nanaig na ito’y kaniyang sagutin upang malaman

ang nasa pagitan nila ni Tristan at Matthew. Ngayong araw ay nagplano siya ng

isang date para makapag-usap silang dalawa sa isang kapehan.

Nang makaupo na silang dalawa, nagsimula na ang kanilang pag-

uusap patungkol sa kanila ni Trinity. Nagsimulang tanungin ni Mary si Matthew

kung bakit ito napatawag sa telepono ni Trinity. Sinagot naman ni Matthew ang

mga katanungan ni Mary at sinabi ni Matthew na hinahanap-hanap niya si

Trinity sa sandaling nakasama niya ito sa Italya habang nakangiting

nagkukwento kay Mary. Ngumingiti na lamang din si Mary sa harap ni Tristan

upang hindi naman ito makahalata, kahit na masakit para sa kaniya ang

kaniyang mga naririnig mula kay Matthew. Nananabik si Matthew kay Trinity

dahil sa mga nangyari sa kanila sa Italya. Sa sobrang pagkahumaling ni


Matthew kay Trinity ay sumunod ito sa Pilipinas upang mas lalong mapalapit

ang loob kay Trinity.

Umuwing gulong-gulo ang isip ni Mary. Hindi niya magawang

komprontahin ang asawa sa kadahilanang siya din ang nagpagawa sa kanya ng

ganong gawain.

Pagkauwi ni Tristan, muling sinubukan ni Mary na halikan ang

kaniyang asawa. Sa pangalawang pagkakataon umiwas ito. Buntong hininga at

umiyak ng tahimik si Mary. Kinabukasan ng hapon, nagpaalam si Tristan kay

Mary na mayroon siyang kliyenteng pupuntahan, walang ano-ano pa ay

pumayag naman si Mary. Nagkaroon ng pagkakataon si Mary na sundan ang

asawa at kaniyang nahuli na si Matthew pala ang kaniyang kikitain at hindi ang

isang kliyente. Hindi alam ni Mary kung pupuntahan at kokomprontahin ang

dalawa. Sa sama ng loob nagpunta sa isang pook-aliwan at uminom si Mary,

naguguluhan, nagtatanong bakit anong nangyari? Sa sobrang kalasingan ni

Mary ay hindi na niya alam kung ano ang kaniyang mga pinaggagawa sa pook-

aliwan. Biglang dumating si Felix kung nasaan naroroon si Mary at nag-usap

silang dalawa ngunit hindi alam ni Mary ang kaniyang mga pinagsasabi at

ginagawa nang gabing iyon. Kinaumagahan ay nagising si Mary na walang

saplot at pagtingin niya sa kaniyang tabi ay nagulat ito ng makita si Felix, agad
na bumangon ito sa pagkakahiga at nagsuot ng damit at biglang umalis na lang

agad ng walang paalam kay Felix.

Agad na umuwi si Mary at nadatnan niya ang kaniyang asawa na

nakaupo sa salas at hindi maipinta ang mukha. Pagkakita na pagkakita ni

Tristan kay Mary ay agad niyang tinanong kung saan ito nanggaling at kung

saan ito natulog, hindi agad nakaimik si Mary at hindi alam kung ano ang

isasagot sa kaniyang asawa. Biglang nagsalita si Tristan at sinabing, “Gawain

ba ng isang matinong babae yan?”. Nagpantig ang tainga ni Mary sa kaniyang

narinig at sinabing, “Eh bakit ikaw nagagawa mo ng magsinungaling saakin?,

Bakit hindi mo sinabing nagkikita parin pala kayo ni Matthew?, Anong

ginagawa ninyo ni Matthew sa hotel?, Anong relasyon ang mayroon kayo?,

halos mangiyak na tanong ni Mary sa kaniyang asawa. Lumaki ang mata sa

gulat ni Tristan kung paano nalaman ng kaniyang asawa ang patuloy na

pagkikita nila ni Matthew. Naguluhang tinanong ni Tistan ang asawa. “Ano

bang pinagsasabi mo?” Anong relasyon ninyong dalawa ni Matthew umamin

ka. Akala mo ba hindi ko malalaman kung anong nangyari sainyo sa italya?, na

nagkikita kayo?, hanggang kelan mo itatago sakin ang lahat?, umiiyak na

tanong ni Mary sakaniyang asawa.


Nawalan ng kulay ang mukha ni Tristan sa mga narinig sa asawa.

