You are on page 1of 12

3

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 5 :
Katambal Ko!

AIRs - LM
Filipino 3
Ikaapat na Markahan - Modyul 5 : Katambal ko!
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 20201


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha


ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Evangeline M. Milan, Tavora Elem. School, Pugo District


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Magandang araw sa iyo!

Handa ka na ba sa susunod nating modyul?

Ano o sino ang mga kakilala ninyong tambalan? Sino ang


paborito ninyong tambalang artista? Katulad ng mga tambalang
ito mayroon ding tambalang salita.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang


mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na


nananatili ang kahulugan
(F3PT-IIIc-i-3.1) (F3PT-IVd-h-3.2)

Inaasahan din na maisasagawa mo ang karagdagang


kompetensi:

- nakikilala ang mga tambalang salita .


Aralin Pagkilala sa mga
5.1 Tambalang Salita

Simulan
Panuto : Ilagay sa patlang ang tsek ( / ) kung tambalang
salita
at ekis ( X ) kung hindi.

_______1. agaw-buhay
_______2. punong- puno
_______3. isip- bata
_______4. hating-kapatid
_______5. Silid-tulugan

Lakbayin
May mga salitang binubuo ng dalawang salita. Ito ang
tinatawag na tambalang salita. Basahin ang pangungusap at
alamin ang tambalang salitang ginamit.

Halimbawa :
1. Madaling - araw pa lang ay gising na si Mang Rudy.
2. Takipsilim na kung siya ay umuwi.
3. Pagod na pagod siya sa pag-aararo sa bukid kaya lakad-
pagong siya nang umuwi.

madali + araw = madaling –araw


takip + silim = takipsilim
lakad + pagong = lakad-pagong
Galugarin

Panuto : Basahing mabuti ang mga pangungusap at


salungguhitan ang mga tambalang salita.

1. Inihanda ni Alan ang banig at kumot sa silid-tulugan.

2. Agaw-buhay ang naaksidenteng lalaki.

3. Si Manny ay laging bukas-palad sa nangangailangan.

4. Magtanim tayo ng punongkahoy.

5. Ang mag-asawa ay nagtitinda ng mga halamang-dagat.

Palalimin

Panuto : Hanapin sa kahon ang tambalang salitang pupuno sa


diwa ng pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot.

abot-tenga likod-bahay bungang-kahoy


silid-aklatan akyat-baba

1. __________________ ang ngiti ni Rita nang makita ang pusa at


ang kuting.

2. May kulungan sa aming ____________________ ang aso ni


Kuya.

3. Ang __________________________ ay mabuti sa kalusugan.


4. Nagbabasa sa ________________________ ang magkaibigan.

5. Ang malikot na bata ay _____________________ sa hagdan.

Sukatin

Panuto : Dugtungan ng salita para mabuo ang tambalang salita


sa pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ang hanap-______________ ni tatay ay karpintero.

2. Kahit nakatira ka lang sa isang bahay-____________ basta’t


malinis ang iyong kalooban ay igagalang ka pa rin ng iyong
kapwa.

3. Hindi yata galing sa Nanay mo ang excuse letter na ito.


Kilala ko ang sulat-______________ ng Nanay mo.

4. Lasang asin ang karagatan dahil tubig- ____________ ito.

5. Malapit lang ang bahay namin. Abot ________ siya sa aming


paaralan.
Aralin
Pagtukoy sa kahulugan ng
5.2 Tambalang Salita

Simulan
Panuto : Basahing mabuti ang mga pangungusap at hanapin ang
Mga salita sa loob ng kahon kung ano ang tinutukoy
nito.Isulat ang sagot sa patlang.

urong-sulong ingat- yaman punongkahoy


hanapbuhay taos- puso

_______________________1. Ito ay halamang may mga sanga at


dahon, nabubuhay nang ilang taon
at may kataasan.

_______________________2. Paraan ng pamumuhay o gawain na


Pinagkakakitaan

_______________________3. Nagmumula sa tunay at taimtim na


damdamin.

_______________________ 4.Tagatago ng salapi at talaan ng mga


gastos ng isang samahan

________________________5. Hindi makapasya kung uurong o


susulong.
Lakbayin
Tambalang Salita - binubuo sa pamamagitan ng pagsasama o
patatambal ng dalawang salita upang makabuo ng isang
tambalang salita. May mga dalawang salitang pinagtambal na
nananatili ang kahulugan nito.

