You are on page 1of 5

Prelim Exam

Sosyedad at Literatura (SOSLIT)

I. Pagpipilian
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. MAHIGPIT NA PINAGBAWAL ANG
PAGBURA.

1.) Ito ay nasusulat sa taludturan at saknungan.


a.) Tuluyan b.) Prosa c.) Pagdulog d.) Patula
2.) Tulang Nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan, at pakikipagsapalaran ng isang
pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala.
a.) awit b.) korido c.) Epiko d.) soneto
3.) Isang tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng
kaunting pilosopiya sa buhay.
a.) Dramatiko b.) Pastoral c.) Dalit d.) Tulang Padula
4.) Layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak ukol sa buhay ng dalawang
nag-iibigan. Piling-pili ito sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
a.) Feminismo b.) Klasismo c.) Romatisismo d.) Humanismo
5.) Layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit sa maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya at saloobin.
a.) Realismo b.) Arkitaypal c.) Imahismo d.) Formalismo
6.) Ito ay nagmula sa salitang “titik na ginamitan ng paglalaping pang at an.
a.) Letra b.) Baybayin c.) Alibata d.) Panitikan
7.) Tulang Pandamdamin o Liriko na humahanga o nagpupuri sa isang bagay gaya ng, “Ode to
the Nightangale.”
a.) Parsa b.) Oda c.) Dalit d.) Pastoral
8.) Tulang Patnigan na nagpapaligsahan sa husay ng pagtula at pangangatwiran.
a.) Elehiya b.) Korido c.) Duplo d.) Balagtasan
9.) Tulang Pandamdamin o Liriko na karaniwang pumapaksa sa patay.
a.) Elehiya b.) Pastoral c.) Soliranin d.) Hibais
10.) Awit sa pakikipagdigma.
a.) Dalit b.) Bung-aw c.) Kumintang d.) Dapayanin
11.) Ang awit na ito ay tungkol sa pagpapakasal.
a.) Kundiman b.) Diona c.) Bansal d.) Soliranin
12.) Ito ay tungkol sa awit ng mga patay.
a.) Soliranin b.) Dapayanin c.) Hibais d.) Bung-aw
13.) Ang layunin ng teoryang ito ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa
Homosexual.
a.) Feminismo b.) Queer c.) Eksistensyalismo d.) Kulutral
14.) Layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.
a.) Moralistiko b.) Humanismo c.) Bayograpikal d.) Sosyolohikal
15.) Ipinapakita dito ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-
akda.
a.) Markismo b.) Sosyolohikal c.) Romantisismo d.) Saykolohikal/Sikolohikal
16.) Uri ng teoryang pampanitikan na binibigyan ang pagkilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
a.) Klasisismo b.) Romantisismo c.) Naturalismo d.) Feminismo
17.) Binibiyang-diin ng uring ito ang kasaysayan ng isang akda.
a.) Nobela ng Tauhan c.) Nobela ng Kasaysayan
b.) Nobela ng Romansa d.) Nobela ng Pangyayari
18.) Uri ng Maikling Kwento na pumapaksa tungkol sa mga nangyayari sa isang particular na
lugar.
a.) Pangkapaligiran b.) Pangkaisipan c.) Pangkatutubong-kulay d.) Sikolohikal
19.) Ito’y batay sa Alamat ng singsing ng isang prinsesa na inihulog sa dagat upang
mapangasawa niya ang kasintahang mahirap.
a.) Duplo b.) Karagatan c.) Balagtasan d.) Epiko
20.) Ito’y isang pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon hinggil sa suliranin o paksa.
a.) Saynete b.) Parsa c.) Sanaysay d.) Anekdota
II. Pagkilala
Punan ang patlang ng tamang sagot.

__________1.) Naglalarawan ng pamahalaan, kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.


(Arabya at Persya)
__________2.) Tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.
__________3.) Ang sumulat sa aklat na ito ay si Harriet Beecher Stowe.
__________4.) Ito ay ang aklat ni Geoffrey Chuce na naglalarawan sa pananampalataya at pag-
uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
__________5.) Sinulat ni Homer na kinatutuhan ng mga mitolohiya at Alamat ng Gresya.

1 Peter 5:8
“Cast your anxiety on Him because He cares for you.”

Inihanda ni:
Bb. Marjorie O. Malinao, LPT
ANSWER KEY IN PRELIM
1.) D
2.) C
3.) C
4.) B
5.) C
6.) D
7.) B
8) C
9.) A
10.) C
11.) B
12.) D
13.) B
14) C
15.) B
16.) D
17.) C
18.) A
19) B
20.) C
II.
1.) ISANG LIBO AT ISANG GABI
2.) MAHABHARATA
3.) UNCLE TOM’S CABIN
4.) CANTEBURY TALES
5.) ILLIAD AT ODYSSEY

You might also like