You are on page 1of 5

Summative Examination

Sosyedad at Literatura (SOSLIT)

I. Pagpipilian

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. MAHIGPIT NA
IPINAGBAWAL ANG PAGBURA.

1.) Ayon sa kanya, “Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao sa ibat’t ibang
bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan , sa lipunan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa
dakilang lumikha.”

a.) Rubin b.) Adolfo c.) Azarias d.) Salazar

2.) “Ang Panitikan ay Talaan ng Buhay.” Ito ay ayon kay?

a.) Azarias b.) Florante c.) Rousseau d.) Arrogante (1991)

3.) Ang mga sumusunod ay ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan sa Pilipinas, maliban sa
isa.

a.) Mapangangalagaan ang ating yamang pampanitkan na isa sa sa ating


pinakamahalagang yamang panlipi.
b.) Maiingatan ang ating sariling likas na yaman ng bansa.
c.) Malilinang ang pagmamalasakit sa sariling kultura.
d.) Makikilala ang sarili bilang Pilipino, ang yaman at talinong taglay ng lahing
pinagmulan, kadakilaan at karangalan ng sariling tradisyon at kultura.

4.) Ito ay Uri ng Literatura batay sa paraan ng pagsasalin na kung saan maisasalin sa ibang
henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.

a.) pasalinkamay b.) pasalindila c.) pasalintroniko d.) pasalinsulat

5.) Ito ay batay sa anyo na isa sa uri ng literature na nasusulat sa taludturan at saknungan

a.) Patula b) Padula c.) Patanghal d.) Tuluyan o Prosa

6.) Isinasadula sa entablado, sa bahay at sa bakuran. Maaring patula o patuluyan.

a.) Prosa b.) Dula c.) Patanghal d.) Patula


7.) Mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari at kinasasangutan ito ng
maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.

a.) Dramatiko b.) Parabula c.) Anekdota d.) Nobela

8.) Uri ng Nobela na kung saan binibigyang-diin dito ang mga pangyayari sa akda.

a.) Nobelang Pangyayari


b.) Nobelang Makabanghay
c.) Nobelang Tauhan
d.) Nobelang Pangkaisipan

9.) Uri ng Nobela na kung saan binibigyang-diin dito ang pagbabago sa isang particular na pook
o lugar.

a.) Nobelang Pangkaisipan


b.) Nobelang Romansa
c.) Nobelang Pagbabago
d.) Nobelang Makabanghay

10.) Uri ng Maikling kwento na kung saan binibigyang-diin dito ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.

a. Pangkatauhan b.) Makabanghay c.) Kasaysayan d.) Pangyayari

11.) Itinatanghal sa entablado o tanghalan, nahahati sa yugto ngunit mayroon ding iisahing
yugto.

a.) komedya b.) patanghal c.) dula d.) trahedya

12.) Maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay aral sa mga mambabasa, halimbawa
rito ay “Ang Gamogamo at Munting Ilawan.”

a.) Sanaysay b.) Saynete c,) Parabula d.) Anekdota

13.) Maikling tulang binibigkas nang may himig. Halimbawa nito ay ang Oyayi.

a.) Soneto b.) Awiting-bayan c.) Pastoral d,) Liriko

14.) Ito ay naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.

a.) Oda b.) Dalit c.) Soliranin d.) Pastoral

15.) Akdang Patula na may lalabindalawahing pantig sa bawat taludtod.

a.) Awit b.) Elehiya c.) Oda d.) Korido


II. Enumerasyon
Ibigay ang 10 sampung akdang tuluyan o prosa. 16-25.

Proverbs 16:3
“Commit to the Lord whatever you do and your plans will be succeed.”
ANSWER KEY IN SUMMATIVE
1.) C
2.) D
3.) B
4.) B
5.) A
6.) C
7.) D
8.) A
9.) C
10.) B
11.) C
12.) D
13.) B
14.) D
15.) A
II.
1.)
2.)
3.)
4.)
5.)
6.)
7.)
8.) 9.) 10.)

You might also like