Halimbawa ng tambalang salita na nanatili ang kahulugan


• Balikbayan –isang taong umalis a nangibang bayan at
ngayon ay bumabalik na muli
• Silid - aklatan – lugar kung saan nakalagay ang mga aklat

Galugarin
TUKUYIN MO!
Panuto : Lagyan ng tsek ( / ) ang kahon kung nanatili ang
kahulugan ng nasalungguhitang dalawang salitang
pinagtambal at ekis ( X ) kung hindi.

1. Hatinggabi nang dahan-dahang pumasok sa bahay ng mga


hayop ang mabangis na lobo at sinakmal ang isang tupa.
Batay sa gamit sa pangungusap ,nanatili ba ang orihinal na
kahulugan ng hati at gabi sa salitang hatinggabi?

2. Mabilis na tumakbo si Putol sa silid-tulugan ng kanilang amo


upang gisingin ang natutulog na amo.
Batay sa gamit sa pangungusap,nanatili ba ang orihinal na
kahulugan ng silid at tulugan sa salitang silid-tulugan?

3. Ang mga tupa na dating nanunukso kay Putol ay hindi na


nagta-taingang-kawali kapag pinagsasabihan ni Nanay.
Batay sa gamit sa pangungusap, nanatili ba ang orihinal
na kahulugan ng tainga at kawali sa salitang taingang-
kawali?
4. Naging masaya na ang mga hayop at mula noon ay
pawang tawanan ang maririnig sa kanilang bahay-kubo.
Batay sa gamit sa pangungusap, nanatili ba ang orihinal
na kahulugan ng bahay at kubo sa salitang bahay-kubo?

5. Nagkulay bahaghari na naman ang paligid dahil maayos na


ang samahan ng mga hayop
Batay sa gamit sa pangungusap, nanatili ba ang orihinal
na kahulugan ng bahag at hari sa salitang bahag-hari?

Palalimin
Panuto : Hanapin ang kahulugan ng tambalang salita sa Hanay
B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A. B.
____1. Tubig ulan A. silid na pinag-aralan
____2. Silid-aralan B. pinuno ng mga guro sa paaralan
____3. Silid tulugan C. bumalik sa bayan
____4. Punong guro D. tubig na galling sa ulan
____5. Balik bayan E. silid na tinutulugan
Sukatin

Panuto : Isulat sa patlang ang salitang maaaring itambal sa


ibinigay na salita. Pumili sa mga salita sa kahon.Gamitin
bilang gabay ang ibinigay na kahulugan.

gawang ugat buhay aralin biglang

Tambalang salita Kahulugan


1.hanap- ___________ Paraan ng pamumuhay o gawain na
pinagkakakitaan
2. takdang -__________ Gawaing pagkatapos ng klase
upang makapag-aral ang mag-aaral
3. salitang-___________ Pangunahing bahagi ng salita na
dinudugtungan ng panlapi
4. _________ yaman Bagong yaman na mabilis na
pagyaman
5._________- kamay Yari sa kamay at hindi gamit sa
makina
ARALIN 5.1
Simulan Galugarin Palalimin Sukatin
1. / 1.silid-tulugan 1. abot-tenga 1. buhay
2. x 2. agaw-buhay 2. likod-bahay 2. kubo
3. / 3. bukas-palad 3. bungangkahoy 3.kamay
4. / 4. punongkahoy 4. silid-aklatan 4. alat
5. / 5. halaman-dagat 5. akyat-baba 5. tanaw
ARALIN 5.2
Simulan Galugarin Palalimin Sukatin
1. punongkahoy 1./ 1. D 1. buhay
2. hanapbuhay 2. / 2. A 2. aralin
3. taos-puso 3. x 3. E 3. ugat
4. ingat-yaman 4. / 4. B 4. biglang
5. urong-sulong 5. x 5. C 5. gawang
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

BASA PILIPINAS Gabay sa Pagtuturo ng Filipino sa Ikatlong


Baitang, Yunit 3, pahina 89, Yunit 4, pahina 122

Alma M.Dayag,Pinagyamang Pluma 3 Wika at Pagbasa para sa


Elementarya,Phoenix Publishing House 2013, pahina 47,49,50

You might also like