Hindi alam kung saan magsisimula. Biglang tumulo ang luha ni Tristan,

naghalo-halong pagsisisi at magulong isip ay sinabi nito ang lahat.” Simula ng

nangyare sa italya, naguguluhan na rin ako Mary. Na para bang may kulang sa

katauhan ko, hindi ko ginusto na saktan ka, hindi ko rin gusto ang mga

nangyayari. Pero hindi ko mapigilan, na tila bang ang sarap sa pakiramdam ang

magsuot ng barong pambabae at kolorete. Ang hangaan ng isang lalaki.

Humahagulgol na sambit ni Tristan, awang awa si Mary sa nakitang itsura ng

asawa, sinisisi ang sarili ngunit sa kabila ng lahat ay mahal na mahal nito ang

asawa. At wala ni sino man ang makasisira sa pag-sasama nilang mag asawa.

Makalipas ang ilang taon, makikitang masaya ang mag-asawa.

Tanggap ni Mary ang naging desisyon ni Tristan. Maraming nagtataka,

nagtatanong, bakit?, paano?, anong nangyare?, pero ang tunay na

nagmamahalan ay hindi nasusukat sa isang kasarian. Kundi, ito ay dahil sa

mahabang pasensya, pagpapatawad, pagtanggap at pagmamahal, kung bakit

kahit sa kabila ng lahat ay magkasama at masaya si Tristan at Mary. Sa pag-

sasamang dalawa silang Babae.

Tapos!
MGA TAUHAN

Tristan/Trinity- Pangunahing tauhan

Mary- Asawa ni Tristan

Matthew- Naging karelasyon ni Trinity

Felix- Dating manliligaw ni Mary

Sofia- Anak nina Tristan at Mary

MGA TAGPUAN

Pook-aliwan

Milan, Italy

Kapehan

Starbucks

Hotel

Airport

Opisina

Parking lot
BUOD

ANG MASELANG BAHAGHARI

Sa buhay ng mag-asawang Tristan at Mary, maraming pagsubok at

pangyayaring babago ng kanilang pagsasama. Nagsimula ang lahat sa italya

kung saan nagpunta ang dalawa. Isang kalokohan na nauwi sa hindi inaasahang

problema at pagsubok na pag-dadaanan ng mag-asawa. Si Tristan na binihisan

ng pambabae ng kaniyang asawang si Mary. Nakilala ng mag-asawa si

Matthew, at sa unang tingin palang ay tila nahulog na ang loob sa katauhan ni

Tristan bilang Trinity. Umuwi ng Pilipinas ang mag-asawa ay tila nagkaroon na

ng lamat ang kanilang pag-sasama. Hindi nawala sa isipan ni Tristan/Trinity ang

kaniyang naranasan sa piling ni Matthew. Dumating sa punto na iniiwasan ni

Tristan ang asawa sa tuwing siya ay hahalikan nito. Nagkaroon ng panibugho si

Mary sa asawa at nagkaroon ng hinala ng tumawag si Matthew. Lalo pang

nadagdagan ang hinala niya ng sundan at makita ni Mary kung sino ang kasama

ng asawa. Maayos at masaya ang pag-sasama nilang dalawa ngunit sa isang

iglap tila itoy mawawala na. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanilang napag

daanan. Nanaig ang pagmamahalan ng dalawa at sa bandang huli, masaya at

lalong tumibay ang pagsasama ng mag-asawa. Si Mary at si Tristan bilang

Trinity kasama ang kanilang anak na si Sofia.


MGA KATANUNGAN:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?

2. Bakit pinamagatang "ANG MASELANG BAHAGHARI'' ang kwento?

3. Ano ang pagkakaiba sa pagkatao ni Tristan at Trinity?

4. Ano ang layunin nina Tristan at Mary sa pagpunta nila sa Italy?

5. Ano ang naging dahilan sa pag-aaway at hindi pagkakaunawaan ng mag-

asawa?

6. Sino ang inibig ni Tristan bilang si Trinity?

7. Bakit naisipan ni Mary na gawin ang pagpapalit ng katauhan ni Tristan?

8. Ano ang naging epekto ng pagpapalit ng katauhan ni Tristan sa kanilang mag

asawa?

9. Ano ang nais iparating ng kwentong nabasa sa realidad?

10. Sa inyong persepsyon, maihahalintulad ba ang sitwasyong ito sa ating

panahon ngayon?
MGA MANUNULAT

Secolles, Lerica Joy Mata, Sabelle

Gargallo, Aimee Rose De dios, Hailyn

Gargallo, Rey Benedick Mabala, Robert


Yap, John Rolyn Doria, Lemuel
ANG MASELANG

BAHAGHARI
GROUP 1

You might also like